TFTM: Special Chapter

15 2 14
                                    

* Memorable Night *

Shayne's POV

Ang alam lang talaga namin ay 1-Day event ang B.A. Day pero dahil sa marami ang nagtatanong o nagrerequest sa amin na magkaroon ng Acquiantance Party, mapa-Facebook o kaya naman ay sa mga nakakasalamuha namin, inilapit namin ito sa aming Dean na mabuti na lang ay open-minded siya na pag-usapan ito.

Nagkaroon pa nga kami ng biglaang pagpupulong ukol rito dahil sa wala naman ito sa listahan ng mga aktibidades sa nasabing event at tanging ang morning seminar at quiz bee lang ang pinayagan nila na gawin namin.

Alam ko naman na late na ito kung tutuusin dahil ayon sa naresearch ko ay ginaganap ito tuwing opening ng klase sa Kolehiyo kaso sa sitwasyon namin, sa huling buwan pa ng taon ito magaganap pero since wala namang nangyaring JS Prom noong highschool ay na-eexcite rin ako para dito.

Hindi ko nga alam kung ano ba itong Acquiantance Party na ito pero ramdam ko na may magandang mangyayari.

"Nasaan na ba si Daniel?" tanong sa akin ng aming Dean, si Mrs. Valle. Nilapitan ko siya at saka bumulong, "Ma'am. . May kinuha lang po sa classroom. Nakalimutan niya po raw kasi dalhin yung program for Acquiantance Party po," pagdadahilan ko.

Narito ako ngayon sa faculty room ng College of Business & Accountancy. Nakakakaba kasi pumunta rito dahil sa marami kang makikitang mga worksheets and practice sets na mga profs mismo ang nagchecheck. Mapapaisip ka pa na baka kabilang sa mga nichecheck nila yung gawa mo dahil nga kamakailan lang ay pinagawa kami ng isang financial statement. Kahit na isang buwan lang iyon, napakaraming hiningi na notes na kung saan ito yung magpapatunay na tama talaga ang ginawa mo.

"Okay so sa conference room natin ituloy ang pag-uusap while waiting for Daniel," wika niya saka tumayo at agad na nagpunta sa naturang silid. Hindi na ako sumagot sa halip ay sinundan ko na lamang siya. Pagpasok namin sa Conference Room ay agad kong binuksan ang mga ilaw at saka naupo sa isa sa mga bakanteng upuan rito.

Dahil sa unang beses pa lang ako makakapasok rito ay inilibot ko kaagad nang tingin ang paligid. Namangha ako sa ganda at lawak ng kwartong ito.  Para tuloy akong a-attend ng business meeting dahil kumpleto sa mga gamit. May white board, projector, mga inumin at mga snacks pa.

"Magandang hapon po! Pasensya na po kung nahuli ako ng dating," sabi ng isang lalaki mula sa likuran ko. Hinawakan pa niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Sakto naman na nakangiti ito kaya panigurado ay namula bigla ang aking mukha kaya umiwas na ako ng tingin. Matagal siguro akong namangha sa kwartong ito kaya hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto.

"Ayos lang iyon pero dala mo na ba ang sinasabi mong plano?" bungad na tanong sa kanya ni Mrs. Valle pagkaupo na pagkaupo nito sa tabi ko.

"Yes po. Tignan niyo po ito at paki-double check na rin kung may mga nais kayong idagdag o alisin," sagot niya sabay abot ng papel sa kanya. Nagkatinginan pa kami ni Daniel dahil sa bigla nito hinawakan ang kamay ko. I even mouthed,"STOP!" kaso hindi niya ako pinakinggan at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak dito.

"So far. .  Wala naman akong nakikitang mali pero tanong ko lang, kaya pa ba natin mag-afford ng banda gaya ng Spanish Bread? Since biglaan lang ito at gaganapin na ito sa huling araw. Napaalam ko na rin ito sa mga nakakataas at pumayag sila na mag-extend ng araw para sa B.A. Day. After ng Business Seminar sa umaga ay papayagan natin na umuwi ang mga estudyante at bumalik na lang sa hapon para sa Acquiantance Party," komento ni Dean habang tinitignan ang papel na naglalaman ng mga aktibidades at budget na rin na magagastos.

"Kaya naman po tutal mga kaibigan ko naman po sila at pumayag na rin po na magtatanghal sila at approval niyo na lang po ang hinihintay," sagot ni Daniel. Nakahinga naman ako ng maluwag ng bitawan na niya ang kamay ko dahil sa tumayo ito at nagpunta sa may board para idetalye pa lalo ang nilalaman ng pinasa niya.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now