Chapter 17 - Kung Ako Na Lang Sana

886 31 10
                                    

***Dedicated kay DONNA GRACE TUGADE sa kanyang todo suportang PAGBABASA sa TFTM :) thanks ah at keep reading :)

I-play niyo ang mv sa gilid para mafeel ang update :) thanks for continue reading :) hehe :) Sorry sa late update ah :) Naging busy lang ako nito lately eh at pinag-iisipan kong mabuti ang i-uupdate ko :) Sana magustuhan nio :) Inedit ko nga pala ang spacing sa chapter nito :) reduce ko muna ang spacing para mas lalong mafeel :) 

********************************************

" Kung Ako Na Lang Sana "

- Daniel's POV -

Maya-maya pa'y pumasok na ang Prof namin. Si Dean Valle. Pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom ay agad siyang naupo sa teacher's table at saka inilapag ang kanyang bag.

Napalingon ako kay Shayne. Kahit na bakas sa kanyang mga mata ang dinaramdam na lungkot sa pagkawala ng taong mahal niya, pinipilit niyang kalimutan si Kris at ipakita sa mga kaibigan niya na hindi siya apektado.

Biglang lumingon si Shayne sa akin na nakangiti.

" Bakit? May problema ba? Napansin ko kasi na nakatingin ka sa akin. Sabi niya sabay kuha sa bag ng libro niya.

Matagal bago ako nakasagot. Kahit na nakangiti siya, hindi niya parin maitago ang katotohanan.

Kung nauna lang ako dumating kay Kris, eh di sana, hindi ka nahihirapan ng ganyan. Eh di sana, lagi kitang nakikitang masaya, nakangiti.

" Ah wala naman. Nevermind! "

" Ang taray talaga oh! Tsk2 " Sabay tingin sa libro na kunwari ay nagbabasa. Nilagay na ni Dean Valle ang kanyang lapel. Hudyat n a yun na magsisimula na ang klase. Pero bago siya magsimula magturo ay may kinuha siyang maliit na papel sa bag niya.

" Siya nga pala, malapit na ang Final Exam naten. Kailangan niyo nang maisettle ang 5th Installment para magkarun ng Final Exam Permit. "

Oo nga pala, finals na. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang ay pasukan namin, ngayon, matatapos na ang isang trime.

" Excuse me po, Dean, pwede po ba mag-announce? " Sabi ng isang kapwa namin estudyante na nakatayo sa pintuan ng

classroom namin. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Nagtaka na lang ako nang biglang kumaway sina Renz dito.

" Hi! Marinela . Ikaw pala yan. " Sabi ni Renz. Sa halip na magsalita ung kausap ni Renz ay pumasok na lamang ito sa room namin dahil sinenyasan siya ni Dean Valle na pumasok.

" Good Morning sa inyo! " Bati niya sa amin habang nakangiti.

" Good Morning din! " Sagot ng klase.

" Siguro naman, may nakakakilala na sa akin dito. Ako nga pala si Marinela Noneth Fon, 3rd year student. Bs Accountancy din ang course ko kagaya niyo. Naparito ako para i-announce ang ilang mga bagay. " Sabay lapit kay Dean at kinuha ang maliit na papel na hawak niya at saka binasa sa buong klase.

" Magkakaroon tayo ng Free Tutorial sa lahat ng Business Related Courses para sa mga nahihirapan sa Accounting Subjects nila at sa mga related Subjects nito. Pangalawa, naghahanap ang College of Business and Accountancy sa mga students na gustong makilahok sa darating na Intrams sa katapusan ng buwan n a to. I think mga August 21 yata gaganapin ang Intrams. At lastly, nabago ang sistema nang pagpili sa mga estudyante kung dapat pa ba nilang ipagpatuloy ang course na Accountancy. Kung naririnig niyo na ang salitang " Q. E ", gaganapin ang Qualifying Exam 1 week before the Final Exam these trime. Ang coverage ay kung ano lang ang Accounting Subjects na nakuha niyo na. For more infos, approach Dean Valle and Prof. Estrada. Yun lang po. Thanks sa time na nilaan niyo at kay Dean. "

Thanks For The Memories (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora