Chapter 22 - Letter

709 23 6
  • Dedicated to Dannahrichelle Acidre
                                    

" Letter "

- Shayne's POV -

Pagkatapos namin kumain ni Kris ay nagpasya na kaming umuwi. Nagmamadali kasi siyang umalis at makikipagkita pa siya kay Joyce dahil mag-date daw sila ngayon.

Ako naman ay nagpasya ng sumakay ng jeep para makauwe na rin.

Pasado 5pm na din kasi nang lumabas kami ng mall.

After nang pag-uusap namin kanina medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Yun lang pala ang sagot sa 5 months kong pagdurusa.

Nagpakatanga pa ako.

Nagtataka lang talaga ako sa sarili ko dahil bigla nawala lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero. .

Parang may nangyari himala?

Haist . .

Wala pang 15 minutes nang makarating ako sa bahay. Agad agad akong pumasok at nagmamadaling pumunta sa kwarto.

Paano kasi pagod na pagod ako!

At gusto ko nang magpahinga.

Agad kong binuksan ang pinto at inilapag sa study table ko ang dala dala kong bag at mabilis na nagpunta sa walk in closet ko para makapagpalit nang damit.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nagpunta sa kama para mahiga at magpahinga.

" Makatulog nga muna. Para mamayang 10pm ay makakapag-usap kami ni Nicko ng matagal. Tutal wala naman kaming quiz at assignment. " Sabay kuha sa pillow ko, yinakap ito ng mahigpit at ipinikit ang aking mata.

*****

Lumapit si Renz sa akin na may dala dalang sulat.

Aakalain mo na love letter siya dahil nakasulat sa isang colored paper na sinamahan pa ng red envelope.

Agad ko namang kinuha yung sulat at tinignan.

" Ano naman yan? " Pagtatanong ko.

" Ano sa tingin mo? Eh di sulat. S-U-L-A-T . "

" Hindi mo na kailangan i-spell ! Alam ko naman na sulat yan eh! Ano ba gagawin ko dyan? At sino naman nagpapabigay niyan sayo? " Sabay kuha ng sulat kay Renz.

" Kay Daniel. Siya una na ako. May gagawin pa ako. " Sabay lakad palabas ng classroom.

**********

-_-

-_o

o_o

Tama ba ang nakita ko sa panaginip ko?

May sulat na ibinigay si Daniel saken?

Bumangon ako bigla mula sa pagkakahiga ko at patakbong pumunta sa study table ko para i-check ang bag ko kung may sulat nga ba akong inilagay dito kanina.

Napaisip ako bigla.

Alam ko kanina may iniabot si Renz sa aken na kung ano. Hindi ko lang matandaan kung ano dahil nagmamadali na akong lumabas sa school kanina. Pero ang alam ko, inipit ko ung binigay ni Renz sa akin sa notebook ko.

Dali dali kong binuksan ang bag ko at agad kong kinuha yung notebook ko.

Pagkakuhang pagkakuha ko ng notebook ay napansin ko agad na may nakaipit na papel dito kaya agad kong binuklat ang notebook ko sa pahina kung saan may nakaipit na papel.

Tama nga ang nakita ko sa panaginip ko. May sulat nga na pinabibigay si Daniel kay Renz pero ang pinagkaiba lang nila ay gawa sa yellowpaper ang sulat ni Daniel.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now