Chapter 32 - His Secret Identity Part 1

602 15 1
  • Dedicated to Evangeline Palo Balbin
                                    

****Dedicated to: Evangeline Balbin dahil nagrequest ng dedication sa akin :') Para fair sa kanilang tatlong magkakaibigan, dapat daw may dedication din si Lynie Dilidili kaya sa next chapter, sayo ang dedication :')


***For clarification: Hindi ko kinopya ang nilalaman ng kwento ni MMLazygirl03 na HER SECRET IDENTITY dahil sa posibleng maging parehas ang chapter na ito ang flow ng story niya. Sariling ideya ang pinagana ko dito at hindi pangongopya. Thank you.


******************

" His Secret Identity Part 1 "

- Daniel's POV -

" Hindi ako magagalit sayo kasi magsasabi ka ng totoo. "

" Oo naman! " Bigla kong sagot sa kanya. Medyo nangangamba kasi ako sa posibleng mangyari kung sasabihin ko na ba sa kanya kaso ang iniisip ko ay si Renz!

" Eh ano ba yung sasabihin mo ha? "

Aamin na ba talaga ako sa kanya? Na ako at si Mr. Walangpera ay iisa? Hindi naman siya magagalit gaya ng sabi niya kanina pero ang tanging iniisip ko lang ay baka masaktan siya lalo na't malalaman niya na inutusan lang ako ng EX BOYFRIEND niya na pagtripan siya para pagtakpan ko ang kasalanang ginawa niya. At mas masakit para sa kanya na ako ay pumayag sa kagustuhan ni Kris. Pero makakaya ba nang konsensya ko na hindi sabihin sa kanya ang totoo? Haist!

Sa panahon pa naman ngayon ay kailangan ni Shayne ng proteksyon. Nararamdaman ko na may binabalak na hindi maganda ang kaibigan niya lalo na't ang laki ng galit ni Renz sa akin! 

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Inisip ko munang mabuti ang mga salitang bibitawan ko sa kanya para sa gayon ay hindi siya gaano masasaktan.

" Ahm. .  May kilala ka bang Mr. Walangpera? Yung dati mong kaclanmate? " Panimulang tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya sa tanong ko kaya agad agad din siyang sumagot.

" Oo! Kilala ko siya! Bakit? "

" Wala naman! Gusto ko lang malaman. Ahm. .  Nakakatext mo pa ba siya? "

" Bihira na nga lang eh! Bakit ka ba nagtatanong tungkol sa kanya ha? Kilala mo din ba siya ha? " Medyo tumaas ang tono ng pananalita ni Shayne kaya pinagtinginan kami ng mga kasama namin sa jeep na sinakyan namin.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now