Chapter 31 - Important Announcement

621 18 7
                                    

****Dedicated kay misterdisguise :) Thanks for making a fansign and doodle :) Ang kanyang gawang fansign at doodle for this story ay nasa right side of the screen :) 

Enjoy reading guys :)

*********************************

" Important Announcement " 

- Shayne's POV -

***2 weeks later***

Naging palaisipan sa akin ang eksenang nakita ko 2 weeks ago. Hindi ako makapaniwala na magkakilala sina Kiro at Nicko pero ano ang relasyon nilang dalawa? Sa tuwing nakikita ko si Kiro at paulit-ulit na tinatanong kung ano ang relasyon nila ni Nicko sa isa't isa pero paulit-ulit din siyang tumatanggi.

" Calling all BSA Students please proceed to AVR immediately. "

Pinapatawag na pala kami sa AVR. Ngayon na daw kasi sasabihin ang mga nakapasa sa Qualifying Exam at may important announcement din daw ang Dean sa amin. Malamang tungkol ito sa B.A Day na ioorganize naming dalawa ni Daniel. Agad akong pumunta sa AVR pagkapasok na pagkapasok ko palang sa campus. Nadatnan ko ang tropa at mga kaklase ko na papasok na sa loob. Sumunod na din ako sa kanila. Magkakatabi ang tropa at syempre as usual, sa tabi na naman ni Daniel ako umupo. Palagi na lang kasi akong walang magawa at nahuhuli ako ng dating kaya siya na naman ang katabi ko at kaya araw araw ay naiilang na kinikilig na ewan ang nararamdaman ko!

Maya maya pa ay pumasok na ang Dean namin na may dala dalang brown envelope na naglalaman siguro ng mga passers sa Qualifying Exam. Kinuha niya ang mic na nasa sahig.

" May I caught your attention please! Hawak ko na ngayon ang resulta ng Qualifying Exam. Ang lahat ng tatawagin kong please stand up. In random order ang pagtawag ko. "

" Yes, maam! "

Bigla ako kinabahan. Baka kasi hindi ako pumasa eh in random order pa naman ang pagtawag niya. Wala kasi siyang binigay na specific category kung ang mga tatawagin niya ay mga pumasa o hindi. Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko at pinisil ito.

" Huwag kang kabahan. " Sabi ng lalaking katabi ko.

" Ok. " Ningitian ko siya para hindi ako kabahan.

" Balistoy, Arliza Grace; Arsenal, Charlene; Balbin, Evangeline; De Torres, Rodwilliam Jefferson at Villareal, Regin; Dilidili, Lynie; Esterosa, Rachel; De Belen, Abbie Mae; Carolina, Ronnel; Tugade, Donna Grace; Carilla, Kassandra Mae at Zapanta, Julie Ann. "

Tumayo ang mga kaklase ko ng tawagin ang mga pangalan nila. Lahat sila ay halata mo sa mga mukha nila na kinakabahan din sila kagaya ko. Napawi lang ang kabang iyon ng dugtungan ng Dean ang sinabi niya kanina.

" Lahat ng tinawag ko ay . . MGA PUMASA SA QUALIFYING EXAM . . Congratulations sa inyong lahat. " After nilang marinig yan ay nagyakapan sila sa isat isa at ang mga mukha nila ay napalitan ng saya at tuwa. Pero kaming magkakatropa at si Daniel ay hindi pa din tinatawag. Nag-ingay na din ang mga kaklase ko para i-congratulate ang mga unang tinawag na katao na pumasa sa Qualifying Exam kaya naman ang Dean namin ay agad na nagsaway sa kanila at ipinagpatuloy ang pagtatawag ng mga pangalan.

" Ang unang grupo na tinawag ko ay mga pumasa sa Qualifying Exam so ang buong klase niyo ay pumasa! Kaya naman, mula sa faculty ng College of Business & Accountancy ay lugod namin kayong binabati. " Nakangiti niyang sinabi. Kaya naman agad kong niyakap si Daniel.

" Yes! Daniel pasado tayo. Hindi ko akalain papasa tayo! Thanks talaga ha! "

" Wala yun! Basta ikaw! "

Naramdaman ko naman na niyayakap na rin niya ako kaya naman napahigpit ang pagyayakapan namin.

" Ehem! " Narinig kong sabi ng tropa. Mga seryoso ang mukha nila. Ni hindi ko man lang nakita sa kanila na tuwang-tuwa sila. Kaya naman agad ko silang nilapitan.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now