Chapter 28 - Prepared

639 24 1
                                    

***Una sa lahat, happy 1st anniversary sa amin ni Watty noong October 12, 2012 :') Actually, dapat last friday pa ang update na ito kaso dahil sa nagkaevent ang College na kinabibilangan ko sa school :') Siya, iyan muna ang update sa Author's Note sa itaas :')

Enjoy reading guys :')

******************* 

" Prepared "

- Shayne's POV -

Ang aga ko pumasok ngayon para lang magbasa. After ng nangyari sa review session namin ni Daniel ay nagtiyaga akong magbasa ng accounting book sa bahay at itry na sagutan ang mga tanong nito. Ganoon nga ang ginawa ko araw araw kahit ngayon na nasa school na ako at bukas ang naturang exam. Agad kong inilabas ang calculator, ballpen at papel. Sulitin ko na ang oras na wala pa ang mga magugulo kong tropa at kaklase at sa gayon ay makapagconcentrate ako.

Binasa ko ng tahimik ang tanong. Medyo may kahirapan ito kaya kailangang pigain ang utak ko at ilabas ang mga napag-aralan ko. Tinake down ko muna ang lahat ng account titles na nakita ko at saka nag-isip kung paano nga ba sasagutan ang problem na ito.

*isip.isip.isip*

Ilang minuto ang lumipas bago ako makapag-isip ng solusyon sa sinasagutan ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagsolve. Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga yabag. Sensyales na yan na dumadating na ang mga kaklase ko. Patuloy lang ako sa pagsasagot ng maramdaman kong my nakatayo sa harapan ko.

" Wow! Iyan pala epekto ng ginawa natin nung isang gabi. " Medyo malakas ang pagkakasabi niya. Kung hindi ako nagkakamali, si Daniel ang nagbitaw ng pahayag na yan at naramdaman ko din na umupo na siya sa tabi ko.

" Ha? May nangyari sa inyo ni Daniel? " Sabi ni Christine na gulat na gulat. This time iniangat ko na ang ulo ko dahil tapos na ako magsagot at ng tsinek ko ay tama naman ang sagot.

" Hindi nga, Daniel? May nangyari sa inyo ni Shayne? " Pagtatanong ni Mhel. Nagsipuntahan na sila sa mga upuan nila at nang mapansin nila ako ay binigyan nila ako ng MAGPALIWANAG-KA-LOOK.

" Ah. . Eh. . " Paano ko nga ba sasabihin yung nangyari samin ni Daniel?

" May nangyari samin ni Shayne. Sarap na sarap nga siya eh. " Pagdudugtong ni Daniel na inakbayan pa ako at nagsmirk.

" Oo. May nangyari nga samin ni Daniel. " Pagpapatuloy ko sa sinasabi ni Daniel. Nakaakbay pa din sa akin si Daniel at kitang kita ko na may binabalak siya.

" Hindi nga, Shayne? Totoo ba sinasabi ni Daniel na may nangyari sa inyo! Eh di nakuha na niya ung v-card mo!" They said in chorus.

Iba na talaga ang pag-iisip ng mga tao ngayon! =_=" Nagiging green minded na. Kaltukan ko kaya ang mga ito nang matauhan!

Dahil sa narinig namin ni Daniel ay nagkatinginan kami at sabay na tumawa.

" Hahahaha! Ano bang pinagsasabi niyo dyan! Mali kayo ng iniisip! " Sabi ko sa kanila na patuloy pa din sa pagtawa.

" Eh ano yung nangyari sa inyo nung isang gabi? " Sabay nilang sinabi na nakataas ang isang kilay.

" Hahahaha! Ang aga aga pinapatawa niyo ko! Malamang nag-review! Bukas na kaya yung Qualifying Exam tapos hindi pa ako magrereview? Hahaha. Nagpapasalamat nga ako dito kay Daniel at dahil doon sa nangyari eh nagpursige akong magreview. " After nila marinig ang pahayag ko ay naglabas sila ng malalim na buntong hininga at napansin ko na tanging si Renz lang hindi nag-react. Inalis na rin ni Daniel ang pagkakaakbay niya sa akin at ningitian ako.

Dahil sa ginawa niya ay biglang tumibok ang puso ko.

>///<

Bakit ba sa tuwing ningingitian, hinahawakan ang kamay ko at gumagawa siya ng way para mapalapit sa akin ay kinikilig ako ng sobra? Lalo na nung sinabi niya sa sulat na, IM FALLEN FOR YOU, SHAYNE! Kyaah! >.< Mababaliw yata ako sa nangyayari ngayon! Ibig sabihin ba nito, nakalimutan ko na talaga si Kris? Kung sa ganon, pwede na ako magmahal ulit at sa tingin ko, nagkakagusto na ako kay Daniel at the same thing kay Nicko at tanggap ko na na mag-bestfriends na lang kami ni Kris. Ang tanong, am I ready to love and be loved?

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now