Chapter 4 - Love at First Sight??? (UPDATED - 7/23/14)

1.1K 41 13
  • Dedicated to Maribel Espiritu
                                    

**Dedicated to Maribel Espiritu sa walang sawang pagkumbinsi sa akin na lagpas 30 chapters daw gawin ko :) hehe

Enjoy reading :)

**********************************

"Love at First Sight"

- Nicko's POV -

Abala ako sa paghahanap ng masusuot dito sa kwarto ko nang makatanggap ako ng tawag galing kay Tita Audrey, nanay ni Alwyna.

Calling... Tita Audrey

"Nicko, bukas pumunta ka sa hoouse. May party kaming inihanda for Alwyna. See you there." Masiglang sabi niya sa akin.

"Sige po. After ng taping ako pupunta." Sabi ko sabay putol ng tawag.

Oo nga pala, gumadweyt ng High School si Alwyna. Sobrang saya pa nga ni Tita Audrey nang makita kong umakyat siya sa stage kasama si Alwyna para kunin ang diploma nito.

Nagpunta kasi ako sa graduation niya pero syempre nakapang-disguise ako. Mahirap na kapag pinagkaguluhan ako. Lalong mas mahirap if maagaw ko pa ang atensyon ng mga tao.

At dahil nga sa unica hija anh aking pinsan, they celebrated her achievement.

Tinupad ko naman ang promise ko kay Tita Audrey. I came at the party.

Hindi na ako nagtaka kung bakit maraming press ang nakapalibot sa paligid at agad na kumuha ng mga litrato sa mga taong pumapasok sa venue at maging sa akin.

Sa ngayon kasi, hindi kasi ako nag-disguise.

Gusto ko ipaalam sa lahat na maging sa simpleng family and friends gathering ay pumupunta ako.

Ginawa ko na lang ay tamang kaway lang ako sa kanila at humanap ng mauupuan.

That time, may pinatugtog silang kanta.

Alam ko, ito ang favorite song ni Alwyna dahil sa twing nakasakay siya sa kotse ko o pumupunta sa condo ko, laging ito ang pinapatugtog niya.

Medyo hininaan nang kaunti ang tugtog para hindi makaistorbo sa mga bisita. Kasabay ng kanta ay may narinig akong kinakanta ang lyrics.

Malinaw na malinaw kong narinig ang pagkakakanta niya.

~~~~~~~~~~~~~~

Di ko maintindihan

Ang nilalaman ng puso.

Tuwing magkahawak 

Ang ating kamay

Pinapanalangin na lagi 

Tayo magkasama

Hinihiling bawat oras

Kapiling ka.

~~~~~~~~~~~~~~

Ang ganda ng boses niya. Aminado ako sa sarili ko. Maski ako na isang singer din, hindi makapaniwala sa narinig.

Actually na amaze ako sa boses niya. Soft and smooth ang voice niya na halos bumalot sa aking pagkatao. Hindi ko na napigilan ang self ko.

"Ang galing! I love your voice! That's wonderful!" Bigla kong sabi sabay tayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya.

Naghiyawan na naman ang mga bisita. Panay pa rin ang pagkuha ng picture. Nilapitan ko siya bilang isang taong humahanga sa kanyang voice.

"Hi. Im Nicko. Ang ganda ng voice mo!" Sabi ko sabay lahad ng kamay sa kanya.

"Th-thank you." Nahihiyang sabi niya kaya agad kong binawi ang kamay ko.

Halata mo sa kanya ang kaba at gulat sa nangyayari.

Ningitian ko na lang siya at nag-blush naman siya kaagad.

Napakaganda niyang tignan.

Ngayon lang ako nakakita ng babaeng simple lang manamit pero apaw na apaw ang kanyang kagandahan.

After that party, halos hindi ako makatulog. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina.

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko that time. Magdamag akong nag-isip hanggang sa nakatulog na pala ako.

Mabilis lumipas ang mga araw at pagkatapos ng taping ko ay tinawagan ko si Alwyna.

This time, alam ko na sa self ko na I really like her. Sa loob ba naman ng isang linggong hindi siya mawala sa isipan ko hindi ko pa ba masasabi na GUSTO KO SIYA?

Kaso hindi ko naman alam ang name niya at sa pagkakatanda ko, kaibigan siya ni Alwyna.

"Hello? Who's this?" May halong pagtataray ang pinsan ko nang sagutin niya ang tawag.

Kahit na mabait siya, marunong din siyang magtaray sa  mga taong hindi niya kilala at lalong gustong makasama.

Nakalimutan ko, private numkber ko pala ito at hindi ito alam ni Alwyna.

"Alwy.... Kamusta? Si Kuya Nicko mo ito." Mahinang sabi ko.

Ngayon, sasabihin ko na sa kanya kung bakit ako tumawag.

Handa ko na sabihin kung ano ang pakay ko. Napansin kong hindi na nagsasalita si Alwyna kaya't I try my best to break her silence.

"Alwy... Bakit hindi ka na nagsasalita?"Pagtataka ko. Bigla kasi siya natahimik.

"Bakit ka napatawag? May problema ba?" Kinakabahan ako pero sasabihin ko pa din.

"Can you do me a favor? I think, gusto ko na siya. Hindi naman ako makaporma gawa ng busy sa tapings. Pwede mo ba ako tulungan na makilala pa siya?"Mahinahon pero pabulong kong sabi sa kanya.

"What!" Pagtataray ko sa kanya.

Halata mong gulat siya sa sinabi ko. Natawa naman ako sa reaction niya.

"Alwy... It's okay ba na gawin mo yung favor ko?"Pagtatanong ko na may halong kaba.

" Sana pumayag ka, Alwy! I want to know her more." Iyan ang isinisigaw ng isipan ko ngayon.

"Ahm... I will try but Im not promising you na magiging kayo. Hindi ko hawak hawak ang puso't isipan niya."

Nakaramdam ako ng sudden pain doon sa sinabi niya.

Tama nga naman siya. HIndi ko hawak ang puso't isipan niya. Sa huli, siya pa din ang magdedecide kung sino ang mamahalin niya. But I try myself to smile.

"Okay. Asahan ko yan ha?" Mahina pero may halong pagtatampo at kalungkutan ang boses ko nang sabihin ko yan.

Binaba ko na lang tawag kahit na nadidismaya.

Hindi lang dapat si Alwyna ang gagawa ng paraan.

Dapat kumilos din ako.

Mahirap talaga ang umasa.

Kaya nasabi ko na lang sa self ko na hangga't hindi ko nakikita siyang masaya, hindi ko siya ipapaubaya. Paglalaban ko siya.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now