Yaz feel be like
Ano ba itong aking nararamdaman?
Maging aking kinikilos ay 'di na malaman,
Bakit tila bigla yata kong naguluhan?
Sarili ko kung minsan ay 'di ko na maintindihan.
Kaylabo yata ng aming naging umpisa
Sino nga ba ang umaasa at nag-papaasa?
Sa kanyang mga mata may lungkot akong nababasa,
Hindi ko yata kaya masaktan sa kanila ang isa.
Pangarap ko na ang sariling nadarama ay matugunan,
Aking pangungulila ay kanya ring napupunan,
Pangarap ko, na magkatulad nga kami ng nararamdaman,
Na sana puso at isip n'ya ay ako rin ang nilalaman.