Love Series #1: Signs of Love

By Ayemiiii

263 41 0

Jonas Cleverio is having a trust issue with other people because of his past. He used to not to talk to other... More

N O T E
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 13

6 1 0
By Ayemiiii

Chapter 13




"AHHHH! " sigaw ni Elle sa gulat. Bahagya pa siyang napahawak sa kaniyang dibdib. Pero ang gulat at takot na kaniyang naramdaman Kanina ay Agad na napalitan nang makita kung sino ang lalaking iyon.



Si Xavier pala.



Agad niya itong binatukan.



"Aray! " angal nito.



"Buwesit ka! Papatayin mo ba ako sa gulat? " saad ni Elle.


"Grabe, kahit nagulat ka ang ganda mo pa din. " saad ni Xavier. Inirapan lamang Siya ni Elle.


Umupo muli si Elle sa Bermuda grass. Tinabihan naman Siya ni Xavier 'pogi' kuno.


"Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Elle sa kaniya. Napanguso ang binata doon.


"Pinapalitan ko lang ang couz ko. Ikaw? " balik-tanong niya.



"Nagpapahangin lang. Hindi kasi ako makatulog. " sagot naman ng dalagita. Napatango sa kaniya si Xavier at tumingin sa kalangitan.




Katabi niya ngayon ang dalagitang pinagaagawan ng kaniyang dalawang Pinsan. Napangisi si Xavier. Gusto niyang sabihin ito sa dalawa ngunit alam niyang Baka hindi na Siya sikatan ng araw kapag ginawa niya iyon.




Napatigil Siya sa pag-iisip ng marinig ang buntong hininga ni Elle. Sinipat niya ito at Nakita niya na nakapalumbaba ito sa kaniyang tuhod.




"May problema ka ba? " Tanong ni Xavier. Ngumuso ang dalaga sa Tanong nito.



"Marami. Gusto mo bigyan kita? " pilosopong sagot niya. Napangiwi naman wi Xavier doon.



"Problema mo 'yan e. Bakit mo is-share? " takang tanong niya. Inirapan lang Siya ulit ni Elle.



Napabuntong hininga nanaman ang dalaga.



Napaisip si Xavier. Siguro nga, ganon kalalim at kabigat ang problema niya kaya ganyan Siya. Hinayaan na lamang Siya nito sa kaniyang tabi at hindi na kinulit pa



Samantalang si Elle, todo isip sa kanilang deal. Ano bang kasing naisip niya at pumayag din Siya?



Pera.



Tama iyon. Iyon ang dahilan. Siguro ganon niya lang talaga 'yon ka-kailangan.



Napatingin Siya kay Xavier na katabi nito at pasulyap-sulyap sa kalangitan.



Gusto niyang humingi ng tulong rito tutal ay Pinsan niya naman ang kaniyang boss. Pero, mapagkakatiwalaan niya ba itong isang 'to?



Mas okay pa kasi atang pag sabihan ng dalawa ng mga sikreto.



"Xavier, pwede ba akong Humingi ng tulong? " Tanong niya. Malakas ang kaniyang loob at desidido na din Siya. Kailangan niya nang gawin ang deal dahil Baka mahuli na ang Lahat.



Wala nang atrasan 'to.



"Ano ba? " Tanong ni Xavier sa kaniya.


"Sa Ano kasi... "


"Ano? "


"S-sa Ano.... " hindi magawang ituloy ni Elle ang kaniyang sasabihin. Nagdadalawang isip kasi Siya. Ngayon, naiintindihan niya na ang sitwasyon ng kaniyang sir Jonas. Pero 'yung kaniya sa lovelife samantalang ang kay Elle ay personal.



Personal o kalokohan?



"Kapag hindi mo pa sinabi, hahalikan kita. " Sabi ni Xavier kaya naman napairap si Elle sa kaniya.



"Sabihin na kasi. " pagpupumilit ni Xavier.


"Basta atin lang 'to, okay? "


"Oo. "


"Promise? "


"Promise! "



"Kahit bayagan kita? " napatigil si Xavier doon.



"Walang ganun. " sabi niya. Tumawa sa kaniya si Elle.



"Sige, sasabihin ko na. " sabi niya at huminga ng malalim.


"P-puwede mo ba akong tulungan sa... "


"Saan? "


"S-sa Ano... "



"'Yan ka nanaman e! " inis na wika ni Xavier. Huminga ng malalim si Elle.


"Pwede mo ba akong tulungan k-kay sir Jonas? Pwede mo ba aking tulungan na mapalapit sa kaniya? " tanong ni Elle.


*KATAHIMIKAN*


Bahagyang napakagat-labi si Elle doon. Tila kumislap naman ang mga mata ni Xavier doon at niyugyog si Elle.

"Tamang-tama ka ng hiningan ng tulong, Miss Ganda! " sabi nito.

"Mukha kang Bakla. " sabi ni Elle.

"Ewan ko sa'yo. Gusto mo lang mahalikan kita e. " sabi ni Xavier dito. Inirapan Siya ng dalaga.

"Tse. " saad ni Elle.

Pero, muli nanaman siyang bumuntong hininga.

"May problema ka pa ata e. " dagdag ng binata.


"Eh, sa akin na 'yun. " sabi niya pa.

"Tungkol saan ba? "

"Basta, tungkol din sa ano, 'yung paglapit ko kay Sir Jonas... " humina ng kaunti ang boses ni Elle.

"Hmmm. "


Tumingin muli ang dalaga sa kaniya.

"Pwede ko bang sabihin sa'yo 'to? "

"Oo naman! "

"Mapapagkatiwalaan ba kita? " tanong pa ni Elle. Tumango muli si Xavier.

"Alam mo, Miss Ganda. You can trust me and I can trust you too. " ngiting saad ni Xavier. Tinignan ni Elle si Xavier ng mapanuri. Iba kasi ang naging dating sa kaniya ng sinabi ni Xavier.

"Ay, GM si Elle. " saad ni Xavier. Inirapan niya naman ito ulit.

"Basta, sasabihin ko na sa'yo 'to ah? Kasi baka iba ang isipin mo kung bakit gusto Kong mapalapit kay Sir Jonas. " sabi ni Elle.

Tumango muli si Xavier.

"Sige, Sige. "

"Kasi ganto 'yan. M-may deal kasi kami e. N-nung mga kaibigan ko. 'Yung deal kasi about kay Sir Jonas. Ako lang daw kasi ang nakalapit sa kaniya. " saad nito. Natigilan si Xavier.

Nakalapit?

Ibig sabihin nagkita na Sila noon.

Napangisi ng palihim si Xavier. Naaawa Siya kay James, ang Isa niya pang Pinsan.

"Nakalapit? " kunwareng tanong ni Xavier.

"O-oo. "

"Weh? Paano? " tanong pa ni Xavier.

"Basta! Ang chismoso mo din e. " inis na wika ni Elle.

"Eh paano ko nga maiintindihan kung 'di mo sasabihin. " giit nito.

Napanguso si Elle doon. Mukhang Wala na siyang magagawa.

"Kasi, last week lang. Graduate na ako t-tapos nag-bar kami ng kapatid ko. May party kasi doon at ni-reserve iyon ng kaibigan niya. Tapos kung ano-ano ang pinainom nila sa akin Tapos tinulak ako nila kay Sir Jonas. E-eh hindi ko naman a-alam na boss ko Siya. D-dati akong intern dito p-pero hindi ko Siya nakikita e. " paliwanag ni Elle.

"May kapatid ka? Babae ba? " tanong ni Xavier.

"Oo. "

"Nice. May pag-asa pa. " ngising saad nito. Tinaasan Siya ng kilay ni Elle.

"Excuse me lang, Xavier pogi kuno. Hindi napatol ang mga kapatid ko sa unggoy. " sabi ni Elle. Napaamang si Xavier doon.

"Oh, Sige na. Ano na 'yung sa deal? " katagalan, nagiging interesado na si Xavier. Daig niya pa si Cupid na nagpapana ng dalawang lovers.

"A-ano. Ayun nga, nalaman ko kasing hindi nagsasalita si Sir Jonas kaya ayun. 'Yung deal, kapag napasalita ko Siya, ibibigay nila ang kalahati ng sweldo nila. Dalawa Sila ah? Edi parang isang buong sweldo na din 'yun. Pero kapag hindi ko nagawa, ibibigay ko ang sweldo ko sa kanila. "

"At pumayag ka naman? "

Dahang-dahan napatango Si Elle. Bahagya din siyang pumikit dahil alam niyang magiging bayolente ang magiging reaksyon ni Xavier. Pero sa halip na may gawin ito, nagpakurap-kurap lamang ito sa kaniya.

"H-hindi kaba magagalit sa akin? " takang tanong ni Elle.

"Hindi, bakit naman ako magagalit? "

"Kasi, in-involve ko 'yung sarili ko sa gulo. " saad ni Elle. May punto ang dalaga. Pero Anong magagawa niya kung kailangan niya ng Pera?

"Wala akong oras Para bungangaan ang mga tanga. " sinumangutan Siya ni Elle doon.

"Wow ha, supportive mo. " sarkastikong saad niya.

"Tse! Pero tutulungan kita. Lahat ng sinabi mo, hindi ko ipagkakalat. Your secret is safe in me. " napangiti si Elle.

"Salamat. Gusto ko sanang Magawa na 'yun bukas. " sabi pa ni Elle. 

"Edi sabay ka sa amin ulit bukas sa lunch. " sabi ni Xavier.

"Ha? E-eh gusto ko sana 'yung dalawa lang kami. " sabi pa ni Elle. Tinignan Siya ni Xavier ng mapanuri. Sinamaan niya naman ito ng tingin.

"Uy! Ikaw ah, may gusto kana ata kay Jonas e. " pang-aasar nito.

"Tse! Wala Ano! Kahit Siya pa ang nag-iisang lalaki sa mundo, hindi ko pa din Siya magugustuhan. Atsaka, ang pangit naman kung mag-uusap kami tapos eepal kayo 'di ba? " taas kilay na tanong ni Elle. Napaisip si Xavier.

Oo nga Ano?

"Oh, okay. Masyadong defensive. Kung gusto mo siyang makausap ng kayong dalawa lang. Pumunta ka dito ng ganitong oras. Tambayan niya kasi 'to. Dito Sila nagd-date ng ex niya dati e. " sabi ni Xavier.

"Kaya ba sinabi mo Kanina na Ikaw muna papalit sa kaniya? " tumango sa kaniya ito.

"Eh nasaan ba Siya? " tanong pa ni Elle.

"Hinatid niya si Tallie. " biglang nag-iba ang mukha ni Elle. Kung Kanina ay maaliwalas, ngayon naman ay halos ang mukha nito ay gusto nang pumatay ng isang tao.

Si Ma'am Tallie nanaman. Sarap niyang i-Tallie sa puno.

"Tsh... " kahit mahina, narinig pa iyon ni Xavier.

"Oh? Galit ka din doon? " natatawang tanong ni Xavier.

"Paano ba naman, Siya kasi nakasira ng phone ko e. Banggain pa naman ako. " magkasalubong na ang kilay ni Elle.

"Eh Bakit ka kasi nags-selpon sa daan? " gatong niya.

"Kausap ko kapatid ko. " sabi nito. Tumango si Xavier.


"Bilhan nalang kita ng Bago. Kawawa ka naman. " sabi ni Xavier at bahagyang umiling.


"Talaga?! " masayang tanong ni Elle.


"Oo. " niyakap Siya nito. Napaubo si Xavier doon dahil mahigpit Siya nitong niyakap. Pero Agad din itong natauhan at bahagyang tinulak si Elle.


"'Wag kang Masyadong malapit sa akin. Baka mapatay ako ng dalawa... " mahinang sambit niya.


"Ha? " takang tanong ni Elle.

"Wala, wala. "



--

Dreamerxbtch

Continue Reading

You'll Also Like

453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
1.1M 9.3K 15
NASA DREAME APP ANG KARUGTONG NG STORY NA ITO Real Series #2 - James Lloyd Real
33.9K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
59.5K 1.6K 47
Diemon Ezrael Frezerico, a 28 year old man who's been single since the day he was born. At dahil napakailap niya sa mga babae, he never had a chance...