Love Series #1: Signs of Love

By Ayemiiii

263 41 0

Jonas Cleverio is having a trust issue with other people because of his past. He used to not to talk to other... More

N O T E
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 9

5 1 0
By Ayemiiii

Chapter 9




Napatahimik silang Lahat na nandoon. Pero Agad na nabawi iyon ng taasan Sila ng kilay ng kasama nung lalaking nakausap ni Elle sa bar. At ang babaeng ‘yun ang nakasira ng kaniyang phone. Salubong na ngayon ang kilay ni Elle sa kaniyang glabella.



“Good afternoon, Sir Jonas. ” saad nung iba. Napanguso si Elle doon. Sir Jonas?



May ginawa ito sa kaniyang kamay habang tinitignan siya ni Tarsier. Anong ginagawa niya? Sign language?




“Magandang tanghali din daw. Gusto lang masigurado ni Sir Jonas na kayo ay kumakain na ngayon dahil ayaw niyang mabalitaan na mayroong nagpapagutom sa inyo. Inaalala niya lang kayo. ” saad ni Tarsier. Tumango ang karamihan Caring pala si Sir Jonas.




Diretso lamang ang tingin nila Pareho. May kinausap naman ang Tarsier Girl at tumayo si Elle. Iniligpit niya ang kaniyang lunch box at uminom na ng tubig. Saktong napadako naman ang tingin niya sa Jonas na ‘yun.





Siya nga talaga ‘yun. ‘Yung lalaking nakausap niya sa bar. Iiwas na sana ito ng tingin nang mahuli Siya ni Jonas na nakatingin sa kaniya. Nanigas sa kinatatayuan si Jonas at sa hindi inaasahang pangyayari ay makikita niya muli ang babaeng nakakuha ng kaniyang atensyon.




Umiwas na ng tingin si Elle dahil alam niyang may kahihiyan siyang nagawa sa lalaki ng gabing iyon. May nasabi siyang salita at ayaw niya nang maalala pa iyon. Kung bakit niya kasi naisipang bumanat ng ganoong linya, napailing si Elle sa kaniyang sarili.




Nang Matapos ang lunch ay Bumalik na Sila sa trabaho. Sakto namang Pareho silang walang lilinisan na kuwarto dahil ayaw magpalinis ng may-ari ng kuwarto. Arte much kuno. At dahil nga wala, iyon ang tamang oras nila Para magpahinga at nag-kuwentuhan.




“Sino ‘yung lalaki Kanina? Pati ‘yung babae? ” tanong ni Elle.




“Nag-intern ka dito tapos hindi mo Sila kilala? ” takang Tanong ni Aki. Hindi din naman niya iyon nakakita dito noon.




“Eh kasi nga Aki, wala si sir nung nag-intern Siya dito. ” saad ni Brenda. Tumango si Aki.




“Pero Sila Sir Jonas iyon at Ma'am Tallie. Si Sir Jonas ang may-ari at CEO nitong hotel na ito. Si Ma'am Tallie naman ay ang kaniyang assistant. ” paliwanag ni Brenda. Tumango Sì Elle.




“Bakit? Crush mo si Sir Ano? ” pang-aasar ni Aki. Agad na umiling si Elle.




“Hindi ah! Nakilala ko lang kasi Sila Pareho. Sa isang lugar...” wika ni Elle. Agad na nanlaki ang mata nung dalawa.




“Talaga? Naku, ang swerte mo pala! Nakausap mo? ” tumango si Elle sa sagot ni Brenda. Mas lalong nanlaki ang mga mata nila.




“Hala, hindi nga? Ang swerte mo Talaga! Saan kayo nagkita? ” tanong ni Aki.




“Oo nga! Atsaka si Ma'am Tallie lang naman nakausap ko. Nung si Sir Jonas kqsi hindi ako inimikan. Snobber e. At nagkita kami ni Sir Jonas sa isang bar. Umiinom Siya nun, eh alam niyo ang mga Kapatid ko ‘di ba? Tinulak nila ako sa kaniya kaya napilitan akong kausapin Siya. ” sabi ni Elle. Agad na kinilig ang dalawa. Nagtataka na si Elle dito, Ano namang nakakakilig doon sa kaniyang kinwento?




"Eh, ‘yung kay Ma'am Tallie? ” tanong ni Brenda. Napangiwi si Elle nang maalala niya ang pangyayari sa mall.





“Siya lang naman ang nakasira ng phone ko kung kaya‘t ‘di ko nasasagot ang tawag niyo. ” sabi ni Elle. Napaawang ang labi ng dalawa.





“Seryoso? Paano? ”




“Nabangga niya ako at nung time na ‘yun ay kausap ko sa cellphone ko si Ashanta. Nahulog Siya at nabasag. Nagkasagutan din kami ng Tarsier na ‘yun. ” sabi ni Elle at Tumawa.




“Wow! Ikaw pa lang nakagawa nun kay Ma'am Tallie! At Tarsier? Grabe ka! ” saad ni Aki at Tumawa.




“Pero, may tanong ako. ” saad ni Elle sa dalawa.



“Ano naman iyon? ” tanong nung dalawa.



“Bakit hindi nagsasalita si Sir? Nags-sign language lang Siya e. Ano ba Siya, pipi at bingi? ” tanong ni Elle. Nagpakurap-kurap ang dalawa sa kanilang mga mata.





“A-ano kasi... ” saad ni Aki.




“Ah, eh... ” nakakunot ang noo ni Elle sa dalawa.



“Ano nga? ”



“Hays, ganto kasi ‘yan. Dati hindi naman ganiyan si Sir e. Hindi Siya pipi o kahit bingi. Sadyang may malalim na dahilan lang. ” saad ni Brenda.




“Ano naman iyon? ” Tanong ni Elle. Nadadala na talaga Siya ng kaniyang kuryosidad.




“Kasi dati, si Sir may gusto Siya sa isang babae. Uhm, katulad din natin Siya. Nagt-trabaho dito. Tapos naging Sila nun hanggang sa nalaman ni Sir Jonas na ginagamit lang Siya ng babae dahil sa Pera nito. Nasaktan si Sir at ayun. Parang na-trauma Siya. Hindi na Siya Masyadong nagsasalita. ” paliwanag ni Aki.




“At nung panahong nag-intern ka dito ay siyang pagluwas ni Sir patungo sa Amerika. ” dagdag ni Brenda. Pero kahit ganon ay naguguluhan pa din si Elle.



“Hindi ko ma-gets. ” wika nito. Napasinghap si Brenda.




“Ganto kasi, hindi nagsasalita Sì Sir Jonas sa ibang tao dahil nawalan na Siya ng tiwala sa kanila. Kahit sa amin, sa mga kaibigan niya lang at magulang Siya sumasagot. Sila lang ang nakakarinig pa ng boses ni Sir Jonas. ” saad ni Brenda.




“At kapag nakipagusap si Sir Jonas sa iyo ng hindi ginagamit ang sign language, iisa lang ang ibig sabihin nun. ” saad ni Aki.




“Ibig sabihin, nagtitiwala na Siya sa'yo.... ” napailing si Elle. Sa ganong dahilan lang kung bakit Siya nagkaganon? Kaya mabuti na lamang at hindi niya pa nararanasang magmahal Talaga.




“Kaloka. ” saad ni Elle.





“Hm, gusto mo ba ng dare? ” nakangiting tanong ni Aki. Napatingin sa kaniya Pareho si Elle at Brenda.



“Dare? Ayoko. ” agarang saad ni Elle.



“Edi, deal nalang. ” saad ni Aki.




“Pareho lang ‘yun, kaya ayoko. ” wika ni Elle.




“Bilis Na, pumayag kana! Magugustuhan mo ‘to, promise! ” wika pa ni Aki habang tumango-tango. Tila parang nagkainteres na nga si Elle at pumayag Siya.



“Hm, Sige. ” saad nito.


“Ano ba ‘yang deal na ‘yan? ” singit ni Brenda.




“Ganto, ‘di ba hindi nagsasalita mismo si sir Jonas sa atin? Sign language lang? Paano kung magkaroon tayo ng deal. Dahil si Elle lang naman ang nakalapit kay Sir Jonas, Siya na lang ang Gagawa. ” saad ni Aki. Napanguso si Elle habang tumatango.



“Okay, ganto. Kakaibiganin ni Elle si sir Jonas. Tapos kapag nagawa niyang pagsalitain ito ng hindi gumagamit ng sign language, ibibigay namin sa'yo ni Brenda ang kalahati ng sweldo namin. ” saad ni Aki.




“Paano kung hindi ko nagawa? ” Tanong niya pa.




“Edi, ibibigay mo sa amin ang sweldo mo. Buong-buo. ” wika ni Aki. Napaisip si Elle. Napakainteresante din kasi ng lalaking iyon.



“Hanggang kailan? ” Tanong ni Elle ulit.




“Bago makaalis si Sir Jonas ulit papuntang Amerika. ” nakakunot ang noo ni Elle ulit. Aalis nanamn Siya? Pero Ano bang paki niya? Hindi nga ata Siya kilala nun e.




“Ano deal? ” tanong nila Pareho. Napaisip si Elle at bukuga ng hangin. Wala namang masama kung susubukan niya e. Kaya naman.....




“Deal. ”



--


Dreamerxbtch

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.1M 9.3K 15
NASA DREAME APP ANG KARUGTONG NG STORY NA ITO Real Series #2 - James Lloyd Real
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.8M 55.7K 47
Gwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang...