Love Series #1: Signs of Love

By Ayemiiii

263 41 0

Jonas Cleverio is having a trust issue with other people because of his past. He used to not to talk to other... More

N O T E
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 8

5 1 0
By Ayemiiii

Chapter 8




Lumipas ang isang linggo at ito na nga si Elle, naghahanda na upang pumasok sa kaniyang pinapasukang trabaho. Matapos siyang mag-ayos sa kaniyang sarili ay bumaba na ito at sumalubong sa kaniya ang kaniyang kapatid na naghahanda ng almusal.



Tumungo Siya doon at umupo.



"Mamimiss ka na namin, Ate. " naiiyak na saad ni Lovely. Ngumiwi ang dalawa sa kaniyang sinabi.




"Lovely, magt-trabaho lang ako. Hindi ko kayo lalayasan. " wika ni Elle at kumuha ng pagkain.




"'Wag ka nalang kasi mag-trabaho. " wika pa ni Lovelyn. Umupo naman si Ashanta sa tabi nito at kumuha na din ng pagkain.



"Ano ka Sira? Kung hindi ako magt-trabaho, Anong ipapakain ko sa asawa't mga anak ko? " wika ni Elle. Napahinto ang dalawa sa sinabi nito at nanlalaki ang mga mata.




"Mag-aasawa ka? " Gulat na Tanong ni Ashanta.



"Malamang Oo! Anong tingin niyo sa'ken? Tatandang dalaga? " Inis na wika ni Elle at sumubo ng pagkain.



"Hindi naman pero parang ganon na nga. " sagot ni Ashanta.




"Psh, nagtataka lang ako. May papatol kaya sa'yo, Ate? " painosenteng wika ni Lovely. Agad siyang piningot ni Elle.




"Aray, Ate! Masakit ha. " saad ni Lovely.



"Tsk, Sira! Baka Ikaw 'yun. " saad ni Elle.



"Gusto mo ng kape? " Tanong ni Ashanta.



"Ayoko. " sagot ni Elle habang umiiling.



"Gatas? "



" Ayoko din. " sagot pa din niya. Sumabat naman si Lovely.



"Gatas ng lalaki? " saad nito. Mabilis siyang sinapak ng kaniyang mga ate.



"Aray ha! Ang Sama niyo. Isuaumbong ko kayo kay Ate Theia. " saad ni Lovely. Napahinto ang dalawa. Si Theia ay kanilang ikatlong kapatid. Nasa abroad ito kasama ang kanilang mga magulang at doon din nagt-trabaho bilang nurse. Kagaya sa kanilang mga magulang, namimiss na din nila iyon. Mabilis itong naka-graduate dahil sa kanilang magkakapatid Siya ang pinakamatalino. Nag-qualified Siya kaagad sa mga sikat na unubersidad. At nang makapagtapos ay isinama ito sa abroad.



"Kamusta na kaya ang bruhang 'yon? " wika ni Ashanta.



"Baka mamaya, English-in na tayo pag-uwi nun. " natatawang wika ni Elle.




"Okay lang, ik-korean language ko Siya. Hehe, annyeonghaseyo. " saad ni Lovely.




"Weh, epal. " saad ng dalawa. Sumimangot ito.



"Ang sama niyo. " saad ni Lovely habang naka-pout.



Nang Matapos silang kumain ay umalis na din Agad si Elle. Nagpaalam na Siya sa kaniyang mga Kapatid at binigyan ng mga habilin.




"Lagi kayong mag-lock dito sa bahay ah? Para sure na walang makakapasok. Kapag may nagtangka, tawagan niyo ako kaagad." saad ni Elle.



"Yes, bhe. " saad ni Lovely.




"Okay, Sige. Aalis na ako. " saad nito at isinara na ang gate ng kanilang bahay.




"Ingat ka! " sigaw pa nila.




Nilakad lamang ni Elle ang sakayan sa Jeep. Dalawang sakay lang naman ng jeep papunta sa hotel na pinapasukan niya kaya Madali lang. Ang huling babaan nga lang ay kailangan niya pang lakarin ang mismong saan sa hotel dahil hindi na puwedeng pumasok ang mga jeep doon. Okay lang din naman sa kaniya 'yon.




Nang makarating Siya ay binati siya ng ilang empleyado doon. Kaibigan niya din ang karamihan ng nandoon. Nang makita Siya ni Ina ay tumakbo ito palapit sa kaniya.



"Aray! " reklamo ni Elle.



"Gosh, I miss you na Elle! " wika ni Ina habang niyayakap ng mahigpit ito.




"Ina, may trabaho pa tayo. At Baka may mag-check in na. " saad ni Elle. Bumitaw si Ina sa pagkakayakap at pinunasan ang luhanh tumulo sa mga mata niya.




"Seryoso? Umiiyak ka? " natatawang saad ni Elle.



"Oo, Sige na. Punta kana sa Ano niyo. " saad ni Ina at Bumalik sa front desk. Tumawa si Elle doon.




Ilang saglit pa ay nakita niya na sina Aki at Pati na din si Brenda. Lumapit ito sa kaniya at kagaya ni Ina, niyakap din Siya ng dalawa.




"Aray, Baka mapipi naman ako. " saad ni Elle.



"Grabe! Buti pumasok kana. " saad ni Brenda.




"Oo nga. Halika kana, may lilinisin kana kaagad. " saad ni Aki. Lumapit Sila sa parang head nila dito. Ibinigay sa kanila ang isang printed sheet ng rooms na lilinisan nila. Bawat average room lang ay 10-15 minutes lang Dapat nila lilinisin 'yon. Samantalang ang mga suite o ang Mas malalaking room ay nasa maximum na 45 minutes.




"Ang dami naman. " reklamo ni Aki.




"Hindi ka paba sanay? " natatawang saad ni Elle. Sa bawat araw kasi nilang paglilinis dito ay lagpas ng 40 rooms lagi ang kanilang nalilinisa. O Mas marami pa, talaga.




"Hm... " saad naman ni Brenda.



"Sige na! Start na tayo, kita tayo mamayang lunch! " paalam ni Aki.





Nagsimula si Elle sa paglilinis sa room 93. Walang tao doon kung kaya't hindi Siya Masyadong madumi. Nagsimula na Siya doon at mabilis ding natapos. Sunod naman niyang nilinis ang room 157. Sa kuwartong iyon, may tao na.





"Ikaw naba 'yung maglilinis? " Tanong nito.




"Yes po, Sir. " magalang na saas nito sa lalaking kaharap. Sinuri Siya ng lalaki at biglang napangiti ang binata doon.




"Talaga? Ang ganda naman ng maglilinis ng room ko ngayon. Ikaw palang ang nakita kong maganda dito. " wika nito. Agad na nanlaki ang mga mata ni Elle at namula din ang mga pisnge nito. Siya, maganda? Hindi niya nga alam sa kaniyang sarili kung maganda nga ba Siya o hindi e.




"E-eh, Sir? Maglilinis na po ako. " sambit ni Elle at pumasok sa loob.




"Sige, Ikaw na Bahala ah? Ako pala si Xavier. Xavier pogi. See yah! " saad nung lalaki at iniwan na Siya doon. Napailing si Elle. Xavier pogi? Ang kapal huh.




Nagsimula siyang maglinis. Umarko ang kilay ni Elle nang masuri niya ang kuwarto ng Xavier na 'yun. Malinis din kasi ito at hindi katulad ng ibang kuwarto na kapag may Na gamit ay Sobrang dumi.



Seryoso, lalaki ba talaga Siya?




Tanong 'yan ni Elle sa kaniyang isipan. Sobrang linis kasi nito at halata naman sa ayos ng kaniyang kuwarto. Kadalasan kasi sa pagkakaalam niya ang mga lalaki ay burara, hindi naman nito nilalahat pero karamihan lang.




Akala niya mabilis siyang matatapos ngunit matatagalan pala dahil sa banyo. Ayun ang madumi. Ngumiwi Siya at napailing. Parang hindi nilinisan ang banyo ng isang buwan dahil medyo naninilaw na iyon.




Ilang minuto ang nakalipas ay natapos din Siya. Nag-inat Siya at saka tumungo sa susunod na room. Ang room 234. Nang makarating Siya doon ay ramdam niya ang pamilyar na disenyo ng kuwarto. Sinuri niya iyon. Maalikabok at magulo ang higaan. Mukhang may gumamit.




Napansin na lamang ni Elle ang isang sticky note Na may sulat. Nagulat Siya dahil napag-alaman niyang ito pala ang kuwartong pinaggamitan niya nung tinulungan Siya ng kung sino mang lalaki. Nagtaka Siya.




Ibig sabihin, ako lang ang nakagamit ng kuwartong ito?




Binalewala iyon ni Elle at Sinimulan ang paglilinis. Doon Siya nahiraoan dahil makapal na ang alikabok. Patunay na walang naglinis doon sa loob ng isang linggo. Nang Matapos Siya ay umupo ito saglit sa kama. Hindi niya naman intensyon ang humiga ngunit nagawa niya na dahil sa pagod.




Kahit de-aircon ay tagaktak ang kaniyang pawis. Pinunasan niya iyon at saka lumabas Bitbit ang kaniyang mga gamit panlinis. Sakto din nang Matapos Siya dahil lunch Na nila.




"Wow, ang bilis nga. " saad ni Aki. Narito Sila ngayon sa kanilang canteen tuwing lunch.



"Sanay na 'yan! 'Yan pa e. " wika ni Brenda.




"Kapagod nga e. " wika ni Elle.



"Syempre. " saad nila Pareho. Inilibot ni Elle ang kaniyang paningin sa paligid. Halos Lahat silang nandoon ay nagl-lunch. Nagumpisa na itong kumain Hanggang sa kalagitnaan ng kanilang pagt-tanghalian, may isang napaka-pamilyar na lalaki ang lumitaw. Lahat Sila ay napatigil doon at napatingin sa lalaking lumitaw kasama Na din ang babaeng nasa likuran nito.





Fudge, Siya 'yung nasa bar.


--


Dreamerxbtch

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
178K 8K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
177K 3.6K 44
Short Story. [As of June, 2020; This story is under revision. If you'll notice a part that may be cut or unorganized, please bare with it.] DS: April...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞