Secrets of the Malavegas (Boo...

LenaBuncaras द्वारा

393K 12.6K 1.3K

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na l... अधिक

1: The Family
2: Bad Blood
3: Zone
4: Labyrinth
5: Second Child
6: Broken Window
7: Saved
8: Regeneration
9: Suspension
10: Annual Elimination
11: Project ARJO
12: 10 PM
13: Tutorial
14: Big Brother
15: Psychology
17: Sibling Rivalry
16: 6th Floor
18: Reviewer
19: Gamble
20: Escape Route
21: Neophyte Guardian
22: Blood Donation
23: Alter
24: Master Plan
25: The First Wife
26: Clandestine
27: Unusual Morning
28: House Visit
29: Check-up
30: The Love Interest
31: The Cure
32: So-Called Mistress
33: The Usual Morning
34: The Real Ones
35: The Lunatics
36: Untold Secrets
37: Shades of Gray
38: Connections
39: Citadel's Cursed Firstborn
40: Missing
41: Floating Hints
42: The Haunted Mansion
43: The Immortal One
44: Plans
45: The Land Lady
46: The Sisters
47: The Deal of the Devil
49: The Son of the Prodigals
50: King's Pawn
Epilogue

48: The Beginning of the End

5.4K 186 39
LenaBuncaras द्वारा

Madaliin na natin yung ending. Alam n'yo naman na kung ano ang mangyayari e hahahaha

----- 

Kilala ni Josef ang asawa, sapat na para sabihing alam niyang may mga hindi ito sinasabi sa kanya. Simula pa naman noon, may kanya-kanya na silang sikreto, at hindi niya kukuwestiyunin iyon dahil baka magkasubukan sila at mapasubo siya. Iyon nga lang, sa pagkakataong ito, mukhang kailangan na niya itong kausapin tungkol sa ilang sikretong tinatago nito, lalo pa't ang sikreto nito ay karugtong ng sikreto niya.

Pansamantala muna niyang tinawag ito sa kuwarto nila para masinsinan silang mag-usap. Kung tutuusin, napakarami nilang kailangang pag-usapan, napipigilan lang ng lokasyon nila at mga anak.

"Is it about Laby?" tanong agad ni Armida pagpasok na pagpasok sa kuwarto nila.

"Alam mong buhay ang mga alter mo, di ba?" diretsong tanong ni Josef.

"Napag-usapan na natin 'to, di ba?" mataray na balik ni Armida. "Ano na naman bang issue mo sa mga alter ko?"

"Nakakausap mo sila sa Terminal."

Bahagyang napaurong paatras si Armida at puno ng pagtataka ang mukha kung ano ang pinagsasasabi ng asawa niya. "Saan mo naman nakuha 'yang Terminal na 'yan?"

"Armida, I want to know the truth."

Nagpamaywang agad si Armida at halatang nabuburyong na sa asawa. "Anong truth?"

"Alam mong buhay ang mga alter mo. Alam mong totoong tao sila, may sariling katawan, may sariling isip, nasa kung saan at nabubuhay ring gaya mo. They are not just your mentally made-up illusions. They are real."

Nagbuntonghininga si Armida at nagkrus naman ng mga braso habang sinusukat ng tingin ang asawa. "Ano'ng meron, bakit bigla mong bini-bring up itong topic, hmm?"

"Ano'ng kasalanan mo kay Jocas?"

Lalong nagtaka si Armida sa tanong na iyon. "Kasalanan ko? Kay Jocas?"

"Armida, quit playing with this topic! May ginawa ka kay Jocas kaya siya nagagalit sa 'yo!" galit nang sigaw ni Josef.

"Ano nga ang ginawa ko?!" Kahit si Armida, napapasigaw na rin. "Bakit naman magagalit sa 'kin si Jocas, ha?"

"Ugh! God!" Napahilamos si Josef ng mukha dahil sa inis at napatalikod saglit habang pinakakalma ang sarili. Matapos ay binalikan na naman ang asawa nang mas mahinahon na. "Fine. Si Erah. Bakit galit si Erah sa 'yo."

Ang rahas ng buga ng hininga ni Armida at naningkit bigla ang mata niya sa asawa. "What happened? Malamang na may nangyari kaya ganyan 'yang mga tinatanong mo."

"Alam kong alam mo na buhay ang mga alter mo dahil nakakausap mo sila sa—doon sa kung saan man 'yon sa loob ng utak mo!" Inulit na naman ni Josef ang tanong. "Bakit galit si Erah sa 'yo? Bakit gusto niyang saktan ka! Saktan kami!"

"Because she's a psychopath!"

"Then what did you to do Jocas' parents after our first wedding!"

Doon na hindi nakasagot si Armida. Napapikit-pikit na lang siya at napalunok.

Nakaramdam ng malaking pagkadismaya si Josef dahil mukhang alam na niya ang dahilan ng malaking galit ni Erah sa kanila—o si Jocas sa ibang katawan.

"You killed her parents. Pinatay mo sila pagkatapos ng kasal namin ni Jocas, tama? Because after our wedding, ni minsan, hindi na ako nakarinig ng balita sa kanila."

"Nag-usap kami ni Jocas doon," mahinahong paliwanag ni Armida.

"Si Jocas na alter mo?" naiinis na tanong ni Josef. "O yung totoong Jocas na may ibang katawan?"

"Ang kausap ko, yung Jocas na kilala mo at kilala ko!" galit na katwiran ni Armida at dinuro na ang asawa niya.

"Then you're wrong!" galit na sagot ni Josef at halos pandilatan na ang asawa niya. "Did you talk to Erah regarding to that matter, huh?!"

"Bakit ko siya kakausapin?! Hindi niya naman magulang 'yon!"

"God!" Palakad-lakad si Josef sa palibot ng kinatatayuan habang iniisip ang dahilan kung bakit gustong gumanti ng totoong Jocas sa kanila. Parang alam na niya kung bakit.

"Ano bang problema mo, Josef?" inis nang tanong ni Armida.

"I'll find Jocas and I'll talk to her personally about what you've done," galit na sinabi ni Josef sa asawa.

"ANO?!"

"This is your fault," panduduro ni Josef kay Armida. "I saw Erah and Jin, and they told me about Jocas. Everybody wants us dead. Now, we're fucked up big time."





Hindi tipikal na nagkakasigawan sa bahay ng mga Malavega, lalo na kung ang isa sa sumisigaw ay si Josef. Wala tuloy ibang masisi si Max kundi ang bagong salta sa bahay nila. Hinarang niya agad ito at dinala sa balcony ng second floor para makausap.

"Ano na namang sinabi mo kay Papa, ha?" galit na tanong ni Max kay Laby habang mahigpit niyang hawak ang kanang braso nito.

Napairap agad si Laby dahil iyon na naman si Max sa paninisi nito sa kanya. "Alam mo, masyadong mahabang paliwanag ang kailangan mo para malaman mo kung bakit nagsisigawan yung dalawa."

"Ikaw lang naman ang dahilan kaya nag-aaway sila e!" balik ni Max at halos itulak si Laby nang bitiwan niya. "Pumayag si Mama na mag-stay ka rito, for what? Ano na namang problema mo sa buhay mo?"

"Ayokong magpaliwanag sa 'yo kapag ganyan ka," inis na sagot ni Laby at napapakamot na lang ng ulo. "Hindi ka tumatanggap ng paliwanag e."

"Fine, I'll listen," napipilitan pang sinabi ni Max. "What is it again this time?"

Tinuro ni Laby ang direksiyon ng loob ng bahay. "Yung mama mo, may ginawa na namang kabalbalan na kagalit-galit talaga. Ugali na niya 'yan noon pa. She's a loose cannon, and I bet you already know that."

Biglang kunot ng noo ni Max at nagpamaywang. "Ano'ng ginawa ni Mama?"

"Enough with your mistress view about me, Max," natatawang sinabi ni Laby. "Your father married a lady named Jocas before he married Armida. And your own mother killed Jocas' parents." Itinuro na naman niya ang direksiyon ng kuwarto nina Armida. "Tanungin mo sila kung nagsisinungaling ako. Para malaman mong kung may babae kang dapat katakutan para agawin ang papa mo, hindi ako 'yon."







Samantala . . .



"Ate Arjoooo," mahinang pagtawag ni Zone sa kapatid niyang nagmumukmok sa kama nito.

"Zone, go out," utos ni Arjo sa bunsong kapatid nang hatak-hatakin nito ang suot niyang maluwang na T-shirt.

"Ate, we need to save Ana."

Mabilis na napabangon si Arjo nang sabihin iyon ni Zone. "Zone, how did you know about Ana?"

Imbis na sumagot ang bata, kinuha lang niya ang kamay ni Arjo at hinatak iyon. "Come on! We need to save her!" mahinang ngunit nagmamadaling utos ni Zone.

"Saglit lang, wait, Zone!" Ni hindi na nakapagsuot pa ng maayos na panyapak si Arjo at sleeping slippers na pink bunny pa ang design ang nasuot niya.

Hindi na nagsisigawan sa kuwarto ng mga magulang niya, pero nag-uusap pa rin ang mga ito. Hindi niya makita sa sala ang kuya niya, o kahit sa kusina man lang.

"Zone, di pa ako nakabihis!" pabulong na reklamo ni Arjo.

"Ate, we need to hurry!"

Kahahatak ni Zone sa kanya, wala na tuloy siyang nagawa kundi lumabas nang nakapantulog lang.

"Zone, ano ba naman 'yan?" naiinis niyang reklamo dahil talagang hindi nagpaawat si Zone sa paghatak sa kanya.

Tatlong malaking townhouse lang ang layo ng HMU sa bahay nila at pasara na ang school para sa mga estudyante. Hindi niya napansin ang oras kakamukmok, papalubog na ang araw. Mabilis niyang napansin ang ambulansya sa loob na malapit sa gate.

Mabilis siyang nakiusisa at hinanap ang guwardiya. Walang nagbabantay sa mga oras na iyon.

"There she is!" pagturo ni Zone.

"Ana," nasabi niya nang makita ang isang lalaking may tinutulak na stretcher. Nakahiga roon ang isang dalagang balot na balot ang katawan at naka-strap mula sa itaas ng dibdib, sa braso, sa baywang, hanggang sa mga binti. "Ana!" pagsigaw niya.

Lalapit na sana siya nang may biglang pumigil sa kanya. At binalot ng kung anong itim na plastic ang ulo niya.

"MMMMMM!" Nagpapasag siya nang bigla siyang buhatin ng di-kilalang tao. Habol-habol niya ang hininga dahil dumidikit na sa ilong niya ang plastic na ibinalot sa kanya. Wala siyang maaninag sa loob, masyadong makapal ang nakabalot sa ulo niya. Ilang saglit pa, nauubusan na siya ng hininga. Huli niyang naramdaman ang paglapat ng katawan niya sa isang malambot na upuan bago siya tuluyang mawalan ng malay.





***



Ilang diskusyunan at sigawan din bago humupa ang tensyon sa pagitan ng mag-asawa. At dahil nagkakalabasan na rin naman ng sikreto sa pagitan nila, napilitan nang ilabas ang dapat ay matagal nang nailabas. Iyon nga lang, pumasok na sa eksena si Max.

"Pa, is that true?" tanong agad ng binata sa papa niya habang palipat-lipat ang tingin sa mga magulang.

"The wedding is void, okay?" paliwanag ni Josef. "Yes, I married someone named Jocas before I marry your mother, but that's too complicated to explain kasi mama mo rin naman ang pinakasalan ko."

"Pa, ano ba naman 'to! Marami pa ba kayong tinatagong dapat kong malaman?" naiinis nang reklamo ni Max dahil habang tumatagal, lalo lang siyang nalilito sa nangyayari. "Arjo and Zone are not really my siblings, now you married someone else aside from my mother. At hahanapin mo pa ngayon! For what reason, huh?"

"Josef, it's time," sabat ni Laby na nakikinig lang mula sa may hamba ng pintuan.

Napabuga ng hininga si Josef at sinulyapan si Armida na nag-aabang ng susunod niyang sasabihin. "Jocas is after Ana."

"What?" gulat na tanong ni Armida at napadiretso ng tayo.

"Hawak ng opisina ko si Ana, okay?"

"Who's Ana?" tanong ni Max.

Dali-daling lumapit si Armida kay Josef at kinuwelyuhan agad ito. "Matagal mo nang hawak si Ana?"

"I'm just doing that to protect you!" katwiran ni Josef. "She almost killed you and Arjo! Ano? Isusugal ko kayong dalawa para lang sa kanya?"

"Ma, who's Ana?!" pagpilit ni Max sa mga magulang.

Lalong humigpit ang pagkakakuyom ni Armida sa kuwelyo ni Josef at kitang-kita sa mukha niya ang matinding galit na pinipigilan lang niyang ilabas. Halos mag-igting ang mga bagang niya at manginig ang labi habang sinasalubong ang matapang na tingin ni Josef.

"How dare you . . ." timping-timping sinabi ni Armida sa asawa.

"You can hate me for the rest of your life, Armida, pero hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko."

"JOSEF—!" Umamba ng suntok si Armida at akmang ipapatama sa mukha ng asawa ngunit natigilan nang magtanong si Laby.

"Nasaan sina Zone?"

Sabay silang napatingin sa direksiyon ng pintuan. Nasa hallway ng second floor si Laby at palingon-lingon sa paligid. "Armida, bukas yung kuwarto nina Zone at Arjo. Wala sila sa baba, bukas yung pinto sa labas."

"Oh shit."

Dali-daling lumabas ang mag-asawa kasama si Max para hanapin ang dalawang bata.

"Arjo! Zone!"

Kanya-kanya na silang hanap sa dalawa pero wala ang mga iyon sa second floor. Mabilis na bumalik si Armida sa kuwarto nila ng asawa at binuksan ang screen para sa security camera.

"Holy fuck." Nakita niyang lumabas ang magkapatid ng bahay. "Max, pumunta ka sa HMU, bilis!" utos niya sa anak.

"Sa HMU?" tanong naman ng binata.

"Sumunod ka na lang!" mariing utos ni Josef. "Malamang na doon pupunta ang mga kapatid mo."

"I'll go to Marlon's house, baka nakita niya sina Arjo," alok ni Laby at nagpatiuna na sa pagbaba.

Nagkatinginan ang mag-asawa, halatang hindi pa maayos ang huling usapan para mapagkasunduan.

"Hindi pa tayo tapos," sabi ni Armida kay Josef at kinuha agad ang phone saka tumawag sa taong importanteng makausap niya agad. "Hello, Cas?"





Ang daming impormasyong pumasok sa utak ni Max sa loob lang ng iilang oras. Paglabas niya ng bahay, iniisip pa niya kung bakit niya hahanapin ang mga kapatid niya sa HMU samantalang pasara na ang school nang ganoong oras ng alas-sais.

Pagtapak niya sa labas ng bahay, nalingunan pa niya sa kanang kalsada ang isang itim na van na papalabas ng Vale. Pagtingin niya sa kaliwang banda, tinanaw niya ang HMU. Nilakad niya ang patungo roon habang nililingon ang paligid, nagbabakasakaling makasalubong ang mga kapatid.

Nasa huling bahay bago ang gate, naabutan pa niya ang isang ambulansyang kalalabas lang. Sinundan niya iyon ng tingin, hindi naman umaandar ang sirena ng ambulansya kaya malamang na hindi iyon for emergency. Wala rin namang komosyon sa entrance ng HMU.

Nilingon-lingon niya ang buong campus pagpasok niya. Tahimik na, wala rin namang night classes nang ganoong araw. Naghanap siya ng guard pero wala siyang ibang nakita kundi isang janitor na papalapit sa kanya. May dala-dala itong mop, nakasuot ng gray jumpsuit at may nakasabit na tuwalyang puti sa balikat.

"May kailangan ka, hijo?" tanong pa nito.

"May nakita ba kayo ritong dalaga saka batang pumasok ngayon-ngayon lang?" Tinantiya niya ang sukat ng taas ni Arjo, itinapat niya sa balikat niya ang nakahigang palad. "Ganito kataas, itim ang buhok, medyo payat, saka nakapantulog. Yung bata, maputi saka may dimples, five years old saka madaldal."

Matipid lang na ngumiti ang janitor sa kanya. "Tingin ko, hindi mo na sila makikita rito ngayon."

"Ha?" Ikinataka ni Max ang tono ng pananalita ng janitor. Parang napakakalmado nito at hindi man lang nahihiwagaan sa paghahanap niya sa mga kapatid.

"Simulan mo nang magtanong kung paano mo makikita ang mga taong hinahanap mo," dagdag ng janitor.

"Kaya nga ako nagtatanong kung nakita ninyo," sarcastic pang balik ni Max. "It's a yes or no question, nakakaintindi ka ba?"

Ilang saglit pa, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong Vale na halos makapagpatalon sa kinatatayuan ni Max at nakapagpalingon sa kanya mula sa labas ng HMU.

Bigla siyang binalot ng matinding kaba habang nakikita ang malaking apoy sa di-kalayuan. Mabilis siyang tumakbo sa kalsada, pinagdarasal na malayo iyon sa kanila.

Ngunit naroon pa lang siya sa dulo ng unang bahay, halos mapaluhod siya sa kalsada habang nanginginig ang mga kamay at tuhod.

Parang sumasayaw sa balintataw niya ang malaking apoy na humalili sa simpleng bahay nila wala pang ilang minuto matapos siyang lumabas.

"Ma . . . Pa . . ."

"Josef! Armida! Bitiwan mo 'ko!"

"Laby, tama na! Delikado diyan!"

Nababalisa niyang tinatanaw sa di-kalayuan si Laby na sumisigaw sa tapat ng bahay habang pinipigilan ni Melon na lumapit doon.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa bahay nila.

Lalo siyang nalito . . .

Ano ang nangyari?

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

90.4K 3.4K 44
An artist will always collect and collect necessary, valuable yet temporary materials for his masterpiece. He will always pick the finest, the purest...
Chasing Hell (PUBLISHED) KIB द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
20.5K 1K 25
Can love change a personality? Can love open up something that's been closed from the past? Can love be the REASON to live?
Project LOKI ③ akosiibarra द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...