Secrets of the Malavegas (Boo...

By LenaBuncaras

395K 12.8K 1.3K

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na l... More

1: The Family
2: Bad Blood
3: Zone
4: Labyrinth
5: Second Child
6: Broken Window
7: Saved
8: Regeneration
9: Suspension
10: Annual Elimination
11: Project ARJO
12: 10 PM
13: Tutorial
14: Big Brother
15: Psychology
17: Sibling Rivalry
16: 6th Floor
18: Reviewer
19: Gamble
20: Escape Route
21: Neophyte Guardian
22: Blood Donation
23: Alter
24: Master Plan
25: The First Wife
26: Clandestine
27: Unusual Morning
28: House Visit
29: Check-up
30: The Love Interest
31: The Cure
32: So-Called Mistress
33: The Usual Morning
34: The Real Ones
35: The Lunatics
36: Untold Secrets
37: Shades of Gray
38: Connections
39: Citadel's Cursed Firstborn
40: Missing
41: Floating Hints
42: The Haunted Mansion
43: The Immortal One
44: Plans
45: The Land Lady
46: The Sisters
48: The Beginning of the End
49: The Son of the Prodigals
50: King's Pawn
Epilogue

47: The Deal of the Devil

5.3K 219 14
By LenaBuncaras

Sa old version, ito yung chapter na masakit sa utak. Sana di na ito gaano kasakit sa utak ngayon hahahaha

------




Naka-report sa admin office na may naghahanap kay Erajin Hill-Miller. Ang sabi naman ng admin assistant sa opisina, may kausap ang chairperson sa mga sandaling iyon kaya kailangang maghintay hanggang matapos. Alas-dose pasado na at nasa admin office pa rin sina Laby at Sam. Nakailang ungot na nga ang lalaki dahil nagugutom na siya.

Malamig sa receiving area ng admin office, isang gray metal table lang ang naroon sa dulo kung nasaan ang mesa ng assistant na kasalukuyang nagsasalansan ng mga folder. Katapat ang pinto ng opisina ng executives. Nakapagitan ang isang malaking vase na may halaman sa dingding na katabi ng glass door at ang gray couch kung saan nakaupo ang dalawa.

"Tingin mo ba, ilalabas na ng Fuhrer ang prototype?" tanong ni Sam na kuko na sa hinlalato ang nginangata dahil kain na kain na siya.

"Kailangan niyang ilabas ang prototype kung ayaw niyang mamatay na lang na walang nakakakita r'on," seryosong sinabi ni Laby at bahagyang kinakapa ang balikat niyang kumikirot na naman. Napupuwersa ang katawan niya dahil sa tama ng bala. Kapag napapahinga siya, lalo niyang nararamdaman ang sakit.

"Di ba sila mag-aaway ng anak ni Cas n'on? Ang alam kasi n'ong assassin, pinatay niya yung bata, di ba?"

"Malamang na pag-aawayan nila 'yan. Isang dekada niyang itinago si Ana."

"Pero kung ako siya, malamang na gano'n ang gagawin ko," sagot ni Sam at humilig ng upo paharap kay Laby sa kaliwa. "Delikado yung prototype. Parang character sa game, may psionic blast power hahaha!"

Imbis na matawa, lalong sumama ang tingin ni Laby kay Sam. "That kid overload someone's mind until the brain explodes into grind meat. She can control almost everything. Kung gagawin 'yon sa asawa niya, natural lang ilalayo niya 'yon. What's funny about that?"

"Nothing," natatawa pa ring sinabi ni Sam. "Kaya siguro hindi ka pa pinapatay ng Citadel, napapakinabangan nila yung mga laruan mo."

"Hindi sila laruan," inis niyang sinabi kay Sam.

"Ah! Oo nga pala. Anak pala sila n'ong mag-asawa hahaha!" Lumakas pa ang tawa ni Sam dahilan para mapatingin sa kanya ang admin assistant na nagtatrabaho sa dulo. "Pero magandang front na akala ni Havenstein, yung batang lalaki ang anak niya. Hindi niya hahabulin yung prototype sa Fuhrer." Napauslyap siya sa direksiyon ng pinto at nakita mula sa glass door ang papasok sa admin office. "Speak of the devil. Here comes the guardian angel of hell."

Napalingon sa likuran niya si Laby at napatayo agad pagbukas na pagbukas ng glass door. "Josef," pambungad na pambungad niya pagtapak nito sa loob.

Napakaseryoso ng mukha ni Josef nang tingnan si Laby, kasunod ang lalaki sa likuran nito. "Tell me, this is not another bad news," sagot ni Josef.

"Josef, alam na nina Keros na nandito sa HMU ang prototype."

"Alam ko ring hindi ka nandito para kunin siya," sagot agad ni Josef. "Hindi sila puwedeng magkita ni Armida. Kokontrolin niya ang asawa ko para patayin tayong lahat. Alam na niya kung paano lalabas sa pinagtaguan ko sa kanya."

"Whoah!" Napaatras agad si Sam at napandilatan si Josef. "You better kill her. Like, right now."

Puno ng pangunguwestiyon ang tingin ni Laby nang tingnan si Sam. "What the fuck are you saying, Sam?"

Ilang saglit pa, bumukas ang pinto na katapat ng mesa ng admin assistant. Lumabas doon si Armida na seryosong-seryoso ang mukha. Kasunod niya ang president ng HMU at isa pang lalaki.

Napahinto si Armida sa paghakbang nang makita ang tatlong nakatayo sa malapit sa pintuan. "What's with the meeting here?" tanong niya sa tatlo.

"Armida . . ." Hindi agad nakasagot si Laby. Si Josef kasi talaga ang pakay niya para sabihin ang tungkol kay Keros at sa prototype.

"Wala siyang bahay," si Sam na ang sumagot at inakbayan si Laby. "Bad guys everywhere."

Tumaas lang ang kilay ni Armida nang lapitan ang asawa niya. "Who are you?" tanong niya kay Sam.

"Weefee. Anytime anywhere, always connected," sagot agad ni Sam. Inalok ang palad niya para makipagkamay habang nakangisi.

Nakipagkamay rin si Armida. Pansin niyang firm ang pagkakahawak nito, kalmado, walang bakas ng paghihigpit. "Another psycho," bati niya rito dahil masyado itong masaya para sa kanya. "Any name aside from Waffles?"

"That's Weefee, madame."

"Ever heard of alliteration, son?"

"Don't call me son, madame. Mukha lang tayong magkaedad."

"Huwag mo 'kong bolahin."

"Anyway, your hand is soft," puna ni Sam sa kamay ni Armida na di pa rin niya binibitiwan. "Surprising. I thought you used it directly to be an Earth's reaper. Wala kang kalyo?"

Binawi na ni Armida ang kamay. "Nasa mukha ng sinasampal ko ang kalyong hinahanap mo. Gusto mong subukan?"

"You're funny, madame." Ngumisi lang si Sam na halatang di marunong sumeryoso ng usapan. "You look young in person! Interested sa beauty regimen. Is that a night cream?"

"Kasama mo?" tanong na lang ni Armida kay Laby dahil ang ingay masyado ni Sam.

"He's Sam Ramos."

"Ah!" Nakitaan ng gulat ang mukha ni Armida nang ibalik ang tingin kay Sam. "Ikaw yung kasama ni Hawkins na nag-propose ng mechanics for Annual Elimination."

"Wow, thank you for acknowledgment, madame," nakangising sinabi ni Sam. "And thank you for your vote." Inilipat ni Sam ang tingin kay Josef na halatang wala sa mood makinig sa usapan nila. Si Josef lang kasi ang hindi bumoto para sa mechanics na gawa niya.

"Ang sipag mong mag-propose ng amendments, di pa kita nakikita sa meetings."

"Busy kami ni Hawkins sa pag-asikaso ng tournament, madame." Itinuro niya si Laby. "Wala siyang bahay ngayon. Nagbabakasakali kaming may libreng bahay rito sa Vale."

Tumango-tango lang si Armida at inilipat ang tingin kay Laby na aburido. Halatang walang gana sa usapan.

"Doon ka muna mag-stay sa bahay, Laby," utos ni Armida kaysa alok. Tiningnan niya rin si Sam. "At ikaw? Wala ka rin bang bahay?"

"Ah! Me?" Itinuro ni Sam ang sarili. "No need, madame." Itinaas niya ang magkabilang kamay para tumanggi. "Busy rin ako sa tournament, sinamahan ko lang siya rito."

"Oh." Tumango naman si Armida sa kanya. "Buti naman, ayaw ng katabi ng mga kotse ko."

"Armida," pigil agad ni Josef. "Patitirahin mo si Laby sa bahay?"

"Bakit? May problema ka?"

"You sure? Sa bahay?" paninigurado ni Josef.

"Kung ayaw mo siyang tumira sa bahay, maghanap ka ng ibang matutulugan mo."

"Armida . . ." pagpigil ni Josef pero tuluyan na talagang lumabas ng opisina ang asawa niya.

At tuloy-tuloy na lumabas si Armida ng admin office.

Naiwan tuloy na nakanganga si Josef dahil sa huling narinig sa asawa.

"Wow, she's not that scary in person, ha," sabi ni Sam at tumango-tango pa. "Mukha naman siyang friendly. Overrated lang yata yung mga tao sa Citadel."

Sabay lang siyang natingnan nina Josef at Laby.

"Oh well!" Nagpagpag na siya ng kamay. "See you next month for the Annual Elimination. I gotta go."



***



Ala-una na ng hapon at pare-pareho silang wala pang kain.

Kampante naman si Armida na inaalagan ni Max ang bunso nila sa bahay. Iyon nga lang, iniisip din niyang malamang na hinahanap siya ng bata dahil hindi niya ito pinapasok. Kaya nga pagtapak na pagtapak niya sa bahay, ito agad ang una niyang hinanap.

"Zone?"

"Mama!" Sinalubong agad siya ng anak na kasalukuyang nakikipaglaro ng chess kay Max doon sa sala.

"How was your morning, pumpkin?" malambing niyang tanong sa bunso nang kargahin ito.

"Kuya Max, cooked pancakes for me, Mama," masayang sagot ni Zone.

"Oh, Kuya Max cooked pancakes for you. That's good." Marahan niyang piningot ang ilong ni Zone at nginitian ito nang matamis.

"Ma, ayaw kumain ni Arjo. Nagluto na ako ng lunch," paalala ni Max sa ina.

"Hayaan mo muna yung kapatid mo," sagot na lang ni Armida.

"Laby!" tili agad ng bata at itinuro agad ang direksiyon ng pinto.

"Miss Etherin?" pagtawag ni Max nang makita ang babaeng kasama ng papa niya.

"Dito muna siya magsi-stay," anunsiyo agad ni Armida at dinala paakyat sa second floor ang bunso habang nilalaro.

Naniningkit ang mata ni Max habang sinusundan ng tingin si Laby na animo'y walang iniindang sugat sa katawan. Nakasuot lang ito ng navy blue na loose button-down long sleeves na bara-bara na lang ang pagkakatupi sa manggas. Naka-tuck in iyon sa denim jeans, at nakasuot lang din ng slip-ons.

"Nagluto ka ng lunch, Max?" tanong ni Josef at dumiretso agad sa kusina. Sumunod lang si Laby sa papa niya at umupo agad sa upuan sa dining table na wala namang pumupuwesto.

Dali-dali siyang umakyat sa second floor para kausapin ang mama niya. Tutal, ito naman ang palaging nasusunod sa bahay at hindi ang papa niya.

Samantala, sa kusina ng bahay ng mga Malavega . . .

"Josef, dalawang araw na lang ang binibilang natin," paalala ni Laby habang pinanonood siyang hainan ni Josef ng tanghalian. "Umpisa na ng bidding sa makalawa. Itinaya ng asawa mo ang lahat ng projects ko na hawak niya para lang sa sampung boto ng guild para lang pababain ang parusa sa n'yong dalawa."

Umupo si Josef sa kabisera ng mesa, isang upuan din halos ang pagitan kay Laby sa kaliwang panig niya. Napabuntonghininga ang lalaki at tumitig nang matiim sa mesa habang iniisip ang komplikado nilang sitwasyon.

"Alam mong nag-iipon lang tayo ng parusa, di ba?" paalala niya kay Laby. "Tatlong patong ng parusang kamatayan ang nakapataw sa ulo mo. Lima sa 'kin at dalawa kay Armida. Oras na matapos ang Annual Elimination ngayong taon, epektibo na 'yon sa 'ting tatlo."

Natitigan na lang ni Laby ang hinain sa kanya ni Josef. Mixed vegetables, isang steak, at mashed potato. Wala siyang ganang kumain, gusto lang niyang uminom nang maraming tubig.

"Alam ni Keros na mamamatay na kayo ni Armida kaya niya pilit kinukuha ang prototype," babala ni Laby. "Napilitang sumali ang ibang Superiors dahil sinugal ng asawa mo ang mga project ko bilang premyo. Ginawa niyang karne yung mga project ko na pain para sa mga buwaya."

"Pumayag naman sila, di ba?" mapagmalaki pang sagot ni Josef at sumandal sa upuan. "Dahil kung hindi 'yon ginawa ni Armida, sila-sila rin naman ang magpapatayan para sa mga batang 'yon. Bakit hindi pa natin gawing organisado ang pagpapatayan nila?"

Napuno ng pagkadismaya ang mukha ni Laby dahil sa sinabi ni Josef. Gaya nga ng sabi ng mga taga-Citadel, napakabait nito para maging Fuhrer—bagay na inaalmahan ng ilan dahil ito mismo ang sumusuway at tumataliwas sa Criminel Credo. Hindi ito bumoto sa mechanics ng paparating na Annual Elimination kahit na tatlo ang katumbas ng boto ng Fuhrer. Halos taon-taon naman mula nang ihalal ito bilang namumuno ng Citadel, walang Annual Elimination ang pinanigan nito sa kadahilanang minsan na itong lumaban doon. Alam na nito ang kalakaran, at hindi ito kahit kailan papanig sa kahit anong panuntunan ng laro.

Pero tradisyon na iyon at malaking pera ang nakataya sa taunang laban na pinangangasiwaan ng Citadel. Hindi lang ang Citadel ang nakikinabang kundi pati na rin ang mga kalahok. Sa dami ng sponsors na interesado sa Annual Elimination, ang pinakalugi lang talaga sa lahat ay ang mga mahihinang sumasali.

"Hindi talaga kayo aalis ni Armida nang hindi gumawa ng malaking gulo," dismayadong sinabi ni Laby kay Josef. "Kumikilos na sila. Nahanap na nila ang bahay ko. Gagamitin ako ng Citadel para makita ang prototype."

Umiling si Josef. "Mas nag-aalala ako ngayon kay Jocas kaysa sa Citadel."

Biglang kunot ng noo ni Laby. "Jocas?"

"Nagpakita sa 'kin kanina yung magkapatid na Erah at Jinrey Kingley."

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Laby at puno ng pagtatanong ang mukha niya kung ano ang tinutukoy ni Josef.

Naglahad ng magkabilang palad si Josef at nagpaliwanag. "Buhay . . . may sariling katawan . . . may sariling buhay ang mga alter ng asawa ko." Tumango pa siya at pilit na pinakakalma ang sarili sa paliwanag.

Napapikit-pikit si Laby habang iniisip kung ano ba talaga ang tinutukoy ni Josef sa paliwanag nito. "You mean, yung mga nasa laman ng Project RYJO na file . . . nagpakita sa 'yo . . . personally? KANINA?"

Tumango lang si Josef. "Remember no'ng sinabi mong kayang pumasok ni Ana sa katawan ni Armida at kontrolin ang katawan ng asawa ko? They can do that as well. At hindi sila alters na nakuha lang ang persona out of traumatic experience. They really control my wife's body. Alam nila ang alam ng asawa ko."

Saglit na napaisip si Laby at ilang segundo pa ay parang naintindihan na niya lahat. "Oh!" Naituro niya si Josef. "So it's real. They're real?! At buhay pa sila? Shit." Napatakip agad ng bibig si Laby nang maisip iyon. "That's mentally overloading."

"May binanggit si Jin na Terminal. Doon sila nagkikita-kita. She said, sa loob 'yon ng utak."

"Yes, yes, I'm aware about that dimension," sagot agad ni Laby habang tumatangong nakatingin sa mesa. "Pero hindi ko alam na Terminal ang tawag nila." Ibinalik niya ang tingin kay Josef. "Alam mo yung medicine na ginawa ni No. 99 para hindi makalabas ang mga alter ni Armida?" retorikal na tanong ni Laby. "No'ng ni-reverse ko ang formula, 'yon ang isa sa formula na inilagay kay RYJO. 'Yon ang isa sa inilagay ko sa projects."

"Alam ni No. 99 ang tungkol sa formula ng Project RYJO?" gulat na tanong ni Josef. "At pumayag si Armida?"

"Sinubukan nila muna sa ibang katawan ang gamot bago sa asawa mo," paliwanag ni Laby. "Originally, ine-expand ng formula ang brain capacity ng tao. Once na-expand 'yon, para kang lalaktaw sa another dimension na ikaw lang ang makakakita. May psychological impact 'yon. Nagre-result 'yon sa hallucinations, psychosis, and brain damage kapag infused sa body system ng adult. Mababaliw ang kahit sinong makakatanggap n'on."

"Pero si Armida . . ." Parang sinalaan ng dugo ang katawan ni Josef dahil sa narinig.

"Kapag ni-reverse ang formula, instead of expanding that dimension, pina-pacify niya ang consciousness ng tao, may sinasara 'yong nakabukas na bahagi ng utak noon pa man," paliwanag ni Laby para pakalmahin ang isipan ni Josef. "Nasa development period ang katawan ng asawa mo nang mag-undergo siya ng project simulation dati. Theoretically, hindi pa siya aware kung ano ang hallucinations at rational dimension. Trust me, may instances siya before na kinakausap niya ang sarili niya kapag kinakausap niya ang mga alters."

"Oh God." Napasapo ng mukha si Josef dahil sa narinig. "Ibig sabihin ba nito, kahit si Arjo . . . ?"

"Sinimulan ko sa natal period ang paggawa ng mga project ko . . . para bago pa ma-develop ang consciousness ng bata, advanced na ang brain capacity nila. 'Yon nga lang, si Arjo, walang manifestation na gaya siya ng asawa mo na nakakapasok sa . . . Terminal, gaya ng sabi mo."

"Ibig sabihin, hindi siya makokontrol ni Ana," dagdag ni Josef.

Bahagyang napailing si Laby. "The Zone prototype is way too powerful psychologically speaking compare to Project ARJO kaya possible na makontrol niya 'yon."

"Wala bang ibang paraan para ma-contain ang kakayahan ni Ana? You said, may gamot si Armida na gawa ni No. 99. Pwede bang magamit 'yon?"

"No, that can't be. Sinubukan ko na," umiling na naman si Laby. "Physically, mahina si Ana. Compare kay Arjo, wala siyang kakayahang mag-regenerate ng katawan. Kung hindi siya ime-maintain, mamamatay siya in a natural cause dahil sa mahinang resistensya. 'Yan lang ang puwedeng makapigil sa kanya."

Napabuntonghininga na naman si Josef at napaisip. Kagat-kagat niya ang ibabang labi habang inaalala ang sinabi ni Jin na alam nito kung paano hahanapin si Ana. Kung totoo man iyon, malamang na kaya rin itong hanapin ni Jocas.

"Kaya rin bang kontrolin ni Ana yung mga totoong taong kabilang sa Project RYJO? Sina Erah? Si Jocas?"

Nagkibit-balikat si Laby. "I can't tell. Hindi ko pa sila nakikita e. Pero anong sinabi sa 'yo ng magkapatid no'ng nakita mo?"

"May paraan sila para hanapin si Ana. I guess, related pa rin 'to sa Terminal thing. Inaalala ko si Jocas."

Napangiwing bigla si Laby dahil kanina pa Jocas nang Jocas si Josef. "Ano ba'ng problema mo kay Jocas?"

Saglit na nilingon ni Josef ang direksiyon ng hagdan, baka sakaling nandoon ang asawa niya. Binalikan niya rin agad si Laby at umurong nang bahagya palapit sa mesa para magsalita nang mahina.

"Nagkaroon ng issue sa experiment dati," kuwento ni Josef. "Ang sabi ni Erah, lahat ng alaala ni Jocas na pinakasalan ko dati, kanya. At yung alter ni Erah si Jocas."

"What is this? A glitch or something?" takang tanong pa ni Laby.

"I don't know. It has something to do with wrong chamber connection," sagot ni Josef habang umiiling. "I'm not sure. Pero alam nilang gagamitin ng totoong Jocas si Ana para gumanti kay Armida."

"Gaganti for what reason?"

"'Yan ang hindi ko alam." Napabalik sa pagkakasandal niya si Josef. "Siguro, tatanungin ko na lang siya tungkol diyan. Kasi mukhang alam  ni Armida na buhay talaga ang mga alter niya."


----

Continue Reading

You'll Also Like

824 165 43
Capes Series 1 In a world where mankind was born with superhuman abilities, in Summit City, they were called an abomination-the people who don't belo...
12.2M 196K 36
Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and her voice sounds very alike. Ang tangin...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
703K 47.3K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...