The Chronicles Of Dana (Publi...

By OhCheeseball

12.6K 682 112

From online strangers to online friendship. From online chats to offline talks. From online calls to offline... More

X
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
The Chronicles Of Dana

Kabanata 19

299 19 10
By OhCheeseball

Kabanata 19

#ExpirationDate

Kung ang mga pagkain nga, may expiration date, kayo pa kaya? Kung ang pagmamahal niya ay may expiration date, aba, hindi love 'yan. Lust 'yan.

"ANG TAGAL na rin simula no'ng huling nakapasok ako sa arcade center," wika ni Genos.

Nandito kami sa kalapit na mall ng subdivision na tinutuluyan namin. Dahil naikuwento ni Genos na mahilig ito sa arcade games, dito ko siya dinala muna.

"Lika na," untag ko sa kanya. Dumiretso kami sa token booth. Bago pa man ako makapaglabas ng pera ay naunahan ako ni Genos.

"Saan tayo?" tanong niya sa akin.

"Basketball!" Isang diskumpyadong tingin ang binato niya sa akin. "What?" tanong ko.

"Baka magkalasan ang buto mo," pang-aasar niya.

Namumula ang pisngi na pinalo ko siya sa braso. "Hoy! For your information, malakas 'to," wika ko saka kunwaring nag-flex ng braso para ipakita sa kanya ang "muscle" ko.

Napapiksi ako nang biglang pinisil ni Genos ang braso ko. "Nasaan ang muscle d'yan? Eh puro buto nga."

"Leche!" Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa basketball game.

Tumatawang sumunod siya sa akin. Nang mahabol ako ay umiiling na ipinatong niya ang braso sa balikat ko at pabiro akong hinapit sa katawan niya.

"Sorry na, Dee. May muscle ka na. Puwede ka na ngang body builder!"

"Inuuto mo ako, eh!" sagot ko pero sa totoo lang, ang atensiyon ko ay nasa katawan niyang nakadikit sa akin. I was fully aware of him and his warmth.

Pagkarating namin sa basketball area, kaagad akong naghulog ng token. Nang magsimula ang timer ay dire-diretso ako sa pagbabato ng bola sa ring. Nangalay na ako nang mapatingin ako sa scoreboard.

"What?! Ten lang score ko?!" wala sa loob na bulalas ko.

Narinig ko ang impit na pagtawa ni Genos kung kaya't kunot-noo ko siyang nilingon.

"What?!" angil ko sa kanya.

"Nothing. Nakakatuwa ka lang panoorin," aniya saka humalukipkip.

"Hmp. Ewan ko sa 'yo!"

"Ipapakita ko sa 'yo kung papaano maglaro ang isang pro," pagyayabang niya. Naghulog siya ng token sa katabi kong area. Nang mag-start ang game, sunud-sunod ang pagbabato niya ng bola. Lahat ay shoot.

I looked at Genos—as in really, really looked at him. He was really cool. But aside from that, he was a good guy. Mapang-asar, oo, pero mabuting tao si Genos.

"See? Sisiw," pagyayabang niya nang matapos ang laro niya.

Inirapan ko siya. Good guy my ass.

Naghulog ako uli ng token. Saktong kababato ko lang ng bola nang may naramdaman akong tumayo sa likuran ko. A pair of arm suddenly appeared on the other side of my body. The owner of that arm threw a ball. Sakto sa ring.

"That's how you do it, Dee," anang tinig malapit sa tainga ko.

Napalunok ako at bahagyang umusog palayo. Hindi ko kasi gusto 'yong hatid nang pagkakalapit ni Genos sa akin.

But even with the space between us, I could still feel his warmth, his breath.

I was fully aware of his presence.

I wonder why.

I OFTEN wonder if those relationships that started online could last. Kasi syempre, hindi maiiwasan na may mga manloloko. Papaano kung 'yong sinasabi niya sa online, hindi naman totoo? Sinasabi niya lang 'yon para mahulog ang loob mo sa kanya. Tapos kapag hulog ka na, saka ka niya hihingan ng kung anu-ano. Worst, gagawan ka pa ng masama.

Alam ko hindi naman lahat ganyan. I've read true to life stories na sobrang inspiring; kuwento na ang simula ay nagkakilala online.

But I still have my doubts; my fears.

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit pilit kong binabalewala kung anuman itong nararamdaman ko; kung bakit pinagpipilitan kong hanggang "dito" lang ang nararamdaman ko.

Napatingin ako kay Genos na ganado sa pagkain.

"Pasalamat ka sanay akong kumain kahit may nakatitig sa 'kin, Dana."

Mulagat na napatitig ako sa kanya nang marinig ang sinabi niyang iyon. How did he know I was looking at him?

"I can feel your stare," wika niya na tila ba nabasa ang tanong sa isip ko.

"Hmp. Ang takaw mo kasi kaya napatitig ako. Ang lakas mong kumain pero kalansay ka naman," pang-aasar ko upang takpan ang pagkapahiya.

Kinagatan ko ang hawak na burger upang alisin ang pansin sa kaharap na lalaki.

"Excuses, excuses. 'Wag mo nang ipagkaila. Crush mo ako, eh."

Lumunok ako at uminom muna ng softdrinks bago siya sinagot. "Masyado ka talagang ilusyunado, Genos! Magtigil ka nga at baka hindi kita matantya!"

Bahagyang dumukwang si Genos palapit sa akin. Umangat ang palad niya hanggang sa dumampi sa gilid ng labi ko ang daliri niya.

"May ketchup," simpleng saad niya habang pinapahid iyon. Isinubo niya ang daliri pagkaalis niyon sa gilid ng labi ko. "Sarap."

Shoot! What is this fuzzy feeling in my head?!

"K-kaya ko naman punasan!" sita ko sa kanya.

"Oo nga."

"Genos—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya akong sinubuan ng fries. "Eat."

Wala sa sariling nginuya ko 'yong fries. Unti-unting inilapit ni Genos ang mukha sa mukha ko. Imbes na umusog palayo ay hindi ako gumalaw. His face was so serious I could not help but stare at him.

"May pimples ka, oh," aniya saka dinutdot ang gitna ng noo ko.

Namumula ang pisngi na sinapo ko ang noo. "W-what?!"

Tumawa si Genos habang bahagyang hinahampas ang mesa. "May pimples ka. Bakit? Ano'ng akala mong gagawin ko?"

"W-wala! Akala ko pupunasan mo ulit ako. Pangarap mo kasing maging babysitter!" wika ko pero sa totoo lang, sobra-sobra ang kaba ko dahil sa ikinilos niya.

I could not understand Genos at all. The same way I could not understand myself when I am around him.

"Talaga?"

Inirapan ko siya. "Bahala ka sa buhay mo!"

Iniwas ko ang paningin kay Genos. Natatakot akong mabasa niya ang emosyon sa mga mata ko. Baka mabasa niya ang halu-halo at nagkakagulong emosyon na nandoon.

Genos leaned forward as he gently ruffled my hair. "Thank you, Dana."

"Para saan?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Sa pagsama sa akin."

"Wala 'yon. Wala rin naman akong ginagawa."

"Kahit na. Salamat pa rin. I can bear the loneliness of losing someone because you are here with me."

Shoot. Shoot. Shoot! What the fudge?! Ano'ng ire-reply ko? Hindi ako makapag-isip ng matino. Para akong natuliro. Oh, God! Bakit ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit ba ako?

"W-walang anuman," nauutal na sagot ko.

Nang ngumiti siya sa akin, iyong ngiti na abot hanggang mga mata at labas ang ipin, parang may sumuntok sa sikmura ko.

Hindi puwede ito!

"TAMA pala sila."

Mula sa pagtingin sa papalubog na araw ay binalingan ko si Genos na siyang nagsalita. "Sino?"

"Sila. May nagsabi kasi na walang pare-parehas na sunset. Ilang sunset na ang nakita ko pero hanggang ngayon, gandang-ganda pa rin ako." Biglang napakamot ng batok si Genos saka ngumiwi. "Corny ba?"

Umiling ako. "Hindi. Pero tama ka."

Ngumiti si Genos. His smile was so serene. I would admit I was taken by his smile.

Ang pagtingin kay Genos ay parang pagtingin sa araw—masakit. Masakit dahil alam kong kung anuman 'tong nararamdaman ko ay bawal at hindi puwede; walang kahahantungan.

We weren't strangers anymore but we were somehow still was. Magulo, 'no?

Biglang ginagap ni Genos ang palad ko. "I'm glad I picked your song request, Dana. Thank you for the friendship."

Ay tungunu. Friendzone.

Continue Reading

You'll Also Like

773K 26.3K 80
(Finished) When Isaac Jacob tries the Heartbreak Hotline app to deal with his heartbreak. An epistolary.
7.4K 1.2K 17
Tuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of ex...
934K 29.4K 111
(Finished) When Sierra Evans, a popular 'it' girl, suddenly receives a message from Orion Lincoln Velasco, her boyfriend's younger brother. The messa...
How We Unravel By Ysa

General Fiction

419K 15.5K 33
Warning: this story contains dark theme about depression, sex, violence, and language that may trigger emotional trauma to people who experienced the...