The Chronicles Of Dana (Publi...

By OhCheeseball

12.6K 682 112

From online strangers to online friendship. From online chats to offline talks. From online calls to offline... More

X
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
The Chronicles Of Dana

Kabanata 7

368 21 2
By OhCheeseball

Kabanata 7

#WaitingShed

'Wag mong hayaang maging Waiting Shed ka lang sa buhay niya; 'yong tipong dinadaanan lang kapag kailangan ka at iiwan din kapag hindi na kailangan pa.

"ANO'NG problema mo?"

Inirapan ko lang si Barbie. Akala ko talaga ako ang pinunta niya rito sa subdivision namin. 'Yon pala naalala lang niya akong daanan. Ang pakay niya talaga ay si Travis. True friend talaga.

"Wala. Na-badtrip lang ako kahapon dahil napadpad si Jay kasama ang current girlfriend niya sa Café Saga."

Off ko ngayon. Dapat nga dalawang araw ang off sa Café Saga pero hiniling ko kay Knox na one day na lang sa 'kin. Kailangan ko talaga ng pera, eh. Nakikita ko kasi kay mama na ginagawa niya lahat para mabawi 'yong binigay niya kay papa sa pamamagitan nang paghahaba ng open hours ng bakery. Hapung-hapo at pagod na pagod tuloy si mama.

Si Crane naman ay may nakuha na ring trabaho. Ayaw lang niyang sabihin kung saan.

"Hindi ka pa rin naka-move on kay Jay? Aba, old story na 'yan, ha," nakataas ang kilay na ani Barbie sa akin.

"Naka-move on na ako. Naiinis lang talaga ako kapag nakikita ko siya."

"Ang totoong naka-move on, Dana, ay 'yong kapag nakita mo siya, wala nang feelings. Parang nakakita ka na lang ng stranger."

"'Tse!"

Binatukan niya ako. "Tingnan mo 'to, parang nagpapayo lang, eh."

"Doon ka na nga kay Travis. Parehas naman kayong weirdo, eh."

"Baka kasi nami-miss mo na ako kaya binisita kita."

"As if."

Nagkuwentuhan pa kami ni Barbie hanggang sa nagpasya na siyang umuwi. Dahil off ko, mas pinili ko na lang na magkulong sa kuwarto ko.

Syempre pa, ang kaulayaw ko ay ang laptop ko.

Naalala ko si Genos. It was nice to know the real name behind the username kryptonight. As least, alam ko na ang itatawag ko talaga sa kanya.

Genos.

Cool name.

Mas cool kumpara sa Jay.

I learned from Genos that he was from South Korea but wasn't a pure Korean. Hindi na nito nasabi sa akin kung half ano ba ito.

Nag-login na ako sa Checklist. Hindi pa man ako nakakatagal ay may natanggap na akong message galing kay Genos.

kryptonight: Are you okay now?

DeeoneandonlyDana: Hmm?

kryptonight: It seems like you are a bit off yesterday.

DeeoneandonlyDana: Ahh. I'm okay now. I saw my ex-boyfriend yesterday. It brought back bad memories.

kryptonight: You still love him?

DeeoneandonlyDana: Of course not. I'm over him already.

DeeoneandonlyDana: I just can't get over the fact that he made a fool out of me.

kryptonight: Oh. I see.

DeeoneandonlyDana: So, how's life?

kryptonight: Okay. School's a little bit hectic but manageable.

DeeoneandonlyDana: Oh. So you're still studying? How old are you by the way?

kryptonight: Eighteen.

DeeoneandonlyDana: We're the same!

kryptonight: Can you teach me more about your language?

Napangisi ako saka nag-type ng reply.

DeeoneandonlyDana: Sure thing!

DeeoneandonlyDana: First. Good morning in our language is, "Bading ako."

kryptonight: Bading ako. Got it.

DeeoneandonlyDana: Good afternoon is "Mabaho ako."

DeeoneandonlyDana: Good evening is "Tanga ako."

kryptonight: Oh. It seems so easy.

DeeoneandonlyDana: Yep! Let's try it. Good afternoon, Genos!

kryptonight: Mabaho ako, Dana.

Natawa ako ng malakas. Juskoh. Kahit online crush ko si Genos, hindi ko pa rin mapigilang pag-trip-an siya. Ang salbahe ko talaga.

kryptonight: Enjoy ka namang pagtrip-an ako, Dana.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang sunod na mensaheng iyon ni Genos.

DeeoneandonlyDana: What?! Marunong kang mag-Tagalog?!

kryptonight: Yep. Fluent, too. Half-Korean-half Filipino pala ako. Hindi ko ba nasabi?

kryptonight: Hahahaha.

DeeoneandonlyDana: Buwisit ka! Pinag-trip-an mo ako!

kryptonight: Pinag-trip-an mo rin naman ako. Mabaho ako, ha? Hahahaha.

Namula ang mga pisngi ko. Buwisit. Minsan na nga lang ako mang-trip, nahuli pa.

DeeoneandonlyDana: Ewan ko sa 'yo, Genos!

kryptonight: Pero napatawa mo talaga ako sa mga kalokohan mo.

kryptonight: So give me a song. Kapalit nang kasiyahan ko. Haha.

DeeoneandonlyDana: Hmp! Jet Black Heart.

kryptonight: Copy.

kryptonight: 'Wag mo na akong pag-trip-an, ha.

DeeoneandonlyDana: Genos!

kryptonight: Mabaho ka rin, Dana.

kryptonight: That means "Good afternoon as well."

kryptonight: Hahahaha.

DeeoneandonlyDana: Buwisit ka Genos!

Nag-backfire sa akin 'yong panloloko ko. Pero in fairness, chatting with him like this felt so nice. It seemed as if we were getting closer.


"PAGOD na pagod ka, Ma," puna ko kay mama na abala sa pagluluto. "Ako na d'yan."

Tinapik niya ang kamay ko nang akmang aagawin ko sa kanya ang sandok. "Ako na. Ngayon na nga lang ako ulit magluluto. Kaya ko na 'to," aniya sa akin.

Pinagmasdan ko siya ng maigi. "Sabi ko naman sa 'yo, Ma, na tutulungan kita. Hindi mo kailangang habaan ang oras nang pagbubukas ng bakery."

"Hayaan mo na ako, 'Nak."

"Ma—"

"Hindi ka naman ba hinihimatay sa trabaho mo?"

Namula ang pisngi ko. Minsan kasi, kapag sobrang pagod o stress ay hinihimatay ako. Energetic ako pero may pagkakataon na bigla-bigla akong nade-dead battery. Nawawala bigla ang enerhiya ko.

Weird, 'no?

"Hindi naman. Gamay ko na sa Café Saga, Ma. Sa una lang mahirap pero kaya ko na ngayon."

"Mabuti naman. Kaunting-tiis na lang, makakaahon din tayo."

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagsasalita ng laban sa papa ko. Ayoko nang dagdagan pa ang pasanin ni mama.

"Umakyat ka muna at mag-shower. Tatawagin kita kapag kakain na. Hintayin na rin natin si Crane. Aba'y laging ginagabi ang batang 'yon."

"Hindi mo ba talaga kailangan ng tulong ko, ma?"

Umiling siya at tinaboy na ako.

Umakyat na ako sa silid ko. Nag-shower ako at nang matapos ay hinarap ang laptop ko.

Kaka-login ko pa lang nang may natanggap kaagad akong mensage galing kay Umi.

purplehairedgirl: Bruha ka! Close na talaga kayo ni kryptonight?!

Okay. I would admit that I was a little bit disappointed it wasn't from Genos. Slight lang naman.

Kaagad akong nag-reply kay Umi.

DeeoneandonlyDana: Hahahaha. Hindi naman. Bakit ba?

purplehairedgirl: Nag-dedicate ulit siya ng kanta para sa 'yo! Gaga ka ang haba ng hair mo!

Nanigas ang mga kamay ko nang mabasa ang reply ni Umi. Ulit?! Alam ko nagbigay ako ng pamagat ng kanta kay Genos pero dedicated ulit sa akin? As in?

DeeoneandonlyDana: Whaaat?!

purplehairedgirl: Check mo account niya, dali!

Pagkapunta ko sa account ni Genos, ang una kong napansin ay ang newly uploaded video niya. Kaagad kong pinanood iyon. Kagaya nang mga latest videos niya, kalahati lamang ng katawan niya ang kita.

"For Dee," panimula niya sa video bago kumanta. Jet Black Heart.

Katatapos ko lang panoorin (at namnamin) ang video ni Genos nang may natanggap akong Submission entry.

Sa Checklist, ang Submission entry ay ang pagpapasa ng ibang member sa account ko ng kung anu-ano. They might submit an artwork, a message, or anything else. Ang kaibahan nito sa chatting, para makapag-reply sa Submission entry, kailangang i-post ko sa mismong account ko ang Submission kasama ng sagot ko.

Anonymous: Famewore! Stayed away from kryptonight! You're videos sucks! Go delete you're account, wore!!!

DeeoneandonlyDana: Re: Anonymous: [Correction] Famewhore. Stay away from kryptonight. Your videos suck. Go delete your account, whore. Note, please limit the use of exclamation point. Thanks.

Mukhang okay lang ako base sa reply ko sa anon na 'yon pero sa totoo lang, nada-down din naman ako. Hindi ito ang first anon hate na natanggap ko pero ito ang nakakasakit, eh. Famewhore? Hindi naman nila ako kilala para batuhin ng ganitong klaseng salita.

Akmang magla-logout na lang ako nang may sunud-sunod na notification akong natanggap.

May comment si Genos sa post ko.

kryptonight: Dana is far from being a famewhore. Go bother someone else's life and don't bother her.

Naitakip ko ang mga palad sa aking bibig nang mabasa ang kumentong iyon ni Genos.

Hindi lang si Genos ang nagtanggol sa 'kin sa anon hater na 'yon, maging ang iba kong followers at online friends. Pero iba ang hatid sa akin ng ginawa ni Genos.

Nag-post ako ng simpleng "Thank you, guys" sa account ko bago nag-chat kay Genos.

DeeoneandonlyDana: Thanks, Genos.

kryptonight: Nakakabanas lang mga anonymous haters. Kung malakas ang loob nila, dapat hindi sila nag-anon.

DeeoneandonlyDana: Wala eh. Sikat ka kasi. Hahaha.

kryptonight: Sorry. Dahil pa yata sa 'kin 'yon.

DeeoneandonlyDana: Ayos lang 'no.

kryptonight: But I like how you handled it. You nailed it.

DeeoneandonlyDana: I know right. Thank you pala sa bagong cover. Ang ganda talaga ng boses mo.

kryptonight: Kaya pala pinag-trip-an mo ako. Sabi mo fan kita pero ang sinabi mo eh feelingero at assumingero ako.

Natawa ako nang maalala ang pinagsasasabi ko sa kanya noon; 'yong mga kalokohang Tagalog to English translations ko.

DeeoneandonlyDana: Sorry na nga, eh. Hindi ko na uulitin. Haha.

kryptonight: Sabi mo pa nakakabuntis boses ko.

kryptonight: Hahahaha!

DeeoneandonlyDana: Malay ko bang nakakaintindi ka pala ng Tagalog! Buwisit!

kryptonight: Dana, I have a question. Importante.

DeeoneandonlyDana: Ano?

kryptonight: Do you send nudes?

DeeoneandonlyDana: Genos!

kryptonight: Hahahahaha! It was a joke.

kryptonight: Let's do a video chat.

Kumabog nang malakas ang puso ko. Bigla akong kinabahan. Video chat? Makikita ko na ang hitsura ni Genos? Parang hindi pa ako handa.

kryptonight: Ano? Call?

Napapikit ako nang mariin.

Ano'ng pipiliin ko? Yes or no?

Continue Reading

You'll Also Like

316K 6.9K 200
Viktor Alfred Ferrer and Carilley Manalili Viktor and Carilley are friends. They secretly inlove each other, but they can't be together because of Ha...
934K 29.4K 111
(Finished) When Sierra Evans, a popular 'it' girl, suddenly receives a message from Orion Lincoln Velasco, her boyfriend's younger brother. The messa...
54.7K 905 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
32.4K 2.2K 33
Mataas ang standard sa lalaki. Check. Gusto ng mala-pocketbook na love life. Check. Medyo may hang-up pa sa past. Check na check. Iyan ang mga dahila...