Secrets of the Malavegas (Boo...

By LenaBuncaras

393K 12.6K 1.3K

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na l... More

1: The Family
2: Bad Blood
3: Zone
4: Labyrinth
5: Second Child
6: Broken Window
7: Saved
8: Regeneration
9: Suspension
10: Annual Elimination
11: Project ARJO
12: 10 PM
13: Tutorial
14: Big Brother
15: Psychology
17: Sibling Rivalry
16: 6th Floor
18: Reviewer
19: Gamble
20: Escape Route
21: Neophyte Guardian
22: Blood Donation
23: Alter
24: Master Plan
25: The First Wife
26: Clandestine
27: Unusual Morning
28: House Visit
29: Check-up
30: The Love Interest
31: The Cure
32: So-Called Mistress
33: The Usual Morning
34: The Real Ones
35: The Lunatics
37: Shades of Gray
38: Connections
39: Citadel's Cursed Firstborn
40: Missing
41: Floating Hints
42: The Haunted Mansion
43: The Immortal One
44: Plans
45: The Land Lady
46: The Sisters
47: The Deal of the Devil
48: The Beginning of the End
49: The Son of the Prodigals
50: King's Pawn
Epilogue

36: Untold Secrets

6.3K 319 23
By LenaBuncaras

Binabasa ni Josef ang chat thread na ginawa ng asawa niya at nakikita niya sa bawat kuha nito na mukhang si Zone nga ang habol ng mga bisita nila nitong tanghali lang. Nakikita niya sa bawat photo ng asawa niya ang pare-parehong mukha sa background.

RJ

Mama, the guy in red two stalls away. He looked nice in a suit. I want the same brand.

99

Not really a fan of hide and seek, Pa. It's your forte.

Soldier

Ma, Pa, I know there's something wrong. Please, tell me now.

Pinaiwan nila sa baggage counter ang mga pinamili nila kaya nakapamasyal pa sila sandali ni Arjo. Nag-aalala siya kay Armida pero kailangan niyang protektahan ang buong pamilya niya, at lalo silang mahihirapan kung magkasama sila kasama rin ang mga bata.

"Wow . . ." Naagaw ang atensiyon ni Arjo ng isang bilihan ng stuff toy na nadaanan nila. Tumayo siya sa harap niyon at tinitigan ang malaking pink na bear na may I heart You sa dibdib. "Ang cute naman niya."

Tumayo naman si Josef sa tabi niya at tiningnan din ang stuff toy. Tiningnan naman sila ng saleslady doon at inalok sila ng tindang stuff toys.

"Gusto mo yan?" tanong ni Josef.

Tumango naman si Arjo sa papa niya habang nakangiti nang malaki.

"Bilhin mo na," sabi ni Josef sabay lakad paalis.

"Nge! Papa!" Nagulat naman si Arjo kasi biglang walk-out ng papa niya. Hinabol niya agad ito at hinatak pabalik sa tapat ng stall.

"Hahaha!" Natawa naman si Josef at nagpamulsa na lang. "Akala ko ba, gusto mo yung bear?" nakangiti niyang tanong kay Arjo.

"Wala naman akong pera e!" reklamo ng anak.

"'Wag ka nang bumili ng bear. Wala ka palang pera e," sabi ni Josef habang tumatawa.

"Pero gusto ko ng bear! Pa, sige na, bili mo 'ko ng teddy bear!" Nag-tantrum na parang bata si Arjo roon dahil gusto talaga nito ng bear na malaki. "Please po . . ." Pinapungay pa niya ang mga mata habang nakadaop ang mga palad para lang bilhin ng papa niya ang stuff toy. "Sige na po, pleaseeee . . . Please, please, please, please, Papa . . ."

Napabuntonghininga na lang si Josef at pumasok na sa loob ng stall. Ano pa ba ang magagawa niya, nandoon na sila. "Pakiabot ng pink na bear," aniya at itinuro niya ang bear na gusto ni Arjo.

"Sure, sir!" masayang sagot ng saleslady at iniabot ang bear kay Josef.

"How much?"

"11, 980 only, sir," magalang na sinabi ng saleslady.

"Okay, thank you." Iniabot na ni Josef ang bear kay Arjo. Halos mas doble pa ito sa katawan ng dalaga at abot hanggang leeg nito ang taas.

"Yehey! May bear na 'ko!" masayang sinabi ni Arjo habang yakap-yakap ang malaki niyang stuff toy.

Iniabot na ni Josef ang bayad sa saleslady at saka sila umalis doon. Pinanonood lang ni Josef ang anak niyang tuwang-tuwa sa bago nitong stuff toy.

"Hello, Mr. Bear, ang cute-cute mo naman . . ." sabi ni Arjo sa stuff toy.

Ngumiti na lang si Josef at kinuha ang kamay ni Arjo para inalalayan ang anak niya sa paglalakad. "'Pag nakita 'yan ng Mama mo, magagalit na naman 'yon."

Sandaling natigilan si Arjo at agad na nalungkot. Ayaw ng mama niya na bumibili siya ng bagay na hindi naman niya kailangan talaga. Marami naman kasi siyang stuff toy. Naiwan na nga niya ang iba sa dati nilang bahay kaya ilan lang ang nasa kuwarto niya ngayon. "Pa, bakit gano'n sa 'kin si Mama? Parang hindi naman siya nag-aalala sa 'kin."

Matipid lang ang ngiti ni Josef at sinilip na naman ang phone niya. "Nag-aalala 'yon sa 'yo. Imagination mo lang yung hindi," sagot niya sa anak. "Daan muna tayo sa bilihan ng bulaklak. Bilhan natin ang Mama mo. Pampalubag-loob diyan sa bear," sabi niya sabay ngiti.

Nangiti na lang din si Arjo at tinanguan na lang ang papa niya.

Pagdating sa bilihan ng bulaklak sa mall, halos walang namimili sa mga oras na iyon. Maliit na stall lang iyon at katabi ng iba pang souvenir shops.

"Good afternoon, sir, flowers po ba hanap n'yo?" nakangiting tanong ng babae sa bilihan ng bulaklak paglapit nila. Naghawi pa ito ng buhok habang nagli-lipstick sa maliit na hand mirror. Ni hindi man lang sila nagawang tingnan.

"Hindi. Puno hanap namin, yung pine tree," sarcastic na sinabi ni Arjo habang minamata ang tinderang inuna pang magpaganda kaysa magbenta.

Biglang nagbago ang facial expression ng tindera dahil sa sinabi ni Arjo at doon lang sila natingnan habang nakahinto ang lipstick sa harap ng bibig.

Tinakpan na lang ni Josef ang bibig ng anak at saka nginitian ang tindera. "Pasensya ka na rito sa anak ko. Oo, flowers," at saka niya tinanggal ang kamay sa bibig ni Arjo.

"Rose ba, sir? Para sa asawa n'yo?" naka-smile na tanong ng tindera na halatang pilit pa at itinuloy na naman ang pagli-lipstick.

"Hindi. Venus flytrap. Yung nangangain ng pangit," sarcastic na sinabi ni Arjo.

Nagbago na naman ang expression ng tindera dahil talagang pinapatulan siya ni Arjo.

"Uhm, tama na." Tinakpan na naman ni Josef ang anak gamit na ang buong bear na yakap nito. "Isang bouquet, ikaw na ang mamili ng ilalagay na bulaklak. Thank you."

"Yes, sir," wala sa mood na sinabi ng tindera sabay mata kay Arjo.

"Psh, pangit." Sumimangot lang si Arjo at h-in-ead-to-toe ang tindera. Inuna pang magpaganda samantalang naroon na nga sila at bumibili.

"Doon na muna tayo," itinuro ni Josef ang waiting area na katabi ng bilihan ng flowers.

Pag-upo nila, tiningnan agad niya ang usapan ng asawa at panganay niya. Nagpapabili si Armida ng chocolates donuts samantalang hindi naman ito kumakain niyon. Maliban kung may nuts at bavarian.

"Pa," tawag ni Arjo habang nakatitig doon sa bear niya.

"Yes, young lady?" sagot niya habang nagbabasa ng chat. Nagrereklamo na naman ang panganay niya sa request ni Armida.

"Bakit mo pinakasalan si Mama?" tanong ni Arjo sabay tingin sa kanya.

"Uhm," nag-isip pa siya ng isasagot. "Kasi kailangan ko siyang pakasalan. Bakit mo natanong?"

"Kailangan?" Inisip ni Arjo kung bakit kailangan. "Di ba dapat pinakasalan mo siya kasi love mo siya?"

"Uhm," tumango naman nang dahan-dahan si Josef. "Actually, pinakasalan ko ang mama mo kasi gusto kong maging maayos ang buhay niya. Parang gano'n na rin 'yon."

"E mas mayaman naman si Mama kaysa sa 'yo a."

"Well . . ." Habang tumatagal, lalong napapaisip si Josef sa isasagot sa anak. Yung klase ng sagot na normal para maging sagot. "Yung mama mo kasi, hirap 'yang humanap ng love life. Kasi masungit."

"Oo nga," pagsang-ayon naman ni Arjo. "E masungit nga siya tapos nagustuhan mo pa rin? Nakakainis kaya si Mama. Si Kuya nga, lagi niyang kaaway e."

"Gano'n lang talaga ang mama mo, anak. Isipin mo na lang na yung lovestory namin, parang Beauty and the Beast. Tapos siya yung beast."

"Eh?!" Nagulat naman si Arjo sa sinabi ng papa niya. "Papa, susumbong kita kay Mama."

"Uy, sshh! Mamaya, patulugin ako n'on sa parking lot hahaha!" Natawa na lang siya at sinilip ang phone.

99

Papa, we're going home. Giuseppe's around.

RJ

Good. I'll take you home. See me in ten minutes.


"Sir, ito na po ang flowers," mataray na sinabi ng tindera ng bulaklak at inabot na kay Josef ang bouquet na order nito habang nakataas ang kilay kay Arjo. Hindi naman nagpatalo si Arjo, nagtaas din ng kilay.

"Thank you," pasalamat ni Josef nang may ngiti at nagbayad na. Tangay-tangay niya ang bulaklak habang nag-cha-chat sa panganay.

RJ

Max, umuwi ka na.

Soldier

What about Mama's donuts?

RJ

Don't buy her sweets. Ibibigay lang niya 'yan kay Zone. Go home if you don't have any business outside.

99

You both know I'm here, di ba?

RJ

Hi, Mama, I love you. *smiles*

99

Bullshit.

Natawa nang mahina si Josef dahil masungit talaga ang asawa niya kahit na kailan.

Soldier

Pa, I met two ladies here in the cafe.

RJ

Son, what's new?

Soldier

The name's Erah and Jin. Does it ring a bell? Kilala ka raw nila.

Biglang napahinto sa paglakad si Josef at sumeryoso ang tingin niya sa screen ng phone.

"Pa? Bakit?" pag-usisa pa ni Arjo.

"Mauna ka na sa kotse, dalhin mo 'to," seryoso na niyang utos kay Arjo at iniabot dito ang bulaklak na dala. "Ako na ang kukuha ng groceries."

"O-okay?" takang tugon ni Arjo at sinundan na lang ng tingin ang papa niya na biglang sumeryoso nang maglakad papunta sa baggage counter. Naabutan pa niya itong may tinawagan sa phone nang makalayo na.

Samantala, binalot ng kalituhan si Josef dahil sa chat ng anak niya. Tinawagan niya agad si Armida para magtanong.

"Tell me I read that chat wrong," sabi pa niya sa kabilang linya habang patungo sa baggage counter. Kinuha niya agad sa bulsa ang number tag ng pinamili nila.

"I don't know how to answer," sabi lang ni Armida.

"But do you know about this?" Nakasimangot niyang inilapag sa claiming counter ang tag.

"I talked to them inside my mind," sagot ni Armida na halatang naglalakad dahil sa boses nitong garalgal. "And you know that I never leave our house because of Zone."

"But that's impossible! If they really are the Erah and Jin that I knew. Di kaya prank lang 'to?" Kinuha na lang niya ang isang big cart at itinulak iyon papuntang exit door na malapit sa parking lot ng mall.

"But they said they're going back."

"What kind of 'back' is that? Back from the dead?"

"I don't know! I thought they're talking about back as my alters. I'll ask Max. Baka pinadala lang ng Citadel para i-trap tayo gamit siya."

"Ugh God. How come I didn't think of Max?" inis na sinabi ni Josef. Guard na ang tumulong sa kanya para buksan ang exit door. "Thank you," pasalamat niya at nakita na ang kotse nila. Sakop na sakop ng bear ni Arjo ang back seat. Isa pa yung bear sa iisipin niya kung paano ipaliliwanag sa asawa niya. "Paalis na kami sa mall."

"Hihintayin ko na lang kayo sa entrance. Nakikita ko na yung dalawang Guardian dito—oh shit. Josef, change of plans! I'll find Xerez first! We're surrounded!"

Binaba na agad ni Armida ang tawag. Tiningnan pa niya ang phone at talagang wala na ang kabilang linya.

"Oh my god," kinakabahan niyang bulong. Madaling inilagay sa trunk ng kotse ang mga pinamili nila. Tuliro siyang sumakay sa sasakyan at walang ibang laman ang utak kundi makausap ang asawa at anak niya.

"Papa, susunduin na natin sina Mama?" tanong ni Arjo, pero hindi na siya nakasagot. "PAAA!" Napatili na lang ito nang paharurutin niya ang sasakyan nila at halos paliparin palabas ng parking lot.

Hindi niya alam kung saan na mag-aalala. Hindi talaga niya lubos maisip na may lalapit sa anak nila, magpapakilalang Erah at Jin at kilala siya. Napakaimposible niyon dahil matagal nang patay ang mga ito. At ang asawa niya, na kagagaling lang sa doktor at naturukan ng pampakalma, hindi na rin niya alam kung ano na ang lagay dahil parang hindi naman ito tinablan ng kung ano mang pampakalma na iyon. At ngayon, nasa panganib ang buhay nito. O hindi. Kilala niya si Armida. Madali lang itong makakatakas sa ganoon kalawak na lugar, lalo pa't nasa amusement park ito.

Ang sampung minutong biyahe, naging apat na minuto lang sa kanya. Ni hindi na nga niya pinansin ang pagtili ni Arjo sa back seat.

"PAPAAAA—!" Napahinto lang sa pagtili si Arjo nang paikutin niya ang sasakyan at mag-parallel parking sa unahang blangkong espasyo. Pagkatigil ng sasakyan, mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at dali-daling bumaba na parang wala siyang ginawang napakadelikadong bagay.

Pinagtitinginan tuloy siya ng mga nasa entrance ng Tommy Land's nang tuloy-tuloy niyang lakarin ang daan patungo sa main gate. Ni hindi na inabalang lingunin ang anak na tili nang tili sa sasakyan habang nasa biyahe sila.

Kinuha niya agad ang phone at tinawagan si Xerez.

"Lord Ricardo, kasama namin ngayon si Laby Armida at ang bioweapon," madaling sagot ng Centurion na parang alam na nito ang itatanong niya bago pa man siya magsalita.

"Dalhin n'yo sila rito sa entrance," utos ni Josef at pinatay na ang tawag. Sunod niyang tinawagan ang asawa.

"Nakasalubong ko kanina si Xerez," bungad ni Armida, hindi man lang inabalangang mag-hello. "Nandito kami malapit sa main entrance. Oh! Hello, handsome."

Napahinto sa paglakad si Josef nang makita ang mag-ina niyang ginuguwardiyahan ni Xerez at ng dalawa pang Guardian. Karga-karga ni Xerez ang bunso nila at halatang inaaliw para hindi usisain ang paligid.

Nakahinga agad siya nang maluwag dahil nagagawa pang ngumisi sa kanya ni Armida nang ibaba nito ang tawag.

"Worried, Mr. Zach?" nakangising tanong ni Armida.

Isa na namang buntonghininga at ibinulsa agad ni Josef ang phone niya. "Until now, hindi ko pa rin kayang hindi mag-aalala sa 'yo." Iminuwestra niya ang palad para utusan ang asawa niyang lumapit sa kanya.

"Kakaalis mo pa lang ng mall, nandito ka na agad?" natatawang sinabi ni Armida at lumapit agad kay Josef para yakapin ito. Ipinalibot niya ang mga braso sa batok ng asawa at nginisihan ito. "They're after with Zone."

"I know," bulong ni Josef at hinalikan sa pisngi ang asawa niya. "Mag-uusap pa tayo tungkol sa sinabi ng panganay mo."

Humiwalay na rin si Armida at kinuha na si Zone mula sa pagkakakarga ni Xerez.

"Thanks, Giuseppe," pasalamat niya sa Centurion.

"My pleasure, Lady Armida." Yumukod pa ito nang bahagya.

Hinanap agad ni Armida ang kotse ng asawa at nakita agad iyon dahil nangingibabaw ang kulay nito sa hilera na pulos itim at puti. Naningkit agad ang mga mata niya nang makitang may malaking bagay na nasa backseat.

"Kailangan nga natingmag-usap," sabi agad ni Armida at nagdududa ang tingin sa asawa nang lakarinang patungong sasakyan nila.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 3.9K 22
Magpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto...
20.5K 1K 25
Can love change a personality? Can love open up something that's been closed from the past? Can love be the REASON to live?
67.6K 2K 11
HELLO Band Series 2: All Peanut wanted was to hurt her mother by hurting Jamia--- her mom's stepdaughter. Para magawa 'yon, kailangan niyang gamitin...
87.1K 2.7K 36
Paano mag-move on kung hindi naman naging kayo? Tanong iyon ni Champagne sa sarili pagkatapos i-give up ang ten years of unrequited love para sa best...