Secrets of the Malavegas (Boo...

By LenaBuncaras

393K 12.6K 1.3K

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na l... More

1: The Family
2: Bad Blood
3: Zone
4: Labyrinth
5: Second Child
6: Broken Window
7: Saved
8: Regeneration
9: Suspension
10: Annual Elimination
11: Project ARJO
12: 10 PM
13: Tutorial
14: Big Brother
15: Psychology
17: Sibling Rivalry
16: 6th Floor
18: Reviewer
19: Gamble
20: Escape Route
21: Neophyte Guardian
22: Blood Donation
23: Alter
24: Master Plan
25: The First Wife
26: Clandestine
27: Unusual Morning
28: House Visit
29: Check-up
31: The Cure
32: So-Called Mistress
33: The Usual Morning
34: The Real Ones
35: The Lunatics
36: Untold Secrets
37: Shades of Gray
38: Connections
39: Citadel's Cursed Firstborn
40: Missing
41: Floating Hints
42: The Haunted Mansion
43: The Immortal One
44: Plans
45: The Land Lady
46: The Sisters
47: The Deal of the Devil
48: The Beginning of the End
49: The Son of the Prodigals
50: King's Pawn
Epilogue

30: The Love Interest

6.5K 223 16
By LenaBuncaras



Sa bahay ng mga Malavega, parating may isang telepono sa bahay na may sariling phonebook. Nakalagay roon ang mga pangalan, numero, at address ng mga taong hindi alam ni Max kung sino-sino ba. Hindi lang niya inaasahan na makikita niya roon ang detalye ni Milicent Etherin na may pangalang Labyrinth.

Nag-drive si Max papunta sa apartment ni Laby na nasa unang avenue ng city bago ang Grei Vale. Tatlumpung minutong biyahe rin at nagpapasalamat siya dahil pumayag na ang papa niya na magamit ang sarili niyang kotse.

Sabado, alam niyang wala itong klase sa HMU. Hindi niya alam kung totoo ba ang address nitong nakalagay sa phonebook na tiningnan pero kailangan niyang magbakasakali.

Huminto siya sa parking lot ng isang malaking six-storey apartment building sa gitna ng Sterling at Pacific Avenue. Tiningala niya ang mataas na gusali para tanawin ang itaas. Nakalagay roon ang room number nitong 423. Fourth floor. Agad na siyang pumasok sa loob. Kapansin-pansin na walang guwardiya roon. Hindi mahigpit ang bantay. Walang elevator sa lugar. Kailangang tiyagain ang hagdan. Fourth floor lang naman.

Pagdating niya sa nasabing palapag, bumungad sa kanya ang isang pasilyong ang tanging ilaw lang ay ang dulong bintanang nakabukas at sinisinagan ng araw. May kadiliman sa pasilyo, tahimik din at parang wala halos nakatira-o baka ay nasa trabaho ang mga naroon. May kalamigan dahil nasa mataas na lugar. Inisa-isa niya ang bawat pinto at dumiretso siya bandang dulong pinto.

"423," mahina niyang sinabi pagtapat sa pinto.

Kumatok siya nang dalawang beses sa puting pinto at nagpamulsa siya bago nilingon-lingon ang paligid. Tinitingnan kung may nakakakita ba sa kanya. Wala namang tao.

Kumatok ulit siya nang walang magbukas ng pinto.

Medyo may kalumaan ang buong building gawa ng kupas na pintura sa dingding, pero hindi naman mukhang squatter-type. Sementado lang ang makinis na sahig, hindi na inabala pang lagyan ng tiles.

Tiningnan niya ang leather shoes. Ang tagal naman siyang pagbuksan. Kakatok na sana uli siya nang biglang bumukas ang pinto. Itinaas niya ang tingin at nakita na ang pakay niya.

"Akala ko, fake lang yung address mo sa phonebook sa bahay," sabi ni Max nang tagpuin ang tingin nito.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito?" masungit na tanong ng may-ari ng apartment habang nagtatago sa likod ng pinto.

"Puwede kang makausap?"

"Sa next meeting na. 'Wag ngayon."

"Sandali lang naman ako, saka . . ." Tiningnan ni Max ang kaunting parte ng damit ng kausap. Naka-puting long sleeves ito na maluwag at kitang-kita ang gusot. Inilipat niya ang tingin sa itsura nito. Mukhang hindi pa nagsusuklay, may kaunting lipstick pa sa dulo ng labi, at may smudge pa ng liquid eyeliner sa ilalim ng mata. "Mukhang wala ka namang ginagawa." Itinulak ni Max ang pinto at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok kahit hindi naman siya inaalok.

"Si Josef ba ang nagturo sa 'yong pumasok sa bahay nang may bahay nang walang pahintulot?" sarcastic na tanong ni Laby.

"Ayokong sayangin ang oras sa pagpunta ko rito. Gusto ko lang-" Napahinto si Max nang makita ang napakaraming benda at bulak na puno ng dugo na nasa paanan ng kama at sa bedside table.

"What do you want? Say it. Wala akong time para sa 'yo," naiinis na sinabi ng babae.

Dahan-dahang tumalikod si Max at nakataas ang kilay nang tingnan si Laby. "Anong ibig sabihin niyan?" sabay turo sa mga nakita niya.

"Anong kailangan mo? Sabihin mo na."

Napabuga ng hangin si Max at nilapitan ang babae. Hinagod niya ito ng tingin at pinaikot para makita ang hinahanap.

"Ano bang ginagawa mo?" inis na sinabi nito.

Wala namang problema ang binti nito kaya malamang na nasa upper body ang problema.

Tinanggal ni Max ang unang butones ng damit niya kaya tinabig niya agad ang kamay nito.

"Ano ba?!" Kinuyom niya agad ang damit para pigilan si Max sa paghubad sa suot niya.

"Bakit? Natatakot ka?" mahina ngunit seryosong tanong ni Max. "'Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama."

Inalis ni Max ang kamay ni Laby sa damit at itinuloy ang pagtanggal ng butones ng suot nito.

Wala namang pakialam si Max kahit bumungad sa kanya ang katawan ng babae. Kung wala namang malisya, wala rin namang mangyayari.

"Why are you doing this?" pigil nitong tanong.

Walang isinagot si Max, sa halip ay itinalikod niya si Laby nang walang makitang problema sa harap. Doon ay bumungad sa kanya ang kaliwang parte ng likod nito, sa bandang balikat, na nangingitim na at may butas sa gitna. Napakunot agad ang noo niya dahil alam niyang tama iyon ng bala.

"May nangyari ba?" galit na tanong ni Max.

"Ano bang kailangan mo? Diretsahin mo na 'ko para matapos na 'to."

"Anong nangyari dito? Saan mo 'to nakuha?" tanong ulit ni Max, at hindi na naisip pa ang tunay niyang pakay.

"None of your business." Hahatakin na sana ni Laby ang damit para takpan uli ang katawan kaso pinigilan siya ni Max.

"Pumunta ka na ng ospital?"

"Hindi na kailangan. Mahuhuli ako kapag pumunta ako ro'n." Sapilitan niyang isinuot ang damit at naglakad papunta sa kama.

"Nandyan pa rin ba yung bala?" alalang tanong ni Max.

"Wala na." Naupo siya sa higaan at kinuha ang phone na nasa may nightstand.

"Sinong nagtanggal? Nanghingi ka ba ng tulong?"

"Hindi ako puwedeng manghingi ng tulong. Saka kaya ko ang sarili ko, sanay na 'ko."

"Nababaliw ka na ba?! Gusto mo na bang mamatay?!" galit na sigaw ni Max.

"Gusto ko na, pero hindi pa puwede," hopeless na sinabi ni Laby. "Kung wala kang balak sabihin ang pakay mo, puwede ka nang umalis. Hindi ko kailangan ng awa mo."

"Tsk!" Sandaling hindi nakapagsalita si Max at tinitigan na lang ang bandang likod ng pakay niya. "Kumain ka na?"

"Hindi ako gutom."

"Hindi ka gutom o wala kang makain?"

"You hate me, right? What's with the concern all of a sudden?"

Isang malalim na pagbuntonghininga na lang ang nagawa ni Max. Napailing na lang siya at tiningnan ang buong apartment.

Maliit lang iyon, sinlaki ng kuwarto niya. Ang sala at kuwarto, iisa na lang. Tatlong hakbang lang ang layo ng kama sa kusina. Hindi ganoon kalaki ang espasyo ng banyo. May isang maliit na mesa katapat ng kitchen sink at dalawang upuan. Puting pintura lang ang nagpapalawak ng lugar at ang asul na kurtina sa nag-iisang bintana.

May cabinet sa itaas ng kitchen sink at iyon ang unang tiningnan ni Max. Puro mga noodles at easy-to-cook foods ang naroon.

"Paano ka nabubuhay sa ganitong pagkain?" sarcastic na tanong ni Max.

"Get lost," mahina ngunit dinig niyang sinabi nito.

"I thought mayayaman ang mga Superior. Then what's the meaning of this?" Naghanap pa si Max ng kahit anong edible doon at nakita ang isang maliit na dispenser na may lamang bigas at loaf bread.

Kahit paano'y nabigyan siya ng kaunting tuwa dahil hindi na niya kailangan pang bumili sa labas ng makakain ng pakay niya.

"Alam ba ng mama mo na nandito ka?" usisa ni Laby.

"'Yan din ang gusto kong malaman sa 'yo ngayon," sagot ni Max. Kinuha niya agad ang isang maliit na kaserola na nakasabit doon sa ilalim ng mga cabinet at hinugasan ang isang cup ng bigas.

"Aalamin mo sa 'kin kung alam ni Armida na nandito ka?" Habang patagal nang patagal, pamalat na nang pamalat ang boses niya.

"May gamot ka ba diyan sa sugat mo?" pagbabago ng tanong ni Max.

"Of course."

Nang matapos ay isinalang na ni Max ang lulutuin sa electric stove na katabi ng sink.

Binalikan niya uli ang babae at tinangay ang isang upuan sa mesa bago umupo sa tabi harapan nito.

Pinagmasdan niyang mabuti si Laby. Mukhang hindi pa ito nakakaligo o kahit hilamos man lang. Kapag walang makeup, kitang-kita ang eyebags nito, pero hindi naman iyon malaking bagay. Mas makinis tingnan ang balat nito sa malapitan kapag walang foundation. Iyon lang puting damit ang suot nito at ladies boxer na kulay pula, maliban doon, wala na. Hinawakan niya ang noo nito at leeg. Mainit. Pawis din ito.

"I'm going to be fine. Kailangan ko lang ng tulog," katwiran nito at tinapik agad ang kamay niya. "What happened to your face? Alam ba ng mama mo na basag 'yang mukha mo?"

"I told you, 'yan din ang gusto kong malaman sa 'yo ngayon," pag-uulit ni Max at umalis na sa upuan niya. May isang portable closet sa kanto malapit sa pinto na lagayan ng damit ni Laby. Kinalkal niya iyon at kumuha ng bagong puting long sleeves at dolphin shorts na kulay krema. Kumuha rin siya ng face towel na kulay puti at inalagay ang damit sa inupuan bago binasa ang tuwalya at sinilip ang niluluto niyang lugaw.

"May nangyari ba?" tanong ni Laby.

"Nag-collapse si Mama kahapon."

"Of course she will. Hindi pa rin siya pumapayag salinan ng dugo."

"Sinalinan siya kahapon ng dugo."

Nang matapos siya sa pagbasa ng tuwalya, eksaktong pagtalikod niya, nakataas na kilay ang bumungad sa kanya mula kay Laby. "Tell me, hindi si Erah ang bumubugbog sa 'yo."

Hindi na nakahakbang pa si Max at kumunot agad ang noo. "She said she's Erah."

Biglang ikot ng mga mata ni Laby sabay iling. "I already told them the process. Kailangang palitan ang dugo ni Armida, but not to transfuse, but to replace literally. Sa transfusion, dumadaan sa filtration ang dugo. Kapag isinalin 'yon, magkakaroon ng anaphylactic shock si Armida. Yung allergic reaction niya ang nagtatanggal ng epekto ng gamot para i-maintain ang mga alter niya."

Doon na bumalik sa upuan si Max. Inilapag muna niya ang mga nakapatong doon sa tabi ni Laby bago ito nagdududang tiningnan. "Alter?"

"Masyadong komplikado ang katawan ng mama mo para isa-isahin ko pa. Ang importante lang naman ngayon ay nawala ang epekto ng gamot niya dahil sa pagsasalin ng dugo." Saglit na natigilan si Laby at nagtatakang tiningnan si Max. Saan pala kayo kumuha ng dugo?"

"Sinabi ko kay Arjo na mag-donate siya ng dugo," sabi ni Max na iwas ang tingin.

"You did it wrong," sabi agad ni Laby. "I told you, Arjo was made to die."

"Gaano karaming dugo ba ang kailangan ni Mama, ha?!" galit nang singhal ni Max kay Laby. Biglang bumigat ang hininga niya habang nakatingin sa mga asul na mata ni Laby.

"Kailangang ubusin ang dugo sa katawan ni Arjo para mabuhay ang mama mo. Sasalain ang dugo sa katawan ng mama mo, aalisin 'yon sa katawan niya habang inaalis ang dugo ni Arjo at inililipat sa katawan ng mama mo. Gano'n ang tamang proseso hindi ang ginawa n'yo."

Nakagat ni Max ang labi at nakuyom ang hawak na basang tuwalya. Napayuko lang siya habang iniisip kung paano iyon mangyayari. Kapag ginawa iyon, mamamatay si Arjo. Pero kapag hindi iyon ginawa, mamamatay ang mama niya.

"Alam ba ni Mama na gano'n ang gagawin kay Arjo para mabuhay siya?" malungkot nang sinabi ni Max habang nakatingin sa tuwalya.

"Alam ng mama mo ang lahat."

"Kahit ang tungkol kay Zone?"

"Hindi ako kabit ni Josef, kung ipagpipilitan mo pa rin 'yan. Surrogate mother lang ako ng batang 'yon."

"Pero anak mo pa rin siya kay Papa."

"Just so you know hindi lumaki sa tiyan ko ang batang 'yon. He's just an experiment na lumaki sa test tube. Gaya rin ni Arjo. And they're made to keep your mother alive. Ang mama mo lang ay may ayaw gamitin sila sa kung para saan ba talaga sila."

Narinig nilang pareho na kumakalampag na ang takip ng kaserola sa stove kaya saglit na kinuha ni Max ang kanang kamay ni Laby at inilagay roon ang basang tuwalya bago nito tiningnan ang niluluto.

"Alam kong nag-aalala ka lang sa mama mo kaya mo ginagawa ang lahat ng 'to, pero siya ang palaging nasusunod. Hindi mo siya kailangang pangunahan. At kung ayaw niyang tanggapin ang dugo ni Arjo, malamang na gusto lang niyang mabuhay ang batang 'yon."

Pagkatapos haluin ni Max ang niluto niya ay binalikan na rin niya si Laby na may dismayadong mukha. Wala siyang imik nang kunin ulit ang tuwalya kay Laby at hinawakan niya ang baba nito para iangat. Pinunasan niya ang mukha nito para maalis ang mga makeup nitong naging dumi na sa mukha.

Abala si Max sa pag-imis ng mga makeup ni Laby samantalang abala naman ito sa pagtingin sa kanya.

Napansin ni Laby na hindi naman malala ang mga pasa sa mukha ni Max. Halata lang ang ilang pamumula dahil sa kutis ng lalaking namana nito kay Armida, pero maliban doon, wala naman itong malalang sugat sa mukha.

"You're overprotective," bati sa kanya ni Laby. "You're hiding behind that anger yet you care a lot. Magkaugali kayo."

Nagpatuloy lang sa pagpupunas si Max. "Sasabihin mo rin bang para akong si Papa?"

"No. Para kang si Armida. Ganyan din siya no'ng sinabi niyang papatayin niya 'ko."

Noon lang tiningnan ni Max ang mga mata ni Laby. Seryoso lang ang tingin nito. Malalim. Hindi nangungusap, walang ipinararating, blangko. Kung makakita man ng ibig sabihin, mas malapit sa panunukat kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Hininto niya ang pagpupunas sa mukha nito at inilipat ang pagpupunas sa mga braso nito.

"Who did this to you?" tanong ni Max habang tinutupi ang towel na marumi na ang isang bahagi.

"Not for you to know."

Sandaling natigilan si Max, pero nagtuloy na rin sa ginagawa. Nang matapos ay inangat niya hanggang itaas ng braso ang mahabang manggas nito at hinawakan niya sa kanang braso para punasa.

"Hindi ako imbalido, kaya kong linisan ang sarili ko," sabi nito sa kanya.

"Kung kaya mo, sana kanina mo pa nagawa bago ako dumating," sagot ni Max. "Hindi naman 'to malaking bagay. Ginagawa ko rin 'to kay Arjo."

Sandaling napangiti ang babae pero nawala rin nang magtama ang tingin nila ni Max nang mag-angat ito ng tingin.

"I can handle it." Kinuha na niya kay Max ang tuwalya at itinuro niya ng tingin ang nakasalang. "Baka masunog yung niluluto mo."

Nilingon sandali ni Max ang nakasalang at saka ibinalik ang tingin sa kaharap.

Iwas ang tingin nito sa kanya habang pinupunasan na ang sarili.

Tumayo na lang si Max at inasikaso ang niluluto niya. Mukhang okay na kaya hinalo-halo na niya. Lugaw lang naman.

Nagsalin siya sa maliit na mangko na nakalagay sa loob ng isang maliit na platera. Kumuha na rin siya ng kutsara at canned spanish sardines na nasa cabinet. Binalikan na rin niya ang babae at inilapag ang dala sa nighstand na katabi ng kama. Bumalik ulit siya sa kusina para naman kumuha ng tubig.

"Hindi ka na sana pumunta rito kung itatanong mo lang pala ang tungkol sa mama mo. Puwede ka namang tumawag o kaya naghintay ng next meeting."

Wala namang sinagot si Max. Pagbalik niya kay Laby, inilapag niya ang baso katabi ng mangko at kinuha roon sa tabi ng lampshade ang isang itim na ponytail na madalas niyang makitang suot nito sa klase.

"Kapag may nakakita sa 'yo rito," pagpapatuloy ni Laby, "mapapahamak ka lang-" Napahinto siya sa pagsasalita nang tumayo sa harapan niya si Max at sininop nito ang buhok niyang magulo para itali. Napahugot siya ng hininga at natahimik.

Ilang saglit pa, natapos na rin ito sa pagtali ng buhok niya at bumalik sa upuan nito.

Tiningnan niya ang mukha nito para malaman kung ano ba talagang tumatakbo sa isipan ng lalaki. "I really thought you hate me. Bakit mo pa 'to ginagawa?"

"Naiilang akong kausapin ka nang mukha kang ginahasa," masungit na sinabi ni Max at kinuha na ang damit sa tabi ni Laby.

Napangisi na lang nang maangas si Laby at halos matawa sa sinabi ni Max. "So you felt like it's your responsibility to fix my self just to avoid an awkward conversation. Maarte ka lang ba talaga o ayaw mo lang manggaling sa bibig mong concern ka?"

"Mukhang bagong linis lang yung sugat mo," pagbabago ng usapan ni Max. "Pero mukhang kahapon pa 'yang damit mo." Inalok niya ang damit kay Laby. "Change."

Nakitaan ng pagkamangha ang mga mata ni Laby at umangat agad ang isang dulo ng labi niya para sa isang ngisi. "Masyado ka yata nilang in-spoil para magin consistent sa tono mong nag-uutos imbis na nakikiusap." Marahas niyang hinalbot kay Max ang inaabot nitong bihisan niya.

Nanatili ang titig ni Max sa mga mata niya. Nagkrus pa ito ng mga braso at komportableng sumandal sa upuan saka nagkrus ng mga hita. Para bang hinihintay siyang matapos magbihis para masimulan na nila ang pormal na pag-uusap.

Naisip niyang mukhang seryoso ito sa sinabing naiilang siyang kausapin nito dahil lang hindi siya nakaayos.

Kung alam lang ni Max na kanina pa hindi matahimik ang nararamdaman niya magmula nang dumating ito.

Hindi nito inalis ang tingin sa mga mata niya kaya hindi rin niya inalis ang tingin sa mga mata nito habang isa-isa niyang binubuksan ang butones ng suot niya.

"Mukhang sanay kang nakakakita ng katawan," sabi pa niya dahil parang wala lang kay Max kung maghubad siya sa harapan nito.

"I attended a nude painting workshop. Naked bodies are not for me to sexually objectify," poker-faced na sinabi ni Max. "Expecting me to do something to you?"

Lalong napangisi si Laby at tuluyan nang hinubad nang dahan-dahan ang suot niya. "Mukhang well-trained ka ni Josef. Even your mother didn't passed his physical standards for women."

Sinuot na niya sa kanang braso ang isang manggas ng bagong damit, pero napangiwi agad siya nang isuot na ang kaliwa. Napapikit siya at nakagat ang labi nang kumirot ang sugat niya nang sobrang hapdi.

"Tsk," napalatak agad si Max at kumilos na. Umurong siya paharap at siya na ang umalalay sa pagsuot sa kaliwang manggas ng damit ni Laby. "Does it hurt that bad?"

"Masakit pa rin kahit nag-inject na 'ko ng morphine," mahinang sinabi ni Laby na halos ibulong na lang sa sobrang panghihina.

Damang-dama ni Max ang mainit na hininga ng babae na tumatama sa pisngi niya habang lalong lumalalim ang hininga nito.

Siya na rin ang nagbutones ng damit nito dahil mukhang nanghina talaga si Laby nang mapuwersa ang balikat.

Habang nakatitig si Laby sa mukha ni Max sa malapitan, hindi niya maiwasang mapangiti. Dahil kahit na ilang beses siya nitong kinausap sa hindi karespe-respetong paraan, nakukuha pa rin siya nitong asikasuhin ngayon.

"I still remember how I stole some photos of your father para lang maibigay sa mama mo," sabi niya habang nakatitig kay Max. "May kasunduan kasi si Armida at ang Citadel na bawal silang magkita hangga't hindi pa tapos ang five-year contract ng mama mo sa labas."

Saglit na natigilan si Max sa pagbubutones at nag-angat ng tingin para tagpuin ang tingin ni Laby.

"I was nineteen that time. I go back and forth from Russia and here to gave your mother every updates. Wala sa papa mo ang loyalty ko kundi nasa mama mo, just for you to know. Nagkataon lang na Fuhrer si Josef at kailangan ko palagi ng approval niya."

Habang tumatagal, pabigat nang pabigat ang hininga ni Max at parang may dumadagan sa dibdib niya. Nahihirapan na rin siyang lumunok. May kabaliwang tumatakbo sa isipan niyang ayaw niyang patulan dahil pagsisisihan niya iyon nang malaki kapag ginawa niya.

Mabilis na siyang lumayo bago pa siya may gawing hindi niya ikatutuwa.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Laby nang sundan siya ng tingin.

"Yeah," tipid niyang sagot at nag-iwas ng tingin.

"Yeah, and your face is blushing red."

"Shut up," tanggi ni Max at tumalikod na saka dumiretso sa kitchen sink kahit wala naman siyang gagawin doon para lang makaiwas.

Continue Reading

You'll Also Like

71.5K 1.9K 21
Payapa na ang buhay ni Xiara at Jasmine sa Pampanga, isa siyang imbestigador doon habang si Jasmine ay naging isang volunteer sa isang klinika. Perpe...
12.2M 195K 36
Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and her voice sounds very alike. Ang tangin...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
696K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...