Secrets of the Malavegas (Boo...

By LenaBuncaras

393K 12.6K 1.3K

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na l... More

1: The Family
2: Bad Blood
3: Zone
4: Labyrinth
5: Second Child
6: Broken Window
7: Saved
8: Regeneration
9: Suspension
10: Annual Elimination
11: Project ARJO
12: 10 PM
13: Tutorial
14: Big Brother
15: Psychology
17: Sibling Rivalry
16: 6th Floor
18: Reviewer
19: Gamble
20: Escape Route
21: Neophyte Guardian
22: Blood Donation
23: Alter
24: Master Plan
25: The First Wife
26: Clandestine
27: Unusual Morning
29: Check-up
30: The Love Interest
31: The Cure
32: So-Called Mistress
33: The Usual Morning
34: The Real Ones
35: The Lunatics
36: Untold Secrets
37: Shades of Gray
38: Connections
39: Citadel's Cursed Firstborn
40: Missing
41: Floating Hints
42: The Haunted Mansion
43: The Immortal One
44: Plans
45: The Land Lady
46: The Sisters
47: The Deal of the Devil
48: The Beginning of the End
49: The Son of the Prodigals
50: King's Pawn
Epilogue

28: House Visit

6.9K 232 25
By LenaBuncaras

hahaha nakakatuwa, dito ko lang natatagpuan mga original portrayer ng mga character ko XD

Presenting Melon hahaha



Alas-nuwebe nang umaga nang umalis sina Armida at Josef sa bahay. Ang paalam, babalik kay Rayson dahil talagang kapansin-pansin na hindi talaga maayos ang lagay ni Armida at nag-aalala na silang pare-pareho.

Naiwan naman sa bahay ang mga anak ng mag-asawa maliban kay Max na nagpaalam nga raw na pupunta sa isang meeting.

Si Zone, sa sobrang tampo kay Armida, nagkulong na lang sa kuwarto.

Si Arjo, nasa sala at nag-i-internet sa tablet ni Zone. Wala naman ang mama niya para pagalitan siya dahil nakikigamit siya ng gadget ng kapatid.

Habang online, nakatanggap siya ng chat sa kapatid.

Max Zach

Jo, bantayan mo si Zone. 'Wag kang magpapapasok ng kahit sino. Kapag may dumating na tao tapos hinanap ako at sina Mama, sabihin mo hindi diyan nakatira. Kapag ikaw ang kailangan, 'wag mong papansinin, 'wag mo ring bubuksan ang pinto. Ang gawin mo, umakyat ka sa taas, kunin mo si Zone at magtago kayo sa kuwarto ko. Kapag si Zone ang hinahanap, tumawag ka na ng pulis.

Nanlaki lang ang butas ng ilong ni Arjo dahil ang haba ng chat ng kuya niya.

Arjo Malavega

Yeah, yeah, yeah LOL





Si Arjo ang pansamantalang in-charge sa bahay. Gusto sana niyang magpa-party dahil wala ang kuya at parents niya, kaso yung mga friend niya naman, napakalayo ng location sa kanila kaya imposible ang party-party. Wala pa naman siyang ka-close sa HMU kaya wala siyang ma-invite-maliban kay Lei. Pero hindi rin naman mukhang party girl si Lei kaya useless din.

Ilang minuto rin siyang nakatunganga sa sala at makailang beses nang nag-surf sa net ng magagandang damit kaso bored pa rin siya.

Nakakatamad ang buhay niya. Gusto niyang mag-shopping kaso wala siyang budget.

Napapatanong tuloy siya, ano ba kasing mabibili niya sa ten thousand a week na allowance? Ganoon ba sila kahirap para bigyan siya ng ganoon kaliit na baon? Yung mga kaibigan nga niya, umaabot ng fifty thousand kada linggo, tapos siya sampung libo lang?

Ang kuya niya, milyonaryo na. Hindi kasi tumatanggap ng project na palugi. Magaling din sa bidding. Hindi kuripot pero marunong humawak ng pera. Naglalabas pero siguradong investment ang paggagamitan.

Ang Mama niya, ang pagkakaalam niya ay mayaman ang pamilya. Pero ang pamilyang iyon, ni anino ng kahit isang miyembro ay hindi niya nakilala. Alam niyang stockholder ang Mama niya sa stock exchange, pero hindi siya kumbinsido sa mga kinikita nito dahil kahit minsan, ni hindi niya nakitang bumili man lang ng bag o damit. Lahat ng gamit nito, puro bigay. Magkakaroon lang ito ng bagong gamit kung reregaluhan ng kuya niya o di kaya ng Papa niya. O di kaya ay mga regalo sa mga kaibigang hindi niya alam kung sino-sino ba.

Ang Papa niya, base sa kung anong klaseng tao ang Lola Janet niya, masasabi niyang mayaman talaga. Ang kaso nga lang, mayaman naman kasi ang asawa nito-na hindi naman ama ng papa niya at ang tunay na ama ng mga kapatid nito. Ang Uncle Riggs niya, sobrang yaman. Auntie Raven niya, ginagawa na lang tambayan ang Macau at Las Vegas. Pero ang papa niya mismo? Ewan niya kung bakit hindi man lang lumagpas ng fifty thousand ang suweldo a month. Maraming offer dito na mas magandang trabaho pero lagi nitong tinatanggihan. Ni wala nga itong sariling opisina sa kompanya dahil team manager lang ito at hindi naman bahagi ng executives. Wala nga rin itong sariling sekretarya roon kaya lahat ng trabaho, ito rin ang gumagawa.

Hindi naman magastos ang pamilya niya, pero bakit kailangan siyang tipirin sa allowance?

Inisip niyang baka naghihirap na sila kasi makailang beses na silang lumipat ng bahay dahil sa ilang problemang hindi niya alam ang eksaktong dahilan. Mula nang dalhin siya ng mama niya sa pamilya nila, higit pa sa sampung beses silang nagpapalit-palit ng tirahan. At kung bakit? Ang dahilan lang ng mga ito ay kasi ayaw nila sa mga kapitbahay na laging pumupunta sa bahay.

Tok! Tok!

Napabangon siya sa pagkakahiga sa sofa dahil doon sa kumatok.

Tok! Tok!

"Aba, may bisita," bulong niya sa sarili. Pumunta na siya sa pinto para silipin kung sino ang kumakatok.

Binuksan na niya ang pinto.

"Anong kailangan-"

"Hi, Arjo!"

"Hello, babes!"

"O!" Napaatras na lang siya nang magtuloy-tuloy ang dalawa niyang bisita sa pagpasok sa bahay nila.

"Wow . . . Ganito pala sa loob nito," sabi ng dalagang bisita habang nililibot ng tingin ang loob ng simpleng bahay ng mga Malavega.

"Lei, anong ginagawa n'yo rito?" gulat na tanong ni Arjo habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang pumasok.

"Bumibisita!" masayang sinagot ni Lei.

"Umalis mga kasama mo sa bahay, babes?" tanong ni Melon.

"Psh, tigilan mo nga ang kakatawag sa 'kin ng babes," masungit na sinabi ni Arjo.

Parang walang narinig si Melon at agad na pumasyal sa loob ng bahay.

"Magkasama pala ang kitchen saka dining room n'yo," puna ni Melon na dumiretso sa kusina. Binuksan niya ang ref at kinuha ang isang box ng gatas doon. Kumuha rin siya ng isang baso sa cabinet at nagsalin doon ng nakuhang gatas.

"Parents mo nasaan?" tanong ni Melon.

"Umalis. Nagpunta ng clinic," sagot ni Arjo.

"Si Max, nasaan?" mahinang tanong ni Lei.

"Uhm . . ." Ngumiti saglit si Arjo dahil hinahanap ni Lei ang kuya niya. "Sayang, umalis e. Sa trabaho niya."

"Oh." Tumango naman si Lei at medyo nalungkot ang mukha.

"Di ba, may kapatid kang maliit? Yung dala ni Miss Etherin no'ng nakaraan? Nandito ba?" tanong ni Melon at pagkatapos ay bottoms up na tinungga ang gatas na kinuha.

"Nasa taas, nagtatampo 'yon kaya hindi makakausap nang matino ngayon," buryong na sinabi ni Arjo. "E teka nga, sino ba talaga ang kailangan n'yo rito at parang buong pamilya ko ang hinahanap n'yo?"

Lumapit na sa kanila si Melon at inakbayan niya si Arjo.

"Natural, ikaw ang kailangan namin! Di ba, Leanna," sabi ng lalaki sabay kindat sa kasama.

Ngumiti na lang si Lei sa kanya.

"Tara, doon tayo sa kuwarto mo," sabi ni Melon sabay hatak sa kanya papunta doon sa taas.

Pagdating sa kuwarto . . .

Nahiga agad si Melon sa kama at kinuha ang phone niya sa bulsa. Si Lei naman, naupo sa gilid ni Melon. Si Arjo, nanatiling nakatayo.

"Yung totoo, bakit parang kabisado n'yo 'tong bahay namin?" nagtatakang tanong ni Arjo kay Melon.

Sinubukang sumagot ni Lei. "Uhmn, kasi . . ."

"Ganito rin yung interior ng mga bahay rito sa Vale," sabi agad ni Melon. "Pustahan tayo, banyo 'yon," aniya sabay turo doon sa isang pinto ng kuwarto sa kaliwa.

"Malamang na banyo 'yon. Alangan naman 'yang pinto palabas yung pinto ng banyo, di ba?" sarcastic na sinabi ni Arjo.

Nginitian na lang siya ni Melon.

"Ano ba talagang ginagawa n'yo rito? Bakit pumunta kayo?" tanong ni Arjo.

"Uhm, kasi-" Pinutol na naman ni Melon si Lei.

"Masama na bang dumalaw, babes?" sabi ni Melon at saka siya tumayo para buksan ang music player sa may study table ni Arjo.

Maya-maya, biglang tumugtog ang isang guitar cover ng Tonight.

"Paano mo nalamang music player 'yan?" nagtatakang tanong ni Arjo habang sinusukat ng tingin si Melon. Hindi naman kasi mukhang music player ang music player niya dahil para lang iyong parte ng lampshade.

"May ganito akong player," kaswal na katwiran ni Melon at saka namili ng kanta.

"Psh, lahat na lang." At mukhang hindi pa kumbinsido si Arjo sa sagot ng lalaki.

Ilang saglit pa, biglang nagbago ang kanta. Biglang umakto si Melon na parang naggigitara at kinuha ang isang tangkay ng plastic rose na nasa nightstand nito katabi ng lampshade.

Napabangon sa kama si Lei at napatakip agad ng bibig dahil sa ginagawa ni Melon para itago ang tawa.

"Man it's a hot one, like seven inches from the midday sun . . ."

Napa-facepalm si Lei nang mag-lipsync na si Melon. Si Arjo naman, biglang taas ng kilay dahil mukhang tanga ang lalaki habang patango-tango pa.

"Well, I hear you whisper and the words melt everyone, but you stay so cool . . ."

Lumapit siya kay Arjo at kinuha niya ang mga kamay nito.

"My muñequita, my spanish harlem Mona Lisa . . ."

"What the hell is wrong with you?" tanong ni Arjo kay Melon habang kinukunutan ito ng noo.

"You're my reason for reason . . . The step in my groove . . ."

Nag-chacha si Melon habang tinataas-taas ang kilay.

Sinulyapan ni Arjo si Lei na tumatawa nang mahina habang pinanonood sila.

"Lei! Ano'ng tinira nito?" tanong niya sa kasama.

"And if you said this life aint good enough, I would give my world to lift you up . . ."

Nagulat na lang siya nang bigla siyang pinaikot ni Melon at iniliyad pa pagkatapos.

Halos manlaki ang mga mata ni Arjo habang nakatitig sa mga mata ni ng lalaki.

"I could change my life to better suit your mood . . ."

Itinayo na siya nito at tinanggal ang rose sa bibig bago sinabayan ang lyrics ng kanta.

"Because you're so smooth . . ."

"Huh?" Si Arjo, talagang walang naiintindihan sa nagaganap.

Sinulyapan naman ni Melon si Lei at pasimpleng iminuwestra ang ulo para mag-utos. Ibinalik din niya ang tingin kay Arjo at ngumiti na naman nang malapad.

"And it's just like the ocean under the moon . . ."

Ipinaikot ni Melon si Arjo, at kahit hindi siya marunong ng ballroom ay nadala na lang dahil sa lalaki.

"Well, that's the same as the emotion that I get from you . . ."

Isang makahulugang-tingin ang ibinigay ni Melon kay Lei nang magtama ang mga mata nila.

"You got the kind of loving that can be so smooth, yeah . . ."

Binitiwan na ni Melon si Arjo at saka siya umatras nang dalawang hakbang.

"Gimme your heart, make it real, or else forget about it . . ." pagli-lipsync niya sabay bow.

Nagpatuloy ang tugtog habang si Arjo nakataas lang ang kilay kay Melon na sa wakas ay tumigil na sa kalokohan nito.

"Nice!" Pumalakpak naman si Lei pagkatapos ng production number nila. "Perfect 10! Hahahaha!"

"Thank you! Thank you!" Nagpasalamat naman si Melon sa imaginary audience nila sa paligid. "I love you, too!" sabi niya roon sa kunwaring fan niya sa labas ng bintana sabay flying kiss. "Thank you!" sabi naman niya roon sa isa pang imaginary fan niya sa direksiyon ng pinto at kunwaring nasisilaw pa.

Nakangiwi lang si Arjo habang nakatingin kay Melon na parang nakakadiring bagay ito.

"Galiiiing!" Pumalakpak na naman si Lei at kunwaring sinasamba si Melon na patuloy na nagpapasalamat sa imaginary fans niya. "Whooh! Idoool!"

"'Yan lang ba ang gagawin n'yo rito sa kuwarto ko?" sarcastic na tanong ni Arjo sa kanila.

Sabay pang napatingin ang dalawa sa kanya.

"Uhm, ano . . ." Pinutol na naman ni Melon si Lei.

"Siyempre, hindi! Ang totoo, manginginain kami," ani Melon sabay ngisi.

"Scavenger ka ba?" mataray na tanong ni Arjo sabay pamaywang.

"Hehehe, sige na, babes. Pakainin mo naman kami rito. Walang pagkain sa bahay e," sabi ni Melon habang hinihimas ang tiyan niya.

"Psh, walang pagkain dito. Um-order na lang kayo o kaya doon kayo sa fast food o kaya resto pumunta," mataray na sinabi ni Arjo.

"Marunong akong magluto!" sabi ni Lei sabay taas ng kanang kamay.

"Marunong siyang magluto!" masayang sinabi ni Melon habang tinuturo ng dalawang hintuturo si Lei. "Hahaha! Sige na! Pakainin mo na kami rito!"

"Psh," lalong napasimangot si Arjo habang minamata si Melon. Tiningnan niya si Lei, balik kay Melon.

"Di ba, doyan lang naman sa tapat yung bahay mo?" tanong ni Arjo sa lalaki. "Doon ka na lang, hatiran ka na lang namin ni Lei ng pagkain."

Napasinghap si Melon at biglang lumungkot ang mukha sa sinabi niya. "Babes!" Ang arte niyang lumapit kay Lei at niyakap ito mula sa gilid. "Leanna! Bakit ang sungit sa akin ni babes? Bakit?! Hu-hu-hu . . ."

"Okay lang 'yan, Mel." Tumango na lang si Lei at kunwaring pinapatahan si Melon.

Lumayo nang kaunti si Melon kay Lei at paawang tiningnan si Arjo. "Babes, makakaya ba ng konsensya mong palayasin ako rito sa inyo? Hayaang mag-isa sa aking bahay sa tapat? Hatiran ng pagkain na parang preso sa kulungan? Hmm? Hmm? Makakaya mo ba?" pangongonsensya niya.

Poker-faced namang sumagot si Arjo ng "Oo. Gusto mo, simulan ko nang kaladkarin ka palabas?"

"Oh no!" Niyakap uli ni Melon si Lei at doon kunwaring nagmukmok. "Leanna! Bakit napakalupit sa akin ng babe ko? Bakit niya ito ginagawa sa akin? Masama ba akong tao?"

Tumango naman si Lei at kunwaring naaawa sa kalagayan ni Melon. "Okay lang 'yan, Mel. Tanggapin na lang natin."

"Pero ayokong umalis dito! Hindi mo naman ako hahayaang umalis, di ba? Gusto mong nandito ako, di ba?" paawa niyang tanong kay Lei.

Tumango naman si Lei. "Siyempre."

"Ah! So, si Lei na pala ang may-ari ng bahay na 'to, gano'n?" sarcastic na sinabi ni Arjo sabay pamaywang.

Nakangisi lang si Melon kay Arjo.

"Psh." Umismid lang si Arjo sa lalaki.

"Hayaan mo na 'to, Arjo," sabi ni Lei "Wala kasi 'tong magawa sa kanila e."

"Mukha nga e," ani Arjo. "Mukhang walang magawa. Walang magawang maganda."

Sandali siyang nag-isip kung papayag ba siyang manatili roon si Melon. Hinagod pa niya ito ng tingin habang nakataas ang kilay.

"Please . . ." pagpapa-cute ni Melon habang nakadaop ang mga palad.

Si Lei, nakatingin lang sa kanya at umaasang papayag siya.

Isang malalim na pagbuntonghininga na lang ang nagawa niya at saka tumango.

"Sige na nga. Pero 'wag kayong magtatagal dito a. Baka pagalitan ako ng parents ko kapag naabutan nila kayo rito," sabi ni Arjo at saka siya dumiretso sa pintuan. "Tara doon sa baba. Luto tayo ng makakain n'yo."

"YES!" sabay pa sina Melonat Lei at nag-apir pa.

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
9.6K 750 37
Few years had passed since the last time we met and I wouldn't ever forget the man I have been with for five days but stuck in my head months and yea...
90.3K 3.4K 44
An artist will always collect and collect necessary, valuable yet temporary materials for his masterpiece. He will always pick the finest, the purest...
67.6K 2K 11
HELLO Band Series 2: All Peanut wanted was to hurt her mother by hurting Jamia--- her mom's stepdaughter. Para magawa 'yon, kailangan niyang gamitin...