Royalties in Our Hearts

By Baepreshyy

3M 124K 71.2K

Klenth, Wayne, Marx, and Zae are literally Royalties of a prestigious school. A group of assets in the countr... More

Royalties In Our Hearts
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
EPILOGUE
Note

CHAPTER 49

39.8K 1.4K 513
By Baepreshyy

•°•

Naeyumie's POV

---

"Anong sabi mo? You are having a baby?!"

Hindi ko mapigilang isigaw 'yon habang katawagan siya. Napatingin si Sasha at Zell sa'kin, halatang nagtataka kung bakit gano'n ang naging reaksyon ko.

Hindi ako makapaniwala. Napanganga ako at hindi maabsorba ng utak ang sinabi niya! I have never expected this to happen. Maybe in the future but now? Things are just too early for that. Alam kong hindi na kami mga bata pero ang pagkakaroon ng anak sa ganitong edad at hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral ay masasabi ko ngang maaga pa.

"Axiesse, seryoso ka ba? Magkaka-baby ka na?! Who's the father? Kailan niyo ginawa at saan?! This is so unbelievable!"

"Hoy, ano 'yan?" Alertado na si Sasha.

"A what? Baby?" Kumunot ang noo ni Zell.

"Patapusin mo nga muna ako, Yumie! Nandito ako sa clinic--"

Halos isagad ko na ang pagdikit ng cellphone ko sa aking taenga habang nasa kabilang linya siya.

"Clinic? Nasa ob-gyn ka?" Nanlaki ang mga mata ko.

"What is happening? Yumie, Ano yan?" Sigaw ni Sasha at lumapit sa akin.

"Anong ob-gyn ang sinasa--"

"Oh my! Axiesse!" Sinapo ko ang aking noo.

"Yumie, ano ba! Pakinggan mo muna ako puwede?" Sa tono na iyon ay siguradong naiinis na siya.

Kinalma ko ang aking sarili pero pabalik balik ang lakad ko. I need to calm down and listen to her.
Panicking won't help! Kung totoo man magkakaroon na siya ng anak, kailangan kong kumalma!

I sighed heavily. Mas lalo pang lumapit sa akin si Sasha na halatang gustong-gusto nang malaman kung ano ang nagaganap. Si Zell naman ay nakaupo sa aking kama na kunot ang noo.

"Muntik na kasi akong nakabunggo-"

"What?" Napasigaw ako.

Mabilis kong pinindot ko ang loud speaker para marinig ni Sasha at Zell si Axiesse. I put my phone on the bed as I kneeled on the floor. Dumapa naman ang dalawa sa kama. Abang na abang kaming lahat sa sasabihin ni Axiesse. Parang uhaw na mga aso at ang tanging makakapawi no'n ay ang kaniyang mga salita.

"Muntik na? Tapos may baby ka pala at ngayon ay nasa ob-gyn ka dahil pinacheck mo kung okay lang ba 'yong baby? Ha?"

"Alam mo, Yumie, advance ka masyadong mag-isip! Ikaw ba si Axiesse, ha? Ikaw siya?" ani Sasha.

"Let me finish first and please be quiet." Si Axiesse.

"Oo nga naman, Yumie. Huwag munang maingay," dagdag ni Sasha.

Napatingin ako sa kaniya. Wow! Siya pa mismo ang nagsabi sa akin nyan?

"Ako pa talaga?"

"Shhhh! So noisy," dagdag ni Sasha.

"Ano ba? Sasabihin ko ba o hindi?" Gatong ni Axiesse.

Tumahimik na lang ako pero nagpalitan pa kami ng matatalim na tingin ni Sasha bago tinutok ang atensyon sa kabilang linya.

"Sabihin mo na," kalmadong sambit ni Zell.

"Muntik na akong nakabangga ng aso... nandito ako ngayon sa veterinary clinic, hindi sa ob-gyn."

"I thought you are having a baby?" Tanong ko.

"Yes, I am," sagot ni Axiesse.

"So... buntis ka talaga? Sino ang ama? Si Zae?!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya pinitik ako ni Zell sa noo.

"Alam mo, Yumie, minsan ang sarap mong hampasin at ingudngod ang mukha sa kanal. Hindi nga siya buntis! The baby she was talking about is the dog! Duh?!" Si Sasha na muntik ko nang ihagis palabas ng kuwarto.

Matalim ko siyang tiningnan. Umirap siya at natawa. At sino ngayon ang maingay? Siya naman talaga! I don't want to talk to Sasha anymore.

"Shut up, Yoon."

"Oo 'yong aso ang tinutukoy ko... and it's a male!" Axiesse sounds happy. Naalala ko tuloy 'yong aso rito sa bahay noong isang araw.

"Saan mo ba 'yan nabangga?" Tanong ko.

"Sa loob na ng village niyo. Bahala na ang totoong may-ari. Mukhang napabayaan naman nila 'to."

"Kaya hindi ka natuloy dito dahil muntik ka nang nakabangga?" Si Zell.

"Oo... at saka, may damit naman na ako roon. At mga gamit na gagamitin bukas."

"Ah 'yong galing kay Zae?"

"Oo, Zell."

Nakaramdam ako ng ginhawa dahil do'n. I thought Axiesse is really pregnant! Ang sabi niya kasi noong tumawag siya ay magkakaroon na siya ng baby. Malay ko bang aso pala 'yong tinutukoy niya kaya ganon ang reaksyon ko?

At ano raw? Nanggaling kay Zae? Ang gagamitin niya para bukas ay 'yong binigay ni Zae? Kumunot ang noo ko pero pinagsawalang bahala na lang iyon.

Sinabi rin sa amin ni Axiesse ang lahat nang nalaman niya tungkol kay Ellisandra. Napahilot na lang ako sa sentido habang sinasabi niya ang lahat ng 'yon. A part of me was thankful that that happened. May rason nga kung bakit muntik nang nabangga ni Axiesse ang asong 'yon. Destined!

Wala akong masabi. Nagkatinginan lang kami ni Sasha at Zell. Ang alam ko lang ay kailangan namin siyang mahuli sa mas lalong madaling panahon. I know it'll be less hard for us to find her because of new informations. Sana lang ay matapos na ang lahat ng ito.

"Dito na lang kaya kayo matulog? Para sabay na tayo bukas? My make-up artist will be here tomorrow."

Inilingan ako ni Sasha at Zell. Tapos na silang pumili ng mga gowns na susuotin para bukas. I have extra gowns in my closet. Ang iba ay nagamit ko na noon noong nasa New York pa lamang ako. Sayang naman kasi kung hindi gagamitin lalo na't ang mahal mahal pa no'n.

I have also stocks of jewelries. Hindi ko ginagamit dahil ang ibang kompanyang ini-endorso ko noon pa man ay nagpapadala ng mga gano'n tuwing buwan. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko roon e. Buti nalang natagpuan ko pa sa closet kahit na naging abala ako nitong mga nakalipas na araw para sa mga photoshoot.

Bukod dyan, nagpadala rin si Klenth ng isang set para sa coronation night bukas! Imagine, all the things I need for tomorrow night are already in my closet plus he sent those! Nagdadalawang isip pa ako kung gagamitin ko 'yong mga pinadala niya o hindi. Pero sayang naman kung hindi ko gamitin. I've also received a bouquet of flowers from him.

Ang problema nga lang ay ang tagal niyang mag-reply sa aking mga texts. Each of his replies took thirty minutes. Pero baka abala lang siya kaya hinayaan ko na.

"Come on! What happened to the two of you? Hindi ba kayo excited para bukas?!" Ngumiti ako para kahit man lang mapagaan ang hangin sa loob ng aking kuwarto.

"Vaniella's coronation? Why would I be excited? Wala naman sila ni Wayne pero bakit may ganito pa?" Si Sasha.

"Ang sabi ng iba, mayroon pa ring kokoronahan... at baka naman nagkabalikan si Wayne at Vaniella." Bahagya kong hininaan ang pagkakasabi no'n at nasulyap kay Zell. Parang wala naman siyang pake.

Humiga si Zell sa aking kama at tinakpan ng unan ang mukha. Napapansin ko rin ang pagiging matamlay ni Sasha minsan. Minsan ay hyper at minsan ay tahimik na na alam mong sobrang lalim ng iniisip.

"Dito na kayo matulog..." Sabi ko.

Ipinakita lang ni Zell ang kaniyang thumbs up. Si Sasha ay tumango nalang. Tumayo ako at nagpasyang lumabas sa kuwarto para tingnan kung may makakain ba kami sa kusina.

I sighed heavily while walking down the stairs. Nasabi sa amin ni Zell ang tungkol sa pagkakadukot ng Ate niya at ang sinabi pa ng kaniyang pamilya. Gardes are really evil, huh? Hindi lang pinasapubliko ang pagdukot ng mga Gardes sa Ate niya at gumagawa naman daw ng paraan ang kaniyang pamilya. Nasabi rin ni Sasha sa amin ang tungkol sa kaniyang problema. She saw her Dad with another woman... and I know she's already hurting even she's doubting if that was really her father. And I'm trying my best here to cheer them up. Kahit ako ay may dala-dala ring problema.

Nagpaluto ako sa kasambahay namin para sa aming hapunan. Wala pa sina Mommy at Daddy. Mag-a alas syete na ng gabi. Sa tingin ko'y nag date pa ang mga magulang ko. I've seen my Mom cry because she thought Daddy is cheating. I've seen how they make peace after that.

When I was a child, I wished to have a sibling. I wanted to have a sibling because I felt so lonely. Naiinggit nga ako noon sa mga taong may kapatid at maraming kapatid pero nawala lang ang pag-aasam kong magkaroon ng kapatid nang dumating ang mga kaibigan ko. Being in a small family and being an only child was unlucky for me, noon, but I realized, I am somehow lucky for having parents like them. My father isn't a cheater. My Mom, too. I'm happy seeing their love for each other strong and real. Hindi ko nga lang maisip na may mga taong nanloloko sa asawa o nagagawa pang kumabit kahit may mga anak na. Malaking kasalanan iyon. That's heartbreaking and the children are the most affected. Ipagdadasal ko na lang na mali ang nakita ni Sasha. Na matibay ang kanilang pamilya. I'm worried for her... She's not showy but I know how much she loves her family.

Tinawag ko na ang dalawa para makakain na. Tahimik lang ang bahay habang kumakain kami. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Tubig?" Alok ko kay Zell.

Tumango siya, tahimik pa rin. Sinalinan ko ng tubig ang kaniyang baso. Gano'n din kay Sasha. Sana ay mawala o mabawasan man lang ang kanilang problema... Kahit hindi na ako, basta maayos lang sila.

"Hays! Hindi ko talaga maintindihan..." Dahan-dahang sambit ni Sasha.

"Ang alin?"

"I got suspicious to Umma because I think she's hiding something... Tapos si Appa pala 'yong may kabit?"

"Sasha, hindi mo pa naman nakompirma kung may kabit nga ang Daddy mo."

"It was Appa's car. Pamilyar ang babaeng nakita ko kanina na sumakay sa sasakyan. Tapos... noong isang gabi, nag away pa sila dahil daw sa kabit."

Naikuwento niya na sa'min 'yan nang paulit-ulit pero dahil mabait ako, hindi ko na siya binara at hinayaan na lang. Alam kong parati niyang iniisip niya ang tungkol dyan. Seeing her sometimes drowned by her thoughts worried me.

"Hindi ko alam kung sino ba talaga sa kanila ang may kabit! O baka dalawa sila ang may kabit?" She said, frustrated.

Kinain niya ang pagkain sa kaniyang plato habang patuloy pa rin sa mga pinasasabi. Tahimik naman si Zell na kumakain pero nakikinig pa rin.

"Why do parents cheat? Aren't they contented? Aren't they happy with their children?"

"Sasha, h'wag mo masyadong alalahanin 'yan at baka mabaliw ka..." Sabi ni Zell.

"Hay naku! Sa tingin ko nga, mababaliw na ako! What about you, Zell? Kamusta na ang Ate mo? Nahanap na siya?" Pag-iiba niya ng usapan.

Umiling lang si Zell. Kalmado siya pero alam kong may matinding pag-aalala rin.

"I just hope the Gardes won't hurt her. Baka makagawa pa ako ng kasalanan kapag nalaman kong may ginawa sila sa Ate ko," seryosong sabi niya.

"Pupunta ba ang mga Gardes bukas sa coronation night?" Tanong ko kahit na mukhang malabo iyon.

"I don't think so. Mukhang hindi pero sana pumunta. Lalo na si Vaniella," sagot ni Sasha at inubos ang kaniyang kinakain.

Pagkatapos no'n ay nagpasya silang sila na ang bahala sa kusina habang ako ay hinahanda na ang kuwarto ko. Sayang nga lang at wala rito si Axiesse.

Napabuntonghininga ako nilinisan ang kuwarto bago nagpasyang maglinis ng katawan. Nagtagal ako sa banyo dahil sa pag-iisip. Talaga ngang ang lahat ng tao ay may sariling kuwento at problema. May mga mabibigat at may magagaan. In our case, all of it are heavy.

Parang may nakadagan na mabigat sa aking puso nang makalabas sa bathroom. Nasa kama na sina Sasha at Zell habang nanonood ng TV. Pumasok ako sa walk-in closet at nagbihis. Pagkalabas ko ay gano'n pa rin ang posisyon nila.

Bumagsak ako sa gitna nilang dalawa. Nagpatuloy sila sa panonood ng TV, tutok na tutok ang atensyon doon. I sighed heavily and tried to close my eyes so I can sleep but I couldn't. Kahit isa sa kanila ay wala pa akong may pinagsabihan. Hindi ko lang talaga makalimutan 'yong nangyari sa dressing room. Gusto ko mang kalimutan na lang iyon lalo na dahil hindi naman importante ay hindi ko magawa.

The picture of me telling him that I kissed someone else hunted me for several nights... until now... and I don't know how to rid it off my mind. Ayoko nang isipin iyon! It was my fault but it was Lian's fault too! Kasalanan naming dalawa. Hindi ko lang alam na siya pala iyon at hindi si Klenth.

That time, my heart beated loud thinking that he's in front of me but I knew something's not right. Kung sana idinilat ko ang aking mga mata ay nalaman ko pang hindi si Klenth 'yon. Sana hindi ko pa hinalikan si Lian. Kasalanan mo rin naman talaga, Yumie!

Sana lang ay masabi ko sa kaniya ito. I don't want to hide it from him... That kiss was nothing but my heart feels heavy for not telling him this.

"Siya nga pala... Mukhang mananalo na ako sa pustahan. Where's my new car and money?" Narinig ko si Zell na sinabi iyon.

Napaupo ako sa kama at kunot-noo siyang tiningnan.

"Anong ibig mong sabihin na mananalo ka na?" Tinanong ko siya. Nawala tuloy ang mga iniisip ko.

"Well..." Nagkibit-balikat lang si Zell.

"Nagbalikan na ba sila? May nasabi ba si Axiesse sa'yo na hindi namin alam?!" Si Sasha.

"Wala namang sinabi si Axiesse na nagkabalikan na sila pero-"

"Teka lang, dapat hindi nagkabalikan 'yong tamang salita. Hindi naman naging sila diba?" Tumawa si Sasha.

"Whatever you say, Sasha. I just saw something that convinced me that I'm winning the bet," patuloy ni Zell.

Napalunok ako. Anong nakita niya? Handa ba akong matalo? Parang hindi! Hindi naman sa tutol ako kay Zae at Axiesse pero masakit sa loob ang matalo! Pero magiging masaya naman ako para sa kaniya.

"Anong nakita mo na hindi namin nakita?" Kuryuso na si Sasha.

"Sa akin na lang 'yon."

"Zell, naman! May ginawa ba sila? You know..." Ngumisi ako sa naisip.

"Bastos! Wala. Buong oras nasa condo lang ako noong kasama sila kaya siguradong wala silang ginawang kababalaghan," seryoso niyang sabi.

Nagkatingnan kami ni Sasha. My jaw dropped and her eyes widened. Kung hindi ako nagkakamali ay pareho kami ng iniisip!

"Nagpunta siya sa condo ni Axiesse?!" Tinanong pa 'yan ni Sasha kahit alam na ang totoo.

"Baka naman hindi sa condo ginawa, Zell? Baka, you know, sa sasakyan, puwede rin..." Humagikhik ako at sa huli ay natawa nang makita ang mukha ni Zell na hindi mapinta.

"Saan mo naman nakuha 'yan?" Medyo inis na sinabi ni Zell.

"Pero seryoso? Pumunta si Zae sa condo ni Axiesse? Akala ko ba may girlfriend na ang isang 'yon? Ginagawa niya bang kabit si Axiesse?!"

"Sasha, kalma lang..." Si Zell.

"Goodness! Humanda talaga 'yang lalaking 'yan kapag nalaman kong ginagawa niyang kabit si Axiesse!"

"Do you think he can do that to our friend?" Si Zell.

Mas lalong kumunot ang noo ko. May alam talaga si Zell na hindi namin alam e! Pasalamat siya't kasama niya si Axiesse sa isang bubong. Kung ano man iyon at ayaw niyang sabihin sa amin, malalaman ko rin iyon sa susunod. But... I'm starting to think... baka nga totoong matatalo na ako sa pustahan.

Nalugmok ako nang maalala ang sinabi ni Zae noong na-ospital si Axiesse. My Queen was stabbed and you didn't inform me. 'Yon ang sinabi niya. Malaki nga ang tsansa na mapunta kay Zell ang aking fifty-thousand kung matalo man ako sa pustahan. Bakit hindi ko 'to naisip ng mabuti? That Zae is still into my friend after all these years? Is that really possible?

Naalaa ko si Klenth. Kami na ngayon! After five years... he is still into me? Kaya hindi malabo 'yong kay Axiesse!

Napabuntonghininga ako. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ang dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas at kinuha ko ang cellphone ko at magcheck muna sa mga social media accounts. May Manager emailed me informimg that I have three incomings photoshoot for a commercial this week and two for next week. Magiging abala pa rin ako lalo na't malalaking kompanya iyon.

I searched Klenth Aspinne on facebook and twitter and saw a lot of posts about him. May issue na may girlfriend daw siyang hindi taga Sky Hexton. Nabasa kong five years ago pa 'yong issue na 'yon.

May nabasa rin akong may rumored girlfriend daw siyang Doktora. Mayroon pang koreanang artista. Mayroon ding Gymnast gold medallist at sikat na dancer. Hindi ko alam kung totoo ang mga 'yon pero para akong sinabuyan ng lupa kahit na nakaraang taon pa ang mga issue na 'yon. Mayroon ding ngayong taon lang. May tinatago raw siyang girlfriend ayon sa isang post. Ang dami babaeng nai-issue sa kaniya, huh!

Bumuntonghininga ako at hindi na mawala ang nakakunot na noo. 'Yan! Heto ang napala ko! Pinatay ko na lang ang cellphone ko at natulog.

"What time is the coronation night?"

"Five pm," sagot ni Sasha kay Zell.

Alas nuwebe na ng umaga. Tapos na rin kaming kumain. Mamaya pa dadating ang aking make-up artist kaya baka wala kaming gagawin dito kundi ang maghintay ng ilang oras. Maaga ring umalis ang mga magulang ko kaya hindi ko na sila nakita.

Naghintay pa kami ng ilang oras. Dumating si Axiesse. May hawak siyang tali habang sumusunod sa kaniya ang isang tutang puti. My eyes widened when I remember where I saw that puppy the last time!

"'Yon ba 'yong aso?"

"Uh-huh."

"E, binigay 'yan sa'kin nung nakatira doon sa isang street kaso lang itinakas ng bata noong isang araw!"

"Good thing I found it," aniya.

"Well... mabuti na lang."

"Pero akin na 'to ngayon..."

"What?" Kumunot ang noo ko. "Sa akin 'yan, e!"

"Sa akin na 'to... Ako ang nagpagamot." Ngumisi siya.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kaniya o matatawa. Gusto kong bawiin ang aso pero mukha namang masaya siya sa tuta. I pouted. Kaya naman pala mukhang hindi siya nagtaka o nagtext man lang kung bakit hindi nakauwi si Zell sa condo niya, may kasama pa lang tuta! O baka naman hindi lang tuta ang kasama niya?! Hmm.

"Anong pangalan niya?"

"Hindi ko pa alam e..." Nagkibit balikat siya.

The puppy looks so adorable! Mahaba at makapal ang puting balahibo. Bilog at kakaiba ang mga mata. The right eye is black and the left has a blue color around the pupil. Nakaupo lang iyon sa tabi ng paa ni Axiesse habang nakalabas ang dila at humihinga. I squatted in front of it and tried to caress its face. The puppy barked cutely and wagged its tail.

"It looks like a Milk," puna ko.

Nagkatinginan kami ni Axiesse kaya tumayo ako at ngumisi.

"Milky?" Tanong niya.

"Nice name. Milky, then," sambit ko na para bang ako talaga ang amo.

Ngumisi siya at napatingin sa tuta. Oo na nga lang! Kahit akin naman talaga dapat 'yan, tutal mabait naman akong tao, ipapaubaya ko na lang sa kaniya pero may parte pa rin sa akin na akin si Milky.

Natuwa si Sasha sa tuta. Hindi nagtagal ay dumating na ang aking make-up artist. Umuwi na rin si Axiesse dahil mag-aayos pa raw siya at siya nang bahala sa kaniyang sarili. Naunang inayusan si Zell. Sumunod naman si Sasha at nahuli ako. It's four in the afternoon when I decided to wear my dress.

It's a light brown tulip sleeve gown. Kumikinng kinang ang mga batong naroroon. Bukas ang aking likuran at nakakamangha ang disenyo ng gown. Abot hanggang sahig pero malabo namang maapakan ko. Kulay abo ang kay Zell at dark green kay Sasha.

Si Zell ay nauna na gamit ang sariling sasakyan. Sumunod si Sasha at ako ay ang pinakahuli.

Huminga ako ng malalim. Makikita ko si Klenth mamaya. I bit my lower lip thinking that I should tell him what's bothering me.

Sa hotel nila Sasha gaganapin ang koronasyon. Dadating ang Dean ngayon kaya siguradong tuloy-tuloy ang coronation night. The prestigious event is one of the most awaited events of Sky Hexton. It'll covered every news and I know it's trending now on social medias.

Maraming tao at mga kamara sa labas ng gusali. Expensive cars are also arriving and the valets are taking care of it. May red carpet at gaya ng inaasahan ko, enggrande nga ito. Lahat ng taong parte ng koronasyon ay suot ang kanilang mga magagarang gowns.

May malaking garden at fountain sa harap ng entrance ng hotel na isang driveway. Siguradong nasa loob na sina Axiesse, Sasha at Zell. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. I've been thinking about the past because of this event. That's traumatic, alright. Ilang beses nang nauwi sa trahedya ang mga selebrasyon ng eskuwelahan. Noon. Pero sa loob ng limang taon na wala ako sa eskuwelahan ay wala naman na akong nabalitaang trahedya. I just hope this night would be safe and successful.

Hininto ko ang sasakyan sa harap ng entrance. May mga sasakyan pang nag-aabang sa likod ko. The valet is waiting for me to go out so he could take over my car. Nang bumaba ako ay inaasahan ko na ang mangyayari.

"Si Naeyumie nandyan na!"

"Miss Naeyumie!"

"Can we ask you some questions, Miss Del Vosta?"

I smiled as I walked on the red carpet. Akala ko sanay na ako sa mga kamara kaso nakakairita ang ibang flash!

"Ang ganda niyo!"

"Smoking hot, Miss Naeyumie!"

"Who designed your gown?"

"Totoo bang binully ka ni Sejin Aspinne noon?"

"Sino ho itong sinasabi nilang boyfriend mo, Miss Naeyumie? Can you name him?"

I just smiled at them and continued making my way in. Mabilis akong nakapasok. Ramdam ko ang mga mata ng iilan sa akin. Lumiko ako sa hall at nakompirmang matibay ang seguridad ng event na ito dahil sa nakalalat na guwardiya.

The hall is so spacious and wonderful. First look you will know how much effort was poured into it. Kaya naman pala masama ang loob ni Sasha nang malaman na naghiwalay ang mga taong dahilan nang selebrasyong ito.

The large and small chandeliers, the curtains and sheets, the orchestra... lahat. Ang ganda ng paligid. Pakiramdam ko ay nasa palasyo ako!

Nahanap ko ang mga kaibigan ko. Hindi pa nag-uumpisa ang event at nagsisi-datingan palang ang iba pero medyo marami na ring tao. The waiters and waitresses are busy serving foods and drinks. Napangiti ako nang makitang kompleto kami sa isang round table at may isang upuan nalang ang bakante.

"Good work, Sasha! Ang ganda." Hindi ko maiwasang purihin siya.

"Ako pa? Maganda talaga!"

"After five years, kasama na ulit namin kayo sa isang event ng Sky Hexton awww," madramang sabi ni Arjie habang magkahawak ang parehong kamay.

"Parang wala pa ring pinagbago, ang ganda pa rin! Sana lahat may ganiyang mukha!" Tawa ni Cherwin.

"Anong sana lahat? We all have our own beauty... Ikaw, Arjie, ang guwapo mo ngang bakla e. Kung hindi ka lang sana bakla, baka tayo na ngayon!" Si Sasha at agad namang ngumiwi si Arjie.

"Yuck! Magpakalalaki nalang kayo ako, ano?"

"Subukan mo kaya. Siguradong maraming magkakagusto sa'yo!" Sabi ko.

Totoo nga, napatitig ako kay Arjie at sunod naman kay Cherwin. These gays are handsome! Kulang nalang ay tubuan ng mga muscles at maging lalaking lalaki, tiyak na dudumugin din sila ng mga girls. I wonder if they had a boyfriend? Or girlfriend?

Hindi pa nagsisimula kaya nagpatuloy sila sa pag-uusap. Iginala ko ang mga mata sa paligid at saktong nakita ang table ng mga Campus Royalties malapit lang din sa table namin. Last term na nga pala nila ngayon kaya siguro pinabongga pa ang event. Tatlong Royalties lang ang naroroon.

"Kamusta kayo ni Troov, day? Bagay kayo sa mga pinopost mong pictures!" Si Cherwin na napalakas ata ang pagkakasabi.

My eyes darted at Zae Maximo. Kunot ang noo niya habang nakatingin kay... Cherwin? Am I not mistaken? Nakasimangot siya kahit na may sinasabi sa kaniya si Wayne.

"Sigurado namang naka move on ka na kay Zae! May Jaselle na 'yon tapos ikaw may Troov na! Susunduin ka ba ni Troov mamaya?" Dagdag ni Cherwin.

Zae's jaw clenched as his eyes darkened. Lumipat ang tingin niya kay... Napatingin ako kay Axiesse na paniguradong tinitingnan ni Zae ngayon! Pasimple kong binaling ulit ang tingin kay Zae. He looked away and brought out his phone.

Marami pang sinabi si Cherwin. Nakisabay na rin si Arjie at Sasha habang ako ay biglang may pinagtuonan ng pansin. Ininom ko ang tubig sa harapan at pasimpleng tinitingnan si Zae at Axiesse.

Nakita ko ang pagkuha ni Axiesse ng kaniyang cellphone. Bahagyang kumunot ang noo niya at may tinitipa na. Lumipat naman ang tingin ko sa kabila. Zae is looking at my friend!! Nang mapansin kong binaba ni Axiesse ang kaniyang phone ay bumalik ang tingin ko kay Zae na tiningnan ang cellphone niya!

What the hell?

Sa tingin ko'y talo na nga ako!

Napalunok ako. Nagpatuloy ang pasimple nilang pagpapalitan ng mga texts habang ako ay nagkukunwaring umiinom. Ilang beses na nga akong nagsalin ng tubig galing sa pitsel!

They're texting each other. It's very obvious for me. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o tatahimik na lang. I drank another glass of water then my eyes went to Zae. Hinanap ko si Klenth pero wala pa rin siya roon.

Hindi nagtagal ay nag-anunsyo na ang host na magsisimula na ang coronation night. Sirado na ang pintuan ng hall at sa tingin ko'y lahat nandito na. Binalik ko ulit ang tingin sa table ng mga Royalties. I saw Klenth sitting cooly beside Marx. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso habang nakatingin lang sa harap... not even glancing at me.

Maraming pinatugtog bago sumulpot ulit ang mga host at isa na roon ang kanta ng eskuwelahan.

"We all felt sad when the news broke..." Nagsimula na ang babaeng host.

Nakasuot ng gown ang host na 'yon at alam kong bigatin siyang tao dahil kilalang kilala siya sa bansa. Ang alam ko ay taga Sky Hexton din ang host na 'yon at matagal nang nakapagtapos. Pareho lang din sila ng lalaking host.

"Yes! But we knew he won't left us! We're very thankful for your prayers for his recovery," anang lalaking host, naka-suit.

"This event won't be completed without him so let us all welcome back Dean Stewart!"

Nagpalakpakan ang mga tao. I clapped my hands too as I watched the Dean walked in front. He looks okay and recovered pero hindi na gaya ng dati ang lakas.

Binalik ko ulit ang tingin kay Klenth at nakitang seryoso pa rin ang mukha niya habang pumapalakpak. His jaw is clenching and his brows are slightly furrowed. Naghintay ako ng ilang segundo na tumingin siya sa'kin pero wala. I stopped myself from rolling my eyes and just sighed. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nangako sa sariling hindi na titingin ulit doon.

Sa likod ng mga host at ng Dean ay may medyo mataas na entablado. Sa gilid naman ng stage ay may dalawang malaking upuan doon. The first chair is color white but it's shining in the light. May disenyo iyon sa gilid na mukhang gold. Ang pangalawang upuan naman ay gano'n din at parehong matangkad. The chairs were obviously made for Royalties only. Para bang isang tingin sa mga upuan na 'yon ay tatatak na agad sa isipan mo na bawal umupo roon ang mga ordinaryong tao. Na para bang bawal hawakan o pisilin man lang.

"Thank you. Thank you." The Dean smiled. "I said to myself that I'm not gonna miss this event because Wayne had finally found a girl to be crowned as the third Princess of Sky Hexton..."

Tahimik ang lahat. Tutok na tutok sa kaniya. Alam ng lahat ng naririto na wala na si Wayne at Vaniella. Hindi ko nga lang alam kung nagkabalikan ba sila? Kaya natuloy ito? All of us here don't know what will happen tonight.

"But when I finally woke up and recovered, I heard the news... They broke up and the coronation night should be cancelled... but..."

Unti-unting nag-ingay ang mga tao.

"...it's good thing that it isn't cancelled," dagdag ni Dean at huminga ng malalim.

Tahimik na ulit ang mga tao. The Dean gave the microphone to the
host and proceeded to his way to their table. Sa lamesang iyon ay naroroon ang iba pang bigating tao na parte rin ng Sky Hexton.

Binalik ko ang tingin kay Klenth. Wayne tapped his shoulder slightly. Si Marx ay nakangisi sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin ni Klenth. Seryoso ang mukha noong una pero nang makita ako ay unti-unting nanlambot ang mukha niya.

He then looked away and stood up. Napatingin ang mga tao sa kaniya dahil masyadong agaw-pansin 'yon. He looks so incredibly handsome and hot with his tuxedo. Nagbulong-bulungan ang mga tao sa pagtayo niya. Ngayon ko lang din napansin na naiiba ang kaniyang tuxedo kumpara sa tatlo. His tuxedo is like more... special.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang naglakad siya sa harap at may kinuhang microphone.

"Good evening, everyone..."

Walang sumubok na magsalita. My heart started beating loud. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip kong gagawin niya...

"This night is so special to me became tonight you will be meeting her. Started five years ago, there are so many woman who were rumored as my girlfriend but none of those were real... because I was waiting for someone who left me..."

Nagbulong-bulungan pa rin ang mga tao. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. My lips parted because I think I knew what he is going to do!

"Baka yung gymnast talaga? Girlfriend niya? Ang ganda no'n! Bagay sila!"

"Ipapakilala niya ang girlfriend niya?"

"Oh my! Who is she?"

"Why, Klenth, why?"

"I think it's Ellisandra?!"

"Omg. Si Elli 'yan for sure!"

Nagulat ako nang may nakatayo na sa gilid ko. The eyes of the people darted at me. Kumunot ang noo ko lalong lalo na nang makita ang lalaking nakasuot ng itim na polo at slacks na may tatak ng Sky Hexton ang damit na parang hinihintay ako.

"What?" Mahinang sabi ko, hindi alam kung ano ang nangyayari.

"This way, Ma'am..."

"Huh?"

Maingat niya akong hinawakan sa siko. May suot siyang puting tela na gloves. Nagtataka pa rin, tumayo ako at parang tangang sumunod sa kaniya! I don't know what to do!

Hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan ako patungo! The boy left me beside Klenth! The people got noiser like a bee buzzing.

"I'd like you to meet, Naeyumie Del Vosta, my girlfriend..."

The shock on some of their faces is what I saw. Maliban na lang kina Axiesse, Zell at Sasha na hindi na nagulat. Axiesse is smirking, Sasha is smiling habang si Zell ay hindi man lang ngumingiti. She's just maintaining her fierce expression.

Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Klenth sa aking baywang. Marami ang nakakita no'n dahil lahat sila ay sa'min nakatutok. Nilingon ko si Klenth. Tiningnan niya ako at nilapit ang bibig sa aking taenga.

"You look so beautiful. I'm sorry but I want the whole world to know about us. Kung hindi mo nagustuhan itong ginawa ko, puwede mo akong parusahan mamaya pag tayong dalawa na lang..." Bulong niya na nagpatindig ng mga balahibo ko.

Bago pa ako makasagot ay bumalik na ulit ang lalaki kaninang nagdala sa'kin sa tabi ni Klenth. Iginiya niya ako sa isang magarang upuan sa gilid. That Royal chair!

Napalunok ako. May tumulong pang babae sa kaniya na katulad din ng kaniyang uniporme. Ang lakas ng kabog ng puso ko, hindi pa nakakatulong ang sound na nanggaling sa orchestra sa gilid at ang palakpakan at ingay ng mga tao! It's making me nervous!

I sat on the Royal chair as Klenth sat on his chair too. May magarang mesa sa harap namin na may pagkain din. Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Finally! Naeyumie Del Vosta, the newly crowned Campus Princess of Sky Hexton International School, Klenth Sejin's girlfriend!" Masigabong anunsyo ng host.

I smiled but deep inside, I'm so nervous. Iginala ko ang mga mata sa mga taong manghang nakatingin sa'min. I saw familiar and unfamiliar faces... Nagulat pa ako lalo nang makita si Mommy at Daddy! Katabi ng mga magulang ko ang Mommy ni Sasha at ang mga magulang ni Klenth.

Continue Reading

You'll Also Like

25.3K 1.2K 9
"WOULD YOU RATHER DIE FOR ME, OR DIE ON ME? CHOOSE." Being a daughter of Viktor Volkov, a Russian Prime Minister, comes with a big responsibility. On...
267K 728 1
"The language of friendship is not words but meanings." -Henry David Thoreau- "The only way to have a friend is to be one." -Ralph Waldo Emerson-
38.9K 1.9K 9
THE 3RD BOOK - To break is to grow, and to grow is to move forward. Kailangan ba talaga sa buhay na pagdaan ang lubak-lubak at puno ng pasakit na daa...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...