Take Me Back in Time #Wattys2...

Door dandyara

310K 10.5K 669

"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñ... Meer

Paunang salita (Prologue)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Epilogo
Wakas I
Wakas II

Kabanata 48

3.4K 121 22
Door dandyara


Muntik ng atikin sa puso si Nacio nang akalain niyang si Rheden ang hawak-hawak ng mga militar.

Dalawang lalaki ang nakahandusay sa lapag pinapalibutan sila ng anim na armadong sundalo.

"Hindi ho talaga namin alam kung nasaan siya, kaalis niya lang ho nitong umaga," pagmamakaawang sambit ng lalaki. Nanginginig ito sa takot dahil sa natutok na baril sa kanya.

Ang isa namang lalaki ay tulala nalang na nakatitig sa kawalan. Putlang-putla na ito.

"We'll get back to you after searching this area," sambit ng isang sundalo na animo'y lider ng anim. Doon palang nila pinakawalan ang dalawang lalaki.

Kaagad namang nag-atrasan ang mga taong nakiusisa sa nangyari. Makikita rin ang takot sa kanilang mukha.

Tila bumalot naman ang kaba kay Nacio, nahihinuha niya na maaaring si Rheden ang hinahanap ng mga sundalo. Ngunit kahit ganoon ay hindi siya nagpahalata. Pilit na pinapakalma niya ang kaniyang sarili.

Pumunta muna siya sa katabing pansitan ng dormitoryo. Hinintay niyang tuluyan na munang makaalis ang anim na sundalo. At ng masiguro niyang wala na ito maging ang mga tao sa paligid, ay agad niyang pinuntahan ang dalawang lalaki, na hanggang ngayon ay nakahandusay pa rin sa kalsada at tila naestatwa na.

Tinapik niya muna ito bago tinulungang makatayo, "Ayos lang ba kayo? Maaari ba'ng magtanong?"

Ilang segundong nakatitig sa kanya ang lalaki bago tumango-tango.

"Sino ang hinahanap nila?"

"M-ay pinaghihinalaan silang espiya ng isang kalabang bansa, at ang kaibigan namin ang kanilang tinutukoy. Hindi namin alam kung bakit siya ang kanilang pinaghihinalaan wala namang kataka-taka sa kinikilos ng aming kaibigan. Madalas nga lang siyang wala dahil sa iba't-ibang trabahong pinapasukan niya. Nako naman talaga, bigla-bigla nalang nangbulabog ang mga militar na 'yan." Tila natauhan na ang lalaki, kaagad din nitong tinulungang makatayo ang kaibigan.

"May sakit pa naman itong si Caloy, balak naming pumunta sa pampublikong gamutan ngayon. Ngunit pagkalabas na pagkalabas namin ay sinalubong kaagad nila kami," pagtuloy nito habang inaalalayan ang kaibigan.

Natigilan si Nacio, hiniling niya na sana hindi si Rheden ang tinutukoy nilang kaibigan, "Maaari ko bang malaman ang pangalan ng kaibigang tinutukoy ninyo?"

"Si..."

Hindi na natuloy ng lalaki ang sasabihin. Maging si Nacio ay nagulat nang may biglaang umakap sa kaniya.

"Nasing! Kumusta? Aba'y nakauwi ka na pala, dapat nagsabi ka manlang na dadalaw ka rito. Hindi ako nakapaghanda ng makakain."

Gusto mang bumati ni Nacio nang kay sigla katulad ng pagbati sa kanya ni Rheden ay hindi niya na ito nagawa. Agad niya na lamang tinakpan ang bibig nito.

Maging ang dalawang lalaki ay nakaramdam na rin, "Nako, Rheden pinaghahanap ka ng mga militar," pabulong ngunit mabilis na saad ng lalaki.

Binalot naman ng pagtataka ang mukha ni Rheden. Ngunit bago pa sila magdiskusyon ay nagmadali na muna silang makapasok sa dormitoryo.

"Kailangan nating magmadali, ang mabuti pa ay magempake ka na muna ng iyong mga gamit," saad ni Nacio.

"Ano ba ang nangyayari? Bakit nila ako hinahanap? Maaari ko naman silang harapin para patunayang ako'y inosente," pagtugon ni Rheden.

Napailing nalang si Nacio sa sinambit ng kaibigan, "Hindi ko alam kung paaanong naging iba ang bintang nila sa'yo, pero masama ang kutob ko rito. Alam mo naman sigurong pinagbubuntis ni Marina ang inyong anak hindi ba? Tutol si Señor Arturo rito, nais niyang ipalalag ni Marina ang bata at dahil do'n ay naglayas si Marina, at sa pagkakatanda ko ay pinagbibintangan nilang itinakas mo si Marina. Nais ka nilang paratangan ng kasong kidnapping."

Tanging pagkagulat at takot ang namutawi sa reaksyon ni Rheden.

"Bilisan na natin babalik sila rito," walang ano-anong napatango nalang si Rheden kay Fabio habang hawak-hawak pa rin nito ang nanghihina ng si Caloy.

"Nais niyo bang sumama sa amin? Siguradong kayo ang mapag-iinitan kung sakali," saad ni Nacio kay Fabio at Caloy.

"Mga kamag-aral mo ba sila Rheden?"

Bago pa man makasagot si Rheden, ay agaran ng sinagot ni Fabio si Nacio, "Hindi na kami nag-aaral, napadpad lang kami rito sa Maynila para maghanap ng trabaho. Sa katunayan ay, namamasukan kami sa may pansitan sa tabi nitong dormitoryo, minsan ay tagadeliber din kami ng mga isda sa mercado."

"Kung gano'n, ay payag ba kayong sumama nalang sa amin?" Binabalot nang pagka-awa si Nacio. Ayaw niyang iwan si Fabio at Caloy. Lalo pa't mayroong karamdaman si Caloy at alam niya na maaaring idiin sila ng militar kung sakali para paamin ang dalawa kung nasaan si Rheden. Dagdag pa rito, ang pangunahing dahilan na sila'y walang kaya.

Ilang segundong natigilan si Fabio, "Ngunit nandito ang aming trabaho. Wala rin kaming sapat na pera para ipang pamasahe kung sakali."

Agad namang tumugon si Nacio, "May tirahan na kaming tinutuluyan. Sagot ko na rin ang lahat ng gastos. Wala na kayong dapat ipag-alala."

Napangiti naman ang dalawa, "Tinatanaw namin 'tong malaking utang na loob. Maraming salamat."

***

Nang matapos mag-impake ay kaagad silang lumabas. Pawang nakahinga sila lahat nang maluwag nang makitang walang tao sa labas. Dali-dali na silang tumungo papuntang kusina, kung saan may daan patungo sa labas.

Isa-isa naman silang natigilan ng makitang may anino sa may kusina.

"Ako na muna ang papasok," gulat silang napatingin kay Caloy at napasang-ayon nalang din.

Nadatnan ni Caloy si Ricardo, isa itong estudyante na nakatira sa katabi nilang k'warto. Nagbabasa ito ng libro habang nagkakape.

"Oy, kumusta pare," gulat na napatingin si Ricardo kay Caloy. Sa dinami-daming araw kasi na nagkita sila sa kusina ay ngayon lang siya pinansin nito.

"Ah, mabuti naman?" patanong na sagot niya.

"Ganoon, ah mabuti naman at ayos ka. Makikidaan lang ang mga kaibigan kong mga payaso (clown) may kaarawan kasi kaming dadaluhan. Baka lamang kasi magtaka ka sa kanilang mga hitsura. Wala pa naman silang ayos, natural pa lamang 'yon." sambit ni Caloy at napaubo.

Hindi naman malaman ni Ricardo kung matatawa ba siya sa sinabi ni Caloy.

"Osha sige, hindi na lamang ako titingin sa kanila para hindi ka na mabahala."

Sa puntong ito ay tila bumilis ang pagtibok ng puso ni Caloy. Matagal din niyang tinago ang paghanga niya kay Ricardo. At ngayon nga nagkaroon siya ng lakas ng loob na kausapin ito. Alam niya kasi na sa pag-alis niya sa dormitoryo ay maaring hindi na sila magkita.

"Sa-lamat."

Pagkasabi niyon ay agad niyang sinenyasan sila Nacio. Dali-dali namang kumilos ang mga ito at wala pang isang minuto ay nakalabas na sila ng dormitoryo.

Humuling sulyap pa si Caloy sa bintana kung saan tanaw niya si Ricardo, ang libro at kape nito.

"Hanggang sa muli aking payaso," saad niya. Payaso dahil ito ang nagpapahagikhik at nagpapasaya sa kanya sa araw-araw.

***

Nagkalat ang mga sundalong militar sa paligid. Mabuti nalang at marami-marami ang tao, nakikisabay lang sila Nacio rito. Kahit papaano ay nagtagumpay naman sila na hindi mahalata, kamuntik-muntikan lang silang makompronta ng isang beses dahil kay Caloy. Nanghihina pa rin kasi ito.

Napatigil lang sila sa paglalakad nang makarating na sa may daungan dito kasi ang hintayan na isinaad ni Lucila.

Kahit pa wala na masyadong sundalo sa paligid ay hindi pa rin sila kampante.

"Asa'n na kaya si Lucila?" paulit-ulit na saad ni Nacio.

Maging sila Caloy ay hindi na mapakali, "Konting hintay nalang Caloy, kaya mo pa ba?" pagtatanong ni Rheden.

Tumango naman si Caloy. Walang tigil pa rin ito sa kakaubo at mataas pa rin ang lagnat. Ilang saglit pa ay bigla silang natigilan sa pag-uusap dahil sa may paparating na mga sundalo.

Akala nila'y lalagpasan sila nito ngunit tumigil ito sa kanilang harapan. Kaagad namang idinulo nila ng pwesto si Rheden.

"What are you doing here?"

"Ik wacht op een vriend (Just waiting for a friend)," saad ni Nacio sa wikang dutch.

Napakamot naman ng batok ang amerikanong sundalo.

"Het is hier echter heel leuk, we genieten ervan om hier te blijven (Its very nice here though, we are enjoying our stay here)," pagtuloy ni Nacio. Tila natuwa siya sa reaksyon ng sundalo.

"Uh sorry, english only. How come you just travelled in other country without knowing how to speak english? Ugh nevermind," sambit nito bago tuluyang umalis.

Napangisi at napangiti naman sila Nacio.

"Ano nga ulit 'yon Nasing? Ajukuguhisiyuger?" Biro ni Rheden at sabay-sabay silang napahagikhik.

Sampung minuto pa ang lumipas bago nakarating si Lucila sa daungan, "Pasensya na at natagalan kailangan ko pang humanap ng ruta na wala masyadong mga sundalong militar. Nagkalat na sila sa buong paligid kailangan na nating magmadali."

Wala na nga silang sinayang na oras at kaagad nang sumakay sa awto.

"Akala ko ba ay isa lang ang susunduin natin? Ang dami namang tatay ng batang dinadala ng pinsan mo," sambit ni Lucila.

Napatingin nalang sila Nacio sa kanya, "Ah, biro lamang!"

Patuloy lang sa paikot-ikot na ruta ang naging kanilang biyahe, dahil sa tuwing makakakita sila ng mga sundalo ay kailangan nilang mag-iba ng daan. Ang ilan kasi sa mga sundalo ay nag-iinspeksiyon.

"Sino pala siya Nasing? Asan sila Marina?" pagbasag ng katahimikan ni Rheden.

"Ah si Lucila, ang kamag-aral ko sa Europa, kasakukuyang nasa tahanan nila Lucila si Marina at maging si Felicita."

Napatango at napangiti naman si Rheden mag-iisang buwan na rin ng huling dumalaw sa kaniya si Marina at halos apat na buwan na rin ng huli niyang makita si Felicita. Sabik na sabik na siyang muling masilayan ang dalawang babaeng malapit sa kaniyang puso.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang nakarating sa kanilang destinasyon.

Si Lucila ang nanguna sa pagbaba at ng masigurong walang sundalong nagpapatrol ay kaagad niya ng sinenyasang lumabas sila Nacio.

Hindi pa man nakakapasok sa pintuan si Rheden ay sinalubong na siya ng yakap. Yakap na napakahigpit at yakap na napakapamilyar. Yakap na huli niyang naramdaman apat na buwan na ang nakalipas. Yumakap din siya nang ka'y higpit sa kapatid.

Pawang nakaplaster ang ngiti ni Felicita, "Salamat at ligtas ka."

"Kumusta naman bunsoy?Aba'y ang laki-laki mo na."

Hindi naman pinansin ni Felicita ang asar ng kaniyang Kuya at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito, "Walang pinagbago amoy hiningang walang pagsipilyo pa rin."

"Aba aba, kaya pala grabe ang pagkakayakap mo ha," sambit ni Rheden at sabay silang napahagikhik.

Umisang yakap pa si Felicita bago tuluyang pinakawalan si Rheden na ngayon ay papunta na sa natutulog na si Marina.

"Ako ba walang yakap diyan? Ilang oras din akong nawala," sambit ni Nacio na nakaamba na ng yakap, pero tanging pagkurot lang sa pisngi ang tinugon ni Felicita.

Napabusangot nalang si Nacio at ito ang nagpatawa kay Fabio at Caloy.

***

Habang naghahain ng hapag napagkwentuhan nila ang pangyayari sa maghapon at kung paaanong nasama sa biyahe papunta rito si Caloy at Fabio.

Kahit papaano rin ay naging ayos na ang pakiramdam ni Caloy dahil sa mga gamot na pinainom sa kaniya ni Felicita. 

"Maligayang pagdating sa aming munting pamilya!" sambit ni Marina na ngayon ay nakasandal kay Rheden.

"Sa mga susunod na buwan ay magkakaroon na tayo ng munting supling."

Napangiti nalang sila sa isinaad ni Marina.

Ilang saglit pa lahat ng tawanan at kwentuhan ay biglang natigil nang makarinig sila ng katok.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

29.3K 1.3K 63
The longer you wait for something. The more you appreciate it when you get it. Because anything worth having is always worth the wait.❣️
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
29.9K 1K 18
** Watty's 2019 Winner -- Horror and Paranormal Category ** May tatlong dahilan kung bakit hindi makatawid si Rowan sa kabilang-buhay: Una, nawalan...
11.7K 237 12
Isang respetadong pulis si James, mabuting asawa at responsableng ama. Ngunit isang araw sa kanyang pagising, tila may mga bagay sya na hindi maipali...