Fated to Love You: BOOK 3 ||...

By EphemeraDeBless

64.4K 1.4K 806

FINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang... More

Prologue
Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 1)
Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 2)
Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 3)
Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 4)
Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 5)
(18+ ONLY) Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 6)
Episode 2: Alta Sociedad de Manila (Part 1)
Episode 2: Alta Sociedad de Manila (Part 2)
Episode 2: Alta Sociedad de Manila (Part 3)
Episode 2: Alta Sociedad de Manila (Part 4)
Episode 2: Alta Sociedad de Manila (Part 5)
Episode 3: Past is Not Past (Part 1)
Episode 3: Past is Not Past (Part 2)
Episode 3: Past is Not Past (Part 3)
Episode 4: Caught in the Middle (Part 1)
Episode 4: Caught in the Middle (Part 2)
Episode 4: Caught in the Middle (Part 3)
Episode 4: Caught in the Middle (Part 4)
Episode 5: Clash of Titans (Part 1)
Episode 5: Clash of Titans (Part 3)
Episode 6: The Scandal (Part 1)
Episode 6: The Scandal (Part 2)
Episode 6: The Scandal (Part 3)
Episode 7: One Week Punishment (Part 1)
Episode 7: One Week Punishment (Part 2)
Episode 7: One Week Punishment (Part 3)
Episode 7: One Week Punishment (Part 4)
Episode 8: The First Strike (Part 1)
Episode 8: The First Strike (Part 2)
Episode 8: The First Strike (Part 3)
Episode 8: The First Strike (Part 4)
Episode 9: The Fall of Alexander the Great (Part 1)
Episode 9: The Fall of Alexander the Great (Part 2)
Episode 9: The Fall of Alexander the Great (Part 3)
Episode 10: Red String (Part 1)
Episode 10: Red String (Part 2)
Episode 10: Red String (Part 3)
Episode 10: Red String (Part 4)
Episode 10: Red String (Part 5)
Episode 11: The Beginning of a Curse (Prologue)
Episode 11: The Beginning of a Curse (Part 1)
Episode 11: The Beginning of a Curse (Part 2)
Episode 11: The Beginning of a Curse (Part 3)
Episode 11: The Beginning of a Curse (Part 4)
Episode 11: The Beginning of a Curse (Part 5)
Episode 12: The Second Strike (Part 1)
Episode 12: The Second Strike (Part 2)
Episode 12: The Second Strike (Part 3)
Episode 12: The Second Strike (Part 4)
Episode 13: Yo También Te Amo (Part 1)
Episode 13: Yo También Te Amo (Part 2)
Episode 13: Yo También Te Amo (Part 3)
Episode 13: Yo También Te Amo (Part 4)
Episode 14: Confronting the Past (Part 1)
Episode 14: Confronting the Past (Part 2)
Episode 14: Confronting the Past (Part 3)
Episode 15: Cursed Love (Part 1)
(18+ ONLY) Episode 15: Cursed Love (Part 2)
Episode 15: Cursed Love (Part 3)
Episode 15: Cursed Love (Part 4)
Episode 15: Cursed Love (Part 5)
Episode 15: Cursed Love (Part 6)
Episode 16: The Final Decision (Part 1)
Episode 16: The Final Decision (Part 2)
Episode 16: The Final Decision (Part 3)
Episode 16: The Final Decision (Part 4)
Episode 17: Six Months of Loneliness (Part 1)
Episode 17: Six Months of Loneliness (Part 2)
Episode 17: Six Months of Loneliness (Part 3)
Episode 17: Six Months of Loneliness (Part 4)
Episode 17: Six Months of Loneliness (Part 5)
Episode 17: Six Months of Loneliness (Part 6)
Episode 18: I Choose You (Part 1)
Episode 18: I Choose You (Part 2)
Episode 18: I Choose You (Part 3)
Episode 18: I Choose You (Part 4)
Episode 18: I Choose You (Part 5)
Episode 18: I Choose You (Part 6)
Episode 18: I Choose You (Part 7)
Episode 18: I Choose You (Part 8) - FIN

Episode 5: Clash of Titans (Part 2)

621 12 6
By EphemeraDeBless

Office of the Vice President of Operations. 10:35 am.

"Ma'am Cathy."

Nagdudumaling pumasok sa opisina ni Cathy ang isang dalagang assistant na ngayon palang niya nakasalamuha. Dala-dala nito ang isang pulang folder na mabilis na inilapag sa kanyang mesa. Balisa ang itsura nito. Sa pakiwari niya'y kung ano man ang ibabalita nito sa kanya'y siguradong hindi ito maganda.

"Urgent appeal daw po from the Del Viñedo Canneries," paliwanag ni Lara. "Shutdown daw po ang production ng Deli Tuna dahil sa delay ng tuna shipment from our plant in Papua New Guinea. Baka hindi natin ma-meet ang export quota for the month. Ma'am, malaking loss po 'yon."

Binasa ni Cathy nang maigi ang ipinasang report ng empleyado. Ewan ba niya kung bakit parang bigla nalang na-blanko ang utak niya. Kanina nama'y maayos ang kumpiyansa niya't excited pa nga sa trabaho. Pero ngayong sumasabak na siya sa laban ay saka naman nauuwi sa pangangapa ang isip niyang lito.

Welcome back to the corporate world. Unang araw palang ay mukhang mao-overwhelm na siya sa gawain. Ganito pala kalaki ang sakop ng Del Viñedo Group? Deli Tuna? Seryoso ba? Sila pala ang may-ari ng isa sa mga pangunahing tatak ng canned goods sa bansa. At isang kompanya palang iyon ha. Ilan pa kayang grupo ng kompanya ang kailangan niyang pangasiwaan? Kinakabahan na tuloy siyang malaman kung gaano ba talaga kalawak ang galamay nila sa mundo ng business.

"Na-exhaust na ba natin ang list of domestic suppliers?" Tanong niya sa naghihintay na empleyado. "Our local market is a good backup source. Make sure to contact them for the time being para ma-fulfill natin 'yong current orders."

"Eh, Ma'am... kung sa bagong supplier po tayo aasa eh mahabang proseso pa po 'yon. Saka masyadong mahal ho ang prices kapag local. Kaya nga tayo nag-iimport eh... lugi po tayo. Kung dito tayo sa'tin kukuha, kailangang magtaas tayo ng presyo," katwiran naman nito na hindi sang-ayon sa kanyang iminungkahi.

Napaisip tuloy siya. Iba kasi talaga ang kalakaran sa ganitong tipong negosyo. Kung sa sining at usaping museo ay hindi presyo at kita ang pangunahing paksa, pero sa mundo naman ng pambansang merkado ay ito ang naghahari. Paano nga ba ang tamang gawin? Ano pa kaya ang nararapat niyang sabihin?

"What's going on?"

Nagitla nalang sila nang bumungad sa nakaawang na pinto ang pamilyar na porma ng bisita. Tinig palang nito'y halatang malaman ang mga sasabihin. Tindig palang ng dalaga'y alam nang may otoridad itong angkin. Lumapit agad ito sa kanila na nakahalukipkip ang mga kamay habang iginagala naman sa loob ng kwarto ang mapanuri nitong mga mata.

"Ma'am Alice?" Gulat na sabi ng assistant. "Balik na ulit kayo dito sa DVG?"

Tinitigan lang nito ang nanguwestiyong empleyado at sinipat nang nakataas ang kilay ang itsura.

"... Ah... 'yong ano... 'yong Canneries ho kasi..."

"Push for that import from Taiwan. We have our former contacts there. Tell the plant to delay for one or two days, ipapa-rush nalang natin," agad na mungkahi naman ng mas nakatataas.

Kumunot tuloy ang noo niya. Kung makautos kasi ito'y akala mo'y ito ang may hawak ng posisyong sa kanya itinalaga. Bukod pa roo'y ni hindi man lang ito nagpaalam bago pumasok sa opisina. Nakakapagtaka talaga. Pero ang mas nakakagulat ay ang pagpapakita nitong muli ngayong araw. Hindi ba't umalis na ito sa DVG? Bakit nandito na naman ito't malaya pang pagala-gala?

"That was rude of you to barge in like that," kunot-noo parin niyang sita sa bisitang hindi niya inimbita.

"Then do you have a better solution?" Bara naman ni Alice na palaban.

Nang wala siyang mabilis na naisagot ay umiling lang ito't bumuntong-hininga saka binawi sa kanya ang folder na laman ang report ng Canneries.

"Your lack of knowledge will cost us millions. Ipapalugi mo pa ang Canneries in one single production. Didn't you know about this? It's basic economics," harapan nang tira sa kanya ng nakataas-kilay na dalaga.

"... It's not enough that you have connections. You have to be fit for your role. Kung nandito ka para tumulong kay Xander at sa DVG, you better make sure you can handle your job properly. Otherwise, you're a huge liability we can't afford."

Hindi na siya nakapagsalita. Wala narin siyang ibang magawa kundi ang tumitig kay Alice na gayun din naman ang tingin sa kanya. Heto na naman ang pakiramdam ng panliliit na naranasan lang niya noong panahong Sticky Note Girl pa siya. Matagal narin 'yon, ngayon nalang ulit. Habang tahimik na iginigiit ng matatalim na mata ni Alice ang otoridad nito't kaalaman ay hindi na niya magawang ipagtanggol pa ang sarili. Tama naman ito, hindi talaga siya eksperto.

"Ma'am Cathy... ano pong decision niyo?" Baling parin sa kanya ng empleyadong naghihintay ng opisyal na utos.

"Wasn't I clear enough to you?" Lumingon naman sa assistant si Alice.

"Pero, Ms. Alice—"

"Do as I told you. Go."

Pumihit muli sa kanya ang dalagang parehas na nakataas ang kilay. Alam niyang sa mga senyas nito'y hinihimok siya nitong magsalita.

Pero wala. Wala siyang masabi.

"GO!" Hiyaw ulit noong isa.

"Yes, Ma'am Alice," usal nalang ng assistant na dali-dali nang lumayas.

* * *

* * *

* * *

Nadatnan ni Cathy na nagsesenyasan at nagsusulyapan ang tatlong babaeng nakapwesto sa tapat ng kanyang opisina. Kasama roon ang kaninang nagbalita sa kanya ukol sa problema sa isa sa mga kompanya.

"Ma'am, papirma nalang po dito," usal muli ni Lara na lumalapit sa kanyang may hawak na papel.

Nang makapirma na siya'y agad din naman siyang lumayo sa mga ito. Pero nang dahil sa pagsama ng kutob niya'y hindi rin niya napigilang magmasid saglit nang makaliko na siya sa tagong haligi.

"Psst! Team Alice parin talaga 'ko. Mas maganda and sexy si ex-girlfriend ni Sir Xander," bida ni Tonette na biglang tumayo't dumayo sa kabilang cubicle.

"Korek! Pak na pak!" Daldal naman ni Chinette na kausap nito.

"Pustahan tayo aalis din 'yan pag 'di nakatagal kay Ms. Alice. Di naman niya deserve. Parang wala naman kasing alam. Ang clueless niya tingnan 'no?"

"Kayo ha... ang ha-harsh niyo. Asawa parin siya ng may-ari 'no," paalala naman ni Lara na hawak-hawak parin ang pirmadong papeles.

"Eh, ano naman? Kapag ako nairita sa trabaho no'n, 'di talaga ako magdadalawang isip, isusumbong ko siya kay Ms. Alice. Tayo pa ba maga-adjust?" Wika ng mataray na unang bumida.

"Gaga, gusto mong mawalan ng trabaho? Mag-isa ka dyan sa death wish mo. Bahala ka."

"Whatever!"

Napailing nalang ang umawat at bumalik sa pwesto nito habang naiwan naman ang dalawa na patuloy parin sa talakan.

Tuluyan nang isinantabi ni Cathy ang usapan. Napasandal nalang siya sa pader na kalapit at saka tumingin sa natatanaw na saradong elevator. Parang gusto na niyang tumakas. Bakit ba mula nang bumalik siya sa Pilipinas ay muli niyang naramdaman isa-isa ang mga kinaaayawan niya sa sarili? Muling nanumbalik sa puso niya't isip ang insekyuridad na dapat sana'y hindi na niya binibigyan pa ng puwang. Nais lang naman niyang makatulong. Nais niyang dumamay sa mister na nahihirapan sa trabaho, pero... siya ba talaga ang tulong na kailangan nito? O nagpapagulo lang siya sa sitwasyon?

Sa gitna nang kanyang pagmumuni-muni'y bumukas bigla ang elevator at nagkatinginan sila ng sakay nito. Si Alice—nag-iisa at mukhang galing sa itaas na palapag. Wala man itong sinasabi'y dama niya ang pagusisa nito mula ulo hanggang paa.

Bakit ba hindi ito mawala-wala sa kanyang paningin? Habang tumatagal tuloy ang araw ay lalo niyang nararamdaman ang paninikip ng kanilang mundo.

"Ma'am Alice, welcome back po," bati rito ng mga empleyadong papasok naman sa asensor.

"Hi, Ms. Alice."
"Good to see you po ulit, Ms. Alice."

"Thank you," anitong ngumiti pa nang kaunti bago muling pumokus ang titig sa kanya. Kita naman sa pagtaas ng kilay nito na may nais itong ipahiwatig.

Hanggang sa nagdikit na muli ang mga pintuan ng sumarang elevator. Doon nalang napalit ang pagkatulala niya't pagpigil sa hiningang ayaw din namang umalpas nang maayos. Hindi tuloy siya mapakali. Hangga't hindi siya nakakalanghap ng sariwang hangi'y pakiramdam niya'y tuluyan na siyang mabubuwal.

* * *

* * *

* * *

Office of the Chief Executive Officer. 11:45 am.

Kanina pa hinihintay ni Xander ang pagpunta ni Cathy sa kwarto. Mag-aalas dose na, hindi man lang ito nagre-reply sa text niya. Nais na kasi niyang tapusin ang kasalukuyang meeting nila ng senior architect na dinaluhan din ni Señora Amelia bilang representative ng board. Kasama rin doon si Alice bilang lead consultant pero mas gusto sana niyang marinig ang opinyon ng asawa.

"Where is she..." bulong niya habang kinukutkot ang telepono.

Tatawag na sana siya sa misis nang biglang namang may kumatok sa pinto. Pagbukas nito'y heto na nga't sumilip doon sa awang ang hinihintay niyang panauhin.

"Cathy," tawag niya. "Come in please."

Sumunod naman agad ang asawa't lumapit sa kanya saka umupo roon sa katabing silya.

"Help me decide on a new site for the satellite branch of the food plant. North or South?"

Napakurap lang sa kanya si Cathy at napasulyap din sa iba pang mga kasama sa silid.

"Ah... ngayon na ba?"

"Well... yeah, it's up for discussion."

"Magpapaalam muna sana ako eh..." wikang paalala ng esposa. "Susunduin ko si Zion."

"Right..."

"Is she serious?" Banat agad ng nagdudumilat na si Alice. "This is an important matter and she's going to leave us instead? On her first day?"

"Alice," sabat naman ni Señora Amelia na halatang nanggagatong sa usapan.

"... Hija... be understanding. That's why you're here, right? As long as you're here, Xander has all the support he needs. We don't need an extra baggage on this project."

"Enough," pigil naman niya sa parehas na kritiko. "I gave her permission to do this."

Kinuha agad niya ang kamay ng nananahimik na si Cathy at pinisil ito nang marahan.

"Go ahead. I'll see you at home, okay?"

Pasimpleng irap nalang tuloy ang iginanti ng matandang senyora sa pahayag niya at saka muling nakipagusap sa architect. Maging si Alice di'y umiwas na ng tingin at nakipaghuntahan nalang sa mga kasamang ehekutibo.

"As I was saying... the North is a great place to start. We'll create a state-of-the-art processing location," dada ng dalagang adviser. "It'll be the most innovative food factory in the Philippines!"

Pero sa halip na umalis si Cathy ay pinakialaman pa nito ang lahat ng mga nakalatag na papeles at iniharap sa titig ang mapa na nasa mesa. Agad nitong sinuri ang marka ng lokasyon ng mga nakatayo nang planta pati na ang mga potensyal na paglalagyan ng mga bagong sites. Sa madaliang pagbabasa'y tila mabilis din nitong pinagtagni-tagni sa isip ang mga impormasyon.

"South," sagot ni Cathy.

"And why is that?" Kuwestiyon naman ni Alice.

"Expansion is much better than starting from scratch. If the goal is to double the production, diba mas maganda 'yong palakihin nalang muna 'yong existing resources? You don't have to spend tons of money, just make it more efficient. Since nasa South ang Canneries and most of the food plants, logistics-wise, the connection is much better," seryosong paliwanag ng bise presidente.

"... Less transfers, less mistakes. That's what I've learned from transporting million-dollar artifacts between museums."

Dito palang tumayo ang ehekutibong misis at taas-kilay na kumibo nang matalim sa dalawang babae.

"Gusto niyo ng financially-feasible plan, diba? Simple risk analysis. You should know," ani Cathy.

Bahagyang napangisi si Xander bagamat itinago nalang niya sa pagkamot ng tungkil ng ilong ang kurba ng labi. Hindi na nakasagot ang mapagmataas na pares sa buwelta. Napunta nalang sa pagbabasa ng papeles ang mga mata ng isa, samantalang ang isa nama'y nagkakanda-bali ang leeg sa paglihis ng tingin.

"... Excuse me."

Di narin nagtagal ay umalis na si Cathy sa kinatatayuan saka umabanseng palabas ng kwarto. Agad din tuloy siyang napatayo. Mabilis niyang sinundan ang katuwang at hinablot ang kamay nito saka nagmamadaling hinila ang babae paliban ng opisina.

"Xander?"
"Where are you going?"
"Xander!"

Hindi na niya pinansin ang mga naiwang boses. Dali-dali parin niyang hinatak ang kamay ni Cathy at hindi ito binitawan. Pagkakita niya sa nakabukas na elevator ay agad niyang isinama rito ang nagugulumihanang asawa at saka pinasara ang pintuan nang mabilis. Ini-swipe naman niya agad ang kanyang company card at matuling pinindot ang emergency stop para tumigil ang makina.

"Hoy! A-Anong—Xander!"

"Shh..."

Napangisi lang siya sa reaksyon ng misis. Tensyonado pa ito't noong una pero hindi niya ito pinakawalan. Ipinalibot pa niya sa katawan nito ang magkabila niyang braso't ikinulong sa mahigpit na yakap ang mahal. Sa huli'y unti-unti narin itong kumalma at nagpaubayang lubos sa mga kilos niya. Umakap din ito sa kanya nang maigting at saka ikinubli ang mukha sa balikat niya.

"Ang init ng ulo mo," puna niya rito.

Humimas din siya sa likod nito nang hindi pa ito umimik, "What's wrong, hm?"

Ayaw parin nitong magsalita. Nakatungo lamang ang esposa at tahimik na nakayapos sa kanyang katawan.

"Love..."

"Mali ba 'yong ginawa ko?" Sabi na nito sa wakas.

"No, you're right. You're absolutely right. I do see your point."

Naramdaman naman niya ang pagbuntong-hiningang nito bago ito tumingala't humarap sa kanya.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin..."

"Then what is it?"

"Mali ba na nag-ask akong mag-work dito?" Dugtong na ng misis sa ibig ipahiwatig. "Ino-overestimate ko lang ba 'yong sarili ko?"

"Why do you say that?"

Panandaliang nag-isip ang kausap. Para bang tinatantiya pa nito kung ipapaalam ba ang mga gustong sabihin.

"She's really good at what she does. She's effortless at work pa.... Everybody likes her. Lahat sila sumusunod sa kanya..."

"... I don't know why you didn't give her the position. Hindi ba... baka kasi... mas maganda pa nga na..."

Pinagmasdan lang naman niya ang nagdaramdam na asawa hanggang sa ito na mismo ang tumikom ang bibig. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Kung pwede nga lang sana, kung ganoon lang ba kadali ay inilayo na niya nang tuluyan ang pamilya niya sa mga Saint-Laurent. Pero sa puntong ito'y medyo malayo pa sila sa ninanais na resulta.

Sinapo nalang niya ang magkabilang pisngi ng asawa't mabilis na umisa ng halik. Kanina pa itong nagugulat sa mga ginagawa niya ngunit nilambing lang niya sa marahang hagod ang mga labi nito. Hanggang sa naging kampante na ito ulit sa kanyang bisig. Hanggang sa sumunod narin ito sa ritmo ng kanyang bibig.

"Better?" Bulong niya pagkatapos.

"Hindi naman lahat ng bagay naso-solve ng lambing eh..." malungkot paring usal ni Cathy.

Bumuntong-hininga nalang tuloy siya't ngumiti rito nang kaunti.

"I know. But every time you doubt yourself, you should clear your mind and start over."

"Trust in yourself," samo niya sa babae habang hinihimas ang pisngi nito.

"Pero, what if... I can't do what Alice can do for you? Paano kung hindi ako gano'ng leader?"

"Then don't be like her. You're different," patuloy niyang himok. "Do it your way, however you see fit. If you need guidance, I'll teach you. And if you make mistakes, that's okay. No one knows it all on Day 1, love. It's okay."

Nanahimik sa pag-iisip si Cathy saglit. Pinakiramdaman nalang niya tuloy kung anong susunod nitong sasabihin.

"Pasensya ka na," mahinang tugon ng asawa. "I got overwhelmed."

"Listen... I won't force you to do anything that you don't want," garantiya niya habang ikinakapit ang mga palad sa mga balikat nito. "Do you still want this?"

Tumango naman si Cathy. Seryoso parin ito't puno ng pagkadesidido ngunit mas maaliwalas na ang mukha nito ngayon. Sinaluhan nalang niya ito sa mga ngiti at saka hinimas ang parehas nitong braso.

"May sasabihin ka sa'kin kanina diba?" Pagbabalik niya ng naunsiyaming usapin. Para kasing importante ito ngunit hindi na niya narinig ang kasunod.

"Ahh... oo," wika ng asawa na sumigla nang tuluyan ang awra.

Magsasalita na sana ang kaharap nang napigil na naman ito ng pagkatok sa labas ng elevator.

"Hello? May tao ba d'yan?" Sigaw ng pamilyar na boses sa kabilang dulo.

"... Nasa'n ba maintenance? Ba't sira 'tong isang elevator? Hoy, hoy, ikaw tawagin mo si manong."

Umiling si Xander habang nakikinig sa nangyayari sa labas. "Let's talk about it at home, hm?"

Marahan nalang na tumango si Cathy kaya't ni-release na niya ang emergency stop sa gilid. Awtomatiko namang bumukas ang pintuan ng asensor. Hayun nga't natagpuan pa nila na nagtatatalak sa labas ang maingay na assistant na tila inirereklamo parin ang 'sira' sa telepono.

"—Paglalakarin niyo ba 'ko mula 40th floor, mga buwise—Boss?! Madam B?!"

Parehas lang sila ni Cathy na walang kibong tumingin sa nagitla.

"Luh, anong ginagawa niyo d'yan? Ay nako, kayo ha... ay nako, scandal 'yan!" Patuloy na bulalas ng nagulat na si Paolo.

"Shh. You never saw us and we were never here," banta naman niyang tumuro pa ang daliri saka hinayaang sumara muli ang pinto.

"Aba, topak na'to..." ani ng assistant na naiwan, "kung saan-saan nalang ba... Aigoo aigoo! Jinjja aigoo!"

* * *

Power Plant Mall.
Lunch, 1:10 pm.

Hindi narin bumalik si Xander sa opisina. Tanghalian na kasi at may usapan pa sila ng pinsang si Jordan na kakain sila sa labas. Mabuti na lamang at pagkahatid niya kay Cathy sa parking ay agad din namang dumating ang katagpo. Kung magtatagal pa kasi siya'y baka makasalubong na naman niya ang mga nagpapasakit ng kanyang ulo.

"So, how's the wifey doing at work?" Tanong agad ni Jordan matapos silang hainan ng serbidora.

"Good," matipid naman niyang sagot.

"Parang 'di ka yata convinced sa sinabi mo."

Huminto tuloy siya sa paghiwa ng karneng kakainin at napahugot nalang nang malalim.

"I'm just... worried," amin niya sa nararamdaman. "I don't know how long she'll continue to suffer because of Alice."

"So totoo ngang bumalik sa DVG 'yong ex mo? That's so weird, man," napapailing namang sambit ng kausap.

"Well, it's not like I could fire her anyway. She's the Saint-Laurents' official representative. She could still come back if she wanted to, and she did. So... yeah."

"But... I thought you have a plan to get rid of the Saint-Laurents? Gagawin mo ba talaga 'yon?"

"I have to. It just doesn't feel right anymore," lahad parin niya ng nasa isip.

"... I want me and Cathy to start over. Even though they were beneficial to the company... hindi parin tama 'yong reason. I can't make the same mistake by not choosing between the two."

"You know you can't get rid of Alice that easily. She's so... ingrained in your company, 'lam mo 'yon? How do you get rid of someone who knew you inside-out for years?" Latag naman ni Jordan ng katotohanan. Katotohanan na mahirap ikubli't kalimutan.

"... That's hard, man."

"I know," mabigat na bitaw niya. "And it's not fair to anyone. It's not fair that we're all being used for someone else's gain."

"Someone else's?"

Tumango siya't napakuyom ang kamao habang lumilitaw sa memorya ang usapan nila ng step grandmother. Para siyang may dala-dalang posas sa paa. Sa totoo lang ay nahihirapan narin siya nang wala man lang mapagsabihan ng lahat ng kanyang problema. Kahit sa asawa niya na dapat ay karamay niya sa ganitong sandali'y hindi rin niya maaminan ng pinagdadaanan. Kung ipagtatapat kaya niya sa pinsan niya'y maiibsan man lang ng kaunti ang pait?

Ewan niya. Ewan na talaga.

"Dude, you okay?"

"Bro... can I be honest with you?" Bulong narin niya rito habang pinakikiramdaman ang paligid. "But please, you have to keep this to yourself. Please."

Tumango naman si Jordan na nagseryoso rin sa pagtitig sa kanya.

Muli muna siyang bumuntong-hininga. Sumagap siya ng lakas ng loob bago kunin ang kanyang cellphone at hanapin sa pinagtataguan ang pakay. Nang makumbinsi ang sariling wala namang nakikinig sa kanila'y patago niya itong inabot sa kaharap at saka sumenyas ng tango.

Habang pinapanood ni Jordan ang video'y nanlaking bigla ang mga mata nito't agad na tumakip sa bibig ang kamay.

"Whoa.... Oh my god, did you actually..."

"I don't remember any of it," pigil na niya sa ano pa mang maririnig. "I seriously don't."

"But... how? Bakit may ganitong video?"

Umiling lang siya't napasapo sa noo. Iniipod din niya ang kanyang plato sa tabi dahil tuluyan narin siyang nawalan ng gana sa pagkain.

"I don't know."

"Man, you should really find out what's going on. Sinong nag-take niyan? Sinong nagbigay sa'yo?" Sunud-sunod na ratsada ng pinsan.

"Amelia. She has the original," pagtatapat niya.

"What?!" Gulat na hiyaw ng kasama. Napatingin tuloy sa kanila ang magkasintahan sa kabilang mesa.

"Shh..." sita niya sa magulong lalaki.

"What? Lola? She'd really go that low, why?" Patuloy naman nito na mas mahina ang boses.

"I have a feeling... she wants to control DVG, too. The same way she did with the Enterprise."

Nanigas ang mga panga ni Jordan habang napaikot sa kamao ang palad nito sa inis.

"Aight, know what... I've had enough of her bullshit. This ain't right. We'll figure something out," pangako naman ng pinsan sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.1M 1.9K 3
"I LOVE YOU GOODBYE" kita ko sa mata ni Gavin ang lungkot at galit na alam kong para sakin. Love is not about the word STAY but it is all about SACRI...
2.8K 151 20
Olivia is the evil step sister of Juan Miguel. She will do anything to destroy and wreck his evil step brother's name! Ngunit... Naging magulo ang...
954K 32.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.