Finding Ms. Right

By micmiclet

28.2K 903 23

Si Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinanini... More

FINDING MS. RIGHT
Chapter 1: Crossed Paths
Chapter 2: Hater of Feminines
Chapter 3: Problems
Chapter 4: Contract
Chapter 5: Contract Signed
Chapter 6: Mr. Bwiset
Chapter 7: Ran Away
Chapter 8: Yasmine Dorrible
Chapter 9: Feeling Close
Chapter 10: Sick
Chapter 11: Phone Calls
Chapter 12: Leaving AU
Chapter 13: Another Deal
Chapter 14: Second Mother
Chapter 15: Section C
Chapter 16: Unexpected
Chapter 17: Aileen Cordova
Chapter 18: New Friend
Chapter 19: Simple
Chapter 20: Love
Chapter 21: Feeling Guilty
Chapter 22: Stupids Under the Rain
Chapter 23: Peace Offering
Chapter 24: Real You
Chapter 25: Saving Her
Chapter 26: Threat
Chapter 27: Fight
Chapter 28: Worried
Chapter 29: Happiness
Chapter 30: Past of the Second Mother
Chapter 31: Knowing the Past
Chapter 32: Insulted
Chapter 33: Listen
Chapter 34: Forgiveness and Thank You
Chapter 35: Dream and Painting
Chapter 36: Sudden Tutoring Session
Chapter 37: Excellence in Math
Chapter 38: The Cousins
Chapter 39: Goodluck
Chapter 40: Headache
Chapter 41: Real Purpose
Chapter 43: Mall Fight
Chapter 44: Meet the Siblings
Chapter 45: Run and Arguments
Chapter 46: Broken Image
Chapter 47: Brothers
Chapter 48: Help Rejected
Chapter 49: Basketball
Chapter 50: Voices
Chapter 51: Blurry Images
Chapter 52: Out
Chapter 53: Check Up
Chapter 54: Acceptance
Chapter 55: Ziana Alvarez
Chapter 56: His Story
Chapter 57: Going Back
Chapter 58: Not For Me
Chapter 59: Fury
Chapter 60: Memories
Chapter 61: Old Self
Chapter 62: Family Hug
Chapter 63: Beside Him
Chapter 64: Fun
Chapter 65: Remember Me
Chapter 66: Wishes, Promises and Memories
Chapter 67: Another Chance
Chapter 68: He Waited and She Tried
Chapter 69: Preparation
Chapter 70: His Miss Right
Last Chapter

Chapter 42: Alone

308 11 0
By micmiclet

JANA

"KAMUSTA?"

Napaangat ako ng tingin ng may narinig akong magsalita. Then I saw Niko at umupo siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked at binaba muna ang ballpen na hawak ko. Sumasagot kasi ako eh. Pero nandito naman 'to kaya ititigil ko muna.

"Binibisita ka. I just want na kamustahin ka sa pagre-review. So, how are you?" he asked at bumuntong hininga ako.

"Okay lang, buhay pa naman," I said at natawa siya.

Nagkwentuhan lang kami saglit. And somehow, gumagaan na din ang loob ko kay Niko. Hayst. I just wonder kung bakit madalas, 'yung mga taong inaakala nating masama ang ugali, sila pa 'yung mabuti. Gaya ni Niko at ng section C. At minsan, 'yung inaakala pa nating mabait, sila pa pala ang sasaksak sayo patalikod. Gaya na lang ni Pamela.

Napansin ko namang nilibot ni Niko ang paningin dito sa library. "Where's the asshole? Diba dapat magkasama kayong nagre-review?" bigla niyang tanong kaya natigilan ako. Si Alvarez ba tinutukoy nito? Malamang. Galing naman nito, minumura 'yung pinsan niya.

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na siya nagtanong. Actually, dalawang araw ko ng hindi nakikita ang tigre na 'yun. Sa tuwing papasok kasi ako, didiretso na ako agad dito sa library dahil palagi namang buong araw ang review. Pati nga si Ms. Bautista ay naiinis na dahil mukhang wala talagang balak na mag-review si Alvarez. Pero alam ko namang kahit hindi siya mag-review, may ibubuga pa din siya, may laban pa din. At bukas na ang Division level, I just hope na pumunta siya kahit hindi kami good terms ngayon.

"Lunch time na. Tara, lunch tayo?" yaya ni Niko at hindi na ako tumanggi. Gutom na din naman na ako. Ikaw ba naman mabulok sa loob ng library at puro numero at letra ang nakikita mo? Tignan lang natin kung hindi ka tablan ng matinding gutom.

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa library bago iniwan. Kinuha ko naman ang wallet at phone ko kaya kung sakaling may magnanakaw, wala din silang mapapala. Babalik din naman ako dito after lunch kaya hindi ko na kukunin. Magpapagod lang ako.

We both went out of the library at sabay na naglakad papuntang cafeteria. Nang makarating kami sa cafeteria, halos lahat ng estudyante ay napalingon sa amin. They started whispering unknown words to each other at nairap ako. Bulong-bulungan na naman ng mga tsismosa't tsismoso ang nakikita ko. Ang sakit nila sa mata. Myghad.

Naghanap kami ng upuan and we saw the vacant table with two seats sa gilid na part. Umupo kami doon.

"Ako na mag-o-order, anong gusto mo?" tanong niya.

"Ikaw na bahala," I was going to give him a money pero tumawa at umiling siya.

"My treat," then he winked before going.

Napabuntong hininga na lang ako. Nakakailang libre na ako tuwing lunch ha? Kahapon kasi, nilibre ulit ako ni Darren ng lunch. Tapos ngayon, si Niko naman. Ewan ko ba sa dalawang 'yan at palagi na lang akong nililibre at pinupuntahan sa library. Pero okay lang, atleast nga may bumibisita sa akin doon eh. Si Lucy? Aba malay ko! Tinatawagan naman niya ako. Kapag pinapapunta ko sa library, ayaw niya. Ang sakit daw kasi sa mata ang makakita ng mga libro. Wew lang, ano? Pwede naman siyang pumikit tapos iwanan ko siya doon. Boba.

I'm just tapping the table with my fingers ng bigla kong naramdaman ang isang tao na nakatayo sa gilid ko.

"Hello Jana!" I looked at that person. At hindi na ako nagulat ng makita na si Darren ito.

"Hi." I said and smiled at him for a but.

"Wow! First time yata na nag-hi ka sa akin? Achievement 'to!" tuwang tuwang sabi niya at napairap ako. Here we go again. The enervon guy. Hindi ko alam kung pinagtitinginan kami dahil magkasama kami or tinitignan nila kami dahil mukhang baliw 'tong si Darren. But somehow, he look cute with those acts.

"How's the review?" tanong niya.

"Fine."

"And?"

Kumunot ang noo ko. "Anong and?"

"And! Anong katuloy no'ng fine?" sabi niya.

"Dapat ba may katuloy 'yon?"

"I think so?"

"Fine and stressful," sagot ko at tumawa lang siya habang tumatango tango.

"Nakaka-stress naman talaga ang Math, nakakabiyak ng bungo," natatawang sabi niya kaya natawa na din ako. Somehow, napapa-light ni Darren ang mood ko. Ang light kasi talaga ng aura niya. Sobrang bright, sobrang gaan na parang wala siyang dinadalang problema.

Bigla ko namang naalala 'yung narinig kong pinag-uusapan nila ni Alvarez doon sa clinic. I want to ask him kung ano 'yon at kung bakit nabanggit ang pangalan ko. Pero sa huli, nanahimik na lang ako. Alam ko din naman kasing maliit ang chance na sagutin ito ni Darren.

Napatingin naman ako sa pinto ng cafeteria ng bumukas ito. Pero sana hindi na lang ako tumingin dahil nakita ko siya, kasama si Inigo. Walang emosyon ang mukha. Nagtama ang paningin namin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Wala man lang akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya ng makita niya ako. I smirked. Tama, wala nga pala kaming pakeelam sa isa't isa. So it means, kung nakita namin ang isa't isa, wala lang 'yon.

"Ehem," naputol naman ang pag-iisip ko ng kung ano-ano ng may biglang tumikhim. Then I saw Niko na may hawak na tray at nakatingin kay Darren na nakakunot noo na ngayon. Nilapag niya 'yong tray sa table. "Sorry dude, but that's my seat," he said at tumingin sa akin si Darren.

Tumango lang ako. Sign na kay Niko nga ang upuan na inuupuan niya. Well, hindi naman talaga kay Niko pero nauna siya doon. And besides, si Niko naman talaga ang kasama ko ngayon.

"Is that so? Okay," tumayo na si Darren. Ngumiti siya sa akin. "Pakabusog ka Jana, ha? Eat well even you're seeing a monkey's face in front of you." Muntik na akong matawa sa sinabi niya dahil halata namang inaasar lang niya si Niko. Unggoy talaga eh.

Nginisian niya pa si Niko and the monkey smirked back. Ngumiti ulit sa akin si Darren bago naglakad papunta sa lamesa nila Inigo. Bakit kaya dito kakain ang mga 'yon imbes na sa tambayan nila? Oh well, baka kasi nagsawa na sila doon.

"Hayst. Badtrip," kakamot kamot ulong sabi ni Niko at tinawanan ko na lang siya.

"Pinatamaan ko eh. Unggoy ka daw," sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Sige, paalala mo pa," sabi niya.

Bahagya lang akong natawa at nagsimula na kaming kumain. Hindi ko alam kung alam nitong lalaki na 'to na matakaw ako kaya ang dami niyang in-order or talagang trip niya lang na madami? Galing naman.

Nagsimula na kaming kumain at at nagkukuwento sa akin si Niko. Mostly, ang mga kwento niya ay ang mga ganap sa classroom nila which is my former classroom. Kahit hindi naman ako maka-relate dahil nga wala na ako doon, naki-ride na lang din ako. Okay nga 'to eh, atleast updated ako sa nangyayari.

Napalingon naman ako sa kung saan ng maramdaman kong may nakatingin sa amin. Kumunot ang noo ko dahil karamihan naman pala ng estudyante, nakatingin sa amin ngayon. Ano bang problema ng mga 'to? Dahil ba kasama ko si Niko ngayon? Ganito na naman kahapon eh. No'ng kasama ko naman si Darren. They are always looking at me like I'm a criminal who did a crime. Siguradong jina-judge na ako ng mga 'to sa kaloob-looban ng mga utak nila. Kung may utak nga ba sila.

"Hayaan mo sila, insecure lang mga 'yan kasi may kasama kang gwapo."

"Saan?"

"Ay, sino pa ba? Edi 'yung nasa harap mo!"

"Unggoy naman 'yung nasa harap ko ah?" tanong ko at pinigilan ko ang matawa dahil sa naging reaksyon niya. Smiling face to poker face ang nangyari sa mukha niya. Umiling iling na lang siya at tumawa din kalaunan.

Wala sa sariling nilibot ko ulit ang mga mata ko. Wala na akong pake sa mga estudyante na 'yan. Kung gusto nila, hugutin ko pa mga eyeballs nila tsaka ko tapakan isa-isa. Psh.

Ibabalik ko na sana ang tingin kay Niko na kasalukuyang sumusubo nang napalingon ako sa gawi nila. Then there, I saw him intently looking at me. Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kaba? Wala pa ding emosyon ang mukha niya. Blangko. Hindi ko mabasa.

Nakatingin lang kami sa isa't isa hanggang sa siya na ang unang nag-iwas ng tingin. Nag-iwas na din ako ng tingin at uminom ng tubig. Wew. Para akong kinapos ng hininga ng makita ko pa lang ang mga mata niya, his brown eyes are making my breathing hard.

"Ayos ka lang?" tanong ni Niko at tumango ako. But honestly? I don't know if I'm okay or not. Wala na yata akong alam sa mundo.

Putangina. May mali talaga sa akin eh. Hindi ko lang masabi o ma-figure out kung ano. Basta may mali.

"Jana, may sasabihin pala ako sayo," napatingin naman ako kay Niko ng bigla siyang magsalita.

"Spill," maiksing sabi ko at uminom ulit.

"A-ah.. ano k-kasi.." kumunot naman ang noo ko dahil nauutal pa siya. Hindi ko alam kung nahihiya siya sa itsura niya ngayon. Problema nito?

"Ano nga?"

"A-ano..."

"Punyeta. Sasabihin mo o bibitayin kita?"

"Pwede bang lumabas tayo?" natigilan ako sa tinanong niya. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses para lang malaman kung totoo ba 'yung tinanong niya.

"A-ano?"

Napahawak siya sa batok. "Can we go out? After MTAP?"

"Seryoso?" tanong ko at biglang nagseryoso ang mukha niya. Wow. Galing niya talaga sa pagpapalit ng facial expressions niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"I don't know. Bakit ako tinatanong mo?"

"Jana!" he said my name at natawa ako.

"Pero 'di nga, niyayaya mo talaga akong lumabas?" tanong ko.

Tumango siya at ngumiti. "Yeah. I just want to go out with you. Ano? Payag ka ba?" tanong niya at natahimik ako. Papayag ba ako?

Kung iisipin, para na ding date 'yon. At kung sakali, 'yon ang magiging first time ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ko kasi alam ang mga ginagawa sa mga gano'n.

"I'm expecting a yes," sabi niya pa kaya napabuntong hininga ako. His hopeful face is pushing me to say 'yes'. Makakatanggi pa ba ako kung 'yung mukha niya, parang nagpapaawa na? Shit. Nagpapa-cute pa ang gago.

"Okay fine, after MTAP tomorrow," sabi ko at napanganga siya.

"Seryoso? Payag ka talaga?"

"Oo. Bakit hindi ka naniniwala? Pwede ko namang bawii-" he cut me off.

"No! No! Thank you, Jana," sabi niya at nginitian ko na lang siya. Mukhang masaya talaga si Niko dahil abot tenga ang ngiti niya. I just wonder kung bakit bigla akong niyaya ng ugok na 'to. But well, siguro nga gusto niya lang lumabas at ako ang trip niyang isama.

Kakain na sana ulit kami ng biglang mapalingon kaming lahat sa tigre. Bigla kasi siyang tumayo at mukhang padabog pa dahil natumba 'yung upuan. May bakas ng inis sa mukha niya ng maglakad siya papuntang pinto. At nang isara niya 'yon, halos mawasak 'yung pinto.

Napaamang ako. Anong problema no'n?

"It looks like badtrip siya about something," sabi ni Niko at nagkibit balikat. Kumain na ulit siya pero hindi pa din nawawala ang ngiti niya.

Nagkukuwento ng kung ano-ano si Niko pero wala na akong naintindihan dahil iniisip ko kung bakit bigla na lang naging gano'n si Alvarez. He look cool when he entered the cafeteria. Pero anyare? Bakit parang nagalit bigla?

"Kasalanan mo 'yun."

Napapitlag naman ako ng biglang may bumulong sa left na tenga ko. When I looked back, nakita ko si Darren. Kinindatan niya ako at nginisian naman si Niko bago lumabas din ng cafeteria kasama si Inigo.

Natuod na yata ako sa pwesto ko dahil hindi ako makagalaw. Like what the heck? Anong ibigsabihin ng mokong na 'yun?

"Ano kayang problema ng magkakaibigan na 'yon?" tanong ni Darren. At hindi ako nakasagot dahil hindi ko din naman alam.

Napabuntong hininga ako. Ano kayang ibigsabihin ni Darren doon?

Bakit kasalanan ko?

~~~

"Ask his friends or kung sino man! Find him sa bawat sulok ng University! I don't care kung halughugin niyo pa ang buong La Union, just fuckin find him! We need him here!"

"Ma'am, calm down," pagpapakalma ni Miss Bautista kay Miss Marval pagkatapos nitong i-end ang tawag.

Napabuntong hininga ako and looked at my watch, meron na lang 30 minutes bago magsimula ang Division level. And yet, wala pa dito ang tigre. Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Maging sila Jay tinanong ko na pero ang sabi nila, hindi daw nila nila alam.

Kasama ko ngayon si Ms. Bautista dahil nga coach namin siya. And si Miss Marval na kasalukuyang galit na galit ngayon dahil wala pa si Alvarez. Hindi ko din alam kung bakit sumama ngayon si Miss Principal kahit kaya naman na namin. Well, baka for support din.

May tinatawagan ulit si Miss Marval at hindi ko alam kung sino. Samantalang may lumapit naman kay Miss Bautista at kasalukuyan silang nag-uusap ngayon. At ako? Nandito lang ako. Nakaupo at pinagmamasdan sila habang namomoblema sila dahil kay Alvarez.

I knew it. Alam kong maliit ang chance na pumunta siya ngayon dahil sa naging pag-uusap namin sa library. But I am still hoping na pumunta siya at huwag niya akong hayaan na lumaban mag-isa.

I am tapping the ground with my right foot ng bigla akong lapitan ni Miss Bautista at gano'n din si Miss Marval.

"Wala na tayong oras, it will start in 5 minutes at pinapapunta na nila lahat ng participants sa loob ng room," sabi niya at nagkatinginan sila ng Principal. Hindi ba talaga siya pupunta?

Miss Marval looked at me. "Go inside, Jana," napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya.

"T-teka po! Makiki-compete pa din po ba ako? But every school must have two parti-" she cut me off.

"We don't have any other choice. Kung hindi siya pupunta, then you'll compete... alone," napanganga ako sa sinabi niya. Ako? Ako lang mag-isa? Last year nga hindi namin nagawa ni Niko na manalo, knowing that we competed using two brains. Ngayon pa kaya na mag-isa ko lang?

I shook my head. "N-no ma'am. I can't do this alone, I-I need him," halos pakiusap na sabi ko. Kailangan ko si Alvarez. Hindi ko kaya ng mag-isa, hindi ko kayang makipagtagisan sa kanila ng wala siya. I need him this time....

"Please Jana, for the school," sabi ni Miss Bautista and they both look at me with hope in their faces.

Natahimik ako bigla habang nakatingin sila sa akin. Anong gagawin ko? Hindi ko kaya ng mag-isa. But I can't bring the school down, I can't bring them down.

Humugot ako ng malalim na hininga. "O-okay po," I said and their faces lightened. Hinatid nila ako hanggang sa loob at umupo ako sa seat na nakalaan para sa aming dalawa.

Kahit alam kong mababa ang chance na manalo ako dito, I will still try. I just hope na dumating pa din siya, na makahabol pa din siya.

Napalingon ako sa likod and I saw our Principal and Miss Bautista smiling at me and mouthed 'You can do it'. Ngumiti na lang ako at binalik ang tingin sa harapan.

Sana nga kayanin ko.

Napatingin ako sa harapan ng marinig kong magsalita ang isang teacher.

"Okay everyone, are you ready?"

I heaved a sigh before asnwering like the other students. "Yes."

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
8.5K 245 60
"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang...
24K 373 51
this is my new fantasy story.. princess Alessandra and king Austin