Secrets of the Malavegas (Boo...

By LenaBuncaras

393K 12.6K 1.3K

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na l... More

1: The Family
2: Bad Blood
3: Zone
4: Labyrinth
5: Second Child
6: Broken Window
7: Saved
8: Regeneration
9: Suspension
10: Annual Elimination
11: Project ARJO
13: Tutorial
14: Big Brother
15: Psychology
17: Sibling Rivalry
16: 6th Floor
18: Reviewer
19: Gamble
20: Escape Route
21: Neophyte Guardian
22: Blood Donation
23: Alter
24: Master Plan
25: The First Wife
26: Clandestine
27: Unusual Morning
28: House Visit
29: Check-up
30: The Love Interest
31: The Cure
32: So-Called Mistress
33: The Usual Morning
34: The Real Ones
35: The Lunatics
36: Untold Secrets
37: Shades of Gray
38: Connections
39: Citadel's Cursed Firstborn
40: Missing
41: Floating Hints
42: The Haunted Mansion
43: The Immortal One
44: Plans
45: The Land Lady
46: The Sisters
47: The Deal of the Devil
48: The Beginning of the End
49: The Son of the Prodigals
50: King's Pawn
Epilogue

12: 10 PM

8.4K 276 47
By LenaBuncaras

Sinadya ni Arjo na umuwi nang sobrang late. Alas-dos ang uwian dapat niya pero alas-kuwatro y medya pa lang siya lalabas ng HMU. Papunta na si Arjo sa parking lot sa loob ng campus para kunin ang bike niyang nakaparada roon. Alas-otso pa naman uuwi ang Papa niya kaya wala siyang kakampi sa bahay. Hindi tuloy niya alam kung paano papasok ng bahay nila dahil madalas na nasa salas ang Mama niya at kalaro ang bunso nila.

Nakakailang isip na siya kung paano uuwi. Kakalasin pa lang niya ang lock ng bike nang may biglang humatak sa kanya.

"AY!" Napatili na lang siya ng biglang takpan ng kung anong makapal na tela ang ulo niya. "Hoy! Sino kayo?!"

Apat na lalaki ang sapilitan siyang pinapasok sa isang gray na van.

"Sino ba kayo?! Ano ba?! Saan n'yo 'ko dadalhin?!" Pumalag siya nang pumalag kaso hindi niya magawa dahil hawak na siya sa magkabilang kamay at paa ng mga lalaking pawang nakasuot ng mga maskarang pang-Holloween. "Bitiwan n'yo nga ako—!"

At hindi na siya nakapagsalita pa dahil tinakpan agad ang ilong niya ng panyong may pampatulog.


***


Ilang minuto na lang at alas-siyete na ng gabi . . .

Nasa gitna ng isang abandonadong bahay si Arjo. Madilim at lamang ang amoy ng alikabok sa lugar. May bombilya sa gitna na nagsisilbing ilaw sa buong paligid. Nakagapos ang mga kamay at binti niya sa isang upuan. Nakapiring siya habang pinaiikutan ng apat na lalaki.

"Pakawalan n'yo 'ko rito! Saan n'yo ba 'ko dinala?! Mga siraulo kayo!" sigaw niya habang panay ang palag.

"Hahaha! Sige, sigaw pa!"

"Walang makakarinig sa 'yo rito kahit anong sigaw mo! Hahaha!"

"Mga hayop kayo! Ipakita n'yo mga mukha n'yo sa 'kin!" sigaw ni Arjo sa mga lalaki.

Tawanan lang nang tawanan ang mga lalaki sa paligid niya.

"Sino ba kayo?! Bakit n'yo ba 'to ginagawa?!"

Kinikilabutan na si Arjo. Hindi dahil sa mga maaaring gawin ng mga lalaking ito sa kanya, kundi ang kung anong maaaring gawin sa kanya ng Mama niya dahil mukhang gabi na siya makakauwi. Plano naman niyang magpa-late ng uwi sa bahay pero hindi naman sobrang late na balak pa yatang pakawalan siya ng mga kumuha sa kanya bukas.

"Alam mo," sabi ng isa sa kanila, "maganda ka sana e," hinawakan niya ang pisngi ni Arjo, "kaso masungit ka lang."

Iniiwas ni Arjo ang mukha niya roon sa kamay ng kung sinong hinayupak na humahawak sa kanya.

"Humanda kayo sa 'kin kapag nakawala ako rito!" galit na sigaw ni Arjo.

"Wahahaha! Natatakot kami! Hahaha!"

Sumimangot lang si Arjo dahil wagas makatawa ang mga mokong na iyon. Mabuti sana kung natatakot siya sa mga ito. Mas natatakot pa rin siya sa Mama niya higit kaninuman.

"Oras na makatakas ako rito, babalikan ko kayo pati na buong angkan n'yo!" ganti niya sa kanila.

"Sa tingin mo, matatakot kami diyan sa—Agh!"

"Ugh! Agk!"

"Agh! Ugk!"

Kumunot ang noo ni Arjo dahil nakarinig siya ng bumagsak sa paligid. Pakiramdam niya, may iba pang tao roon maliban sa mga maiingay na lalaking kanina pa tawa nang tawa.

Ilang saglit pa, bigla nang tumahimik.

"Hoy!"

Wala nang tumatawa.

"Hoy! Buhay pa ba kayo?!" tanong ni Arjo habang pinipilit sumilip sa piring niya. Tumingala-tingala pa siya para makita ang ibaba ng mata.

Walang sumagot sa kanya.

"Hoy! Anak ng—! Don't tell me, iniwan n'yo 'kong mag-isa rito!"

Lalo lang siyang kinilabutan. "Mga baliw talaga kayo, paano ako aalis dito?!"

Iniisip niyang sana ay wala pang 7 ng gabi dahil gigisahin na naman siya ng Mama niya. Sinasabi pa naman nito na huwag siyang lalabas ng bahay kapag gabi na.

"Hoy! Pagagalitan ako ng Mama ko 'pag gabi na 'ko nakauwi! Pakawalan n'yo 'ko rito!" Nagpapasag pa siya, malay niya at baka biglang lumuwag ang nakatali sa kanya. "Mga letse kayo! Lalakas din ng trip n'yo, a!"

Bigla siyang nakaamoy ng mabango maliban sa alikabok kaya napahinto siya sa pagpalag.

Singhot-singhot pa.

"Hoy, pare! Alam kong pare ka! Panlalaki 'yang pabango mo! Please naman o! Pakawalan mo na 'ko rito! Hahanapin ako ng Mama ko sa 'min!"

Napansin niyang biglang lumuwag ang gapos niya sa paa.

"Oy, bro! 'Wag mo 'kong hihiritan ng joke lang 'to lahat kasi magugulpi talaga kita 'pag nakatakas ako!" warning ni Arjo.

Lumuwag na rin ang gapos sa kamay niya kaya dali-dali niyang tinanggal ang piring nang makawala.

"Hoy! Sino ba talaga ka—" Napahinto siya nang makitang nakabulagta na ang mga kumidnap sa kanya. "Teka! Anak ka ng—! Kayo yung mga retarded kong classmate sa psychology, a!"

Nilapitan niya ito isa-isa at saka sinipa sa sikmura. "Sinabi na nga ba! Mga baliw talaga kayo! Ang lalakas ng loob n'yo! Argh! Argh! Argh!"

Nang mapagod ay agad niyang nilingon-lingon ang paligid.

Wala halos laman ang bahay na iyon maliban sa upuan niya kanina.

Naamoy pa rin niya ang mabangong amoy na iyon. Mukhang may kakaiba roon. Bagsak na ang mga siraulo niyang classmate at wala na siyang makitang ibang tao sa lugar liban sa kanila.

Mukhang may nagligtas sa kanya mula sa mga classmate niya.

"Sino kaya 'yon?" tanong niya sa sarili.



Seryoso nga ang mga classmate niya sa sinabi nitong walang makakarinig sa kanya kahit anong sigaw niya dahil sobrang layo ng abandonadong bahay na iyon sa bahay nila. Labas na ng Grei Vale iyon. Wala pa ang bike niya. Wala namang bumabiyaheng sasakyan sa loob ng Vale maliban sa mga private cars kaya hindi siya makapag-commute. Kaya hayun siya at naglakad na lang talaga pauwi.

Ang tahimik ng bahay nila sa labas. Bukas ang ilaw sa front door.

Napalunok muna siya bago buksan ang pinto.

Maaga pa naman kung tutuusin. Alas-diyes pa lang naman ng gabi.

Pagbukas niya ng pinto . . .

"Uhm-hmm!" masungit na himig ang bumungad sa kanya.

Nagtakip agad siya ng mukha gamit ang kanang palad para hindi makita ang Mama niyang nakakrus ang mga braso, nakataas ang kilay, habang tina-tap ang sleeping shoes sa sahig. "Tsk!" nakagat niya ang labi dahil sa inis.

"Marunong ka palang umuwi," sarcastic na sinabi ni Armida.

Hindi na tuloy makapasok si Arjo sa loob dahil nakahambalang ang Mama niya sa pintuan.

"Ma, puwedeng pumasok mun—"

"Saan ka galing?"

"Uhm . . . " Napakamot agad siya ng ulo. "Ano kasi, Ma, e . . ." Itinuro niya ang likuran. "Traffic . . ."

"Aaah . . . oo nga pala, traffic." Tumango naman si Armida sa sagot ng anak. "Dito!" Itinuro niya ang ibaba. "Dito sa pwesto ko, tanaw na tanaw ko yung gate ng school n'yo," sabay turo doon sa HMU. "Tapos ikakatwiran mo, traffic?"

Napapikit si Arjo at pasimpleng kutos sa sarili. Hindi talaga siya marunong magsinungaling.

"A, e ano kasi . . . Ma, kasi ganito 'yan—"

"O, ngayon ka lang nakauwi?" putol ni Armida sa kanya.

Napalingon tuloy si Arjo sa likod niya dahil hindi na sa kanya nakatingin ang mama niya. Mukhang ngayon lang din nakauwi ang papa niya.

"Isa ka pa! Saan ka galing, ha?!" masungit na tanong ni Armida sa asawa niya.

"Uhm . . ." Napakamot din ito ng ulo at bahagyang tumatango. "Ano kasi, Armida . . ." Itinuro niya ang likuran. "Na-traffic ako e."

Tumaas ang kilay ni Armida sabay tap ulit ng paa sa sahig. Tiningnan nito ang kalsada. Sinilip nito ang garahe sa kanang gilid. "Nasaan yung kotse mo?"

Nagulat naman si Josef sa tanong na iyon ng asawa at saka hinanap ang kotse niya sa paligid.

"K-kotse?" Napakamot tuloy siya ng ulo nang wala sa oras. "A, e ano kasi . . . Armida, kasi ganito 'yan—"

"Enough!" putol nito. Napabuntonghininga si Armida at hindi na pinatapos pa ang pangangatwiran ni Josef. "Hindi kayo papasok hangga't hindi ko sinasabi," pokerfaced niyang sinabi sabay bagsak ng pinto sa anak at sa asawa.

"Great." Napa-facepalm na lang si Josef at napakamot na lang ng ulo si Arjo.

"Pa, bakit ba kasi kayo late umuwi?! Nagalit tuloy si Mama!" singhal na Arjo sa papa niya.

"Anak, may gawin ako man o wala, lagi namang galit ang Mama mo."

"Paano tayo papasok—" Magrereklamo pa sana si Arjo nang maamoy ang kaninang naamoy niya sa abandonadong bahay.

Hinanap niya ang mabangong iyon at nadako ang ilong niya kay Josef. Inamoy-amoy pa niya ang dibdib paakyat sa leeg nito.

"Arjo? Ano 'yang ginagawa mo, ha?" asiwang tanong ni Josef sa anak.

"Pa?" Inamoy pa ni Arjo ang braso ng ama niya. "Sa 'yo ba yung—" Amoy-amoy pa uli. "Sa 'yo ba yung pabango na 'yon?"

"Pabango?" Inamoy pa ni Josef ang damit niya. "A, ito ba? Gift sa 'kin 'to ng lola mo no'ng Christmas last year. Bakit? Hindi ba mabango?"

"Aaaah . . ." Napatango na lang si Arjo habang masama ang tingin sa Papa niya. "Uso ba 'yang pabango na 'yan, Pa?"

"Ha? I don't think so," hindi pa sigurado na sagot ni Josef. "Limited edition lang 'to ng mga Desimougne. Kami lang ang meron nito."

Napaatras naman si Arjo habang puno ng pagdududa ang tingin sa papa niya.

Naamoy niya rito ang naamoy niya kanina sa abandonadong bahay. At mukhang hindi pa common ang scent na iyon.

"Pa . . ."

"Ano na naman?"

"Yung kotse?"

"A, nando'n sa garahe." Itinuro pa ni Josef ang garahe nila.

"E di ba wala sa garahe yung—" Nanlaki ang mga mata ni Arjo nang makita ang garahe nila. Nandoon na ang kotseng kanina ay wala. "P- Paano napunta yung—" Tiningnan niya ang papa niya.

"Magic," at nginitian siya nito nang matamis. "Tara, doon tayo sa likod dumaan. OA lang talaga yung Mama mo."

"Pero naka-lock 'yon, Pa!" babala pa niya.

"Walang naka-lock na pinto pagdating sa 'kin, 'nak. Tara na."

Hinawakan siya ng papa niya sa balikat at tinangay siya nito papunta sa back door ng bahay nila.

Kapag talaga pananalisi sa Mama niya, expert na expert ang Papa niya roon. Ano pa nga ba ang aasahan niya?

Continue Reading

You'll Also Like

81.7K 2.7K 62
One hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa...
106K 3.9K 22
Magpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto...
440K 4.3K 41
Isang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na...
71.5K 1.9K 21
Payapa na ang buhay ni Xiara at Jasmine sa Pampanga, isa siyang imbestigador doon habang si Jasmine ay naging isang volunteer sa isang klinika. Perpe...