Secrets of the Malavegas (Boo...

By LenaBuncaras

392K 12.5K 1.3K

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na l... More

1: The Family
2: Bad Blood
3: Zone
4: Labyrinth
5: Second Child
6: Broken Window
7: Saved
8: Regeneration
9: Suspension
11: Project ARJO
12: 10 PM
13: Tutorial
14: Big Brother
15: Psychology
17: Sibling Rivalry
16: 6th Floor
18: Reviewer
19: Gamble
20: Escape Route
21: Neophyte Guardian
22: Blood Donation
23: Alter
24: Master Plan
25: The First Wife
26: Clandestine
27: Unusual Morning
28: House Visit
29: Check-up
30: The Love Interest
31: The Cure
32: So-Called Mistress
33: The Usual Morning
34: The Real Ones
35: The Lunatics
36: Untold Secrets
37: Shades of Gray
38: Connections
39: Citadel's Cursed Firstborn
40: Missing
41: Floating Hints
42: The Haunted Mansion
43: The Immortal One
44: Plans
45: The Land Lady
46: The Sisters
47: The Deal of the Devil
48: The Beginning of the End
49: The Son of the Prodigals
50: King's Pawn
Epilogue

10: Annual Elimination

8.7K 273 16
By LenaBuncaras

Weekend, walang klase si Laby kaya naisipan niyang gawin ang iba pa niyang trabaho sa labas ng HMU. Nasa isang coffee shop siya habang binabasa ang ilang mga dokumento na kailangan niyang i-review habang sinisimsim ang order na espresso. Naroon siya sa sulok, katabi sa kaliwa ang glass wall at sa likuran ang dingding.

~ Second things second

Don’t tell me what you think I could be

I’m the one at the sail, I’m the master of my sea ~

Nalalapit na ang Annual Elimination at sa susunod na buwan na iyon, sa katapusan ng Nobyembre. Nakalatag na ang mga plano at hindi niya alam kung alam na ba ng mag-asawang Zordick-Zach kung paano tatakbo ang Annual Elimination sa taon na iyon. Ilang taon kasing hindi tumatapak ang mga ito sa Citadel.

~ Taking my message from the vein

Speaking lesson from the brain

Seeing the beauty through the . . . pain ~


“Helloooo, Etherin!”

Napahinto sa paglipat ng pahina si Laby at napatingin nang masama sa harapang upuan niya. Bumungad sa kanya ang matamis na ngiti at malalim na dimple ng lalaking umupo roon. Pag-angat pa niya nang kaunti ay nasalubong niya ang mata nitong halos magmukhang crescent moon na. Bumaba na naman ang tingin niya sa suot nitong smart casual attire—-simpleng folded long sleeves na kulay light blue lang. Halata na sa tingin niya ang pagmamataray dito.

“Akala ko ba, nasa GuangZhou ka?” sermon na pambungad niya.

“Na-miss kasi kita kaya di na ’ko tumuloy.” Akma sana nitong kukunin ang cup niya ng kape nang hampasin niya ang kamay nito. “Aray naman . . .” Hinawakan nito ang kamay na pinalo niya at hinimas-himas iyon. “May klase ka?”

“Mukha ba ’kong may klase, nakita mo na ngang nandito ako,” sarcastic niyang sinabi rito.

Bumalik na naman ang ngiti ng lalaki at nangalumbaba habang nakatitig sa kanya. Ang lagkit pa naman ng tingin nito.

"Masarap yung kape nila rito?" pang-uusisa nito.

"Um-order ka para malaman mo."

"Sungit."

“Nag-iipon na sila ng sponsor, kanino mo na naman ipinasa ang trabaho mo, ha?” sermon ni Laby habang patuloy sa pagbasa ng papeles na hawak. “Alam mo bang nagagalit ang Fuhrer sa mga ginagawa mo?”

“Hayaan mo nga siya. Di ko nga pinakikialaman yung mga ginagawa nila ng asawa niya.” Bigla niyang hinalbot ang binabasa ni Laby at binasa iyon.

“Alam mo, bastos ka rin e,” inis pang sinabi ni Laby.

Kumunot ang noo ng lalaki at siya na ang kumuha ng signpen sa mesa at pinirmahan iyon sa dulong pahina.

“Hindi mo pa nga binabasa—”

“I know this plan. Ako na ang hahawak,” putol niya kay Laby at ibinato na lang basta sa gilid ng mesa ang papel para ituon na ang atensiyon niya sa babae.

Nakangiwi naman si Laby dahil sa pagkakabato sa papel na hawak niya na parang napakawalang kuwenta lang niyon. “Okay, Li Xiao Ran, ano na naman ang issue mo sa mundo ngayon?” aniya at nagkrus ng mga braso saka sumandal sa inuupuan. “Ayoko ng dahilang nami-miss mo ’ko."

“Yiieee, ayaw mo ba?” nang-aasar na sinabi ni Ran.

Pagtaas lang ng kilay ang ibinigay ni Laby sa kaharap.

“May mga naghahanap nang sponsor sa artificial regenerator sa darating na Annual Elimination. Isa ako sa bidder na bibili sa kanya bilang premyo.”

Doon na napaayos ng upo si Laby at mukhang handa nang makinig sa kausap. “Ran, alam na ba ’to ng Citadel?”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “Citing some sources. But I doubt na sasabihin nila ’to sa mag-asawa. Kilala mo naman si RYJO.”

“Paano nila gagawing premyo ang artificial regenerator, hawak nila ’yon?”

Nagkibit-balikat na naman si Ran. “Ewan ko lang, pero ang balita ko, nagpadala na ng mga tao para kunin ang project. Kung kailan ’yon mangyayari, ’yon ang hindi ko alam.” Nagtaas pa siya ng hintuturo. “But that’s not the only tea I’ve got. Hinahanap na ni Havenstein ang”—gumawa pa siya ng finger quote sa hangin—“anak niya.”

Biglang napaikot ng mata si Laby dahil doon. “As if he’ll gonna take care of it.”

“Actually . . .” Napatango nang dahan-dahan si Ran.

“No, he’s not!” kontra agad ni Laby kung sakali mang sabihin ni Ran na aalagaan nga ni King ang sinasabing anak nito.

“He’s thinking about the bioweapon.”

“Ugh!” Napaikot bigla ng mata si Laby at napataas ng magkabilang kamay para sumuko. “Bioweapon. Havenstein is Havenstein.” Itinuon na ulit niya ang focus kay Ran. “So you’re here para lang balitaan ako.”

“Ah, nah,” napangisi na naman si Ran. “I told you, na-miss lang kita kaya nandito ako.”

Napailing na lang siya dahil wala nang pag-asa ang lalaki. “Kailan mo ba seseryosohin ang trabaho mo, hmm?”

“Uhm . . .” Napaisip ito at napatingin sa itaas. “Siguro kapag sineryoso mo na ’ko.”

“Fuck you.” Kinuha na lang niya ang itinapon nitong papeles at ibinalik sa plastik folder niya. “I’ll go tell the news to them.”

“Wala ka man lang bang thank you?” ani Ran habang sinusundan ng tingin ang paghahanda ni Laby na mukhang aalis na.

“Thank you,” anito na ni hindi man lang siya tiningnan.

“Ayoko ng ganyang thank you,” nagtatampo niyang sinabi habang nakanguso.

“Then don’t accept it. Problema ba ’yon?” Tumayo na si Laby na dala ang mga gamit niya.

“Grabe, bumiyahe ako hanggang dito tapos lalayasan mo lang ako.” Sinundan naman siya ni Ran papalabas ng coffee shop.

“Ran, puwede ba, unahin mo muna ang trabaho natin kaysa ’yang pagiging selfish mo?” sermon niya rito habang sinasabayan siya nito sa paglalakad.

“Puwede bang unahin mo muna ngayon ang sarili mo bago ang trabaho natin?” kontra naman nito.

Huminto si Laby kaya napahinto rin si Ran. Humarap ang babae at bahagyang tiningala si Ran para tagpuin ang tingin nito. “You don’t have to do this. You don’t have to follow me everywhere I go. You don’t need to take my job. I need to work.”

Nagkrus ng mga braso si Ran at tinaasan ng kilay ang sinabing iyon ni Laby. “Lahat ng Superiors, hindi naman nagtatrabaho gaya ng ginagawa mo.”

“EXACTLY!”

“But then, hindi mo kailangang maging dedicated masyado! As if namang kawalan ng Citadel ang isang araw mong day off.”

Itinuro ni Laby ang kanang gilid niya. “My projects are in danger. And you want me to take my day off? Really?”

“I just want to be with you today! And I don’t know when will be the next time na makikita kita!”

“Enough with that, Li.” Binalewala lang niya ang sinabi nito at napailing pa siya. “Go back to Citadel. Huwag mo na ’kong abalahin sa trabaho ko.”

At tinalikuran na niya ang lalaki saka nilakad ang papunta sa parking lot ng coffee shop.

Bzzt! Bzzt!

Napahugot naman ng phone si Ran sa bulsa at tiningnan ang message na natanggap.

“Kill-for-Will Tournament: Application Approved.”

Napahugot na lang siya ng hininga at napatanaw sa sasakyan ni Laby na kakaalis lang.

***

Tanghali ng Sabado, nasa grocery store si Josef nang makatanggap ng tawag mula kay Laby. Sinabi na lang niyang magkita sila roon para makapag-usap.

“Saan yung asawa mo?” tanong ni Laby na iniinom na ang hindi pa bayad na grape juice habang sinasabayan si Josef sa pamimili.

“Umuwi na, kailangan niyang bantayan si Zone,” paliwanag ni Josef at ipinakita kay Laby ang dalawang nakabalot na lettuce na hawak niya. “Choose.”

“This one,” sabi ni Laby at itinuro ang nasa kanang kamay ni Josef. Iyon na lang ang inilagay nito sa cart. “Clingy pa rin ba yung bata?”

“Uhm-hmm,” pagtango ni Josef. “The kid’s still mad at me.”

“Of course, he is,” sagot na lang ni Laby habang ngata-ngata ang straw ng iniinom na juice.

“Sabi ko nga kay Armida, kunin mo na.”

Napahintong saglit si Laby at tinulalaan si Josef na namimili ng carrots. Tinitingnan kung seryoso ba ito sa sinabi o nagiging sarcastic lang.

“But that's your son,” katwiran ni Laby.

“But genetically that's YOUR son," katwiran pa ni Josef habang tinuturo siya. “For sure, you can handle Zone better than us. Ang hirap kaya maghanap ng school for him.”

“Hindi niya kailangang mag-aral,” sagot ni Laby at nakisabay na naman kay Josef sa pagtitingin-tingin nito.

“Tell that to my wife.”

“Anyway, na-review mo na yung proposal for Annual Elimination?” pagbabago na lang ni Laby ng usapan dahil ayaw niyang pag-usapan pa si Zone.

“Armida did.”

“And . . . ?”

Huminto na naman sa isang milk section si Josef at pinili ang mga milk carton na bibilhin. “And she said nothing.”

“Nothing . . . okay . . . ?” Tumango-tango pa si Laby habang tumitingin din ng ibang brand ng gatas. “And what about you?”

“You know my side about that. Wala rin naman akong magagawa kahit pa malaman ko ang theme kung same pa rin ang mechanics. It’s always ‘Be a prey or be a predator’ policy.” Inilagay niya sa cart ang tatlong carton ng gatas at naglakad-lakad na naman.

“Hindi pa rin ba nagpapasalin ng dugo yung asawa mo?”

“Uhm-hmm.”

“She’s gonna kill herself.”

“Ayaw lang niyang malaman ng anak niya kung ano’ng nangyayari.” Huminto na naman si Josef sa isang section ng mga juice at dumampot doon ng tatlong bote ng concentrated orange juice. “Ilang beses na kaming nag-away tungkol diyan.”

“Speaking of which, ang hina ni Arjo sa math. I thought tutulungan siya ni Max, but he’s not.”

“Arjo don’t like mathematics. But she could learn it from time to time. Siguro, i-co-condition ko na lang.”

Pumuwesto si Laby sa harap ng push cart at ipinatong doon ang mga palad sa harapan. “They’re looking for the artificial regenerator. Gagamitin nila ’yon sa Annual Elimination.”

Masyado nang seryoso ang mukha ni Laby para isipin pa ni Josef na kaswal pa ang usapan nila.

Saglit lang na nagusot ang labi ni Josef at napatango na lang. “Actually, I already know.”

Biglang kumunot ang noo ni Laby roon. “You . . . knew?”

“I’m still the Fuhrer. Of course, sa akin muna ibibigay ang initial draft ng Annual Elimination and principal sponsors.”

“Pumayag ka?” gulat na tanong ni Laby.

“If may sampung pirma sa document, kahit mag-no ako, wala rin akong magagawa kahit katumbas ng tatlo ang boto ko. All I can do is to protect the kid, kaya nga kami nasa Vale.” Tinapik-tapik na lang niya ang handle ng cart para sabihin kay Laby na alisin na nito ang kamay roon. “Armida is trying her best to protect the kids.”

“If Armida’s not taking the blood of her regenerator, she wouldn’t be able to protect neither of her kids.” Napailing siya. “You better tell your kids the truth or they’re gonna die. You can’t keep it as a secret of the Malavegas for a long time, Josef. The clock is ticking.”

----

Continue Reading

You'll Also Like

71.4K 1.9K 21
Payapa na ang buhay ni Xiara at Jasmine sa Pampanga, isa siyang imbestigador doon habang si Jasmine ay naging isang volunteer sa isang klinika. Perpe...
110K 2.7K 23
After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
270K 5.8K 31
Art of Assassination Trilogy #1: Unveil X's life is full of mystery. Who killed her mother? Why did they kill her mother? Maraming katanungan ang buh...