Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6M 103K 25.4K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 39

118K 2.1K 346
By catleidy

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto para patahimikin ang nagngingitngit kong kalooban dahil sa kahiya hiyang nangyari. Ang lalaking iyon, hindi man lang ako inalalayang makatayo! Sobra naman ang pande-deadma niya sa akin!

Huminga ako nang malalim at kinatok na ang pinto ng meeting room namin ni Liz na sinabi ng PA ni Ayesha. Nagulat ako nang si Vanessa ang nagbukas sa akin.

"Mars!" bati ko agad dito at niyakap ito. Matagal tagal ko na din itong di nakita at nakausap.

"Mars!" masiglang bati rin nito at gumanti ng yakap. "It's been a long time." anito at inaya na ako sa loob ng meeting room na iyon.

"Oo nga. Saan ka ba nagsususuot? Kino-contact kita, di kita matawagan. Kahit sa private message, di ka sumasagot." may pagtatampong sabi ko.

"Sorry. I was really busy. Alam mo na, dami kong projects." anito na inintindi ko na lamang dahil totoo naman.

"Muntikan na akong umalis nang hindi man lang kita nakikita."

"Oo nga eh. Pero I was planning to visit you naman eh. "

"Saan na si Liz?" tanong ko nang mapansing wala pa ang manager niya.

"Punta na daw. Wait na lang natin." anito. "So kumusta na ikaw? Balita ko, maganda ang takbo ng restaurant mo. Punta ako sa isang araw ah. Libre mo ko, may take out pa!" napatawa ako sa sinabi niya. Takaw talaga ng babaeng 'to.

Nag-kwentuhan pa kami habang hinihintay si Liz. Sabay kaming napalingon sa pinto nang may biglang kumatok. Siya na siguro iyon. Tumayo si Vanessa para pagbuksan iyon at napansin kong iyong PA pa din at may dalang meryenda. Kinausap ito saglit ni Vanessa bago papasukin.

"Matatagalan daw si Liz. May kailangan daw daanan." ani Van.

Nagkibit balikat naman ako. Ibinaba ng PA ang dalang inumin at pansin kong medyo nangangatal ang kamay nito na halos magkanda tapon na ang laman.

"Hey, okay ka lang?" tanong ko. Mabilis itong tumango at umalis na.

"Pasma siguro." ani Van at kinuha na ang basong may inumin at ininom iyon.

"Bakit di natuloy ang extension ng contract mo?"

"Ayoko na talaga eh. I mean, nakita ko na ang passion ko eh. As the saying goes, choose a job you love and you will never have to work a day in your life." nginitian ko siya.

"Really?" hindi ako sigurado pero parang sarkastiko ang pagakakasabi niya.

"Parang iba ang lasa ng juice." biglang sabi nito. "Try mo nga yung sa'yo."

"Huh?Bakit?" at tinikman ko rin ang juice ko. Wala naman akong malasahang kakaiba kaya uminom ulit ako.

"Ok naman ah." sabi ko.

"Talaga ba? Baka panlasa ko lang ang may problema." nagkibit balikat lang ako.

"Habang hinihintay natin si Liz, na mukhang matatagalan, mag-bag raid ako ha para sa vlog ko." ani Van.

"Sure." paunlak ko habang siya ay nag-ayos ng gagamitin. Ibinigay ko sa kanya ang bag ko.

"Wait. Is this an authentic Himalaya Birkin?!" nangigilalas na tanong nito.

"Yeah." balewala kong sagot.

"How could you afford this?" di makapaniwala nitong tanong.

"Ugh, someone gave that to me." Kuya Cedrick bought it for me.

"Grabe, Yanna. Ang mahal nito. Siguro super yaman ng nagbigay nito." Nagkabit na lang ako ng balikat dahil totoo naman. Kuya is a billionaire at barya lang sa kanya ang halaga ng bag na iyon.

"Hanga na talaga ako sa'yo."

"Huh? Saan naman?" napakunot ang noo ko sa narinig.

"Wala. Simulan ko na vlogging ha." anito at kinalkal na ang bag ko. Wala naman siyang gaanong makikita roon. Inasar niya ako nang makita ang jelly ace at mga resibo sa bag ko. Pero nanlaki ang mata nito sa lipstick ko.

"These are... These are..." nanlalaki ang mata nito nang makita ang dalawang sobrang mahal na lipstick.

"Yep." I responded with popping the P at the end.

This is getting more uncomfortable than I expected. Bubuklatin niya pa sana ang wallet ko nang may narinig kaming kumatok. Agad nitong niligpit ang mga gamit ko.

"Baka si Liz na yan." Pero napataas ang kilay ko nang makita ang iniluwa ng pinto.

Ang huklubang si Mr. Simpson!

"Wow. What a surprise to see two beautiful ladies in my office. And hey, Ms. Ignacio! It's good to see you again!" galak na galak nitong sabi.

His office?

"The feeling is not mutual po." pabalang na sagot ko dahil naaalala ko pa ang ginawa nila sa restaurant ko.

Kasunod pala nito si Ayesha na masama ang tingin sa akin. Don't tell me, makikisawasaw ang matandang ito sa issue namin ni Ayesha.

"Bagay po kayo." at humalakhak si Mr. Simpson.

Nagtakip ako ng ilong dahil baka may virus na dala ang halakhak niya. Umupo ito sa katapat na couch at ganon din si Ayesha. Naalibadbadan ako sa mukha nilang dalawa.

"I heard that the CEO already dropped you like a hot potato." anito na sinundan ng hagikhik ni Ayesha. Napataas ang kilay ko.

"Nagpapanggap pa nga yan na kapatid ni Cedrick Hutkinson. Ambisyosa." tiningnan ako ni Ayesha nang may pangungutya. Tinaasan ko ito ng kilay. 'Di yata nadala ang babaeng ito sa sampal ko.

Ano bang nangyayari? Bakit ang matandang mahabang nguso na ito ang kaharap ko at hindi si Liz. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari kaya nagpasya akong umalis muna.

"Alis na muna ako Van. Let me know pag nandito na si Liz." paalam ko na lamang at hindi hinintay na sumagot ito.

Tumayo na ako at tangkang aalis pero agad akong napabalik sa pagkakaupo ko dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at pag-ikot ng paningin ko. Oh shit! Someone spiked my drinks!

Nilingon ko si Vanessa para tingnan ang kalagayan niya pero nakatingin lang ito sa akin na tila walang pakealam.

"Van..." mahina kong anas. Hirap akong paniwalaan ang iniisip ko pero ito ang katotohanan. Kasabwat siya sa kung ano man ang plano nila!

"You see, Ms. Ignacio. Alam mo naman na matagal na akong takam na takam sa'yo pero naunahan pa ako ng Larkins na iyon! Akalain mo, napaamo mo ang demonyong iyon. Mabuti na lamang at madali ka niyang pinagsawaan." wika ng walanghiyang si Mr. Simpson.

Ilang ulit kong pinapagana ang utak ko, pilit nilalabanan ang pagkahilo. Tiningnan ko ang pinto, ilang hakbang lamang iyon at mararating ko kung magagawa kong makatakbo. Pinilit kong kinapa ang bag ko para hanapin ang cellphone ko pero agad na napapikit nang maalala kung nakanino ito.

"Ayesha, Make sure that the video will show her face clearly." sabi ni Mr. Simpson at tumayo.

What video? Anong gagawin ng mga lintek na 'to?!

"Of course." tugon ng babae habang nakangisi at inihanda na ang gagamitin.

"'T*ng ina kayo!" hindi ko alam kung lumabas ba sa bibig ko ang mura kong iyon. Mga demonyo!

"Don't worry, panandalian lamang ang pagkahilo mo. Maya maya lamang ay mawawala ka na sa sarili and you will offer, oh more like insist yourself to me. " ani Mr. Simpson na bakas sa boses ang pagngisi.

At nararamdaman ko na nga ang kakaibang init na lumulukob sa katawan ko. Oh shoot. This is bad.

"Pagsasawaan lamang din kita gaya ng ginawa ng Larkins na iyon and then you can get back to your normal life. At kapag nagsumbong ka, sisiguraduhin kong kakalat ang video mo." at sa nanlalabo kong paningin, nakita ko itong nagsalin ng alak sa kopita at sumandal sa mesa habang humihithit ng tabako at pinagmamasdan ako.

"Alam mo bang pinabagsak ng hayop na iyon ang lahat ng negosyo ng tauhan kong nanggulo sa restaurant mo? Mabuti na lamang at napatahimik ko na ito bago niya ako maisumbong sa Larkins na iyon. It could have been me on his place. How clever am I?" anito at tumawa nang tila nababaliw.

"But still, those bastards blew up my cars!My vintage collection! Screw them to hell! And it's all your fault!" anitong biglang sumigaw. Matapos ay kalma na muli itong nag salita."But you know what, you really have something in you, don't you? How did you manage to tame that brute? "

"Eh sa landi ng babaeng ito. Tiyak na sanay na sanay itong magpaikot ng mga lalaki sa mga palad niya, di ba Van?" ani Ayesha.

"Right. Kaya nga niya nakukuha ang mga papel na dapat sa akin naman talaga. Ginamit ng babaeng ito ang kamandag niya!" puno ng galit na sabi ni Vanessa. Malayo sa magiliw na Vanessa na kilala ko.

Kahit nanlalabo ang mata ko ay nilingon ko siya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Dahil halos lahat naman ng projects at lead role, sa kanya napupunta. At saka ko lamang napagtanto na marahil siya ang tinutukoy nila na nagpapakalat ng mga masasamang balita ukol sa akin.

"Ladies, isunod n'yo na siya sa kwarto." sabi ng matandang hukluban bago naglakad papasok sa isang kwarto.

"Vanessa please. Hindi ko alam ang sinasabi mo." pakiusap ko sa huling pagkakataon. Umaasang papakinggan niya ako.

"Don't deny it! Kaya ikaw ang napipili ng mga producers dahil sa kalandian mo! At kinailangan ko pang magpaggamit sa demonyong iyon para mabawi ko ang dapat ay akin naman talaga! Kasalanan mo ang lahat ng ito! " nanliliksik ang mata nito habang nakatingin sa akin. Hindi ako makapaniwala sa narinig.

"Ano ka ngayon, b*tch?" sabi ni Ayesha at napapikit ako nang buhusan niya ako ng juice sa ulo.

Mahigpit niya akong hinawakan sa mukha. Naramdaman ko ang pagbaon ng mahahaba niyang kuko sa pisngi ko.

"Pasalamat ka. Sinabi ni Mr. Simpson na huwag ka naming gagalawin. Pero tiyak naman na bugbog sarado ka din. Sadista pa naman yun." anito na nakangisi bago padaskol na binitiwan ang mukha ko.

"Oh. Too bad for you." mahinang sabi ko sabay hablot ng mahaba niyang buhok at malakas na sinubsob sa mesa. Napasigaw ito sa sakit.

"Ouch Ouch!" napaupo ito sa sahig habang hawak ang mukha.

Si Vanessa ay nabigla at mukhang di makapaniwala sa nasaksihan. Hindi yata inaasahan na kaya kong makontrol ang katawan ko at labanan ang epekto ng drogang inilagay nila.

Humakbang ako palapit dito at tangkang susunggaban niya ako nang naunahan ko siya at sinampal ito nang ubod lakas na nagpahiga dito sa couch. Tiningnan ko siya nang masama at nagtatangis na ngipin.

"You made your dumb choices to get where you are now! Don't blame others for your fvcking misfortune! Choose wisely next time. " nanlalaki sa gigil ang mga mata kong sabi sa kanya. Hindi ko inaakala na ganito magtatapos ang pagkakaibigan namin.

Tumalikod na ako at tangkang aalis nang biglang nawalan ako ng balanse at mapasubsob sa sahig dahil may pumatid sa akin. Naramdaman kong may sumakay sa likod ko at humablot ng buhok ko mula roon. At mukhang si Ayesha iyon.

"Magmamayadan mo ang nginawa mo sa aking mamae ka!" anito na boses ngongo dahil siguro sa pagkakauntog mesa.

Pero agad akong nakabawi at gumulong at pinilit umibabaw sa kanya. Nagawa niyang mahila ang pang-itaas ko at halos mahubad niya ito sa akin. Ang totoo'y nahihilo pa rin ako kaya mas minabuti kong tumayo na agad at piniling umalis nang bigyan ko siya nang malakas na suntok.

Medyo sumusuray suray na ako nang mahawakan ko ang doorknob. Nang mabuksan ko iyon ay tumambad sa akin ang isang may edad na babae. Medyo nagulat ako dun at habol ko ang hininga ko habang nakatingin din sa kanya. Nangunot ang noo nito at may pagdududang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Aren't you Yanna Ignacio?" istrikta nitong tanong.

Ramdam ko nang may biglang humablot sa akin. Ang nanlilisik na mata ni Vanessa ang nasumpungan ko subalit bigla iyong umamo nang mapansin ang babae sa harap ko.

"Ma'am. Good afternoon po." biglang magalang na bati nito.

"What is happening here?" sabi ng matanda.

"Nahuli po namin ang babaeng ito na pinasok ang natutulog nyong asawa sa private room niya." anito bago pa man ako makapagpaliwanag. Nanghilakbot ako sa narinig. Kadiri!

"Ano?!" tumaas agad ang boses ng babae at nanlilisik ang matang tiningnan ako.

"Mukhang may binabalak po siyang masama. Hubad siya nang madatnan namin. Mabuti na lamang at napigilan agad namin siya." segunda ni Ayesha na nasa likod ko na pala.

"Sinasabi ko na nga ba! Matagal na akong may naririnig na balita tungkol sa'yo!" anito at biglang hinablot nang mahigpit ang buhok ko.

"Nagkakamali ho kayo! Ako ang balak nilang i-set up! " depensa ko habang hawak ang kamay niya na nakasabunot sa akin pero bingi siya sa paliwanag ko.

Naramdaman kong may humawak sa tig isa kong braso. Si Vanessa at Ayesha na nakangisi. Nakatikim ako ng sampal at sabunot mula sa babae at mas lalo akong nahilo sa ginawa niya. Pilit akong nagpumiglas sa hawak ng dalawang babae pero bigo ako.

"Honey." si Suneo na biglang lumabas sa kwarto. "You didn't tell me you're coming." malumanay nitong sabi sa asawa na tila kay bait. "Tama na yan."

"Anong tama na! Nararapat lamang yan sa mga maruruming babaeng kagaya niya! Maninira ng pamilya!" anito at muling hinablot ang buhok ko at inilabas ako sa lugar na iyon at malakas na itinulak sa sahig.

Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa sahig. Ramdam kong may tumadyak pa sa akin.

"Everyone! Listen to me!" malakas na sigaw nito at pumalakpak para sadyaing kuhanin ang atensyon ng lahat ng naroon.

"Look at this whore who tried to steal my husband! Ang mga kagaya niya ay hindi dapat pinamamarisan! Isa siyang anay na nagtangkang sumira sa pamilya ko!" anito.

Nakarinig ako ng malalakas na bulungan.

"Hindi ba, yan yung sexy star?"

"Yung laging nababalita na kabit."

"Yung gold digger."

"Kapal ng mukha. Di na nahiya kay Mrs. Simpson na isa sa mga board member natin."

Nagawa kong makabangon at umupo. Ipinilig ko ang aking ulo at sinuklay ng daliri ang mahaba kong buhok na ngayon ay gulu gulo na. Nakita kong marami na ang meron na nakiki-usyoso at kumukuha ng litrato. Ang iba ay mga kapwa ko artista. Ang mga mukha ay puno ng panghuhusga habang ang ilan ay nakikiusyoso lamang.

Pinahid ko ng likod ng palad ko ang may dugo kong labi. Nilingon ko ang babae at nasa likod nito ang asawa nitonl. At sa gilid ay si Ayesha at Vannesa na ngising tagumpay. Kung siguro ako ang dating Alyanna, basta na lamang ako iiyak sa isang sulok at hihintaying na lamang na may magtanggol sa akin. Pero hindi na ako ang Alyannang iyon.

"Alam n'yo, sa pangit ng amoy lupa at mukhang suso' ninyong asawa, hinding hindi ko ho yan papatulan." nakangisi at matapang ko pang sabi. "Ano yan, gold?"

"You!" ani ni Mr. Simpson na galit na galit at tangkang lalapitan ako at sasampalin.

Hinawakan ko ang hinubad kong sapatos na may mataas na takong para pandepensa. Pero natigil ang kamay nito sa ere nang may matigas at malaking kamay ang pumigil dito. Nanlaki ang mata nito at namutla nang makita kung sino ang pumigil doon.

"M-Mr. L-larkins..."

"What do you think you're doing?" puno ng lamig at tila galing sa ilalim ng lupa ang boses ng nagsalita.

"S-sir!" sansala ni Mrs. Simpson. "I'm sorry for his behavior and for this commotion but that woman tried to seduce my husband a while ago. These ladies can testify that."

"Yes. That's true po. She's been doing that ever since." ani Ayesha. Nilingon ito ni Drake at napaatras ito. Habang si Vanessa na tangkang magsasalita ay napipi na lamang.

Naramdaman kong may biglang lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo. Si Anton. Na may make-up pa at mukhang nasa kalagitnaan ng taping. Agad nitong hinubad ang polong suot at ikinubli sa halos hubad ko nang katawan.

"Beks, anong ginawa nila sa'yo?! Anong nangyari?" nag-aalala nitong tanong. Hindi ko na ito nagawang sagutin.

"Y-you heard it right, sir. That woman deliberatly threw herself at me in return of extending her contract."ani Mr. Simpson. "But I said that I can't do that. I'm already married and not into infidelity. And that we value the network's integrity. "

Gusto kong masuka sa narinig. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Drake at paglalabasan ng ugat doon.Mas lalong bumalasik ang anyo nito at nangangatal din ito sa galit.

Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya si Mr. Simpson sa kuwelyo at itaas ito. Ang may katabaan nitong katawan ay umangat sa sahig. Maririnig sa paligid ang tensyon at takot ng tao. Kahit si Anton sa tabi ko ay napahinga nang malalim.

"How. dare. you. say. that. to. my. WIFE! " punung puno ng diin sa bawat katagang sabi nito na nagpaputla sa lalaki.

I heard gasps from everyone. Si Anton ay nilingon ako at hindi makapaniwalang tiningnan.

"W-wife?" anito na lalong nanlaki ang mata.

Ang asawa nito'y napahawak sa ulo at tila biglang nahilo. Habang si Ayesha at Vanessa ay napatakip ang bibig at napatulala.

"I'm gonna fvcking kill you!"

Tumaas ang nakakuyom na kaliwang kamao ni Drake at binigyan ang lalaki ng malakas na suntok sa mukha. Napasigaw ang ilan kabilang na si Anton habang ako'y napanganga sa pagkabigla.

"Honey!" sigaw ni Mrs. Simpson pero hindi magawang makalapit sa takot.

"Pigilan n'yo siya! Call the security!" nag-papanic na sigaw nito. Habang si Drake ay patuloy pa rin sa pagsuntok. Halos wala nang malay at duguan ang mukha ni Mr. Simpson. Nang makabawi ako sa pagkabigla ay nagawa kong magsalita.

"Drake! Tama na please!" I pleaded. Inalalayan ako ni Anton na tumayo.

Sa estado niya ay baka mapatay niya ito. Pero mukhang hindi niya ako naririnig dahil sinakal nito ang lalaki habang nakalutang sa ere. Dumating ang security pero kahit ang mga ito ay hindi alam ang gagawin nang makitang ang CEO pala ang kanilang kailangang pigilan.

"Ano pang tinatanga tanga n'yo dyan! Pigilan n'yo sya!" umiiyak na sabi ng babae.

Kahit gumegewang ay pinilit kong lumapit kay Drake. Kinapitan ko ito sa braso at bahagyang napaatras ako nang lingunin niya ako. Dahil nagbabaga sa galit ang mga mata nito.

"Tama na, please. Umuwi na tayo." pakiusap ko sa kanya. Nakatingin lamang ito sa akin at natatakot akong baka kahit ako'y hindi niya nakikilala dahil sa galit. "Hubby please." pakiusap ko habang namamalisbis na ang luha ko sa mga mata.

Unti-unting lumambot ang mabalasik nitong mukha at binitiwan si Mr. Simpson na bumagsak sa marmol na sahig. Agad itong dinaluhan ng asawa nito at ng security.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Who did this to you?" tanong nito nang hawakan ang mukha ko at mapansin marahil ang galos doon. "Am I late again?" dumaan ang panandaliang takot sa mukha nito.

"No. No. You're not. Iuwi mo na ako please." pakiusap ko.

Agad ako nitong pinangko at ako'y nangunyapit sa batok niya. At tila gripong nabuksan, ang mga luha ko'y bumuhos at walang awat sa pagdaloy. Biglang nakaramdam ng panghihina. Ang totoo'y kahit anong tapang ko na, ang sarap pala sa pakiramdam ng may nagtatanggol sa malupit na mundong ito.

Nagsimula na itong humakbang habang ako'y nakasubsob sa dibdib niya at tahimik na lumuluha. Ramdam ko ang pag-iwas ng mga tao sa amin. Pero bigla itong tumigil sa paglalakad at nagsalita.

"I'll make sure to find whoever hurt my wife and crush with my own hands!" anito. "And you" dagdag nito."Don't ever show your face again on this premises or anywhere I can see you. You are both fired!" hula ko ay sa mag-asawa niya sinasabi yun pero wala na akong pakealam. Dahil tila ba unti unti na akong nawawalan ng ulirat hanggang sa magdilim na ang lahat.

************************************
A/N: My apologies for the slow update. Marami laang talagang ganap.

P. S.
If may readers na ayaw na po sa flow ng story, feel free to remove it from your library. Your author is a newbie at marami pang kakaining bigas. 😂

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 31.2K 18
PREVIEW ONLY. Complete and uncut version is available on my VIP group. Just search TheMandieLee in Facebook, message us if you're interested to subs...
5.3K 199 13
Rowan Inocensio became a successful businessman several years later after working hard. It was all because of being insulted and rejected by her long...
5.5K 169 35
Growing up as a child, Cyrez Ninina Jazemo was slapped by the reality of abusive life, poverty, and miserable family. But as the one who always think...
40.2K 1.2K 21
Who says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.