Tantei High (Erityian Tribes...

Per purpleyhan

82.5M 2.4M 760K

Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story. Més

front matter
Tantei High
Chapter 1 - Expelled
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - MT family
Chapter 4 - Sixth Sense
Chapter 5 - Alternative Name
Chapter 6 - Logic
Chapter 7 - Inner Voice
Chapter 8 - Agency
Chapter 9 - First Case: Bloody Letters 1
Chapter 10 - First Case: Bloody Letters 2
Chapter 11 - First Case: Investigation
Chapter 12 - First Case: Her Dying Message
Chapter 13 - Psychomotor Education
Chapter 14 - The Other Tribes
Chapter 15 - Second Case: Time of Death
Chapter 16 - Second Case: The Second Warning
Chapter 17 - Second Case: His Sixth Sense
Chapter 18 - Second Case: Cursed Name
Chapter 19 - Second Case: The Third Blow
Chapter 20 - Second Case: Natural Leader
Chapter 21 - Second Case: Same Ideas
Chapter 22 - Second Case: The Mark of Thirteen
Chapter 23 - Logic Games
Chapter 24 - New Weapons
Chapter 25 - The Right Weapon
Chapter 26 - Vanished Arrow
Chapter 27 - The Great Seven
Chapter 28 - Riye's Secret
Chapter 29 - Who Is He?
Chapter 30 - Third Case: The Golden Sun
Chapter 31 - Third Case: Shinigami Duo
Chapter 32 - Third Case: The Chase
Chapter 33 - Third Case: Black Dimension
Chapter 34 - Hierarchy
Chapter 35 - Fourth Case: Opening
Chapter 36 - Fourth Case: Arson
Chapter 37 - Fourth Case: A Different Person
Chapter 38 - Fourth Case: Clues and Sixth Sense
Chapter 39 - Fourth Case: Observation
Chapter 40 - Fourth Case: Confrontation
Chapter 41 - Fourth Case: Research
Chapter 42 - Fourth Case: Ambush
Chapter 43 - Demi
Chapter 44 - Green Stage
Chapter 45 - One of Us
Chapter 46 - Home
Chapter 47 - War
Chapter 48 - Who Am I?
Chapter 49 - I Can Protect Them, Too
Chapter 50 - Teamwork
Chapter 51 - To The Forest
Chapter 52 - Despair
Chapter 53 - Reinforcements
Chapter 54 - Parents
Chapter 55 - Eerie Feeling
Chapter 56 - Assemble
Chapter 57 - Legendary Skill
Chapter 58 - Kill Her
Chapter 59 - Emotions
Chapter 60 - Cruel Truth
Chapter 61 - Mother
Chapter 62 - War is Over
Chapter 63 - Her Duty
Chapter 64 - Unveiling the Truth
Chapter 65 - See You Soon
Chapter 66 - Calm and Cool
Extra: Answers
Epilogue
Erityian Files #1: Akuma Gone Mad
Erityian Files #2: Christmas Crisis

Chapter 67 - Logic Game 2

909K 28.2K 8.6K
Per purpleyhan


"May case daw ba?" tanong ko kay Akane habang naglalakad kami papunta sa Midori Building.

"Ewan ko rin. Pinatawag lang tayo, eh."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang 'yong dalawang lalaki ay nakasunod sa amin. Pagdating namin sa loob ng building ay dumiretso agad kami sa creepy hallway. Napatigil naman ako nang maalala ko ang nangyari rito. I still couldn't believe that this place was part, or more like, an extension of the Black Dimension. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kaya nadadaanan 'to ng Senshins pero paniguradong may kinalaman ito sa nangyari fifteen years ago.

Pagdating namin sa agency ay nakaupo lang sa may couch sina Riye at Reiji habang nakatingin sa direksyon namin sina Ma'am Reina at Sir Hayate. Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ay may hinagis sa direksyon namin si Ms. Reina at buti na lang ay nasalo ko ang bagay na binato niya sa akin. Pagtingin ko, it was like a booklet and attached to it was a pen.

"Sorry, we need people here," sabi ni Sir Hayate. "May pinapagawa kasi sa amin si Sir Hideo. Kayo na nag bahala rito."

"At para di kayo ma-bore, gumawa ako ng logic questions," sabi naman ni Ma'am Reina, sabay turo sa booklets na hawak namin. "That booklet is developed by Hiroshi, I think, five years ago? Kung mapapansin n'yo, first page lang ang may sulat. That's the first question. Kapag nasagot niyo 'yan, doon lang lalabas ang second question sa next page. He based that on the mechanism of the notepad. Cool, right?"

Tumango naman ako. Ang galing naman ni Sir Hiroshi. Feeling ko kahit ano kaya niyang gawin.

"O, 'di ba, para na rin tayong na-Logic class!" sabay tawa ni Ms. Reina. "Since kaya kong ma-determine kung sino ang mauuna at mahuhuli, gawin nating contest. Kung sino ang unang makatapos, ipapahiram namin ni Hayate ang book about sa Seventh Sense."

Pagkasabi no'n ni Ma'am Reina ay naramdaman ko kaagad ang tension sa pagitan namin at halata namang interesado kaming lahat.

"See? I told you they'll be interested," sabi ni Ms. Reina kay Sir Hayate. Pumunta naman si Sir Hayate sa table niya at may kinuha siya sa pile ng books.

"Here's the book," sabay taas niya sa isang book na mukhang sobrang luma na. Nagkatinginan kaming anim at alam kong gusto rin nilang mabasa ang content no'n.

"Kung tapos na kayo, iwan n'yo na lang sa table, okay? Babalik kami kapag free na kami. Good luck sa pagsasagot, guys! Bye!" sabi ni Ma'am Rein at tuluyan na silang umalis habang dala ang libro.

"Okay, ganito na lang. Medyo maghiwa-hiwalay tayo kapag magsasagot," sabi ni Akane nang makaalis sila. Tumayo naman siya agad at pumwesto sa table ni Sir Hayate.

"Hoy pwesto ko yan!" sigaw naman ni Ken.

"Kailan pa? Nakapangalan sa'yo? Nauna na ako 'no!"

"Tss. Sana ikaw mahuli," bulong ni Ken sa amin pero dahil sa sixth sense ni Akane ay may lumipad na libro rito at natamaan sa ulo si Ken. "Ouch! What the hell?!"

"Ayan. Sana naalog ang utak mo!" sigaw naman ni Akane. After that, pinulot ni Riye ang lumipad na libro at tumingin kay Akane.

"Nee-san, huwag mong ibato ang mga libro. Baka masira," seryosong sabi ni Riye.

"Oh. S-sorry."

"Ang sama no, Riye? Sige pagalitan mo pa," pangungulit naman ni Ken sa kanya.

Napailing na lang ako sa kanila at napangiti at the same time. Parang kanina nate-tense pa kaming lahat pero ngayon ay ayos na ang atmosphere. Napatingin naman ako kina Reiji at Hiro at nagsasagot na sila.

"Hoy madaya kayong dalawa! Bakit nagsasagot na agad kayo!"

Naunahan naman ako ni Akane sa pagpoint-out no'n. Magbabato sana ulit siya ng libro pero napatingin siya kay Riye kaya hindi na niya naituloy.

"The contest started the moment they left the room," sabay yuko ulit ni Reiji at nagpatuloy lang siya sa pagsagot habang si Hiro ay tahimik lang.

"Tsk. Nahawa ka na sa ugali ni Hiro kakasama mo sa kanya! Ay bahala na nga kayo, magsasagot na ako!" saka nag-focus si Akane sa booklet na hawak niya.

Nag-start na rin ako sa pagbabasa ng first question. Pagtingin ko, parang fill in the blanks.

1. M V E M _ S U N P

Okay. Buti na lang at nakinig naman ako kahit papaano sa Science teacher ko noong first year high school kaya pamilyar sa akin 'to. I wrote the letter J. After that, the second question appeared on the next page. Cool.

2. T S P H H _ N D

Napaisip naman ako bigla. Ano 'to?

"Nakakagutom naman!" napatingin ako bigla kay Ken dahil tumayo siya at kumuha siya ng Piattos doon sa gilid. "Gusto n'yo?" tanong niya sa amin. Nagtaas naman ako ng kamay pati si Reiji. Nagugutom na rin kasi ako. Naghagis siya sa akin ng V-Cut at Potato Chips naman kay Reiji. After that, I went back to answering the question and I gasped when I saw the chips. I wrote the letter O and it seemed correct since the third question appeared.

3. F S _ F F S S E

My brain was starting to hurt but I still tried thinking about it. Third question pa lang pero ang hirap . . . oh, wait . . . ah, so that was it. Nang ma-realize ko kung ano 'yon ay sinulat ko ang letter T, and yes, nag-appear ang fourth question.

4. J F M A M J _ A S

Buti na lang medyo madali lang 'to. Sinulat ko kaagad ang letter J at lumitaw yung sunod. Kailangan kong bilisan!

5. _ G H C

Bigla ko namang na-realize ang sagot sa number five. Nilagay ko ang letter P at nag-procceed ako sa number 6.

6. F S J _

Dahil hindi pa ako nakaka-move on sa number five ay nagamit ko 'yon para rito dahil medyo magkatulad sila. Sinulat ko ang S at number 7 na.

7. O T _ T T H M

Kaunti na lang ay maiiyak na ako rito. Feeling ko mas nakakapiga pa 'to ng utak kaysa sa Math. Wait. Math? Hmm? Oh, I see. Nilagay ko kaagad ang H. Napapagod na ang utak ko.

8. A A N S A _ A

Oh. This one was easy. Nagbunga ang paggawa ko dati ng acronyms para sa exam sa World History.

Nilagay ko ang letter E. Number 9 na ako. Feeling ko tuyo na ang utak ko. Pagtingin ko, nagbago na ang type ng question. Naalala ko bigla ang first logic game sa amin ni Ms. Reina.

9. Decode: WVGVXGREV

U have a clue.

Pinagtuunan ko muna ng pansin ang second line. May clue pero hindi naman sinabi. Ibig sabihin, within the line lang yung clue. At dahil yung U lang naman ang kakaiba ay 'yon na lang ang ginamit kong clue. Sinulat ko ang alphabet at habang ginagawa ko 'yon ay na-realize ko na kung anong ibig sabihin ng clue. Pinagtapat-tapat ko ang letters at napangiti ako sa nabuong salita.

I wrote the word 'Detective' and the 10th question appeared.

10. Decode: VGEJPQNQIA

1/3 is enough.

Okay, 1/3 is enough. Anong meron doon? One third? Hmm one third? Teka. One. Third. One, then third. Oh. Sinulat ko ulit ang alphabet at ginamit ko ang one third as a clue. Nabuo ko naman agad ng salitang kailangan. Agad-agad kong sinulat ang 'Technology' at tama ako.

11. M

R

A

W

At first ay hindi ko ma-gets pero mukhang nag-function naman agad ang utak ko pagkatapos. I wrote 'warm up' and the 12th question appeared.

12. PpOpD

Kung pwede lang lumaktaw ay kanina ko pa ginawa pero hindi, eh. Inalog-alog ko pa ang utak ko para makakuha ng sagot. Buti na lang at nakikisama siya ngayon. Sinulat ko ang 'two peas in a pod' and yes! Tama ako!

13. you cant have it

ti evah tnac uoy

Nakapag-isip naman agad ako. Mukhang mas madali 'tong ganito kaysa sa fill in the blanks at decoding kanina. Sinulat ko ang 'you can't have it both ways' at lumabas ang 14th question.

14. his iiii

oooo

Natagalan naman ako rito. Kung anu-anong words at phrases na ang nabubuo ko na wala namang sense. Then after thirty seconds, nasagot ko rin ang nakakainis na 'circles under his eyes.'

15. 0

B.Sc.

M.D.

Ph.D.

Dito talaga ako natagalan nang husto. One minute na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin masagutan. After siguro ng 2 minutes ay saka ko lang naisip yung sagot. Pagkasulat ko ng 'three degrees below zero', wala nang lumabas na question sa susunod na page. Akala ko nga mali ako pero biglang nagsalita si Reiji.

"Just fifteen questions?"

Nagkatinginan kami at narealize kong tapos na pala. When I looked at Hiro, he was already leaning against the couch with his eyes closed. Mukhang kanina pa siya tapos.

Halos sabay naman kami ni Reiji natapos. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga dahil napagod talaga ang utak ko. Pero after that, napangiti na lang ako. Naalala ko kasi ang unang linggo ko rito. Parang ganito rin. Kahit marami nang nangyari, nandito pa rin ako at sila pa rin ang mga kasama ko.

I'm happy that I finally found the place I belong to.


***

Continua llegint

You'll Also Like

8.8K 102 41
Your online guide to learning Bisaya, quick and easy! Have you ever heard someone speaking Cebuano/Bisaya? Are you curious about what they're talking...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
5M 178K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!