Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6.1M 104K 25.5K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 32

124K 2.3K 228
By catleidy

"Sist! Na-miss kita!" Niyakap ako ni Roxy na tinugonan ko din ng mahigpit na yakap. Kadarating lamang nito mula sa probinsya. Maayos na umano ang lagay ng kanyang ina at napakiusapan ang isang kamag-anak para samahan ito.

Sakto naman na wala akong gaanong taping at photoshoot ng mga nakaraang araw kaya hindi ko gasinong kailangan ng PA. Hindi na rin muling nagpakita sa akin si Drake simula nang ipagtabuyan ko siya. Yun ba namang tinawag ko ang pangalan ng ibang lalaki habang niroromansa niya ako. Napangisi ako at napailing sa pagkakaalala ng pangyayari.

"Drake, kunin mo nga yung sapatos ko." utos ko habang binabasa ang script na hawak ko.

"Drake? Sinong Drake?" naguguluhang tanong ni Roxy. Napamulagat ako. "I mean Roxy, pakikuha ng sapatos ko sa maleta." tiningnan lang ako nito na mukhang nawi-wirduhan sa akin.

Bakit ko naman kasi nabanggit ang kapreng iyon?

Nasa taping pa rin kami ng pelikula na ito at ilang araw na lamang ay matatapos na. Ito na ang huling pelikula ko dahil matatapos na ang kontrata ko na halos tatlong buwan na lamang. Inianunsyo na din ni Rose sa management na hindi na ako mag-renew. Kaya kaunti na lamang ang natatanggap kong proyekto, kalimitan pa ay saglit lamang matapos.

"Okay. In three, two, one action!" sigaw ni direk Bobby. Kung tutuusin ay isa pa lamang siyang baguhang direktor pero marami na din siyang natapos na pelikula. May mga naging natagumpay, meron ding hindi. Kaming dalawa ni Tamara ang magka-eksena ngayon at masasabi kong magaling talaga itong artista.

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Na habang katabing mong natutulog ang asawa mo, ako ang iniisip niya. Ako ang gusto nya makasama. Sa palagay mo, bakit? Because you are a pathetic, boring housewife!" pantutuya ko dito.

Ang mga mata nito ay parang magbubuga ng apoy habang may mga luhang nagpapatakan. Nanginginig ang mga labi at kunwa ay magsasalita pero hindi nagawa. Hindi nito kailangang magsalita dahil expresyon pa lang ng mukha nito ay tiyak madadala na ang mga manonood.

"How dare you..." nanginginig pa din ang mga labi nito. At alam ko na ang kasunod. Magkasunod na sampal at sabunot. Umigkas ang mga palad nito sa pisngi ko. Hindi naman ganoon kasakit. Kahit naman di ko kasundo ang babaeng ito ay hindi kami nagpepersonalan sa trabaho.

"Cut!" sigaw ng direktor. "Yanna, huwag mo agad ipaling ang mukha mo. The slap looks so fake on cam!" bulyaw nito sa akin. Napahinga ako nang malalim. Nagsisimula na naman itong puntiryahin ako.

The reality is, directors aren't necessarily supposed to be nice. As long as they're making profitable products for their studio or accomplishing their creative vision, their work is technically complete.

"Yes, direk!" sagot ko na lamang.

"'Wag mo lalakasan ha." wika ko kay Tamara.

"Shut up! Don't tell me what to do." angil nito. Inulit ulit namin ang eksena. Mas naramdaman ko ang sampal niya ngayon kesa kanina subalit hindi naman sobrang lakas.

"Cut! Ayusin mo, Yanna! Paulit-ulit na lang tayo!" napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad ko. Pinipilgilan ko ang sarili kong suntukin ito sa mukha. Sa lagay ay gustung gusto kong sampal sampalin nitong si Tamara?

Nag-break muna kami saglit bago sumabak ulit sa eksena. Nilagyan ni Roxy ng ice pack ang medyo namamaga kong mukha. Yun ba namang pagsasampal sampalin ako nang ilang ulit. Nagpaalam ito saglit para pumuntang banyo.

"So, I heard that you're not gonna renew your contract." anang isang tinig mula sa likod ko. Nang lingunin ko, si Suneo pala. Kaya pala ang pangit ng tinig na iyon.

"Good move, I should say. Siguro dahil nararamdaman mo na kasing wala nang kukuha sa'yo. Laos ka na, hindi ka pa man gaanong sumisikat." anitong ngingisi ngisi.

"Ano ba yan. Biglang bumaho ang hangin. Nag-amoy lupa." sagot ko habang pinapaypayan pa ng daliri ang mukha ko. Ano ba kasing ginagawa ng matandang ito dito.

Sinamaan ako nito ng tingin. Tapos bigla itong ngumisi na naman. May sayad pa yata ang matandang ito.

"Kumusta naman ang negosyo mo? Balita ko, bagsak na agad. Is it true?" anito sa tonong nangungutya.

Hindi na ako magtataka na alam niya ang tungkol doon. Kalat iyon sa social media. Inirapan ko na lamang siya at pinagpatuloy ang paglalapat ng yelo sa aking pisngi. Wala ako sa kondisyong makipag-away sa kanya. Pakiramdam ko ay napapagod ako sa sunud sunod na nangyari nitong nakaraan.

"You know what, I can actually help you. Sabihin mo lang. " anitong pabulong, mukhang ang intensyon ay mang-akit pero sa pandinig ko ay tila ba ito ay naghihingalo.

"Pwede ba, Mr. Simpson, wala po akong oras sa inyo." nauubusan na ako ng pasensya sa taong ito. Pumikit na lamang ako habang isinandal ang likod sa upuan. Bakit ba pakiramdam ko ay may kulang ngayong araw na ito?

"Alam mo, Ms. Ignacio.Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Una, pumayag ka sa gusto ko. Bukod sa sisikat ka na, yayaman ka pa. Kesa kung kani-kaninong pulitiko at negosyante ka kumakabit." napakuyom ang kamao ko sa narinig. Kaunti na lang. Itong yelong hawak ko, ihahambalos ko sa mukha ng matandang ito.

"O ikalawa..." pagpapatuloy nito. "Marami pang Mr. Castillo at direk Bobby ang makakaharap mo. Baka mamaya, magbayad ka pa ng malaking danyos sa paglabag sa kontrata mo. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng tatlong buwan." agad ang pagmulat ko sa aking narinig at marahas siyang nilingon.

"Ikaw? Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito?!" naniningkit ang mata kong tanong sa kanya. Nag-kibit balikat lamang ang matanda.

"Who knows? Pero ang alam ko, madami akong kayang gawin para makuha ang gusto ko." puno ng pagbabanta ang boses nito at malisyoso akong tiningnan.

"Kung magbabago ang isip mo, puntahan mo na lang ako." ngumisi ito bago tinalikuran na ako.

Nagtangis ang bagang ko sa nalaman. Hindi man niya tuwirang sinabi ay alam kong siya nga ang may pakana ng lahat. Ang matandang iyon, bukod sa pangit na, wala pang konsensya! Ilang buhay na ba ng artista ang sinira niya?

At bigla kong naisip ang lahat ng pambibintang na nagawa ko kay Drake nitong nakaraan. Ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko dahil sa galit. Naramdaman ko ang tila may dumaklot sa aking puso dahil sa pagsisisi. Subalit sandali lamang iyon dahil sinupil ko ito. Sapagkat ginawa na rin niya sa akin ang bagay na iyon. Ang pagbintangan sa pagkakasalang di ko ginawa.

Mama Zandria

Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang matinding kirot sa puso ko nang maalala siya. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya bago siya tumawid sa kabilang buhay. Nang araw na umalis ako ay siya palang pagpanaw niya rin sa mundo.

"Sist, ready ka na? Mag-start na daw ulit." wika ni Roxy. Agad akong ni-retouch ng make up artist ko. Matapos ay huminga ako nang malalim. Suot ang maskara ng matapang kong mukha, tumayo na ako at handa na muling sumabak sa eksena.

"Yanna, are you really that stupid or what?!" sigaw na naman ng direktor sa akin. Sadyang pinapahiya ako sa lahat. Nang lingunin ko siya ay nakita ko si Mr. Simpson na nanonood at may demonyong ngisi na naman sa labi.

Kinalma ko ang sarili ko. Ilang araw na lamang naman ang titiisin ko. Hindi ko hahayaang mapatalsik ako dito at magbayad ng danyos. Napapansin ko ding kahit mga staff at ibang artista ay ilag at iniiwasan ako. Napailing na lamang ako. Di ko kailangan ang maging balat sibuyas ngayon. Inulit muli ang eksena namin ni Tamara.

"Tatanga tanga ka ba talaga, Yanna! Paano ka ba naging artista, ha?! I dont need amateurs on my film, I want an actress!" malagom na sigaw nito. Tahimik ang iba. Ang iba naman ay bumubulong, ang iba ay tumatawa pa.

Hindi ko na kaya ang ginagawa niya! . Papatulan ko na ito. Ang tangka kong paglapit sa direktor ay napigil ng isang kamay. Si Tamara.

"Don't you dare.You're just a bitch, but you're not stupid, are you?" mahinang angil nito sa akin. "Don't you get it? They are deliberately provoking you." Huminga ako ng malalim para kalmahin sarili ko. Sa kauna unahang pagkakataon, may sinabing tama ang babaeng ito.

Inulit na muli ang pagkuha ng eksena at hindi ko na mabilang kung pang ilan ito. Nagpupuyos na ang kalooban ko sa galit. Subalit hindi nila makikita iyon. Kalmado lamang ang panlabas na anyo ko at binigay ko pa din ang lahat ng makakaya ko.

"Cut! Yanna Ignacio! Tonta! Stupida! I don't know what you did to be one of the casts but you are terrible---"

"What is happening here?" naputol ang paglilitanya ng direktor nang may buo at baritonong boses ang biglang nagsalita. Napatigil ang lahat at nilingon ang pinanggalingan ng boses.

There, standing a man that I have not seen in few days, with his piercing blue eyes and high fade hair cut, who can make everyone turn their heads including mine. He's wearing his three-piece black suit and he radiates with domineering aura. His long and strong legs are moving like a king with his arrogant gait.

Walang emosyong mababasa sa mukha nito. Tila ba na isang maling sagot mo sa taong ito, magiging katumbas ay buhay mo. Ang puso ko sa hindi malamang dahilan ay halos lumabas na sa pinaglalagyan nito sa sobrang lakas ng kabog nito. Ang taong nasa harapan namin ay ang tunay na Drake na kilala ko, na minsan ko nang kinatakutan. Walang pagkukunwari mababanaag, kundi ang parang yelo sa lamig at walang emosyong mukha nito ang masisilayan.

"Ah, uhm. I uhh... I'm just trying to coach Yanna Ignacio." direk Bobby stammered and was intimidated by this man in front of us.

"Who are you, by the way?" tanong nito dahil maaring hindi naman talaga niya kilala ang taong nasa harapan namin subalit ramdam siguro niya na hindi ito kung sino lamang para sitahin siya. Lumapit ang assistant nito at may ibinulong kasunod ay pamumutla at panlalalaki ng mata ng direktor.

"M-Mr. CEO. It's really an honor to see you here. I did not expect this." anitong tila ba maamong tupa, taliwas sa parang tigreng anyo nito kanina.

"Follow me." matigas na utos ng lalaking iyon kay direk Bobby. Tinapunan lamang ako nito ng saglit na sulyap na tila ba hindi ako nakikilala. Napaismid ako.

"Who the heck is that guy? He's gorgeous." rinig kong bulong ni Tamara na ikinairap ko.

"Everyone, let's take a break!" malakas na anunsyo ng direktor sa lahat. Subalit pansin ko ang pangangatal ng kamay nito na pilit ikinukubli sa amin.

Ang maiksing pahinga na sinasabi nito ay nauwi sa tuluyang pag-pack up. Kapansin pansin ang panlulumo nito pagkatapos ng pag-uusap na iyon. At sa sumunod na taping, iba na ang direktor namin at biglang umugong ang balitang wala na rin ito sa istasyon.

****

I'm currently reviewing the resto's financial statement. I shook my head as I see how it reveals that there was no generated profit in the past few days. I also need to speak with my investors. Kuya and Lucas are one of them. I only have few of them since I'm a novice in terms of business but this one specific business man, Mr. Sanders, invested vast sum of money which fascinates me. I tried to dial his number from his business card but to no avail.

Napapaisip ako kung tama ba ang naging desisyon ko sa pagbubukas ng negosyo. Baka masyado lamang akong naging padalus-dalos at hindi napag-ispang masyado ang mga hakbang ko. Alam kong masyado pa rin akong hilaw sa larangang ito.

Napabuga ako ng hangin at saka napagtanto na sa pagpasok ko sa larangang ito, sadyang kaakibat nito ang kaisipang maari akong manalo o matalo. Agad nag-init ang ulo ko nang maalala ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ang matandang huklubang iyon!

"Hoy Alymaw. Why the scowl on your face, huh?" narinig kong sabi ni Lucas. Muntik ko nang malimutang magka-video call nga pala kami.

"Miss na miss mo na ako, noh? " anitong may pilyong ngisi na naman sa labi. Nakadapa pa ito sa kama niya kahit mataas na ang sikat ng araw dahil halos madaling araw na ito nakabalik sa hotel nya.

Wala itong pang itaas na pangkaraniwan na lang naman sa aking paningin. Mapungay pa rin ang mata nitong may malalantik na pilik at gulu gulo ang buhok. Ang ilang hibla ng buhok ay tumatabing pa sa mga mata.

"Sabi ko na nga ba eh. Hahanap hanapin mo ako. You can't live without me." anitong nagmamalaki ang boses, tonong nang-aasar. Ang init ng ulo ko kanina ay unti unting nalusaw.

Alam kong pinapasaya niya lamang ako dahil alam niya ang sunud sunod na nangyari sa akin pero hindi ko pa binabanggit na alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat. Na-extend ang isang linggo nitong pananatili sa ibang bansa dahil may kailangan pa itong asikasuhin subalit nagsabi itong uuwi na agad na mariin kong tinutulan. Ayoko nang makasagabal lagi sa trabaho niya.

"Uwi na ako ha?Aminin mo na kasi. Miss mo na ako--"

"I miss you. Miss na miss na kita, Lucas ko." taos-puso kong sabi habang nakatingin sa kanya sa screen ng laptop.

Napatulala ito sa narinig habang ako naman ay napatungo at kagat ang labing di makatingin sa kanya nang diretso. Bigla akong nahiya sa sinabi ko.

Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang ilang beses niyang pagnanais na lumagpas kami sa pagiging magkaibigan subalit sa tuwina ay umiiwas ako sa usaping iyon. Alam niya na hindi pa ako handa at nagagalak akong inirerespeto niya ang desisyon ko.

This man has been really good to me. He saved me when no one else was there for me. He appreciates me and my shortcomings and always cheer me up when I'm feeling down. He's always there for me, even when it's inconvenient for him. And there was never a dull moment when I'm with him. Maybe it's time to open my heart again.

"Hey, I-i got to go. May meeting pa ako." biglang sabi nito at pinaloob ang magkadiit na labi sa ngipin kaya lumitaw ang biloy nito . "Usap tayo pagbalik ko." anito at hindi na ako hinintay pang sumagot. Yeah, we really need to talk.

"Ba-bye na." sabay pinindot nito ang screen ng laptop niya. Subalit hindi naputol ang video call kaya kitang ko kung paano nito hinablot ang unan at niyakap nang mahigpit habang nagpagulung gulong sa kama. Mukhang kinilig ang loko.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" tatawa tawa kong tanong sa kanya.

"Put*ng-ina!" Napatigil ito sa ginagawa at agad na dinaluhan ang laptop hanggang sa tuluyang naputol ang videol call. Nakita ko pa ang pamumula ng mukha nito bago natapos ang tawag. Napailing na lamang ako sa ginawi niya.

Tumayo ako at itinali ang mahaba kong buhok nang paikot sa tuktok ng aking ulo at hinayaan ko na ang ilang hiblang naiwan. Nag inot inot ako at nagbuga ng hangin. Kailangan kong tumayo at ipagpatuloy ang laban ko.

Hindi ko hahayaang ganun ganon na lamang masisira ang pinagpaguran ko. Walang ibang tutulong sa akin kung hindi ang sarili ko. Hindi na ako tulad ng dati na kapag nasasaktan ay iiyak na lamang sa isang tabi at walang gagawin.

Kinuha ko ang panlinis at nagsimulang punasan ang mga mesa. Ilang araw ding sarado ang restaurant at mangilan ngilan na lamang ang natira sa mga tauhan ko. Kaya ko namang linisin ito pero tiyak aabutin ako ng maghapon.Bubuksan ko ng muli bukas ito at sisiguraduhin kong mababawi ang nawala sa akin.

Hinuha ko ay binayaran ang mga nagsialisan kong empleyado dahil halos sabay sabay umalis ang mga ito. Kabilang si Joy na manager ko. Ako na bukas ang mag-isang chef at inaasahan ko pa din naman na kaunti pa lamang ang magiging costumer, kung mayroon man.

Kumuha na ako ng mahusay na imbestigador upang mangalap ng ebidensya laban sa matandang iyon. Balewala sa akin ang mag-aksaya ng salapi mapanagot lamang siya.

Hinawi ko ang buhok kong kumapit na sa mukha ko dahil sa pawis. Halos wala pa sa kalahati ang nalilinis ko. Kinuha ko ang botelya ng tubig para mapawi ang uhaw ko pero agad ko itong naibuga nang mapansin ang lalaking nakatayo sa di kalayuan habang pinagmamasdan ako.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya habang nagpupunas ng bibig. Ni hindi ko naramdaman na nakapasok ito. May sa pusa yata ang lalaking ito.

"I have not terminated my service with you so I'm still under your authority." seryoso nitong wika habang papalapit at hindi pinuputol ang mga tingin sa akin.

Sa paraan ng pagkakasabi niya ay tila ba ay ako ang tauhan niya. Hindi ko nagawang umalis sa pwesto ko at para akong naestatwa. Ang puso ko ay unti unting bumilis ang tibok. Kahit nang hawakan niya ang kamay ko at dalahin sa labi ay hindi ko ito napigil.

"From now on, I pledge to protect and serve you my queen." anito habang masuyong hinahalikan ang kamay ko habang ako ay hindi pa rin makahuma sa pagkabigla at nakaawang lamang ang mga labi.
************************************

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 274 54
Meet the Chosen heroes and the Legends in the Land of Dawn. More Actions, Adventures, Time Traveling, Romance, and FANTASY. The Chosen Heroes needs t...
1.2M 46.5K 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Callia Gonzales, isang misteryosa, nakakatakot, malawak mag-isip, at delikadong secret agent. Walang nais...
859K 21.4K 25
"Izrael Stavros and Amethyst Evans-Stavros. I now declare you, divorced!" anunsyo ng judge sa dalawang taong biktima ng arranged marriage. Sa paglipa...
4.2M 118K 35
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumab...