Baka Sakaling Bukas

By Yanniee05

5.5K 87 18

Sequel of 14 Weeks With My Professor. More

Baka Sakaling Bukas
Chapter 1: Prince Yuan
Chapter 2: Ang Muling Pagkikita
Chapter 3: Scandal
Chapter 4: Quality of Life???
Chapter 5: Dark Side of Jace
Chapter 6 - Ghosted
Chapter 7: Kakalimutan na kita
Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?
Chapter 9: Facing Issues
Chapter 10: For real?
Chapter 11: Yes, I'm coming back to you
Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.
Chapter 14 - The Confrontation
Chapter 15: Paampon muna ha?
Chapter 16: Ginugulo mo ang buhay ko, ginugulo mo ang puso ko...
Chapter 17: Wag ka lang lumayo
Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...
Chapter 19: Paano kung...
Chapter 20: Kaibigan lang.
Chapter 21: Shall we just end this here?
Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...
Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.
Chapter 24: Balabac Trip
Chapter 25: Bukas
Chapter 26: Site Visit
Chapter 27: Baccalaureate Mass
Chapter 28: Graduation Day

Chapter 13: Reason for leaving

110 3 0
By Yanniee05

May 28, 2019 - Tuesday

Hating gabi na at andito kami ni Jess sa labas ng isang bar dito sa BGC, nasa sidewalk at nakaupo sa isang bench.

Parehas kaming busy sa kaka cellphone habang magkahawak naman ang aming mga kabilang kamay.

Pasimple ko siyang tinignan, halatang antok na antok na at may tama na. Ewan ko ba naman kasi dito. Biglang nagyayang uminom kahit may usapan na kami na hindi na ulit kami iinom kaso bigla siyang nagyaya e. E bihira lang naman siya magyaya kaya sumama na rin ako.

"May balita ka tungkol kay Jace?" Tanong niya, hindi naman ako kumibo. Nagpanggap na walang narinig.

"May balita ka sa gagong Jace na 'yun?" Pag-ulit niya.

"Ha?" Tanong ko at tumingin sakanya.

"Wala. Bakit mo naman natanong?" Pagsisinungaling ko.

"Hindi ka ginugulo? Sigurado ka? Sabihan mo 'ko kapag bumabalik nanaman 'yung gagong 'yun ha." Sabi niya.

Tumango na lang ako para manahimik na siya.

Habang nag i-scroll ako sa dummy Twitter account ko, nakita ko ang sunod-sunod na Tweets ni Issa.

"He left because he said he has goals." Yan ang unang Tweet na nakakuha saaking atensyon.

"Yep. We broke up. Actually matagal na, I keep on stopping him lang but I finally learned to let him go a month ago. Napakatagal na rin naman kasing ako na lang ang nakakakapit. Ako na lang ang nasa relasyon."

Ewan ko ha? Pero parang nakaramdam ako ng sakit dahil dyan sa nabasa kong 'yan...

Pero eto, hindi ko itatanggi na medyo kinakabahan ako sa mga susunod na mababasa ko...

"To be honest, maraming rason ang breakup namin. Napakarami. May rason na sinabi niya, may rason ang tadhana, may rason na malalim, at higit sa lahat, may totoong rason."

"Pero mag focus muna tayo sa rason na sinabi niya. Which is ayan nga, he said he has goals."

"Which I think is true naman kahit na alam ko na ang totoong rason niya for leaving. Haha anywayssss..."

Ano nga ba ang totoong rason?

Ako o ang mga illegal activities ng pamilya nila?

"Okay naman kami dati. Lalo na noong magkasama pa kami sa SHS faculty. Pero ang laki ng nagbago noong napunta siya sa isang UAAP university. Ewan ko, 'di ko na lang din pinansin masyado because we are both busy with work and ako, sa grad school."

"May nakikita akong rason kung bakit naging ganun pero he keeps on reassuring me na hindi tama ang naiisip ko so okay."

Ano Issa?

Ako nga ba ang nakita mong rason kaya nagkaganun kayo ni Jace?

"But lagi na lang kasi kaming nag-aaway. Lagi niya na lang sinusuway 'yung rules sa relationship namin and then one time during our argument sabi niya na lang, ayaw niya na. Hindi niya na raw kayang mag commit hahahaha."

"Pero lagi naman siyang ganun. Same old line niya na 'yun. Haha so syempre as my usual self I tried to stop him kasi alam ko takot siya e. Takot siyang maging mag-isa. Kasi I'm his only constant person. Family niya? Wala. He can't expect anything from his families."

Jusmiyo... Hindi ko na alam kung maaawa ba ako para kay Issa o maiinis o masasaktan para sakanilang dalawa e.

Parang sinamantala niya kasi 'yung alam niyang kahinaan ni Jace. Pero ewan.

"(ewan ko kung bakit naisip ko 'yan kahit na alam ko namang mali ako... kasi alam ko namang may sasalo sakanya pag ni let go ko siya.)"

Haha so tama nga. It's all about me...

"Pero this time, desidido na siya. Wala na raw akong magagawa to stop him from leaving me. And there I felt, totoo na nga 'to... Tinanong ko siya kung bakit."

Tumigil muna ako sa aking pagbabasa at nag-ipon ng lakas ng loob para magpatuloy.

"Sabi niya, marami raw kasi siyang goals sa buhay at wala siyang maipapangako saakin lalo na ang kasal at sariling pamilya which I have been planning for months now.

Ang sakit... Napakasakit."

Jusmiyooooo bakit ba ako naiiyak???

Hindi ko alam, pero bigla akong nakaramdam ng awa para kay Issa...

Awang-awa ako sakanya at nararamdaman ko ang sakit...

Naiisip ko si Jace na sinasabi 'yan...

Well kahit kanino mo naman marinig 'yan, napakasakit na talaga. What more pa kaya kung sa taong mahal mo?

"Nilawakan ko ang pag-iisip ko. Inintindi ko siya. Pinilit kong intindihin siya. Intindihin ang sitwasyon niya, namin. Pero he keeps on saying na marami siyang plano para sa sarili niya.

Para sa sarili niya lang."

Ewan ko lang ha, pero nararamdaman ko na ang mga luha ko na malapit nang bumagsak.

"Alalang-alala ko pa kung anong eksaktong sinabi niya saakin e."

"Issa, hindi kasi kita nakikita sa future ko e. Hindi ko maimagine na ikaw ang makakasama ko habang buhay."

"Parang nagunaw ang mundo ko nang marinig ko sakanya 'yan...

Sa lalaking mahal na mahal ko... Sa taong tinuring kong mundo ko."

"Tinanong ko siya."

"Jace, baka naman pwede pa nating maayos 'to? Baka pwedeng mapag-usapan? Baka pwedeng mapagkasunduan? Or is ending this the only way?"

"Sa huling tanong ko, tumango siya."

"Sorry, Issa. Nakikita kitang hadlang sa mga pangarap ko sa buhay."

"Damn. That line was the most hurtful line I've ever heard in my whole life."

Napatigil ako sa pagbabasa ko at sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Jess habang pinipigilan ang pag bagsak ng aking mga luha.

"Napakagago ni Jace... Walang kasing gago." Sambit ko.

"Ang tanga mo for not realizing that sooner." Tugon naman ni Jess.

Muli kong binasa ang Tweet ni Issa. 'Yan ang rason na sinabi niya kay Issa para makipag-hiwalay. Pero tangina? Hindi niya ba naisip kung gaano ka-damaging sa pagkatao ni Issa nitong mga sinabi niya?

At kung nagawa niyang maging ganyan kagago kay Issa, ibig sabihin kaya niya rin maging ganyan kagago sa ibang tao... Pati saakin...

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

"So I agreed. I respected what he wants."

"Naisip ko rin kasi, ang selfish ko naman for not letting him go dati pa. Noong iba pa ang rason niya. Inisip ko lang sarili ko e. Hindi ko siya inisip. Hindi ko naisip ang mga pangarap niya sa buhay."

"No, guys. Don't think that I hate him. Ang sakit lang. Ang sakit sakit talaga. Every day and night I always wonder what happened. Bakit nagkaganun. Bakit natapos ng ganun."

"Ngayong totoo nang wala kami, I wish him na maabot niya ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Sa mga pangarap niya na hindi ako kasama..."

"From now on, I will never regret letting him go. Ayoko rin naman na ako ang maging dahilan sa pagbagsak ng buhay niya. Ayoko rin na maging dahilan ng lungkot at frustrations niya."

"To my family and friends, salamat sa concern. Pero please don't bother him anymore. Blocked na siya sa lahat ng social media ko. Twitter, Facebook, Instagram, Viber. Move on na tayong lahat hehe."

"Sa common friends namin and sa friends niya na nakakakilala saakin, please don't ever mention my name to him. Please lang ha? Hayaan niyo na. Wag niyo na akong ipaalala sakanya. Let him be happy."

"Pero putangina. Napakasakit pala no? Ang sakit sakit na kasama siya sa pahat ng plano mo pero ikaw, wala ka pala sa plano niya hahahahahaha!"

"Yan, guys. Yan ang sinabi niyang rason saakin. Pero alam niyo kung ano talaga ang totoong rason? Syempre hindi. Abangan niyo."

Ang totoong rason?

Ako nga ba??? O ang mga illegal?

Alam ni Issa ang tungkol saamin ni Jace. Ginamit niya pa nga si Luna e. Kaya malamang, ako ang totoong rason.

Putangina Niccolo Jace, wala ka talagang kasing gago...

Parang nagising ako nang mramdaman ko ang pag halik ni Jess sa kamay kong hawak niya.

Tinignan ko siya, hinaplos niya naman ang aking buhok habang direkta kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa.

At hindi man kami nag-uusap sa pamamagitan ng mga salita, nag-uusap naman kami sa pamamagitan ng tingin...

At sa pag tingin niya, nakikita ko ang nais niyang sabihin...

"Wag mo nang hayaang bumalik ulit si Jace ha? Akin ka na lang, kahit hanggang ganito lang. Basta wala si Jace, okay na 'ko. Mahal na mahal kita."

At ako?

Ang tanging tumatakbo sa isip ko na nais kong sabihin sakanya,

"Jess, sorry... Magkasing gago kami ni Jace."

Continue Reading

You'll Also Like

918K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
74.8K 3.5K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...