Finding Ms. Right

By micmiclet

28.2K 903 23

Si Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinanini... More

FINDING MS. RIGHT
Chapter 1: Crossed Paths
Chapter 2: Hater of Feminines
Chapter 3: Problems
Chapter 4: Contract
Chapter 5: Contract Signed
Chapter 6: Mr. Bwiset
Chapter 7: Ran Away
Chapter 8: Yasmine Dorrible
Chapter 9: Feeling Close
Chapter 10: Sick
Chapter 11: Phone Calls
Chapter 12: Leaving AU
Chapter 13: Another Deal
Chapter 14: Second Mother
Chapter 16: Unexpected
Chapter 17: Aileen Cordova
Chapter 18: New Friend
Chapter 19: Simple
Chapter 20: Love
Chapter 21: Feeling Guilty
Chapter 22: Stupids Under the Rain
Chapter 23: Peace Offering
Chapter 24: Real You
Chapter 25: Saving Her
Chapter 26: Threat
Chapter 27: Fight
Chapter 28: Worried
Chapter 29: Happiness
Chapter 30: Past of the Second Mother
Chapter 31: Knowing the Past
Chapter 32: Insulted
Chapter 33: Listen
Chapter 34: Forgiveness and Thank You
Chapter 35: Dream and Painting
Chapter 36: Sudden Tutoring Session
Chapter 37: Excellence in Math
Chapter 38: The Cousins
Chapter 39: Goodluck
Chapter 40: Headache
Chapter 41: Real Purpose
Chapter 42: Alone
Chapter 43: Mall Fight
Chapter 44: Meet the Siblings
Chapter 45: Run and Arguments
Chapter 46: Broken Image
Chapter 47: Brothers
Chapter 48: Help Rejected
Chapter 49: Basketball
Chapter 50: Voices
Chapter 51: Blurry Images
Chapter 52: Out
Chapter 53: Check Up
Chapter 54: Acceptance
Chapter 55: Ziana Alvarez
Chapter 56: His Story
Chapter 57: Going Back
Chapter 58: Not For Me
Chapter 59: Fury
Chapter 60: Memories
Chapter 61: Old Self
Chapter 62: Family Hug
Chapter 63: Beside Him
Chapter 64: Fun
Chapter 65: Remember Me
Chapter 66: Wishes, Promises and Memories
Chapter 67: Another Chance
Chapter 68: He Waited and She Tried
Chapter 69: Preparation
Chapter 70: His Miss Right
Last Chapter

Chapter 15: Section C

411 7 0
By micmiclet

JANA

I sighed when I saw AU. Malapit lapit na kami. Kung sakali, ngayon ko na lang ulit makikita si Lucy. I'm nervous. Not because I know that she's mad but because...I don't know. Ewan ko ba. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Bye Manong Sic!" sabi ko at tumango na lamang siya. Mabilis akong bumaba ng sasakyan and I immediately rolled my eyes. Paano ba naman kasi? Pagbaba ko pa lang tinginan na agad sila.

Hindi pa din ba tapos ang issue? Mga bwiset. Utak nga naman ng mga tao, ang bagal makaget-over. Hayst.

Pumasok na ako ng gate at hindi na inalintana ang mga tingin nila. Hindi sila masyadong importante para pagtuunan ng pansin.

I just walk towards our classroom without looking to anyone. Nagbubulungan pa nga ang iba pero naririnig naman. At tama nga ako, tungkol pa din iyon sa pagsuntok ko sa mukha ng lalaking iyon. Grabe. Basta tungkol sa lalaking 'yon sikat na sikat ang issue eh.

Pati kaya pagtae niya issue din? Baka kung ako 'yon hindi ako makapagpigil at ipatahi lahat ng bibig ng mga estudyante dito.

Pagkapasok ko pa lang, as usual, hindi na ako nagulat dahil na sa akin ng atensyon nila.

"J-Jana?" I smiled when Lucy suddenly stood up in her seat because of shocked ng makita ako. Syempre, akala nyan nagtransfer na ako. But thankfully, dahil na din sa lalaking iyon kaya hindi natuloy.

Lumapit ako sa kanya at natawa ng makitang naiiyak siya. "Oh? Gulat ka noh?" natatawang tanong ko. I was shocked when she hugged me but it made me smile in the end.

"A-akala ko you really transferred n-na!" sabi niya pero medyo mahina lang. Naramdaman ko namang tinitignan kami ng ibang mga kaklase namin but we both don't mind. The hell they care? Kalbuhin ko sila dyan makita nila.

"Hindi ko na tinuloy, 'wawa ka naman kasi" pang-aasar ko at hinampas niya ang likod ko. Imbes na masaktan ay natawa na lang ako.

"Bad you!" sabi niya at humiwalay na. Nagpunas punas siya ng mukha at
natawa na lang ako dahil ginagawa niya 'yun while glaring at me.

We both sat down to our seats at nag-usap na lang. 'Di ko din maiwasan na taasan ng kilay ang mga bitch naming kaklase dahil sa sulyap sulyap nila. While I smiled at Clarrise when I caught her looking at us, I saw insecurity in her eyes but she managed to smiled back. Bigla kong naalala si Leila. Kamusta na kaya 'yun? Sana hindi siya nahihirapan sa bago niyang school.

Si Clarrise naman, ang
madalas niyang kasama ngayon ay si Bianca. One of her friends too pero alam kong nangungulila pa din siya kay Leila. Bigla tuloy akong nainis kay Alvarez. Kung iisipin may kasalanan ang bwiset na 'yun. Dahil lang sa pagbanggit ng name niya nagpahiya na?

Tinanong ko noon si Clarrise at ang sabi niya, talagang crush daw ni Leila si Alvarez pero 'yung nangyari sa kanya sa cafeteria ay dare lang daw sa kanya. It was Trish who gave her the dare na sabihin daw ni Leila ang name first name ni Alvarez. Who's Trish? Siya lang naman 'yung babaeng nakasagutan ni Clarrise noong isang araw. Galing magbintang pero siya naman pala may pakana.

But I'm wondering kung bakit ba nagagalit si Alvarez kapag tinatawag siya sa first name niya. Sabi sa akin ni Lucy, the time when she was still stalking him, mga kaibigan lang daw at malalapit kay Alvarez ang pwedeng tumawag sa kanya sa pangalan niya. But she never mentioned why. Arte lang siguro ng lalaking 'yun.

"Aray ko! Gaga! Ba't ka nanghahampas?" natatawang tanong ko kay Lucy dahil bigla na lang niyang hinampas ang braso ko.

"It's because you're not listening to me naman eh! I'm telling kwento here then you're not nakikinig naman" nakapout na sabi niya.

I laughed. "Baka naman kasi walang sense 'yang sinasabi mo kaya nagkukusa na ang utak ko na 'wag makinig sayo" sabi ko at hinampas na naman niya ako for the second time around. "Ouch! Nakakadalawa ka na ha" sabi ko. Pasalamat 'tong babaeng 'to at mahal ko siya, kundi naku! Naku! naku! Makakalbo ko 'to.

She only rolled her eyes and I just laughed at her. Epic talaga 'to kapag nagtataray with matching her conyo language eh.

Maya-maya pa, pumasok na si Sir Dela Vega habang nakangiti. His smile made me nervous. Ano ba naman 'tong nararamdaman ko? Hay.

"Good morning class" he greeted at nag-greet din kami pabalik. Then he roamed his eyes around the room until his eyes landed on me. Mas nadoble ang kaba ko.

"Class, free time niyo muna ang first subject niyo today because I need to do something but your second subject ay hindi na. But you can't go out of this classroom." sa sinabi ni Sir ay naghiyawan sa saya ang mga kaklase ko. Syempre, free time eh. Nagsimula na din silang gawin ang mga gusto nila.

"Miss Tolentino, can I talk to you for a while?" sa tanong ni Sir ay naging triple ang kaba ko. Ghad. Bakit ba? At bakit naman ako kakausapin ni Sir Dela Vega?

I just nodded as a response. Sumenyas si Sir na lumabas kami kaya tumayo na ako. Nagtatanong ang mga mata ni Lucy at nagkibit balikat na lang ako at agad agad na lumabas din ng classroom.

Medyo lumayo din kami sa classroom at tumayo sa gitna ng hallway. Wala namang mga estudyante ngayon eh. Simula na kasi ng klase.

"Sir, ano po bang pag-uusapan natin?" I asked.

He smiled. "I'll go straight to the point Jana. You're transferring to Section C"

"Po?!" I blurted out. What? Section C? "S-seryoso po ba 'yan?" 'di makapaniwalang tanong ko.

"Yes, that's serious and true Jana" sagot naman ni Sir.

"But why?" bakit naman ako ililipat sa Section C? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama. Wala naman akong nabreak na rule. W-wait... dahil ba sa pagsuntok ko kay Alvarez? Kapag nalaman kong may kinalaman ang lalaking iyon mapapatay ko talaga siya.

"Okay, let me explain first Jana. You know Section C, in the three sections of Fourth Year Highschool, ito ang section na nahuhuli sa lahat. You know, most of the rebels are on this section. They're also on the least when it comes to academics" tumango tango ako sa sinabi ni Sir. "And the Principal told us na kailangan nilang makabawi before the end of the school year. Karamihan kasi sa kanila ay puro bagsak ang grades, maliban na lang siguro kay Mr. Alvarez" I almost rolled my eyes. Baka naman kasi hindi bumabagsak kasi ginagamitan ng kapangyarihan ng apelyido niya? Psh.

"And ano pong kinalaman no'n sa akin?" tanong ko. Wala naman akong kinalaman sa mga iyon eh. Kilala ang mga taga-Section C dahil ang tatamad nila. Nasa kanila na nga ata lahat ng mga tamad at hindi marunong mag-aral dito sa AU eh. Tapos ililipat ako doon? My ghad.

"Ms. Tolentino, I know that you're aware that you has the biggest chance to graduate with the title of a Valedictorian. You excel in academics and even in sports. You're a jewel of this University. At kung iisipin, ikaw ang kabaliktaran ng mga estudyanteng nasa Section C" I smiled because of the overflowing complement from Sir Dela Vega. Hirap talaga maging Tolentino eh, lagi kasing matalino. Haha.

"At dahil nga ikaw ang isa sa mga pinakamatalino, at pinakamapagkakatiwalaan na estudyante dito, the Principal decided to tranfer you to Section C. She wants you to help them para mapataas naman ang grades nila. Kahit kunting improvement lang mula sa kanila at okay na 'yon" sabi ni Sir. So kaya pala ako?

"But how would I do that Sir? Kilala niyo ang mga taga-Section C at matitigas ang ulo ng mga iyon" sabi ko naman. Hindi ko man gaanong kilala at wala man akong alam masyado sa kanila pero alam ko ang mga usapan ng mga estudyante dito na ang Section C ang pinakamalala sa lahat.

"Hahayaan na namin sayo iyon. You can do it on your own way ang importante lang ay mag-improve naman ang mga iyon. You can punch their faces if you want to" sabi ni Sir and we both chuckled. Really? Edi mas maganda.

"So, payag ka na?" tanong ni Sir at napabuntong hininga na lamang ako.

"Do I have any choice Sir?" I asked at natawa lamang siya ng bahagya.

"So I guess payag ka na nga. Don't worry, I'm telling you, mababait ang mga iyon sa mga babae" sabi ni Sir at napipilitan na lang akong ngumiti. Mababait sa mga babae? Asa much.

"Okay, I'll go to the Principal's Office para i-inform si Miss Principal" sabi ni Sir at tumango na lamang ako. I sighed. Bye bye Section A, and hello Section C.

Papasok na dapat ako sa classroom namin kaso bigla akong tinawag ulit ni Sir. "Bakit po?"

He smiled. "I forgot to tell, ngayon ka na pala lilipat doon. You better go there now para makaabot ka pa sa second subject nila" nanlaki ang mga mata ko.

"Po?!"

~~~

Bawat hakbang ko ay mabibigat. Labag naman kasi sa loob ko ang pagpunta doon. Hay.

Bakit kasi kailangang ako pa? Kung bumagsak sila edi bumagsak sila. Atsaka duh? Paano ko tutulungan ang isang buong klase na mapataas ang grades? Diba gawain dapat 'yun ng teacher?

Section C is known dahil dito napupunta ang mga kabatch naming bagsak. May three sections kasi dito, Section A, B, and C. Oh diba? Parang alphabet lang. Ang Section A, kung saan ako nanggaling ay dalawang rooms na magkahiwalay pero parehong section. Ganun din sa Section B. Magkalapit lang
ang classrooms ng Section A at B. Pero ang Section C
naman ay may iisa lang na classroom. At ang ayaw ko pa, ang layo nito sa dati naming classrooms and it was located at the end of the hallway. Masyadong malayo!

Ang bagal ng bawat hakbang ko habang dala dala ang mga gamit ko. Hay. Oras pa naman ng first subject kaya hindi ako malelate sa second subject nila doon.

Napatigil ako sa paglalakad dahil mula dito sa kinatatayuan ko ay may naririnig na akong mga sigawan. Napailing-iling ako. I'm already near at Section C at alam kong doon nanggagaling ang ingay.

At isa din kaya ayaw na ayaw ko doon ay dahil puro lalaki ang mga estudyante sa Section C. And it means ako lang ang babae.

"Ugh!" nakakainis. Ba't kasi ako pa?

Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. I stopped infront of their door at rinig na rinig ko ang ingay sa loob. Mukha pang may nagsisigawan eh. Diyos ko po. Tulungan niyo po ako.

I knocked three times. Hindi ako pumasok at isang sandali pa ay may nagbukas na nito.

Then I saw Sir Valle, my Science teacher. Oo nga pala, siya nga pala ang homeroom adviser ng Section C. Buti na lang pala mabait ang adviser nila.

He smiled. "I'm glad you accepted to transfer here, Ms. Tolentino. Kailangan talaga ang tulong mo dito" sabi ni Sir at ngumiti din ako, pilit na ngiti to exact.

"I don't have any choice Sir that's why" sabi ko at natawa siya.

"Now, ready to meet the whole Section C?" tanong ni Sir.

Napabuntong hininga na lang ako. "Yes Sir"

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 245 60
"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
40.4K 1.8K 52
⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others...
154K 8.7K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...