Finding Ms. Right

Από micmiclet

28.2K 903 23

Si Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinanini... Περισσότερα

FINDING MS. RIGHT
Chapter 1: Crossed Paths
Chapter 2: Hater of Feminines
Chapter 3: Problems
Chapter 4: Contract
Chapter 5: Contract Signed
Chapter 6: Mr. Bwiset
Chapter 7: Ran Away
Chapter 8: Yasmine Dorrible
Chapter 9: Feeling Close
Chapter 11: Phone Calls
Chapter 12: Leaving AU
Chapter 13: Another Deal
Chapter 14: Second Mother
Chapter 15: Section C
Chapter 16: Unexpected
Chapter 17: Aileen Cordova
Chapter 18: New Friend
Chapter 19: Simple
Chapter 20: Love
Chapter 21: Feeling Guilty
Chapter 22: Stupids Under the Rain
Chapter 23: Peace Offering
Chapter 24: Real You
Chapter 25: Saving Her
Chapter 26: Threat
Chapter 27: Fight
Chapter 28: Worried
Chapter 29: Happiness
Chapter 30: Past of the Second Mother
Chapter 31: Knowing the Past
Chapter 32: Insulted
Chapter 33: Listen
Chapter 34: Forgiveness and Thank You
Chapter 35: Dream and Painting
Chapter 36: Sudden Tutoring Session
Chapter 37: Excellence in Math
Chapter 38: The Cousins
Chapter 39: Goodluck
Chapter 40: Headache
Chapter 41: Real Purpose
Chapter 42: Alone
Chapter 43: Mall Fight
Chapter 44: Meet the Siblings
Chapter 45: Run and Arguments
Chapter 46: Broken Image
Chapter 47: Brothers
Chapter 48: Help Rejected
Chapter 49: Basketball
Chapter 50: Voices
Chapter 51: Blurry Images
Chapter 52: Out
Chapter 53: Check Up
Chapter 54: Acceptance
Chapter 55: Ziana Alvarez
Chapter 56: His Story
Chapter 57: Going Back
Chapter 58: Not For Me
Chapter 59: Fury
Chapter 60: Memories
Chapter 61: Old Self
Chapter 62: Family Hug
Chapter 63: Beside Him
Chapter 64: Fun
Chapter 65: Remember Me
Chapter 66: Wishes, Promises and Memories
Chapter 67: Another Chance
Chapter 68: He Waited and She Tried
Chapter 69: Preparation
Chapter 70: His Miss Right
Last Chapter

Chapter 10: Sick

422 17 0
Από micmiclet

JANA

ITS been one month but still no progress. Anim sa list ang tanggal na and there are only eight left. At ni isa sa anim na iyon, walang sinipot ang gago. Oo! Wala siyang sinipot ni isa.

Palagi akong nagseset ng meeting place nila para makipagkita si Alvarez but that guy is really a pain in the ass at hindi talaga sumisipot. Kaya lahat ng babaeng iyon ay galit na galit na sa akin sa pag-aakalang ako ang hinayupak na lalaking iyon.

Two months na lang at kailangan ko ng makahanap ng babae na mamahalin niya. But that's impossible right? Paano niya mamahalin ang isang babae na 'di niya man lang nakikita? Ang labo talaga ng lalaking iyon. I want to give up in that one month because that guy is really evil. Ang sama ng ugali, sarap ipakain sa elepante.

Hindi ko naman siya nakikita sa AU dahil mukhang hindi pumapasok or laging nandoon sa tambayan nila. Gusto ko din sanang magtanong kay nila Darren pero paano kung minsan ko lang din sila makita? Nakakainis talaga.

"Hey! That isda is already patay na. Gusto mo bang maging double dead that?" imik ni Lucy at napatingin ako sa fish na kinakain ko.

I just sighed and continued to eat. Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch time na. Inaabangan ko nga napapasok 'yung apat pero wala, mukhang sa tambayan nila sila kumakain.

Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay agad akong nagpaalam kay Lucy dahil gusto ko ng umuwi. She just nodded at mukha daw akong magkakasakit. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at umuwi na. Gladly, nag-aabang na si Kuya Sic sa parking lot kaya agad din kaming nakauwi.

Dumiretso ako agad sa kwarto kahit naririnig ko ang pagtahol ni Foodie. I can't play with him right now, feeling ko talaga pagod ako.

Sumalampak ako agad sa kama ko at pumikit. I just want to rest dahil bigo na naman akong makausap ang Alvarez na iyon. Talaga bang pinaninindigan niya 'yung sinabi ko na siya na ang bahala kung sisipot ba siya o hindi?

"Ugh!" I want to slap myself right now. Sana pala hindi ko na lang sinabi dahil mukhang sineryoso niya ang sinabi ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon.

I was there, sa lahat ng meeting place at nakikita ko ang mga babaeng sineset ko ng meet up sa kanya. Nakikita ko din ang galit sa mga mata nila dahil halos inaabot sila ng isang oras kakahintay sa lalaking iyon pero ni anino ay 'di dumating. Palagi kong inaasahan ang pagdating ng lalaking iyon pero hindi talaga siya sumisipot. I always text him pero hindi siya nagrereply. I also call him pero hindi sinasagot o kaya minsan ay naka-off ang phone niya. Damn that guy. He's really making me suffer.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko but I didn't bother to look who it is at nanatiling nakahiga.

"Jana? Matutulog ka na ba? Hindi pa tayo kumakain ng dinner ah" narinig ko ang boses ni Yaya Linda at naramdaman ang pag-upo niya sa kama. I forced myself to sit up upang magkaharapan kami.

"Opo 'ya, pagod po kasi ako. Sorry" sabi ko na lang. Tinanong niya kung okay lang ba ako and I said yes. But no! I'm not, nakakainis kasi si Alvarez. Ugh!

Napatingin ako sa notebook na nasa study table ko at kinuha ito. Binasa ko ang pangpitong babae sa list. Should I set a meet up again?

I sighed. Kinuha ko ang phone ko at nagsent ng message sa bwiset na lalaking iyon.

To: Mr. Bwiset

Katrina West. 17 years-old. Her family owns hotels in the country. A model.

Nag-atach din ako ng photo ng picture ni Katrina para makita niya. I sent it to him and waited a reply but I got none. Nakakainis!

Kahit walang reply ang tanginang lalaki na 'yon ay minessage ko si Katrina. Napag-usapan namin ang meeting place. Kahit walang assurance na dadating ang lalaking iyon. I don't know how I managed to say sweet swords again pero ang mas iniisip ko ngayon na sana ay sumipot siya.

Before I sleep, I texted him once again.

To: Mr. Bwiset

Sunday. Green Park. 6 pm. Meet Katrina West. Come this time, don't make her wait.

~~

I'm sitting on one of the benches here at the park. Magsisix na pero ni isa sa dalawa ay wala pa akong nakikita. Dadating kaya silang dalawa?

It's already Sunday and yeah, nandito na naman ako para tignan kung magiging maayos ba at kung sisipot ba si Alvarez. Medyo madilim na pero madami pa din namang tao ngayon dito.

Maya-maya pa nakita ko ang pagdating ni Katrina. She's smiling and looked around pero nawala ang ngiti niya ng makita siguro na wala pa ang kikitain niya. Umupo muna siya sa isa sa mga benches and I can still see her from here. Hawak niya ang phone niya at mukhang may ginagawa.

Dumaan ang ilang minuto at wala pa ding Alvarez na dumadating. Mukhang naiinip na din si Katrina. Shit. Hindi na naman ba sisipot ang lalaking iyon?

Kahit labag sa loob ko ay kinuha ko ang phone ko at tinext siya.

To: Mr. Bwiset

Where are you? Pumunta ka na dito dahil kanina pa nandito si Katrina. Pumunta ka na.

And don't get any reply.

Nagsimula naman akong mag-panick when I saw na naiinip na tumayo si Katrina at tumingin sa paligid niya. Tangina mong Alvarez ka! Thirty minutes ka ng late!

Nang hindi makita ang hinahanap ay naiinis na umupo na lamang si Katrina. I felt relieved, mukhang maghihintay pa siya.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa din siya dumadating. Gago talaga! Madilim na at mag-iisang oras na pero wala pa siya.

I texted him once again.

To: Mr. Bwiset

Come... please. Kahit ngayon lang, pumunta ka. Siputin mo siya kahit ngayon lang. Please pumunta ka.

I don't even know how I was able to say 'please' to him. Maybe I'm desperate para papuntahin siya dito.

Wala akong natanggap na reply at walang Zild na dumating. Napayuko na lang ako ng makita ang galit na pagtayo ni Katrina at pag-alis. He made her wait for almost two hours. He's worst.

Nanatili akong nakaupo doon habang nakatingin sa kawalan. I waited for him to come pero hindi na naman siya pumunta, sa ika-anim na pagkakataon. He didn't come. Ang sama niya.

What did I do to deserve this? Pinagtanggol ko lang si Lucy ng araw na iyon. I don't want to hurt him that day but he crossed the line. Ayaw kong nakikitang umiiyak ang kahit na sinong mahalaga sa akin and just because of his words, Lucy cried hard. Tapos ako ang magsasuffer ngayon? Why so unfair?

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko but I just let it flow. Ito na lang ulit ang pagkakataon kung saan ako umiyak. I'm not a crybaby. Hindi ako agad umiiyak pero hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon.

Nanatili ako doon hanggang sa naramdaman ko ang pagpatak ng ulan. I laughed bitterly. Mukhang dinadamayan ako ng kalangitan ngayon ah.

Nanatili ako doon ng ilang minuto at wala ng pakeelam kahit basang basa ako ng ulan o kahit magkasakit pa ako pagkatapos nito.

Malalim na din siguro ang gabi ng mapagdesisyunan ko ng umuwi. Tumayo ako at naglakad. Pumara ako agad ng taxi at sinabi ang address ng bahay namin.

Mukhang nagtataka pa ang taxi driver sa itsura ko but he didn't ask a question.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay ang nag-aalalang mukha na ni Yaya Linda ang sumalubong sa akin.

"Jusmiyo! Anong nangyari sayo?!" agad na tanong niya. I walked towards her and hugged her. Okay lang naman siguro kahit mabasa siya, hindi naman magagalit 'yan eh.

"S-saglit lang 'ya" sabi ko at hinigpitan ang yakap sa kanya. She hugged me back.

"Anong bang nangyari sayo?" mas mahinahon niyang tanong but I didn't gave any answer.

At hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako habang nakayakap sa kanya.

~~

Pagkamulat pa lang ng mga mata ko ay ibang pakiramdam agad ang naramdaman ko. I felt a heavy feeling.

Pinilit kong umupo sa kama at sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Yaya.

"W-what happened?" tanong ko agad. Nagulat siya ng makitang gising na ako at agad na pumunta sa akin.

"Mainit ka pa Jana, humiga ka ulit" sabi ni Yaya matapos hawakan ang noo ko.

"N-no... may pasok pa po ako ngayon" I told her at agad siyang umiling.

"May sakit ka dahil siguro sa pagpapa-ulan mo kahapon. Masyado pang mataas ang lagnat mo" that explains kung bakit ako nahihilo ngayon at feeling na masusuka.

Umiling naman ako. "I can go to school Yaya" pagpupumilit ko.

Ilang minuto din ang nagtagal ng pagtatalo namin ni Yaya pero sa huli, ako pa din ang nanalo. Kumain ako at uminom ng gamot pero 'di man lang nabawasan ang hilo at pagkabigat na nararamdaman ko. Ba't ba kasi ako nagpa-ulan? Tsk.

Agad akong huminga ng malalim pagkadating sa school. Iba't ibang bilin pa ang sinabi ni Yaya Linda sa akin bago lumabas ng bahay at ilang sermon mula kay Manong Sic. They looked like my parents.

Pumasok ako ng AU na medyo pagewang-gewang pa ang lakad. Alam kong mukha akong tanga sa itsura at lakad ko at nakatingin sa akin ang mga estudyante na may pagtataka na para bang nawiweirduhan sa akin. But the hell I care? Baka gusto nilang hilahin ko ang eyeballs nila at ipakain sa aso.

Natanaw ko na ang classroom namin pero kasabay din noon ay tinding hilo ang naramdaman ko kaya ako napahawak sa pader sa gilid ko. I closed my eyes pero sa muling pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Alvarez na naglalakad sa 'di kalayuan. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinundan siya.

I won't waste the chance to talk to him. Ayoko na, sapat na ang mga ginawa niya para ayawan ko ang bwiset na kasunduan na 'yon.

Halos magkandapa dapa ako para lang masundan siya dahil sa sobrang hilo. Wala na din akong pake kahit malate pa ako sa first class ko. Feeling ko din bibigay na ang katawan ko but I don't care.

Nakita ko siyang pumasok sa tambayan nila. Sandali akong napatigil at napasandal sa pader. I really feel my head spinning, parang umiikot din ang mundo sa paligid ko. Damn.

I heaved a sigh and get the contract inside my bag. Walang sabi-sabing pumasok ako sa tambayan nila at agad na napatingin sa akin ang apat na lalaking nandito.

"J-Jana?" mukhang nagulat sila Inigo sa pagdating ko but I didn't care. Naglakad ako palapit sa Alvarez na iyon pero hinarangan ako no'ng tatlo.

"Shit! Namumutla ka, may sakit ka ba?" tanong ni Darren. Hinawi ko sila sa harapan ko pero hindi sila nagpatinag so I glared at them.

"Out. Of. The. Way" I said at saka sila buong lakas na hinawi sa harapan ko. Nilagpasan ko sila at tumigil sa harapan ng isang lalaking hawak pa ang psp niya at malamig na nakatingin sa akin.

"What are you doing here?" he coldy asked at kahit hilong hilo ako ay nagawa ko pa ding itaas ang kamay ko kung nasaan ang kontrata sabay pakita no'n sa kanya.

"Ayoko na" tsaka ko iyon pinunit mismo sa harapan niya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko. Hinulog ko sa harapan niya ang mga punit punit na papel at tumalikod. Napapikit ako saglit dahil sa hilo. I really feel that my body will collapse any minute from now. Ang gago kasi ng lalaking iyan.

Naramdaman ko ang pagtayo niya pero hindi ako lumingon. Napatigil na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Remember what the contract says? Once you quit, you're going to be my slave for two years" sabi niya. Napailing na lang ako at lalakad na sana pero nagsalita siya ulit.

"Or better, I will tell the Dean to expel you and that Mendoza, sounds good right?" napayukom ako ng kamao. How can he be so cruel?

Inis akong humarap sa kanya at naglakad palapit ulit sa kanya. "D-don't you dare" sabi ko and God knows kung gaano ako nagpipigil na sumabatan ang lalaking ito.

He smirked. "Well, I dare"

That's it! Sobra na siya. Malakas kong sinampal ang mukha niya na kasing tigas yata ng bato. Nagulat siya at maging ang tatlo niyang kaibigan sa ginawa ko.

He angrily looked at me pero pa man siya makapagsalita ulit ay inunahan ko na siya.

"Iyan lang ba ang alam mo? Ang magpahirap ng buhay ng isang tao? Ang sabi mo wala akong karapatan na sabihin kung anong gagawin mo but do you have the rights to do this to me at the first place? Do you have the rights to tell me to do something that I don't want? May karapatan ka bang iblackmail ako? Wala!" sabi ko at natigilan siya kaya nagpatuloy ako.

"I just punched you because you fucking deserve that! Anong karapatan mong magpaiyak at magpahiya ng babae?! Anong karapatan mong sabihan ng ganun si Lucy?! Wala! So I did para kahit paano ay makaganti para sa kanya! Kagabi, sinabi kong pumunta ka kahit doon lang! Kahit iyon lang! Kahit isang beses lang pero hindi ka pumunta! How am I able to find the girl that you will love kung hindi ka naman makikipagcooperate?! Ang labo mo! Ang gago mo!" napaawang ang labi niya.

"Alam mo bang hinintay kita kahit umalis na si Katrina? I waited for you kahit basang basa na ako ng ulan pero tatlong oras na at hindi ka pa din dumating! Tapos ngayong umaayaw na ako pagbabantaan mo naman ako? Idadamay mo si Lucy?! Fine! Expel me but never touch Lucy! Dahil sinasabi ko sayo hinding hindi mo gugustihing banggain ang isang Tolentino" sabi ko at huminga ng malalim tsaka siya malamig na tinignan. Feeling ko pagod na ang buong katawan ko at babagsak na but not now, hindi pwede ngayon.

"Don't worry, you'll never see me again. Hindi mo na ako kailangan pang-ipaexpel dahil ako na mismo ang aalis. Just don't touch Lucy, she don't deserve to be expelled in the first place dahil lang sa kagaguhan mo" I said and turned my back.

Nakita ko ang gulat na mga expression ng tatlo pero nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang pinto pero ramdam na ramdam ko ang matinding hilo na parang mas dumoble pa ngayon.

"Damn" I whispered when I totally fall to the ground. Nagblurry na ang paningin ko pero naramdaman ko ang mga yapak na mabilis na lumapit sa akin before I totally lost my consciousness.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

24K 373 51
this is my new fantasy story.. princess Alessandra and king Austin
188K 7.1K 54
A story of a Mysterious Girl student who was caught of attention by Mr. Good guy in the class. A girl named Yeona Lee who always stay a distance from...
FEIGHT (Famous Eight) Από Mac

Εφηβική Φαντασία

628K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
8.5K 245 60
"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang...