Finding Ms. Right

By micmiclet

28.2K 903 23

Si Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinanini... More

FINDING MS. RIGHT
Chapter 1: Crossed Paths
Chapter 2: Hater of Feminines
Chapter 3: Problems
Chapter 4: Contract
Chapter 5: Contract Signed
Chapter 7: Ran Away
Chapter 8: Yasmine Dorrible
Chapter 9: Feeling Close
Chapter 10: Sick
Chapter 11: Phone Calls
Chapter 12: Leaving AU
Chapter 13: Another Deal
Chapter 14: Second Mother
Chapter 15: Section C
Chapter 16: Unexpected
Chapter 17: Aileen Cordova
Chapter 18: New Friend
Chapter 19: Simple
Chapter 20: Love
Chapter 21: Feeling Guilty
Chapter 22: Stupids Under the Rain
Chapter 23: Peace Offering
Chapter 24: Real You
Chapter 25: Saving Her
Chapter 26: Threat
Chapter 27: Fight
Chapter 28: Worried
Chapter 29: Happiness
Chapter 30: Past of the Second Mother
Chapter 31: Knowing the Past
Chapter 32: Insulted
Chapter 33: Listen
Chapter 34: Forgiveness and Thank You
Chapter 35: Dream and Painting
Chapter 36: Sudden Tutoring Session
Chapter 37: Excellence in Math
Chapter 38: The Cousins
Chapter 39: Goodluck
Chapter 40: Headache
Chapter 41: Real Purpose
Chapter 42: Alone
Chapter 43: Mall Fight
Chapter 44: Meet the Siblings
Chapter 45: Run and Arguments
Chapter 46: Broken Image
Chapter 47: Brothers
Chapter 48: Help Rejected
Chapter 49: Basketball
Chapter 50: Voices
Chapter 51: Blurry Images
Chapter 52: Out
Chapter 53: Check Up
Chapter 54: Acceptance
Chapter 55: Ziana Alvarez
Chapter 56: His Story
Chapter 57: Going Back
Chapter 58: Not For Me
Chapter 59: Fury
Chapter 60: Memories
Chapter 61: Old Self
Chapter 62: Family Hug
Chapter 63: Beside Him
Chapter 64: Fun
Chapter 65: Remember Me
Chapter 66: Wishes, Promises and Memories
Chapter 67: Another Chance
Chapter 68: He Waited and She Tried
Chapter 69: Preparation
Chapter 70: His Miss Right
Last Chapter

Chapter 6: Mr. Bwiset

468 16 0
By micmiclet

JANA

PAPUNTA ako ngayon sa tambayan ko para i-meet 'yung peste sa buhay ko. Anong tambayan? 'Yung puno sa mini-park ng University kung saan ko lang naman pinirmahan ang bwiset na kontrata na 'yun. Kanina lang naman nangyari 'yun pero naiinis pa din ako.

Nagulat pa ako ng biglang tumawag sa akin 'yung ugok. Like hello? Paano niya nalaman number ko? Sabi niya magkita daw kami doon at hindi pa man din ako nakakapayag pinatayan na ako ng phone. Kulang na lang mapasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis!

Pinauna ko ng umuwi si Lucy, medyo naguilty nga ako dahil sinabi kong magreresearch pa ako sa Library pero ang totoo makikipagkita lang ako sa my loves niyang sana ay dead na!

Nang makarating ako doon ay hindi ko naman siya nakita. I looked at my watch at nakitang 4:29 na. Ang usapan magkita kami ng 4:30 dito. Not bad, atleast may one minute pa at hindi ako nalate. Baka kasi may masabi si Boss. Psh.

Umupo muna ako sa damuhan at sumandal sa trunk ng puno habang hinihintay siya. Pero 4:40 na wala pa siya. May ten minutes na ah? 'Asaan na 'yun?

Tatayo na sana ako para umalis dahil ayoko namang magsayang ng oras 'no. Ang kaso, may nagsalita bigla sa isang tabi.

"Where are you going?" sinamaan ko siya ng tingin. Ang kapal naman neto.

"Ba't ngayon ka lang? Sabi 4:30 pero magfafive na at ngayon ka pa lang dadating? Aba't hin-" he cut me off.

"Shut up" tsaka siya sumandal sa puno. Tumayo naman ako ng tuwid at nagpameywang sa harap niya. Ang kapal talaga ng mukha!

"Hoy! Hindi pwede ang ganyan! Ikaw nagsabi ng oras kung kailan magkikita tapos la-- sabi ko nga shut up" then I also act na parang sinizipper ang bunganga ko. Sinamaan na kasi ako ng tingin. Tignan mo 'to, pangisi ngisi lang kanina tapos mukhang serious mode na ngayon.

"Ano bang gagawin natin?" tanong ko.

He looked at me. "We'll start finding Ms. Right today. Ah no, you'll start" sabi niya at humalukipkip. Naningkit naman ang mga mata ko.

"How?"

He shrugged. "Ikaw ang may mission dito diba? So, ikaw ang mag-isip kung paano" napakuyom kamao ako sa sinabi niya. Kapal talaga 'eh 'noh? Ipapagawa sa akin pero wala pa naman palang ideas kung paano! Ugh! Sarap ingudngud sa lupa ang face.

Nag-isip ako ng paraan. Saan nga ba ako makakakita ng mga babae na pwedeng magmatch sa tsunggo na 'to? Kung dito kasi sa loob ng University baka matakot lang sa kanya. Of course, nakita nila mga ginawa niyan sa mga babae eh. Pero maliban na lang siguro sa mga malalandi na babae.

"What now?" inip na tanong niya at pinigilan kong mapairap. Kasalanan ko ba kung wala akong maisip? Nagready siya ng extra contract pero hindi nagready ng gagawin para makahanap. Ang labo din kasi neto eh, hanapin si Ms. Right? Ang jeje niya sa totoo lang. Pwede mo bang mahanap ang babae para sayo? Sabi kasi sa napanood ko dumadating daw ng kusa 'yun eh.

Tapos may bigla naman akong naisip. "Cellphone mo" sabi ko sabay lahad kamay. Kumunot noo naman siya.

"Why?"

"Alam mo naman siguro ang mga dating app diba? Magsimula na muna tayo sa gano'n" sabi ko. Sandali muna siyang tumitig sa akin na para bang iniisip kung ibibigay niya ba o hindi but in the end, binigay niya din lang naman.

"Yaman naman neto, latest model talaga ng IPhone 'eh" naibulong ko na lang. Sumandal din ako sa puno pero may ilang meters away from him. Ayoko kayang dumikit sa kanya, baka mahawaan ako ng virus na dala dala niya.

Madali ko namang nabuksan ang phone niya dahil mukhang inalis niya ang password. Medyo natawa pa ako ng makita na pusa ang wallpaper niya. Isang white chubby cat. Ang cute kasi balbunan.

Nakapagdownload ako agad ng isang dating app dahil may internet 'tong lalaking ito. Ginawan ko na din siya ng account at mga babae agad ang nagpakita dahil male ang nakalagay na gender.

Nagsimula akong maghanap ng mga babae. Ang dami naman dito. May nakita akong magandang babae tsaka ko pinindot ang picture niya. Pinakita ko 'yun agad sa kanya.

"Okay na ba 'yan?" he only glanced at the picture and said...

"Mukhang masungit" sabi niya.

"Eh ano naman ngayon kung masungit?" tanong ko at sinamaan niya ako ng tingin. Tsk. Napairap na lang ako at binalik ang tingin sa phone niya. "For sure, mas masungit ka dito" bulong ko and thankfully, mukhang hindi niya narinig.

May pinakita ako ulit na picture sa kanya.

"She looks like a flirt"

May pinakita ako ulit.

"Too white"

Meron ulit.

"Baka daganan naman ako niyan"

"She looks like a toad"

"Is that a lesbi?"

"Too thin. Baka mapagkamalan ko na siyang stick"

"Babae ba talaga 'yan?"

Sa sobrang inis ko, naibato ko na lang sa kanya 'yung phone niya. Hindi niya iyon nasalo kaya nahulog iyon at nagcrack. Mukhang nasira ko pa yata, pero ugh!

"Hoy! Ang dami na no'n pero wala ka pa ring nagustuhan? Palagi ka na lang may napipintas! Makapanglait ka akala mo naman kung sino kang gwapo!" singhal ko sa kanya. Everytime naman kasi na may ipapakita ako ay bigla niyang lalaitin. Mukha daw palaka, masyado daw mataba, pati magiging maputi no'ng babae problema para sa kanya. Grabe siya.

He only looked at his phone then looked at me. "What do you think you're doing? Hindi ka pwedeng magreklamo. At isa pa, bakit mo sinira ang phone ko?" mahinahon niyang tanong pero ramdam ko ang inis doon. Matalim ang mga tingin niya and that made me scared of him for a bit. Pero teka? Kasalanan niya naman diba?

"Eh ang dami mo naman kasing nasasabi! At 'yang phone mo? Don't worry, babayaran ko 'yan. Ako pa bibili kung gusto mo" sabi ko at gustong-gusto ko iyong bawiin. Mapapagastos na naman ako ng ipon ko neto eh. Hindi naman ako humihinga kay papa hanggang kaya ko ng 'eh kaya for sure, sariling ipon ko ang pangbibili ko ng new phone niya. Hay!

"So your rich huh?" nagulat naman ako sa tanong niya. But I shook my head.

"Hindi ah" sabi ko. Si papa at sila kuya lang ang mayaman sa amin. Ako? Hindi. Hindi naman ako ang naghihirap sa pera eh, but I'll make sure na paglaki ko, magiging mayaman din ako at babayaran ko lahat ng gastos nila sa akin. Kahit naman mayaman ang pamilya namin ay pinapahalagahan ko iyon. Hindi din ako gastusera at marunong akong mag-ipon. Kaso, mukhang mawawaldas iyon sa phone niya. Tsk.

Hs smirked. "Don't worry about the phone, I can buy millions of that if I want to. Bukas na lang din natin ituloy ito, I'll contact you kung kailan. But make sure na bukas, you're ready" sabi niya. Pinulot niya ang phone niya na basag at tumalikod sa akin tsaka naglakad palayo.

Napaawang naman ang labi ko sa sobrang kayabangan niya. Hinangin yata ako dun ah?

Napapadyak din ako sa inis. Matapos akong ipatawag dito para gawin ang isang bagay na hindi ko naman gusto, lalayasan na lang ako? Ang kapal nga naman ng mukha ng talipandas na 'yun eh. I really want to shove his whole body at itapon sa kanal. Nakakainis!

Naglakad na lang ako papuntang front gate ng school. Uuwi na ako. Saan pa ba ako pupunta? Edi sa bahay na.

Tinext ko na si Kuya Sic na palabas na ako. Agad din naman akong nakatanggap ng reply na malapit na daw siya. Naghintay lang ako ng ilang minuto at dumating na rin naman na si Kuya Sic.

Pagkadating sa bahay, dumiretso ako agad sa kwarto ko. Sumalampak ako agad sa kama. Pero ng maalala kong may assignment nga pala ang antipatiko na 'yun para sa akin ay napabangon ako bigla. Inis akong umupo sa kama.

"Kailangan ba talaga ready? Aish!" naiinis kong kinuha ang laptop ko at umupo sa kama. Kakabukas ko pa lang no'n ng marinig ko ang tahol ni Foodie. Naiwan ko pa lang nakabukas 'yung pinto ng room ko.

"Sorry Buddy, hindi ako pwede makipaglaro sayo ngayon. Babawi ako next time" sabi ko. 'Di nagtagal ay lumabas na din si Foodie. Sinara ko na ang pinto at umupo ulit sa kama ko.

"Ano ng gagawin ko ngayon?" naitanong ko na lang sa sarili ko ng bukas na ang laptop ko. Dapat nakikipaglaro ako ngayon sa aso ko 'eh, o kaya nagbabasa ng mga libro. Pero dahil sa kajejehan ng lalaking iyon, eto ako ngayon, mukhang problemado. Hayy..

Gumawa ako ulit ng account sa isang dating app. Syempre, mukha at pangalan ni Alvarez ang ginamit ko. Buti na lang at may picture siya kahit paano sa facebook niya. Sabi kasi ni Lucy, puro daw Instagram ang ginagamit no'n.

Iyong picture na nilagay ko ay 'yung picture niya na naka stripes na red and black polo. Nakasideview siya doon pero obvious pa rin naman ang mukha. Obvious na mukha ng pusa. Joke.

Tumingin-tingin ako ng mga babae ng bigla na lang nagbeep 'yung phone ko. At tignan mo nga naman, galing kay Mister Bwiset ang text. Kung tinatanong niyo kung sinong bwiset 'yan, si Alvarez 'yan. Sino pa bang bwiset sa buhay ko? Siya lang naman.

From Mr. Bwiset:

I'm telling you, be ready for tomorrow or else Lucy will suffer.

"Aba't! Ginagamit talaga ng asungot na ito si Lucy eh. Bwiset talaga siya! Grr!" madidiin ang bawat pindot ko sa phone ko habang nagrereply. Nakakainis ang antipatiko na 'to.

To Mr. Bwiset:

Encyclopedia.

Sabi ko. For sure hindi niya 'yan magegets. Ilang segundo lang nagreply ulit. Ang bilis ng hinayupak ah?

From Mr. Bwiset:

What?

To Mr. Bwiset:

Other term for ang kapal ng mukha mo. Makapag-utos ka akala mo kung sino. 'Wag mo din idadamay si Lucy dito! May usapan na tayo kaya umayos ka!

Buong tapang na reply ko. Ha! Akala mo ah. Kung hindi kita maganyan sa personal, pwes, sa text na lang. Ilang minuto na ang lumipas at wala na siyang reply. Wow? Natakot ko ba?

Itutuloy ko na sana ang gagawin ko ng biglang magring ang phone ko.

Mr. Bwiset calling...

Kumunot ang noo ko ng makita na tumatawag siya. Ang feeling close naman neto, tawag agad? Sakalin ko siya dyan eh. Sinagot ko iyon.

"Hey! How dar-" nagsalita na ako bago pa niya matapos 'yung sinasabi niya.

"Oo na! Oo na! Ginagawa ko na nga ngayon oh! Istorbo ka, alam mo ba iyon? Kaya kung ayaw mong hindi kita tulungan huwag kang mang-istorbo. Huwag mo din idadamay si Lucy dito para magkasundo tayo! Iyon lang! Sige na boss may gagawin pa ako! Kakahiya naman kasi sayo!" then I ended the call.

Sinigawan ko na siya kasi totoo namang istorbo siya. Eto na nga oh, nagsisimula na pero hindi ko matuloy tuloy dahil sa kanya. Mukhang sasabihan pa ako ng how dare you eh siya nga itong bigla na lang nagtext at nagbanta. Tutuloy ko na sana ng nagbeep bigla ang phone ko. "Putcha! Hindi ba talaga ako titigilan neto?"

Inis ko namang binasa ang text ng mokong.

From Mr. Bwiset:

Nakakarindi ang boses mo.

To Mr. Bwiset:

Gago.

Matapos kong magreply ay in-off ko na ang phone ko. Mahirap na noh at baka magreply pa 'yun sa huling text ko sa kanya.

Nagscroll ako sa dating app at ang mga babaeng nakikita ko doon ay sinesearch ko sa facebook at instagram para makakuha ng mga informations. Nilist down ko sila sa isang notebook ko para hindi ko makalimutan. Puro magaganda, sexy, at mukhang mga mayayaman ang nilagay ko. For sure naman ganyan ang type ng lalaking iyon. Oh well, hindi naman talaga ako sigurado kasi nga never ko pa siyang nakitang may ka-date na babae sa University. Ni hindi ko pa nga siya nakitang may kasama na babae ni minsan. Kung hindi lang niya pinapagawa sa akin ito ay iisipin kong bakla siya.

"Okay na siguro 'to noh?" natanong ko na lang ng makita ang mga nailista ko sa notebook ko. Fourteen na babae ang nailista ko at ilang informations tungkol sa kanila and syempre, pati na rin name. Sinave ko na din sa phone ko ang picture ng mga ito. Siguro naman may magustuhan na ang lalaking 'yun dito noh?

Sinara ko na ang notebook at laptop ko tsaka humilata sa kama. Grabe. Sumakit likod ko sa ginawa kong 'yun ah?

"Jana! Kakain na!" narinig ko ang sigaw ni Yaya sa baba kaya bigla akong napatingin sa relo sa kwarto ko. Nagulat pa ako ng makita na pasado alas syete na at mage-eight na ng gabi. Tumagal din pala ako sa ginagawa ko kanina.

"Pababa na po!" sigaw ko pabalik at humilata pa saglit bago napagdesisyunang bumaba.

"May ginawa ka ba? Dumiretso ka agad sa kwarto mo eh" tanong agad ni Yaya pagkaupo ko sa upuan dito sa dining.

"Opo eh" sabi ko. Kumain na kami ni Yaya. Lagi kaming sabay ni Yaya na kumakain dahil kami lang naman ang nandito. Si Kuya Sic kasi, hindi siya dito tumitira at pumupunta lang dito tuwing umaga or kung may lakad ako. Wala din namang guard sa gate namin kasi may mga guards naman sa gate ng subdivision namin. So dalawa lang talaga kami ni Yaya dito.

Pagkatapos ay naligo muna ako bago humilata ulit sa kama. In-open ko na 'yung phone ko at napairap na lang ng makita na nagreply nga siya sa huling text ko. May mairereply pa pala siya sa gago?

From Mr. Bwiset:

Gwapo kamo.

"Lakas talaga bagyong dala neto. Hinangin na naman ako for the second time" nasabi ko na lang at nilapag na 'yun sa gilid ng kama ko. Wala akong balak na magreply sa mokong na 'yun. Ang yabang. Sa'n sa mukha niya ang gwapo? Psh.

Hay. Simula ngayon, mukhang hindi na magiging normal ang buhay ko. Pumasok kasi ang isang tsunggo na hindi ko naman gusto. Kung hindi lang dahil sa ayaw kong ma-expel kami ni Lucy ay hindi ko naman 'yun gagawin. Pero no choice, pero sana, sana after three months ay bumalik din sa dati ang lahat.

At mawala ang lalaking 'yun sa buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 174K 57
Good and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pangako rin na matutu...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
19.7K 667 34
Paano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...