Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6M 103K 25.4K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 25

162K 2.5K 1.1K
By catleidy

Aly's POV

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ko kay Anton, habang humihithit ng sigarilyo at nakatakip ang puting kumot sa aking katawan. Magkatabi kami sa puting kama. Binugahan ko pa ito ng usok sa mukha. Pilyo itong ngumiti sa akin.

"Oo. Sobra. Thank you for always being here for me when no one else can." anito. "Nakakalimutan ko ang mga problema ko." At hinawakan nya ang pisngi ko.

"Nag-e-enjoy din naman ako eh." at hinalikan ko siya sa pisngi. "I'll always be here for you."

"Sa uulitin ha."

"Sure. Basta ba hindi ka magpapahuli sa asawa mo eh." ani ko at malanding tumawa.

"Oo naman. Magaling yata akong tumakas." proud na proud pa nitong sabi na tinawanan ko. Hahalikan ko na sana ang labi nito nang biglang malakas na bumukas ang pinto at iluwa nito ang isang babae, ang kanyang asawa.

"A-athena." gulat at nanginginig na wika ng katabi kong lalaki.

"Mga hayop kayo." madiin at punung puno ng luhang sabi ng babae."Mga animal!" at tumakbo ito pasugod sa amin. Agad akong nakatikim ng mag-asawang sampal mula dito. Napabaling pa ang mukha ko.

"Walang hiya ka! Mga walang hiya kayo!" at pinagsasampal din nito ang asawa. "Paano niyo nagawa sa akin ito!"

"Ibinigay ko sa'yo ang lahat lahat. Lahat lahat ng meron ako. Saan ako nagkulang? Saan? Sabihin mo?" puno ng pagtangis nitong tanong sa asawa. Ang lalaki'y pinipilit itong yakapin.

"Ikaw!" baling nito sa akin. "Kaibigan kita, pinagkatiwalaan at itinuring na parang kapatid. Bakit mo nagawa sa akin ito?" nakangisi lamang ako.

"Masakit ba? " nang-uuyam ko pang tanong. "Tinikman ko lang naman ang asawa mo. Huwag mo naman akong pagdamutan. Ganoon naman talaga ang magkaibigan, naghihiraman,'di ba?"

"Malandi ka talaga!" at tangkang susugudin akong muli ito ngunit  napigilan ito ng lalaki.

"Tandaan mo, nauna siyang naging akin." puno ng damdamin kong sabi.

"Walang sa' yo Nathaly! Akin lang ang asawa ko!" anito at nakawala sa hawak ng asawa. Agad nitong nahagip ang buhok ko at kinubabawan ako. Agad kong sinangga ang mga atake nito.

"That's enough!" sigaw ni Anton.

"Cut!" sigaw ng direktor sa amin. "Good take!"

Gulu gulo ang buhok namin at habol ang hininga. Nagkatinginan kami at biglang nagkatawanan.

"Shuta, Vanessa! Ang sakit ng sampal mo ha." aniko habang inaayos ang buhok na tumabing sa mukha ko.

"Ang O.A mo Yanna. Nasabayan mo naman agad ng paling eh. Ni hindi nga lumapat ang palad ko sa pisngi mo." anito habang pinupunasan ng P.A nito ang mga pekeng luhang kumawala dito.

Agad ding inayos ng P. A ko ang buhok ko at nilapatan ng make-up ng make-up artist para sa susunod na shoot na magsisimula ilang minuto na lang. Inalis din nito ang nakatakip na kumot sa akin, na napapailaliman ng  nude color na tube para pagmukhain akong hubad kanina sa camera.

Matapos maayusan ay nagchismisan pa kami ni Vanessa Montes, na si Athena ang karakter na ginagampanan sa kasalukuyang teleserye. Ilang buwan na itong umeere sa telebisyon at bentang benta ito sa takilya. Siya ang mabait at mabuting bida na kinakampihan at kinaaawaan ng lahat.

Sinong mag-aakalang mapupunta ako sa mundo ng showbusiness. Ito ang kauna unahan kong teleserye na nagbigay sa akin ng big break. Dati ay pa extra-extra lang ako at halos walang papel na ginagampanang tumatak sa mga tao. Pero maswerte kong nasungkit ang karakter ni 'Nathaly' nang nagpa-audition at ako ang napili. Ito ang nagpayabong ng karera ko.

Simula noon ay nakilala na si Yanna Ignacio, isang papasikat pa lang na starlet. Ang masama, maldita at malanding kontrabida na nagpapahirap lagi sa bida. Walang nakakaalam na kapatid ako ng isang real state mogul na si Cedrick Hutkinson. Ayaw ko din naman na makalkal ang pribado niyang buhay.

Alam kong marami ang namumuhi at gigil na gigil sa akin. Nakakalimutang isa lamang akong artista na ginagampanan ang papel ng kontrabida. Lagi din kaming nai-issue ni Vanessa na magka-away. Hindi nila alam na magka-ut utang dila kami palagi ng babaeng ito. Dahil kung anung kinaganda at kinaamo ng mukha nitong parang sa anghel na di makabasag pinggan ay siya namang kinataklesa at chismosa nito.

"Mars, alam mo ba." bulong nito at alam kong bagong chismis na naman ito tungkol sa ibang artista. At naghagikhikan kami sa pinagku-kwentuhan.

"Hello ladies. You two did a fantastic job!" ani Zendo o si Anton sa teleserye at sabay kaming inakbayan ng matipuno at nagpuputukang muscles sa braso. Matangkad din ito at may pinong balbas pa na lalong nagpapatingkad sa angking karisma.

"Halikan kita maya sa labi ha." aniko na nang-aasar. Sinamaan lang ako ng tingin nito at umirap. Wala naman kasi itong magagawa kahit ayaw nya. "Kiss with dila." ani Vanessa at nag-apir pa kami. Nanghihilakbot na binitiwan kami ni Zendo.

"Wala sa script yun!" singhal nito. "Kukurutin ko nang pino yang mga singit nyo. "

Nagkatinginan kami ni Van. "Sure!" panabay naming sabi. "Kahit sa pepe pa." dagdag pa ni Van at nagtawanan kami nang mag walk-out ito.

Closeta ito at maraming mga babaeng fans ang humaling na humaling dito. Sino bang hindi. Taglay nito ang kakisigan ng isang matinee idol. May biloy pa ito sa kanang pisngi. Malas nya lang at kami ni Van ang nakaalam ng lihim niya. Asar talo palagi ito sa amin. Pero wala naman kaming balak na ibunyag ang sikreto nito. Dahil wala kaming karapatan at respeto na lang sa tao. Because like him, there are also chapters of our lives that we don't want others to know.

Tatlong taon na ang matuling lumipas. Tatlong taon simula nang tuluyan na akong magising sa kabaliwan. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hinayaan kong abusuhin at paglarauan ako. Na tapak tapakan ang aking pagkatao. Nasusuka ako kapag naiisip ko kung gaano ako katanga. But I already learned my lesson. Indeed, some lessons in life are learned the hardest way.

"Aly..." napatunghay ako sa baritonong boses na tumawag sa akin. Sumalubong sa akin ang sobrang itim niyang mga mata at nakangising mukha na nagbabadya ng kapilyohan.
Binigyan ko siya ng ngiti at tumayo para yakapin siya. Niyakap din ako nito nang maghigpit.

"Lucas, namiss kita." aniko. Ilang araw ito sa Malaysia at ngayon lang umuwi. Sinundo ko ito sa airport.

"Tumataba ka yata. Hindi ka na magkasya sa mga braso ko." anito.

Agad akong kumalas sa pagkakayap sa kanya at kinurot siya sa kanyang tiyan.

"Ouch! My abs!" anito habang hinihimas ang tiyan. Nakikita ko ang dating ugali ni kuya sa kanya. Si kuya kasi, medyo seryoso na ngayon sa buhay.

"Just kidding. You'll always be the sexiest and most beautiful in my eyes." anitong seryoso akong tinititigan. I rolled my eyes at him. Alam ko naman na may kailangan ito sa akin kaya nambobola.

"Anong oras ba tayo at saan?" tanong ko. At ang seryosong mukha nito ay naging maloko na naman.

"Alam na alam mo ah. "

"Alam na alam ko na yang mga karakas mo, 'no." ngumisi ito at inakbayan ako nito habang naglalakad kami. Kung matatawag bang akbay ang ginagawa niya dahil nakapaikot ang mabigat nitong braso sa leeg ko.

"Golden Patriot. Charity ball iyon. Sunduin kita. Sa September 30 pa naman. " Matagal tagal pa naman iyon. Gustung gusto kasi nitong hinihila ako sa mga party at hindi rin kasi ako nito titigilan hanggat di ako pumapayag. Parang bata pero hindi ko ito matanggihan. Bukod sa malaki ang utang na loob ko sa kanya, ay naging matalik na kaibigan ko na din talaga ito. Siya din ang naging daan para makapasok ako sa pag-a-artista.

"Talk to my manager."

"I already did." anito na nakangisi. Pinsan kasi nito ang manager ko.

"Oo na. Dyos ko, mae-expose na naman ang kagandahan ko sa madla."

"Wala ka naman non. Huwag kang mag-alala." nang-a-asar nitong wika.

"Aba't!"

"Pffffftt-----"pigil nito ang tawa."Kita mo nga yang ilong mo, halos hindi umalsa! Bakit ang tangos nyan sa t.v.?"

"Hayop ka! Pulaan mo na ang lahat, huwag lang ang ilong ko!" alam kong namumula na ako sa pagka-asar.

Alam kasi nitong isa sa insecurities ko  ay ang ilong ko. Hindi naman ito pangit pero hindi ako biniyayaan ng sobrang katangusan. Dinadaan lang talaga sa make-up at anggulo sa camera para magmukhang matangos ito. Idagdag pa na lagi na lang gustong  iparetoke ito ng mga producers. I have nothing against cosmetic surgery, it's just that, I'm not into it.

Hindi ko rin naman nakikita ang sarili ko na magtatagal sa industriya ng showbusiness. Tatapusin ko lang ang kontrata ko at pagtutuunan ng pansin ang pagpapatayo ng restaurant ko. Gustu kong iprayoridad ito dahil ito talaga ang passion ko.

Hinila ko ang may kahabaan niyang buhok at mahigpit na sinabunotan.

"Aray ko! Aray! Sorry na." Anito tumatawa pa.

"Sinabi ko na sa'yo, huwag mong pakealaman ang ilong ko!" gigil kong turan sa kanya.

May mga ilang sumusulyap sa amin. Nakasuot naman ako ng sumbrerong pink at itim na shades pero sadyang matang lawin talaga ang iba. May iba  kumukuha ng litrarto, nakikilala siguro ako. Tiyak, balita na naman ako sa social media nito at maba-bash ng netizens.

Ilang beses na ba akong na-link kung kani kanino. Inaakusahang kabit ng pulitiko at third party ng mag-jowang artista. Kung makapanghusga ay tila ba sila ang nagluwal sa akin. Pero hindi naman ako nagpapaapekto. Mas masahol pa sa mga salita nila ang naranasan ko dati.

"Naks, hirap naman ng may kaibigang celebrity. Pa-autograph nga ako."

"Sige. Pirmahan ko yung Lambo mo." at inirapan ko siya.

"Sa boxer ko na lang. Game? " sinamaan ko siya ng tingin pero bigla akong napangisi.

"Game. Hubo ka na. Now na." nagulat ito sa sagot ko at tangkang pipisilin ang mukha ko na madalas niyang gawin nang muntikan na itong mapasubsob nang may bumangga mula sa likuran nito at dire diretsong naglakad at hindi man lang lumingon ang matangkad na lalaking bumangga dito.

"What the!" at plano sana nitong lapitan pero agad ko siyang pinigil.

"Hayaan mo na. Papampam lang yun." nakabusangot pa din ito nang muli akong akbayan nito.

Nagdiretso kami sa isang French restaurant at nagkwentuhan nang walang humpay. Daig pa ang ilang taong hindi kami nagkita.

"Kailan mo balak bumisita ng Manchester? Samahan kita?" tanong ni Lucas sa akin habang ninanamnam ko ang bawat sangkap ng pagkain, trying to identify its ingredients. Andun na si mama and she's happily married with a Mancunian. Finally, she found her well-deserved happiness.

Nang pumunta ako sa America para kay Papa, ilang linggo lamang ang itinagal nito. Tila ba hinihintay niya lamang kami ni Mama. Minsan hindi ko maiwasang itanong kung bakit napakaiksi ng panahong ibinigay para magkasama kami. Subalit nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit paano'y nabigyan kami ng pagkakataong makilala ang isa't isa.

"Hindi ko pa nga alam eh. Dami ko kasing upcoming projects. May shooting pa ako bukas para sa commercial ng condom." Bigla itong nasamid sa iniinom.

"Hey you okay?" natatawa kong tanong.

"Yeah. Yeah." sabi nito habang nagpupunas ng bibig.

"You don't like it, do you?" I asked.

"As long as you're happy and comfortable, my opinion should not matter. Your life, your rule." anito habang nakatingin sa aking mga mata. Napangiti ako. Ito ang gusto ko sa kanya, naiintindihan niya ako.

Alam kong marami ng nagbago sa akin. Kabilang doon ang fashion sense ko. I love wearing daring and provocative clothing. I like it when I display my assets, not because of the attention I get but because it makes me feel empowered. I feel like that it gives me more confident and no longer deprived of the capability to express myself. As per my therapist, it's my coping mechanism. And just a phase of my life that will eventually wear-off.

***

"Hi kuya Cedie!" I greeted and kissed him on his cheeks. Pinatawag ako sa opisina nito at may kailangan daw kaming pag-uusapan. Ilang beses na niya akong sinabihan na maging parte ng kumpanya nito pero tinanggihan ko.

Naka-kunot ang noo nito and I can see a distaste on how he looks at me, specifically, the way I dress. I'm wearing an emerald green blazer dress that shows an ample amount of my cleavage. He doesn't like it when I show too much of my skin. He did not give any remark though. Because we talked about this numerous times and I was firm with my stand. This is my body and I will wear whatever I want. He doesnt really know where I'm coming from. They didn't know what happened that night. And I wanted it to stay that way. He hugged me and kissed me on my head instead.

"How's your taping, little sis?" malambing nitong tanong. "I watched yesterday's episode." hindi talaga ito nanonood ng mga palabas sa t.v pero pinapanood nya ang teleserye ko. "Galing mong umarte ah, daig mo pa si Teri Aunor, este Nora Aunor."

"I know right. G na G na naman sa akin ang mga tao, for sure."

"And I'm so proud of you. You've come a long way."

"Thanks kuya! Hutkinson yata ako." at  ginulo lang nito ang buhok ko.

I sit on the couch and cross my legs. I can't help but to yawn. Galing pa din ako sa taping ng isang pelikula. "So ano ang atin?"

Lumapit ito sa kinauupuan ko at tumabi sa akin. Isinandig nito ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi ko maiwasang hindi pumikit. "You tired?

"hmm"

He's really the sweetest.But for some reason, I can feel that he has changed after he came back from an almost a year of staying abroad. Nawala na ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata. Mapagbiro pa din naman minsan pero parang nawalan na ng buhay ang kanyang mga ngiti.

"I'm taking a break." he said.

Napamulat ako at agad na umalis sa dibdib niya at hinarap siya. "What do you mean you're taking a break?"

"I'll go on hiatus. Will be on indefinite leave."

"For what? I mean, CEO, magbe-break? Pwede ba yun?" natawa ito.

"Of course. I'm still a human, you know. Mukha lang akong anghel pero tao talaga ako. And I don't work for money. Money works for me."

"But why?"

"I just need... I will search for Elisse." anito at nabalutan ng lungkot ang mga mata. "Babalik akong America."

"Wow. Sana all, hinahanap. Char."

"Tss."

"But seriously kuya, why? Hindi ba, iniwan mo siya? Dahil si Marielle and mahal mo?"

"That's what I thought also." he heaved a deep sigh.

"Ugh! Ang gulo mo naman. So pag di nag-work sa isa, dun naman sa isa? God! Di laruan ang mga babae. Make up your mind!" naiinis kong sabi sa kanya na sinagot lamang nito ng tawa at iling.

"It's not what you think, Yanna. I'll explain it to you better, once it gets less complicated."

"Ugh. Whatever. You're a playboy, anyway."

"Aray naman. Hindi mo ginagalang si kuya ah." angal nito. "Correction. Retired playboy."

"Retired my ass."

"Language, missy." inirapan ko lang ito.

"So who will manage your companies? I mean, basta mo na lang iiwan? And no, I'm not interested." Bukod kasi sa real state, marami pa itong negosyo.

"Well, I have my trusted people. I have my brothers with me. They will take turn in managing my businesses.

Oh. His brothers. Raegan, Dimitri and D... the devil. Napaismid ako.

"Are you gonna be fine ?" he asked. Worried was on his face.

"Of course!"

Nakarinig kami ng pagkatok mula sa pintuan. Inuluwa noon si Myla, sekretarya ni kuya.

"Sir, nandito na po ang mga bisita n'yo." she informed.

"Sina Raegan ba?" Napaayos ako ng upo at naging alerto.

Shit!

"Yes, sir."

"Let them in."

Rinig ko ang mga papalapit na yabag. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Handa na ba akong makita siya? Tatlong taon na ang lumipas. At hindi na ako ako ang dating Alyanna. Wala na akong pakealam sa kanya. At oo, handa na ako.

"Hey buddy! Been a while." wika ng pamilyar na baritonong boses. 

At nasalubong ko ang pamilyar na mga matang iyon. Napapikit na lamang ako.

"Yanna?" anas ng lalaking iyon.

************************************
A/N: Nakakapag-update lang po ako if kaya ko ng oras ko. And yes, I love cliffhangers. 😂

Continue Reading

You'll Also Like

3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.7M 66.1K 54
Secretary Series #1 (UNDER REVISION) Natasha Skye Aragon hates Kai Mikaelson Hiddleston for being a playboy; she would rather date a not-so-good-look...
13.1K 490 30
Calderon Series #2 Bisaya | Completed Started: August 31, 2020 Ended: September 21, 2020
2.1K 73 54
Warning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 2: Mr. Left After trying to commit suicide, Sheen May Velasco discovered that her father was planni...