Finding Ms. Right

By micmiclet

28.2K 903 23

Si Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinanini... More

FINDING MS. RIGHT
Chapter 1: Crossed Paths
Chapter 2: Hater of Feminines
Chapter 3: Problems
Chapter 5: Contract Signed
Chapter 6: Mr. Bwiset
Chapter 7: Ran Away
Chapter 8: Yasmine Dorrible
Chapter 9: Feeling Close
Chapter 10: Sick
Chapter 11: Phone Calls
Chapter 12: Leaving AU
Chapter 13: Another Deal
Chapter 14: Second Mother
Chapter 15: Section C
Chapter 16: Unexpected
Chapter 17: Aileen Cordova
Chapter 18: New Friend
Chapter 19: Simple
Chapter 20: Love
Chapter 21: Feeling Guilty
Chapter 22: Stupids Under the Rain
Chapter 23: Peace Offering
Chapter 24: Real You
Chapter 25: Saving Her
Chapter 26: Threat
Chapter 27: Fight
Chapter 28: Worried
Chapter 29: Happiness
Chapter 30: Past of the Second Mother
Chapter 31: Knowing the Past
Chapter 32: Insulted
Chapter 33: Listen
Chapter 34: Forgiveness and Thank You
Chapter 35: Dream and Painting
Chapter 36: Sudden Tutoring Session
Chapter 37: Excellence in Math
Chapter 38: The Cousins
Chapter 39: Goodluck
Chapter 40: Headache
Chapter 41: Real Purpose
Chapter 42: Alone
Chapter 43: Mall Fight
Chapter 44: Meet the Siblings
Chapter 45: Run and Arguments
Chapter 46: Broken Image
Chapter 47: Brothers
Chapter 48: Help Rejected
Chapter 49: Basketball
Chapter 50: Voices
Chapter 51: Blurry Images
Chapter 52: Out
Chapter 53: Check Up
Chapter 54: Acceptance
Chapter 55: Ziana Alvarez
Chapter 56: His Story
Chapter 57: Going Back
Chapter 58: Not For Me
Chapter 59: Fury
Chapter 60: Memories
Chapter 61: Old Self
Chapter 62: Family Hug
Chapter 63: Beside Him
Chapter 64: Fun
Chapter 65: Remember Me
Chapter 66: Wishes, Promises and Memories
Chapter 67: Another Chance
Chapter 68: He Waited and She Tried
Chapter 69: Preparation
Chapter 70: His Miss Right
Last Chapter

Chapter 4: Contract

510 17 0
By micmiclet

JANA

KANINA pa ako naiirita sa babaeng 'toh. Kung ano-ano ang sinasabi puro naman walang sense! Tapalan ko kaya ng packing tape 'yang bibig niya ng matigil siya sa kakadada.

"Paano kung sunugin ako ng buhay ng mga students sa AU? Or paluin nila ako ng tubo tapos magkaroon ako ng amnesia? Paano din kung naghire sila ng mga assasins tapos habang naglalakad ako bigla na lang may pumana sa akin? Or sugudin nila ako ng itak? Oh kaya na-"

"Alam mo ang ganda nang mga suggestions mo? Gusto mo ako mismo gumawa niyan sayo?" I asked and glared at her. Inirapan niya ako at tahimik na nagdasal sa tabi ko na sana makauwi pa siya ng buhay mamaya.

"Ouch! My hair!" binatukan ko na nga, buhok pa ang inalala.

"Ang OA mo naman kasi! Baka nga sa akin pa gawin iyon at hindi sayo! 'Wag kang  OA dyan at baka hindi ako makapagpigil, at ako mismo ang gagawa ng mga iyon sayo" sa wakas ay natahimik na rin siya. Nag-aalala kasi ang gaga dahil on the way na kami papuntang AU. Syempre, ngayon na lang ulit kami papasok matapos nang nangyari. Baka daw isavage siya doon. Eh ano naman? Okay nga iyon at mabawasan naman ng isang tanga ang mundo ngayon. De joke lang!

Sabi niya kasi sabay na kami pumasok dahil natatakot daw siya na baka bigla na lang siyang awayin doon. Para daw kapag nangyari iyon, haharangan ko daw siya tsaka siya tatakbo. Ang galing noh? Ano ako bodyguard? Sarap sakalin.

Kaya ayun, sinundo namin siya ni Kuya Sic sa bahay nila. Nang matanaw ko na ang AU ay napatingin ako kay Lucy. Obvious ngang kinakabahan siya kaya ang ginawa ko? Binatukan siya.

"Aray ko! Ano na naman ba!? You're hurting hurting me na ah!" maarteng sabi niya.

"Ganyan ang ipakita mo. Kapag inaway ka edi manigaw ka! Kung sinaktan ka tarayan mo!" sabi ko at umirap lang siya.

"Bye kuya Sic!" paalam ko at bumaba na kami. Pagbaba pa lang namin ay tinginan na agad sila sa amin. Naramdaman ko naman ang kamay ni Lucy sa braso ko.

Hinila ko na siya papasok at binati pa ako nung guard na para bang nang-aasar. Sarap ipabitay ni manong guard!

"A-ang sama nila m-makatingin" bulong sa akin ni Lucy habang todo kapit sa braso ko. Tsk!

Hindi ko sila pinansin at dumeretso sa classroom namin. Pagkapasok pa lang namin ay nasa amin na agad ang atensyon. Ang sama ng tingin nila sa amin, sa akin to be exact lalo na ng mga babae dito. Samantalang ang iba ay tinitignan ako na para bang ang cool ko at ang iba walang pake.

"Oh? Tinitingin tingin niyo? Gusto niyong dukutin ko mga mata niyo?"

Obvious na nagulat sila sa sinabi ko. Hinila ko na si Lucy at buti na lang talaga at sa likuran ang upuan namin.
Pagkaupo pa lang namin ay nagbulong-bulungan na agad sila. But the hell I care? Kahit iloud speaker pa nila sa buong AU yan wala akong pake.

Syempre, magugulat sila. Like duh! Ito ata ang first time na nagsabi ako ng ganun. First time din na nanuntok ako ng lalaki dito sa school. Umiiwas ako sa gulo kaya nga wala akong record dito pero anong tingin nila sa akin hindi marunong lumaban? Kaya ko sa oras na alam kong kami ang naaagrabyado.

Umiwas ako sa gulo dahil na rin sa pamilya ko. Isa akong Tolentino, isa sa mga mayayamang pamilya sa bansa ngayon at maging sa labas ng bansa at malaking kahihiyan kapag lumabas ang tsismis na ang nag-iisang unica hija ng mga Tolentino ay basagulera, bobo, at walang pinag-aralan. So as long as nakakapagpigil ako, nagpipigil ako. Pero nang dahil lang sa tsunggo na iyon nangyari ito? tsk!

Matalino ako, I know that. Bakit ako mapupunta sa first honor at mukhang gragraduate pa as a Valedictorian kung hindi? Hindi lang sa section namin kundi sa over-all. Hindi lang sa Academics ako nangunguna kundi pati sa Sports. Pero kahit ganun hindi ako nagyabang, kahit alam ko din na di hamak na mas mayaman ang pamilya ko kesa sa mga babaeng sikat dito sa AU ay wala akong ginawa. Like heler? Hindi ako tulad nila. Hindi ko ginagamit ang pangalan ko o ang pera para sa kasikatan. Basta hangga't malinis ang pangalan ko at ng pamilya ko, okay na ako doon.

Kasooo!!! Nangyari ito! Anong gagawin ko? Hayaan na alipustahin ang bestfriend ko? No! Never! Kahit makipagsuntukan pa ako okay lang. Atleast naipagtatanggol ko siya. Ano pa bang aasahan dyan kay Lucy? Anghel yan sa sobrang kabaitan. Pero ako? Hindi ako santo!

Kung gusto ulit ng gulo ng Zild na iyon. Aba! Hindi ko siya aatrasan.

"Ang lakas ng loob suntukin si Zild. Para namang may laban siya"

"Oo nga! Baka naman di siya aware na Alvarez ang kinalaban niya?"

Agad akong napatingin sa dalawa kong kaklase na babae na nagbubulungan pero naririnig naman? Pareho ko silang tinaasan ng kilay. Nag-iwas naman sila ng tingin at napalunok. Wala pa akong ginagawa nun huh!

"Ang taray taray mo na. You stop that na nga!" napairap pa ako ng maging conyo ang pananalita ni Lucy. Ganyan naman talaga siya magsalita kaso nagiging puro tagalog or english kapag seryoso siya masyado.

"Hayaan mo sila. Wala pa nga akong sinasabi o ginagawa natatakot na sila agad. Subukan ulit nila magsalita at pupulutin ko mga dila nila" sabi ko at sinadya kong iparinig 'yun sa dalawang babae na ngayon ay nakita kong nanginig. See? Wala pa akong ginagawa kinakabahan na sila. Ilang taon na din akong nagtiis sa mga pagtataray nang mga 'toh noh!

Umiwas ako sa mga gulo noon but it doesn't mean na hindi ako nakaranas ng pangbubully. Syempre ako ang talagang ibubully kasi nga hindi ko sila pinapatulan. Pero ano sila ngayon? Daig pa ang kiti-kiti sa paggalaw at panginginig. At some point, para na rin akong nakaganti.

Ilang saglit pa narinig na namin ang bell at sakto din na pumasok ang Adviser namin, si Sir Dela Vega. Binati niya kami at ganun din kami. Nakita ko pang napatingin siya sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin. He asked me kung bakit kami nag-absent so I said na masama ang pakiramdam ni Lucy then may kinailangan lang akong asikasuhin. That's not a lie naman diba? Masama pakiramdam ni Lucy dahil sa tsunggo na iyon at inasikaso ko naman siya para mapagaan ang loob niya.

Tahimik lang kaming nakikinig lahat. Nah, I mean ang iba. 'Yung iba kasi obvious namang nagsecellphone ng patago, iyong iba naman naglalandian, iyong iba may sariling mundo at iyong iba nakikinig, tulad ko. At si Lucy? Ayun, nagi-sketch lang sa drawing pad niya ng kung ano-ano. Actually, magaling siya. Sobra. Kung makikita niyo lang ang mga drawing niya mamamangha ka. Kaso nga lang! Masasakit sila sa mata! Paano ba namang hindi eh puro mukha ng tsunggong yon ang nasa drawing pad niya? Mukha tuloy siyang obsessed na obsess sa lalaking mukhang paa na iyon.

Napatigil naman si Sir nang biglang bumukas ang pinto ng classroom namin na malakas pa ang pagkakabukas at iniluwa ang mga ungas na akala mo kung sino. Sino pa ba? Edi iyong apat na ugh

"M-Mr. Alvarez? Anong kailangan mo?" tanong ni Sir Dela Vega at obvious naman na kinakabahan. Kitang kita ko ang tsunggo na iyon habang nasa likod naman niya iyong tatlo niyang kaibigan. At ang loko, hindi man lang sinagot si Sir at tumingin lang sa buong classroom. Rinig na rinig ko pa ang tilian ng mga classmates kong babae ng magwink si Jay sa kanila at ngumiti naman iyong dalawa.

"J-Jana.. " napatingin ako kay Lucy. She looks nervous. Oo nga pala, mahal niya daw diba? Tsk!

Nang tumingin ako sa kanila ay nagulat ako ng makitang nakatingin siya sa akin. Problema nito? Ngumisi pa siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"You'll come with us" I frowned. Bat ako sasama sa kanila?

Kinulbit ko iyong babae sa harap ko bago nagsalita. "Tawag ka oh. Sama ka daw sa kanila" sabi ko na mukhang kinalito pa niya. Inirapan ko siya at binuksan ang libro sa desk ko at nagkunwaring nagbabasa.

"Hey! Narinig mo ba si Zild? Sumama ka sa amin!" rinig ko ang boses ni Jay pero hindi ako nag-angat ng tingin. Pake ko ba sa kanila?

"Jana? I think you should come with them" napa-angat lang ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi ni Sir. Ako ba talaga?

I cleared my throat bago magsalita. "Ako?" turo ko pa sa sarili ko.

"Kanino ba kami nakatingin? Diba sayo? Malamang edi ikaw! Are you that stupid or you're just blind?" nang-aasar ba ang tsunggong ito? Naramdaman ko ang simpleng pagsipa ni Lucy sa upuan ko saying na sumama ako but I didn't mind.

Prente akong naupo sa upuan ko at pinatong ang ulo ko sa kamay ko tsaka siya nginisian. "You guess... "

"Aish! Sumama ka na lang!" inis na sabi ni Darren. Napangisi pa ako.

"Ano bang kailangan niyo? Sabihin niyo na nang makalayas na kayo. Istorbo kayo eh" sabi ko with hand gestures pa. I saw Zild turned his hands ito fists at mukhang nagpipigil ng galit. Ilang segundo pa kaming nagtitigan at palipat lipat lang ang tingin ni Sir at ng mga kaklase ko sa amin. I heard him sighed then he smirked.

"Just tell us kung ayaw mong sumama. It's either you'll come with us or ang Dean mismo ang susundo sayo? Which one do you like?" nawala ang ngisi ko. D-dean?

"Tinatakot mo ba ako?"

He smirked. "Nope, I'm just telling you a warning. Oh? Pili na"

Tinignan ko si Lucy and she smiled at me. Tumingin ako kay Sir at tumango lang siya. Ano pa bang magagawa ko?

"Tsk!" padabog akong tumayo at nakita ko ang pagngisi nung apat. Inirapan ko sila tsaka ako sumunod sa kanila. Saan ba kami pupunta? Sabihin lang nila kung irerape nila ako para mawarningan ko na silang umatras bago ko pa maputol ang mga kaligayahan nila. Aish! Ang laswa kong mag-isip.

"Saan ba kasi tayo pupunta!? Mga istorbo kayo kita nang may klase pa ako!" sabi ko kaya napalingon sila. Bigla namang pumunta sa magkabiglang gilid ko sila Jay at Inigo.

Magsasalita pa lang sana ako pero inunahan na nila ako. "Baka kasi tumakas ka" sabi ni Inigo kaya inirapan ko siya. Mukha ba akong tatakas? Pwede rin kung nonsense din lang naman ang sasabihin nila.

Nagtaka ako ng tumigil kami sa tapat ng isang classroom dito sa highschool department ng AU. I know this one, hindi na ito ginagamit para sa mga classes pero minsan ginagamit ito kapag may mga student meeting. Anong ginagawa namin dito?

Tinulak nila ako papasok kaya no choice. Nilock ni Jay yung pinto tsaka ako nginisian ng sobrang creepy. I just rolled my eyes on him at tumingin 'dun sa tatlo sa harapan ko. Tumabi rin naman si Jay sa kanila.

"Oh? Ano bang sasabihin niyo? Sabihin niyo na!" may halong inis na sabi ko. Nakakabwisit na ang apat na ito ah!

"Let me ask you first, do you know me?" tanong niya.

"Zild Jian Alvarez" tipid kong sagot sa kanya and that made me shiver, kakakilabot banggitin ang pangalan niya.

"At alam mong may atraso ka sa akin diba? You punched me" tinaasan ko siya ng kilay.

"I wouldn't do that kung hindi mo pinahiya ang bestfriend ko. And oh, I don't regret anything about what I did" sabi ko sa kanya. Mukha namang nagpipigil naman siya ng galit. "Ano ba kasing kailangan niyo? Sabihin niyo na ng makaalis na ako!" I demanded. Nakakainis naman kasi. Hindi pa lang sabihin para matapos na.

"Read this" tsaka siya may inabot na papel sa akin. Para matapos na ito ay kinuha ko na iyon at padabog na binasa.

My brows furrowed. Ano 'to?

Finding Ms. Right contract

I, Jana Lyn Tolentino promise to help the very handsome, rich, and intelligent Zild Jian Alvarez to find the perfect girl that she will love. I will do that as a punishment for punching his handsome face infront of everyone. I will find that perfect girl for him in three months.

If I signed this contract, I will agree in every conditions that he will say.
No complains, just follow.

If I quit, I will be his slave for 2 years.

If I failed, I will receive three big punishments from him and that includes, that I and Lucy Mendoza, will be kick out from Alvarez University.

And if I succeed, I can ask any reward from him. ANYTHING.

All I need to do is to find that girl and make sure, that he will deeply fall in love with her.

Continue Reading

You'll Also Like

19.7K 667 34
Paano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
7.8M 174K 57
Good and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pangako rin na matutu...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.