ZILD
I throw everthing na mahawakan at makita ko. Galit na galit ako ngayon!
"Hindi ba natin siya pipigilan? Baka masira niya lahat ng gamit dito sa tambayan natin"
"Hayaan mo siya magwala. As if papapigil yan"
"Nagwawala kasi nasuntok! Hahaha!"
"Oy wag ka nga Jay, hindi ka nga rin umubra dun sa babae kanina"
"Hoy! Pinagbigyan ko lang yun! Kawawa naman kung pinatulan ko"
"Oo na lang"
I glared at those three and they immediately shut their mouths. Magbubulungan na nga yung naririnig ko pa.
"Hindi matatawag na suntok iyon! Sobrang hina kaya!" sigaw ko sa kanila.
"Weh? Naghalikan nga kayo ng sahig eh!" mabilis kong hinablot ang mga cd ng video games at binato kay Jay.
"Shit!"
"Shut up or I'll break your neck" I said and threw a dagger look.
Damn that girl! Anong karapatan niyang suntukin ako!? Alvarez ako! Alvarez! At isa lang siyang hamak na estudyante dito tapos ang lakas ng loob makipagsagutan sa akin! I will surely make her pay for making me look funny infront of everyone.
~~
Dahil sa sobrang badtrip ko sa nangyari kanina. Buong araw akong tumambay sa tambayan namin at hindi na umattend ng classes. Hindi rin naman nila ako papagalitan. I can do whatever I want to do in this school and they can't do anything about that. Subukan lang nila at gagawin kong impyerno ang buhay nila.
Pagkauwi sa bahay ay sinalubong ako agad ng mga bubwit.
"Kuya! Kuya you're here!" masiglang bati sa akin ng 6 years old kong kapatid na babae.
"Kuya!" akmang yayakap naman sa akin ang isa ko pang kapatid na 3 years old na lalaki pero umiwas ako agad.
"Stop pestering me kids" I coldly said at umakyat na sa kwarto ko. Nanlumo ang mga mata nila at narinig ko ang pag-iyak nila ng paakyat na ako. Napaismid na lang ako. I don't care if they cry or kill theirselves right at this moment. Magkadugo lang kami pero hindi ko sila tinuturing na kapatid. Bahala sila sa buhay nila.
Kakahiga ko pa lang sa kama ay may kumatok na agad sa pinto ng kwarto ko. I didn't mind at nanatiling nakahiga.
Narinig ko na lang ang pagbukas non at napatayo ako ng makita ang mayordoma ng bahay na ito.
"Zi-"
"Who gave you the rights to enter my room?" nakita kong sandali siyang napalunok ng tinignan ko siya ng masama. "Leave" tipid kong utos sa kanya.
Narinig ko siyang bumuntong hininga at palabas na sana ng lumingon siya sa akin.
"Alam ko naririndi ka na sa mga sinasabi ko pero uulitin ko ulit sayo. Walang kasalanan ang mga kapatid mo sa mga nangyari noon kaya sana bigyan mo ng chance ang mga bata at ang sarili mo na malapit sayo. They want to be close to you and why don't you give them a chance?" she said ang smiled at me before totally leaving my room.
"Sana ganun lang kadali iyon Yaya Cassy" I murmured.
Humiga ako ulit and took a deep breath. I really hate girl, ladies, and women. Mga pasakit lang sila sa lipunan at ang alam lang nilang gawin ay saktan ang mga lalaki.
Ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, nandito pa rin yung sakit .
***FLASHBACK***
"Mom! Please! Don't leave!" I said begging my mother not to leave.
"Zild, let her" malamig na sabi sa akin ni Dad na nakatayo lang sa isang sulok habang pinipigilan ko naman si Mom na iwan kami.
"No! Let's stop her dad! Hindi niya tayo pwedeng iwan!" pero tuloy tuloy ng nagbagsakan ang mga luha ko ng unti-unting inalis ni Mom ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya.
She ran towards the door but after totally leaving, she looked at me.
"Take care of your siblings anak. I love you and always remember that" tsaka siya tumakbo ulit at sumakay ng taxi paalis.
"Mom!"
***END OF FLASHBACK***
I begged. Pero umalis pa rin siya. At ang nakakatawa pa, sinabihan niya akong alagaan ang mga kapatid kong iniwan niya. Why would I do that? She left and left her children behind tapos sa akin niya iaasa? Shit lang!
After niyang ipanganak si Zian ay iniwan niya rin kami. Zynell was just a 3 years old kid back then pero tulog silang dalawa ni Zian ng umalis ang babaeng iyon. And si Dad? Hinayaan niya lang na umalis siya.
Marami nang babae ang nanakit sa akin noon pero hindi ko sila kinamuhian dahil akala ko may isa pang babae na matitira sa tabi ko but to no avail, she left us three years ago at ang ina pa talaga namin mismo.
Pero may nangyari pa noong 9 years old ako. I was kidnapped by my own yaya in that age. May mga kasabwat siya at humingi sila ng isang milyon kay nila Dad. I just can't believe that in all people, yung taong nag-aruga sa akin simula pagkapanganak ay gagawin sa akin iyon dahil lang sa pera. Nang makuha nila ang gusto nila, pinakawalan nila ako. And thankfully nahuli siya pati mga kasabwat niya na mga anak niya pala. But Dad and Mom let it passed when Yaya Cassy begged for her sister's freedom. Yes, magkapatid sila kaya nga galit din ako sa kanya at hanggang ngayon nandito pa rin siya sa bahay. Pero kinailangan munang ibalik ng masama kong Yaya noon ang pera para pakawalan siya. She apologized to me but because of great anger, I shouted the words 'I Hate You!' at tumakbo palayo sa kanila. After that, hindi ko na siya ulit nakita.
2 years ago, I met a girl and I badly fell inlove with her. Pero gaya ng yaya at ni Mom, she also left me at pinagpalit sa iba na siya daw mahal niya. It sucks right?
So tell me, how the hell na hindi ako magagalit sa mga babae kung ganun lang ang ginawa nila sa akin? They're demons!
I slowly shook my head and stood up. Pupunta na lang ako sa bar nila Darren para maglasing at mag-isip ng paraan kung paano ko gagantihan ang babaeng yun!
"That Lesbi" naibulong ko na lang. Actually, she doesn't look like a lesbian but what kind of girl will have the guts to punch a guy's face? Tomboy!
I was about to leave the house when I heard my Dad's voice.
"Where are you going?" boses pa lang talaga niya nakakakilabot na.
"Somewhere" sabi ko ng hindi siya nililingon at aalis na sana ng magsalita ulit siya.
"You can't leave. I have to talk to you Zild" sabi niya at narinig ko na ang mga yapak niya. I sighed and followed him in his office. Ngayon ko lang napansing gabi na pala.
"What is it?" inip na tanong ko pagkaupo ko sa office niya. Were not in good terms dahil galit din ako sa kanya.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa" then he looked at me seriously na nagbigay ng kunting kaba sa akin. "You need to marry someone after three months Zild. I know you don't have any girlfriend right now kaya ako nang bahalang maghanap ng babaeng mapapangasawa mo. Actually, may nahanap na nga ako" napatayo ako sa kinauupuan ko ng sabihin niya yan.
"What!? W-wait no! Hindi pwede!" sigaw ko.
"Don't shout. It's for our business Zild and my decision is final" I changed my hands into fist. This man is really heartless.
"I won't marry someone that I don't love" hindi ko alam kung saan ko nakuha iyon pero nasabi ko na lang bigla. My Dad smirked at me.
"Then, I'm giving you three months to find that girl that you will love at ipapakilala mo siya sa akin sa pagbalik ko. Kapag wala, then papakasalan mo ang babaeng napili ko para sayo. Is that okay with you?" hindi ako nakasagot sa tanong niya. He stood up at doon ko lang napansin ang mga bagahe na nasa isang sulok.
"I will go to Italy and stay there for almost three months. Take care of Zynell and Zian and don't forget ang napag-usapan natin Zild" then he left.
Nakakuyom lang ang mga kamao ko hanggang sa narinig ko ang makina ng kotseng papaalis. Hindi na ako nagulat na kadadating lang niya ay aalis na naman siya and his favorite order, ang alagaan ang mga bubwit na iyon. They care for my siblings but not for me. But the hell I care? Magsama-sama sila.
Problema na nga ang babaeng iyon tapos may problema na naman. I'm just a 4th year highschool then he wants me to get married? Damn that old man!
I dialed Darren's number and he immediately answered my call.
"Yo bro! May kailangan ka?"
"Tawagan mo yung dalawa then let's all meet in your bar. Maglalasing tayo"