She Stole The Gay's Brief (Co...

Per eommamia

104K 4.8K 708

"All she wanted was to be genuinely cherished." Others see Ara Cee Concepcion as nothing more than a spoiled... Més

SSTGB : Prologue
SSTGB 2 : The Past
SSTGB 3 : Curiosity
SSTGB 4 : Stupidity Because of Love
SSTGB 5 : Pamenthol
SSTGB 6 : Overheard
SSTGB 7 : Bistado
SSTGB 8 : Ara Version 5.0
SSTGB 9 : Owned by No One
SSTGB 10 : The Game Started
SSTGB 11 : Ang Sagot ni Marcus
SSTGB 12 : Surprises
SSTGB 13 : Rivalry
SSTGB 14 : Fooled Once Again
SSTGB 15 : Happy Pill
SSTGB 16 : Real Love
SSTGB 17 : Liberation of the Heart
SSTGB 18 : New Friend
APPRECIATION! ❤
SSTGB 19 : First Real Love
SSTGB 20 : Terrified
SSTGB 21 : Be Happy
SSTGB 22 : The Date
SSTGB 23 : Tears and Fondness
SSTGB 24 : Gusto Kita
SSTGB 25 : When Jealousy Hits You
SSTGB 26 : Together Again
SSTGB 27 : Gayuma
SSTGB 28 : Blessed
SSTGB 29 : Secret Revealed
SSTGB 30 : See You Again
SSTGB 31 : Messages
SSTGB 32 : Nightmare
SSTGB 33 : Grab The Opportunity
SSTGB 34 : Friends
SSTGB 35 : Phonecall
SSTGB 36 : The Kiss
SSTGB 37 : The Last Day With You
SSTGB 38 : Fight For Our Love
SSTGB 39 : Mine Again
SSTGB 40 : Confrontation
SSTGB 41 : Game Over
SSTGB : Epilogue

SSTGB 1 : Ara Is A Star

5.9K 160 55
Per eommamia

CHAPTER 1
Ara is a Star

ARA'S POV

Kasalukuyan kong inilalagay ang liquid eyeliner sa upper eyelids ko. Talagang super maingat ako para maganda iyong pagkakalagay nito. First time ko rin kasing maglagay nito kaya dapat bongga! 18 na kasi ako kaya ang sabi ni Mommy okay na na magmake-up ako. Yeeey!

“ARA!”

“Ay, kambing—oh, my gosh! OH, MY GOSH! ANG HAPDI NG MATA KO, BROOO!”

Narinig kong bumukas iyong pinto at patakbo akong pinuntahan ng dalawa.

“Ara, what's wrong?” nag-aalala talagang tanong ni Kuya Aaren.

Nakapikit pa rin ako dahil ang hapdi talaga ng kaliwang mata ko!!

“Sino ba kasi 'yong wagas kung kumatok at wagas kung makatawag ng pangalan ko?! Alam mo bang nagulat ako kaya napasok sa mata ko 'yong liquid eyeliner?! Ang hapdi!” pagrereklamo ko pa habang patuloy kong kinukusot iyong mata ko.

Ayoko nang maging ma-arte! Lintik na eyeliner!

“It was Arnold, Ara. I told him to just knock calmly, but he's really so aggressive this time,” sagot naman ni Kuya Aaren.

Pinilit kong ibuka iyong mga mata ko, pero ang hapdi talaga ng isa kaya para tuloy akong nakakindat ngayon! Mukha pa naman akong tanga kapag nakakindat. Iyong halatang hindi marunong at pumapanget talaga iyong itsura. Tsk. Feel me?

“I just hate what I've heard in school, Bro! Ara's the hot issue again,” asar niyang sabi.

Ano na naman kayang issue iyang sinasabi niya? Muhang badtrip talaga si Kuya, eh.

“Ikuha ni'yo nga muna ako ng tubig,” utos ko pa at nag-unahan naman silang lumabas.

Mamaya ay makarinig na naman ako ng nahulog sa hagdanan, kasalanan ko na naman. Tsk! Itinigil ko na rin iyong pagkusot sa mata ko at nanatili lang akong nakapikit.

“Here!”

Agad na inilagay ni Kuya Aaren ang isang maliit na palanggana at si Kuya Arnold naman ay ibinuhos doon agad ang bitbit na pitsel ng tubig. Napakabait ng mga Kuya ko, damn!

“ANO BA 'YAN!” inis kong sabi nang paglublob ko roon ay pakiramdam ko namanhid iyong buo kong mukha sa sobrang lamig!! “BAKIT ANG LAMIG NITO, BRO?!” tanong ko kay Kuya Arnold at hindi ko alam kung bakit natatawa sila.

Nang makita ko iyong sarili ko sa salamin ay parang umiyak ng kulay itim iyong talukap ko. Ang pangit!!

“Hoy, bakit nga?!” tanong ko na naman.

Naupo siya sa may kama ko while his arms were crossed. “Ang sabi mo lang tubig. You didn't say if it should be warm or not,” sagot niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Inihilamos ko na lang din iyong sobrang lamig na tubig. Wala na, eh naumpisahan na kaya tatapusin ko na lang.

“Ano ba 'yong issue?” tanong ko sa kanila habang pinupunasan ko iyong mukha ko gamit ang ibinigay na towel ni Kuya Aaren.

Yiiiee, buti pa ang isang ito napakabait lalo na kapag may ka-date siya tapos hindi niya bet, pinapapunta ako agad at sinasabihan niya akong tarayan iyong babae para magalit at mag walk out, minsan gumagana naman.

“Marcus and Alex broke up,” ani ni Kuya Arnold.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng kasiyahan sa katawaan ko papunta sa labi ko dahil ngiting-ngiti ako ngayon at kumikislap iyong mga mata ko nang mapatingin ako sa kanya.

“You look so strange, Ara, stop showing us your dirty puppy eyes,” dagdag niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin, pero walang effect!“Don't be happy, ikaw 'yong sinasabing reason ni Alex kaya sila naghiwalay,” aniya.

Nakakunot iyong noo ko nang muli ko silang tiningnan. “At bakit ako? Inaano ko ba sila?” takang tanong ko.

“Alex spreads that you're flirting with Marcus.”

Halata talagang galit si Kuya Aaren dahil umuusok iyong ilong niya at namumula iyong tenga niya.

“Sus! Isa talaga siyang crazy, insane, baliw, tanga, stupid, fool, noob, idiot! Hindi na naman 'yan bago, 'no,” sagot ko at agad kumunot ang kilay nila. “Bro, I've been super maharot kay Marcus, dapat nag-isip siya ng ibang reason kung ba't sila naghiwalay. Dinadamay niya na naman ako. Lagi na lang. Kapag nag-bi-break si Marcus at 'yong girlfriend niya ako lagi 'yong rason, ako lagi 'yong nakikita. Am I that gorgeous, Bro?”

Hindi si sumagot si Kuya Aaren, nanatili siyang walang ekspresyon sa mukha. Tsk! Nilingon ko si Kuya Arnold na agad umiwas ng tingin sa akin.

“Ayan! Diyan kayo magaling! Kapag nasasabihan akong panget ng mga insecure b*tches around the world kung makareak kayo, wagas! Halos maubos lahat ng mura, pero kapag ako nag self-proclaimed na maganda ako hindi kayo sumasang-ayon!”

Napaawang iyong bibig ko nang makitang tinatakpan nila iyong tenga nila!! Nakakainis!! Dati-rati sinasabi nila na ang ganda ng boses ko tapos ngayon ginaganito nila ako? Sh*t naman, dumudugo iyong puso ko!

“Stay away from Marcus, Ara,” biglang sabi ni Kuya Arnold. Napasimangot tuloy ako agad.

“Bakit naman? Ngayon ko pa siya lalayuan kung saan sobrang in love na in love na in love na in love na ako sa kanya? Bro, naman!” pagrereklamo ko pa, pero wala na naman siyang reaksyon. “Akala ko ba suportado ni'yo ako, ha?”

“We're supporting you, Ara, pero 'yong ikaw lagi ang dehado, ikaw lagi ang binubuntungan ng galit ng lahat, hindi na 'yan maganda,” sagot naman ni Kuya Aaren.

Super sincere talaga iyong pagkakasabi niya, pero ayoko talagang lumayo kay Marcus.

“Bro, I am so in love with him. He makes me happy, he makes me feel so motivated, kaya bakit ko siya lalayuan, 'di ba?” tanong ko naman at pareho silang napailing. “Brothers, please, hayaan niyo na ako kay Marcus tapos kayo nang bahala sa mga bashers ko, ha? Ha? I love you!” tapos humalik ako sa pisnge nila at umupo sa gitna saka ko sila inakbayan.

Bumuntong-hininga si Kuya Arnold. “Fine, Ara, pero, kapag sinaktan ka ng gunggong na 'yon mabubura 'yon sa buhay mo, I swear,” aniya.

Napalunok ako agad! Diyos ko! Super seryoso niya, hindi ito madadala ng charm ko.

Mas pinili ko na lang na hindi sumagot para wala ng kasunod na linya baka mas lalo lang akong kabahan, eh.

***

Nasa school ako ngayon at talaga namang artista ang peg ko. Ara Cee Concepcion is a star, indeed! I'm the center of attention at pangiti-ngiti lang ako. Dapat maging humble pa rin ako, kinakailangan ngitian ang mga bashers at fans.

“ARABELLS!” sigaw pa ng tatlo kong Angels.

Humalik ako sa pisnge nila saka ko sila niyaya papuntang classroom.

“Hoy, hindi ka man lang ba maiilang sa nakakamatay nilang tingin?” tanong pa ni Anikka habang naglalakad kami at agad akong umiling habang nakangiti.

“Ba't ako maiilang? Nakasanayan ko na 'yan,” sagot ko.

Bigla kaming napatigil nang may humarang sa daan.

“Hi, Alex,” masayang bati ko kaya mas lalong umapoy iyong mga mata niya. “Chill. The weather's too good to have a bad mood, Alex,” nakangiti kong sabi.

“Wala ka talagang kahihiyan sa katawan, no?” medyo galit niya ng tanong. Mukhang iyong isa niyang kilay ay aabot na sa hair line niya at any time, eh.

“Bakit naman ako mahihiya, Alex, ako ba 'yong binreak?” nakataas na rin iyong kilay ko at nagsusukatan na kami ng tingin.

Idinuro niya ako habang umuusok na iyong ilong niya. “He broke up with me because of you, B*tch!” sigaw niya.

Galit na talaga siya. Inaano ko ba ito? Tsk!

“Hoy! Sa pagkakaalam ko ay nasakal mo na si Marcus kaya huwag mong isisi sa'kin na naghiwalay kayo. Kung hindi ka lang kasi nasobrahan sa pagiging haliparot mo sa kanya, edi sana nagtagal pa kayo ng two-weeks, G*ga!” nakapaglitanya pa ako ng wala sa oras. My gosh!

Akmang hihilahin niya iyong buhok ko, pero agad humarang si Chandra. “Sige, ituloy mo. Lilipad ka ngayon,” pananakot pa niya.

Hmm. Sa laki ni Chandra ay tiyak lilipad talaga ang tikling na ito. Exciting!

“Magsama-sama kayo! Mga babaeng maharot!” asar niyang sabi saka siya umalis kasabay ang kaniyang dalawang walang kwentang kaibigan.

“Bumaliktad pa 'yong world, ha,” usal pa ni Clara at nagtawanan lang kami saka kami muling nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kami sa classroom at hindi pa nga kami nakakaupo ay nagsigawan na ang lahat.

Oh, my gosh! My Marcus! He's coming!

“Si Ara?” tanong niya habang nakasilip sa may pinto.

Itinaas ko naman iyong kamay ko at nakangiti niya akong nilapitan.

“Here,” he handed me a cute Hello Kitty keychain.

Tinanggap ko na lang kahit Panda talaga iyong gusto ko. Mas lumapit pa siya sa akin at alam kong namumula na ako!

“Thank you sa 500 pesos na load,” bulong niya and take note the sexiness in his voice!

Oh, my gosh!

Kung ganito lang naman ay araw-araw ko na siyang lo-loadan! Yiiieee!

Ang saya-saya ko na nakangiti niya akong tinititigan ngayon. Mas lalo tuloy akong nahuhulog. My gosh!!

Continua llegint

You'll Also Like

161K 3.6K 33
Paano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is alread...
107K 9.1K 44
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
113K 3.4K 26
Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Butiki, Baboy. Isang kwento ng isang bakla at isang tomboy, at kung paano sila naging magkaibigan at naging magka-ibigan???