Taming My Ruthless Husband (R...

De catleidy

6M 103K 25.4K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... Mai multe

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 12

117K 2.1K 507
De catleidy

A/N
I wrote this story years ago and really tried my very best to pull it off until the end. But re-reading it now, I decided to modify some parts of story. I'm still a newbie to this field  so don't expect too much as this may have lot of plot holes. If my way of writing and the plot itself make you cringe, feel free to stop reading it. I still have a lot to improve but I'll take my sweet time.And again, this is not for minor.

******

Ilang oras akong hindi lumabas ng kwarto. Baka andun pa kasi si Drake. Bigla talaga akong natakot sa maaaring gawin niya sa akin.

Mukhang hindi na din matutuloy ang balak kong pagpunta kay mama. Siguradong magagalit si Drake sa akin dahil hindi ko siya mapagbigyan sa gusto niya.Hindi puwedeng ganito ako. Dapat kong ibigay ang gusto niya dahil kung hindi, lalo niya akong kamumuhian. Hindi niya ako magagawang patawarin.

Dinner came and I did not see any trace of him. It has been hours since the last time I saw him.

Miss ko na ulit siya. Mukhang nabawasan na ang takot na nararamdaman ko sa kanya at mas nangingibabaw ang pananabik ko. Hindi ko na maintindihan ang dapat kong maramdaman.

Nagising ako ng bandang alas tres ng madaling araw. Naisipan kong silipin siya sa kanyang kuwarto pero wala pa din siya.

Nakatulog na ako't lahat ay hindi pa din siya dumadating. Baka na kay Tracy. Sa isiping yon ay biglang sumikip ang dibdib ko.

Napagpasyahan kong bumaba at kumuha ng tubig sa kusina.Habang binabaybay ko ang hagdanan ay sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero nakapatay ito.

I heaved a deep sigh.

Ano bang ineexpect ko? Hindi ko maibigay ang gusto niya kaya paniguradong sa ibang kandungan siya maghahanap.

Asawa niya ako kaya responsibilidad kong tugunan lahat ng pangangailangan niya.

Wala sa loob na binuksan ko ang freezer para tingnan ang pede kong lutuin sa umagahan.

Kinuha ko ang lalagyan ng icecream para tingnan ang isdang laman neto.

Pero namangha  ako nang makitang hindi isda kundi totoong icecream.

Nagmamadali akong kumuha ng lagayan at kutsara. Napagpasyahan kong sa veranda na konektado sa kuwarto ko ako kumain. Konektado din ito sa kwarto ni Drake. Hindi ko na pinagaksayan ng oras na buhayin ang ilaw.Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw.

Feel na feel ko ang pag momo-moment ko sa takip-silim.

I know it's kind of weird na kumain nito sa oras na ito pero hindi ko talaga mapigilan.

Inumpisahan ko nang lantakan ang icecream na nasa harapan ko.

"Grabe! Ang sarap naman neto!" Napapapikit pa ako habang ninanamnam ang pagkain ko. Ramdam ko ang lamig sa aking lalamunan gayondin ang lamig ng simoy ng hangin.

"Seriously? At this hour, you're eating that?"

"Ay baklang bakulaw!" Nabigla kong bulalas nang may nagsalita sa aking kanan. Hawak ko pa ang dibdib ko at naitapon ang kutsarang may lamang icecream at nailuwa ko din ang nasa bibig ko. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

"Bakit ka ba nangugulat, Drake?! Ano bang ginagawa mo dyan sa dilim?!" Hindi ko maiwasang bulyawan siya. Eh kasi naman basta na lang magsasalita.

"Tss.."

"Hmp. Eh ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko para maghanap ng tissue. Nang makita ay pinunasan ko ang bibig at damit na natapunan ng ice cream. Binuksan ko na din ang ilaw ng veranda.

Nagmo-moment kami ng ice cream ko, panira naman to.

Hindi siya nagsalita at napansin kong umiinom pala siya ng alak.Nakayuko ito at nakatingin lang sa baso niya na tila may nakikita siyang interesanteng bagay doon.

Hindi ko maiwasang hindi siya titigan at mahipnotismo sa kanya.

God! I missed him!

My heart skip a beat nang magtaas siya ng mukha at sinulyapan ako. Agad akong nagiwas ng tingin.
Hindi ko kasi kayang tagalan ang mga titig niya. Nakakapanlambot ng tuhod.

Lumipas ang ilang sandali nang walang nagsasalita sa amin pero nararamdaman ko ang titig niya sa akin.

O baka asumera lang ako?
Nakagat ko ang ibaba kong labi.

"Don't bite your lips." He said.

Hindi ko napigilan hindi siya lingunin nang muli siyang magsalita.

At nakatitig pa din siya sa akin!

Gandang ganda ka sa akin ano? That's why you can't take your eyes off me?Ayaw mo pang aminin na patay na patay ka sa akin.

Pagkausap ko sa utak ko. Nakahalumbaba pa ako habang namumungay ang matang nakatitig sa kanya.

The right side of his lips rose.
"Not really. You look like a mess."

"Ha?" Napakunot ang noo ko at naguguluhan sa sinabi niya.

"You do realize that you're thinking out loud, right?"

Umawang ang bibig ko at nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Agad kong inalis ang kamay na nakasalo sa aking baba at umayos ng upo. Hindi ko alam kung san ako titingin sa kahihiyan.
And I heard him chuckle.

OMG! Napatawa ko siya!

"You have not changed a bit." At kinuha niya ang hawak kong tissue at halos himatayin ako nang marahang ipinunas niya yun sa mukha ko.

Shit! Shit! Gust kong paypayan ang sarili ko. Lasing na siguro siya kaya ang bait niya sa akin ngayon.

Bawat dampi ng kamay niya sa mukha ko ay ibayong init ang hatid sa puso ko.Siguro ganon talaga kapag mahal na mahal mo yung tao.

Yung mga maliliit na bagay na ginagawa niya sa'yo ay napakasarap sa pakiramdam. Na pakiramdam mo ay espesyal iyon. I was looking at his face the whole time. Memorizing every part of it.

From his adams apple na nagbababa't taas, ang prominenteng panga niya na may mga stubbles, ang mapulang labi na mas mapula pa sa'king labi. Hindi ko naiwasang basain ang labi ko ng aking dila. His lips are so inviting as if asking me to kiss him endlessly.

Iniwas ko ang mga mata ko sa mapanghalina niyang labi at ipinagpatuloy ang pagobserba sa mukha niya. Ang mukha nitong wala yatang pores. Grabe! Ang tamang tangos ng ilong and those blue eyes! Oh god! Hindi na ako magtataka kung bigla na lang akong matunaw.

Damn boy! My heart only beats for you!

Nababaliw na naman ako. One second, I hate him. Mamaya mahal ko na naman. Ang rupok rupok ko pagdating sa kanya.

And he was staring back at me. I can see longing and guilt on those eyes na madaling naglaho at bumalik sa malamig na titig.Hindi ko tuloy alam kung imagination ko lang yun.

Pwede naman palang magkasama kami nang hindi nagkakasakitan at nag-aaway. Kailangan lang ng alak. Inalis niya ang kamay sa aking pisngi at itinuon ang atensyon sa muling pag-inom ng alak.

Naagaw ang atensyon ko ng iniinom niyang alak at halos manlaki ang mata ko sa iniinom niya.

"Oh my God. It's Mccallan!" Bulalas ko.

Isa ito sa pinakamahal na whiskey. Umaabot ng halos $35,000 ang isang bote neto.

Grabe, alam kong mayaman siya pero hindi ko ineexpect na maga-aksaya siya ng ganong kalaking pera para sa isang boteng alak.

I'm tempted to taste it. Damn! Ano kayang lasa ng alak na sobrang mahal? Pero hanggang tingin na lang siguro ako. I doubt kung ipapatikim niya sa akin ito. Pero there's no harm in asking.

"Uhm, Drake, pede patikim?"medyo nagaalinlangan pa ako nang tanungin siya.

"What?" He asked. Hindi siguro ako narinig. His voice sounded husky when he spoke. Hindi ko na naman mapigil ang makasalanan kong mata na maglakbay sa katawan niya.

He is wearing a black sando and it exposes his biceps and triceps. I can also get to see a glimpse of his chiseled chest. Bakat din ang mga pandesal niya sa tiyan.

Bumaba pa ang tingin ko sa suot niyang sweatpants at halos nahigit ko hininga ko sa malaking umbok sa kanyang harapan.

"What did you say?" ulit niya.

"Patikim ng.. hotdog mo..." Mahina kong usal.

"Fvck!"he cussed and I heard him groaned.

And when realization hit me, my eyes widened and I can't help but to cover my mouth with my right hand. Nagi-init ang tenga at mukha ko at alam kong namumula na ako.

Siguro nung nagpaulan ng katangahan sa mundo, gising na gising ako at may dala pang palanggana para saluhin lahat.

Salung salo ko lahat eh!
Seriously, what is wrong with me?
"Ahmm I m-mean, yung alak." Usal ko.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Alam kong kagigising mo lang dahil sa marka ng laway sa pisngi mo yet ice cream agad ang inatupag mo. Then ngayon, gusto mo tikman ito?" At itinaas pa niya ang bote ng alak. He tsked. "You really are weird."

Wait what now?laway sa pisngi ko? Laway sa pisngi ko? Laway sa....

Shit!Yun pala ang pinupunasan niya kanina! Akala ko icecream! God!

"You want to taste it? Wish granted." I heard him spoke and I watched him how he drunk the whiskey. And I gasped when he hold my nape and pressed his lips against mine.

True to his words, I tasted the pricey whiskey. It was intoxicating so was his lips!Isinara ko ang nakabukas ko pang mga mata at ninamnam ang ipinapalasap niya sa akin.

Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Iba ang halik niya sa mapagparusang halik na palagi niyang ibinibigay sa akin. Pakiramdam ko ay napakahalaga ko sa kanya.

Tila ingat na ingat siya sa mga labi ko. Marahan niyang kinakagat at sinisipsip ang ibaba kong labi. Ang mga kamay ko ay kusang pumulupot sa kanyang batok.

Handa na akong tugunan ang mga halik niya nang bigla na lang siyang huminto at itinulak ako. Animo'y napaso sa akin.

"Drake...." ang tangi ko lang nasambit. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Hindi ko din mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata.

Ano bang nangyari? Bakit biglang naputol ang spell?

Maya maya pa'y tumayo ito at akmang tutungo sa kanyang kwarto.

"Drake." Muli kong tawag sa kanya. Gusto kong tanungin kung may nagawa ba akong mali.

Dahil ba hindi ako tumugon sa halik niya?

Tutugon naman talaga ako eh. Nabigla lang ako kaya hindi ko agad nagawa.

But what he said shattered me into pieces.

"I thought you were Tracy."

********************************

Continuă lectura

O să-ți placă și

226K 4.8K 39
Past mistakes made people stronger and wiser. And a certain tragedy made the cold and frigid Roisin the person she is right now. But dark pasts keep...
225K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
9.7K 40 2
Kenshane Guieco feared trusting others, especially men, and considered staying single. But meeting Faller Coleman changed everything-he captured her...
3.3M 14.4K 7
He's the well known Captain of the basketball team. A Captain who will do everything to win every game for he is bound to always win. A Captain who w...