Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6M 103K 25.4K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 7

114K 1.9K 191
By catleidy

"Memshie! Alam mo ba, ang ganda ganda dito! Kung hindi ka lang maagang tumikim ng jambo hotdog ni Drake, magkakasama tayo dito ngayon!"bulalas ni Nardo aka Nadine habang ka-face time ko.Nasa Italy sila ni Sam at dun na nagtatatrabaho.

"Ano ka ba." Nakita kong sinimangutan ni Sam si Nadine."Alam naman natin na masaya si Aly sa pinili niyang buhay."

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Dahil kahit ako, hindi ko alam ang isasagot sa sinasabi nila.

"So how's married  life? Magaling ba si Drake?"tanong ni Nadine na nakita kong nangningning ang mata.I rolled my eyes at him.

"Pati ba naman yun, itatanong mo pa? Gusto mo bang i-try? Nang mapatay kitang ingrata ka?" inirapan ko pa siya.

"Ay! Selos lang 'te? Possessive much? Aba, malala na yan. Asawa mo na nga yung tao." balik niya sa akin."At saka masyadong madumi ang utak mo, magaling mag-alaga at magmahal ang sinasabi ko."

Alam kong nambubuska lang siya. Hindi naman talaga ako napipikon. Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko. Nakakaramdam ako ng kaunting inggit sa kanila. They are having the time of their lives. Dapat kasama nila ako. Sa edad kong bente uno, dapat ngayon pa lang ako nag-eenjoy sa buhay dalaga.

I should be travelling, enjoying life after college, working ang earning my own money, go clubbing and meeting new friends.  Ngayon pa lang dapat nag-sisimula ang buhay ko. Pero hindi ko naranasan ang lahat nang iyon.

Pero kung papipiliin ako sa mga bagay na yun at kay Drake, walang pagdadalwang isip na si Drake ang pipilin ko. May kaunti mang pagsisisi pero mas matimbang pa din ang kagustuhan kong makasama siya.

Matagal pa kaming nag-usap at nagkamustahan hanggang sa putulin na nila ang tawag.Nag-inot ako at tumayo para magluto ng hapunan. Hindi ko alam kung dito kakain si Drake dahil palagi siyang late umuwi o di kaya naman ay sa labas kumakain pero lagi akong naghahanda ng pagkain na sobra sa isang tao. Baka lang kasi maisipan niyang dito kumain.

Minsan nabo-bore na ako dito. Wala naman kasi akong ginagawa kundi gawaing bahay. Wala akong sariling pera kundi yung konti kong ipon nung college pa ako. Hindi naman ako makahingi ng pera kay Drake kasi nahihiya ako. Hirap pala nang ganito.

Hindi rin ako lumalabas dahil minsan kasing lumabas ako at nauna ng dating si Drake, hindi niya ako pinagbuksan ng bahay.
Hinayaan niya akong matulog sa garahe. Bwisit na yun. May saltik talaga. Napapailing na lang ako pag naaalala ko.

Narinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Drake. Tiningnan ko ang orasan. Lagpas alas-sais pa lang. Hindi ko inaasahan na darating siya ng maaga. Kaluluto pa lang ng ulam at excited akong lumabas ng kusina.

"Drake! Maaga ka yata! Luto na---" natigil ang pagsasalita ko nang mapansin kong may kasama siya.

Mukhang may masasabunutan na naman ako, ah.

"Hi! I guess you're Alyanna, Drake's wife?"nakangiting bungad ng babaeng kasama ni Drake.

Pinagmasdan ko ito. Parang familiar siya. But I'm glad she knows me as Drake's wife.

"Who are you?" naguguluhan kong tanong. "How did you know me?"

"I'm Tracy. Tracy Swint. And Drake told me about you."nakangiti pa rin netong wika. Magiliw siya at palangiti pero hindi ko pa din ako lubos ma makapagtiwala sa kanya.

Nakakunot ang kilay ko habang pinagmamasdan siya. Alam kong nakita ko na ito, hindi ko lang maalala.

Tama! Siya yung babaeng nag-tagged ng picture ni Drake. Yung nakayakap dito.

God! Mas maganda pala siya sa personal. She got those long blonde curly hair, perfect eye brows and thick eyelashes. I'm not sure if extended yun o natural. She has a small perfect nose and she's wearing a red bloody lipstick.

Nakita ko din ang suot nitong hapit na pulang damit na nagpapalabas ng halos perpektong hubog ng katawan. And those creamy long legs. Damn! May nanalo na! Overall, she looks like a living barbie doll.

Napansin ko din ang pagkakaangkla ng mga kamay neto sa braso ni Drake.

Bakit mo hinahawakan ang Drake ko? Sino ka sa buhay nyang Chakadoll ka?
 
"Oh I'm sorry. I'm just so used to it." At nakita kong inalis niya ang mga kamay niya sa braso ni Drake.

OMG. Did I just say it loud?

Nakita kong nauna nang naglakad si Drake habang matatalim na naman ang titig sa akin. Nagtungo ito sa kwarto neto para siguro magbihis.

"Don't worry.I am harmless." wika ni Tracy at kinindatan pa ako. "Bestfriend ako ni Drake and we can be friends too, you know."

Mukha itong mabait na anghel at sa lahat ng mga naugnay na babae sa buhay ni Drake, ito ang masasabi kong pinakamabait so far.

"Nagtatagalog ka pala."sabi ko na lang. Nakahinga ako nang maluwag. Wala ako sa mood mag-english ngayon eh.

"Oo. Tinuruan ako ni Drake nung nasa New York pa siya. Hindi nga siya tumigil hanggat hindi ako natututo."kita ko ang ningning sa mga mata niya habang nagkukuwento.

Dapat ba akong kabahan sa presensya nya? Pero parang mabait naman ito. Hindi ko siya dapat pinag-iisipan ng masama. Mukhang sobrang close lang siya talaga kay Drake kasi bestfriend siya.Pero anong ginagawa niya dito? Para ipakilala ba sa akin? That's kind of weird.

"If you're wondering why I'm here, I'm on indefinite leave at naisipan kong dito magbakasyon. Sa hotel ni Drake ako nags-stay." Marunong bang magbasa ng isip ang babaeng ito. Madam Auring lang ang peg?

"I see." Yun na lang ang nasabi ko.
"Dito ka na kumain. Nag-luto ako ng sinigang na hipon." nginitian ko na din siya.

"Oh I would love to pero hindi ako kumakain ng seafoods. Allergic kasi ako."

"I'll cook for you. You want adobo?"narinig kong wika ni Drake.

"Oh yes! My favorite! Miss na miss ko na yan!"kita ko ang tuwa mga mata ni Tracy.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Ito ang kauna-unahang makikita ko siyang magluto at para sa ibang babae pa.

"I'll help you."wika pa neto at nakita kong naging abala na sila sa paghahanda sa iluluto.

Parang ako ang bisita at sila ang mag-asawa. Kita ko kung gano sila ka-close  sa isa't isa. Walang tigil ang pagkukwentuhan nila na parang wala ako sa eksena.

"Aw!"sigaw ni Tracy at nakita kong hawak nito ang daliri na may dugo.  Agad siyang dinaluhan ni Drake at kita ko ang pagkataranta sa mukha neto.

"I told you, ako na lang. Nasugatan ka pa tuloy."masuyong wika ng asawa ko. Kung saksakin ko kaya sila parehas. 'de joke lang

Para akong nanunuod ng isang nakakakilig na eksena ng isang romance film. Pero hindi kilig ang naramdaman ko. Sobrang sakit.

"I'm okay. I'm okay. Konting sugat lang ito. Nagulat lang ako. Thanks for the concern. "

Sana all, concern.

"Kukuha lang ako ng first aid kit." Wika ko na lang sabay talikod para makatakas sa sakit. Si Drake pa ang gumamot ng sugat nito. Para itong ibang tao sa paningin ko. Masuyo ang kilos at galaw. Hindi ko maiwasan kung magkumpara kung paano siya makitungo sa akin.

Matapos gamutin, nag-umpisa na kaming kumain. Ako, kinakain ko ang luto kong hipon habang sila, kinakain yung luto ni Drake. Ni hindi man lang tinikman ni Drake ang luto ko. Para akong outsider sa sarili kong pamamamahay.

Halos hindi ko na malunok ang pagkain ko. Nakikita ko kasi kung paano asikasuhin ni Drake si Tracy sa pagkain.Silang dalawa ang magkatabi habang katapat nila ako.

Kinagat ko ang labi ko dahil baka traydurin ako ng mga mata ko at pumatak ang mga papansin kong luha.

"You should eat.Hindi maganda ang sobrang diet."wika ni Drake habang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato nito.

"Drake, I'm a model. We have a strict diet. Baka mamaya balyena na ako pagkatapos ng bakasyon ko."malambing nitong wika."Oh Alyanna, tikman mo naman ang luto ng asawa mo."

"Precisely my point. You're on a vacation."pagpapatuloy ni Drake.

Hindi man lang niya ako pinasagot. Siguro ayaw niya ipatikim ang luto niya sa akin.

Nakita kong madami siyang inilagay na ulam sa plato ni Tracy samantalang kakaunti pa lang ang nasa plato niya. Habang abala sila sa pag-uusap, hindi niya napansin na inilagay ko lahat sa plato ko ang tirang adobo.

Nakita kong natigilan si Drake sa tangkang pagkuha ng ulam at tumingin sa plato ko.
Agad siyang nagtaas ng tingin sa akin. Dali dali kong kinain ang pagkain sa plato ko. Punung puno ang bibig ko at halos mabulunan na ako.

I somehow saw amusement on his eyes and then shook his head. Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang kinuha niya ang niluto kong ulam at naglagay sa plato niya. Nang sumubo ito ay napatigil ito saglit at dahan dahang ngumuya. Saglit itong sumulyap sa akin at kinindatan ko siya. Muli itong nagsalin ng luto ko sa plato nya. Ngiting tagumpay ako.

Ganyan kasarap luto ko. Kasing sarap ko at sisiguraduhin kong hahanap hanapin mo.

********************************

Continue Reading

You'll Also Like

4M 72.6K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written Šī¸ 2013-2014 (Republished 2...
162K 2.6K 96
Bilang asawa sa lalaking pinakamamahal ko ng lubos, hanggang saan nga ba ang kaya kung tiisin? Palagi kong naitatanong sa sarili ko ang bagay na 'yon...
2.3K 73 54
Warning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 2: Mr. Left After trying to commit suicide, Sheen May Velasco discovered that her father was planni...
4.5K 607 23
Chandria Jules' love for Jaxon stems from when they were still young and immature. She was quick to draw the line between them once she begins to not...