Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6.1M 104K 25.5K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 3

139K 2.4K 439
By catleidy

Niyakap ako ni mama nang mahigpit. Naluluha itong tiningnan ang mukha ko at hinaplos pa ang buhok ko.

"Parang kelan lang, karga karga pa kita. Ngayon, may asawa ka na."sabi niya.

Hindi ko napigilang magpatakan ang luha ko at niyakap siya nang nahigpit. Napakasuwerte ko kay mama. Napakabait nya. Para ko lang siyang kapatid at sobrang close kami.

Kung gugustohin nya, pwede pa siyang mag-asawa pero mas pinili nyang hindi. She's selfless pagdating sa akin.

"I'm sorry mama. I'm sorry." umiiyak kong sabi. Naguguilty ako na iwan siya. Twenty one pa lang ako pero nag-asawa na agad.

"Shh. You don't have to apologize."at hinalikan nya ako sa ulo. Parang gaya nang dati kapag pinapatahan nya ako sa pag-iyak.

"Ma, paenglish english ka ngayon ah. Lumelevel kay tita Zandria?"asar ko sa kanya habang may luha pa din.

Kinurot nya ako sa aking tagiliran. Kung wala sigurong tao, sa singit nya ako nakurot.

"Drake, alagaan mo ang anak ko. Napakabata pa nyan at sana intindihin mo siya at pagpasensyahan. At sana, mahalin mo sya at alagaan. Huwag mo sana siyang sasaktan." habilin ni mama. Madami pang sinabi si mama kay Drake at puro tango lang sagot neto.

Nakita ko si Sam at Nadine at sabay nila akong niyakap.

"Congrats memshie!Dyos ko, tumalab din ang gayuma mo! Ang pogi naman pala talaga ni sir!" turan ni Nadine..

"Bes, ninang kami sa magiging anak mo ha." si Sam.

"Malaki ba? Mahaba? Masarap?"tanong ni Nadine.

Nanlaki ang mata ko at namula sa tanong niya.

"Ang bibig mo talaga!"saway ni Sam.

"Malaki ang bulsa, mahaba ang pasensya at masarap magmahal. Ang dumi dumi ng isip nyo!"sabi ni Nadine habang umiirap.

Mamimiss ko sila. For sure, hindi na ako makakasama sa mga lakad nila lalo na yung mga out of town.

Pero okay lang. Natupad na ang matagal kong pangarap kaya wala na akong hihilingin pa.

Pagkatapos ng reception, dumeretso kami sa isang malaking puting mansyon. Masaya akong pumasok sa loob habang nakahawak sa braso nya. I'm not excited about its ameneties. Excited ako dahil dito kami buhuo ng sarili naming pamilya!

Bukas din ay tutulak kaming Coron , Palawan para sa honeymoon. Regalo yun ni tita Zandria sa'min. Sa Greece sana at dalawang linggo  iyo pero tinanggihan ni Drake. Marami daw itong aasikasuhin sa negosyo at hindi pwedeng sa malayo at mawala ng matagal.

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Sa honeymoon namin.

Inalis nito ang nakahawak kong kamay sa braso nya at nag dire diretso paakyat ng hagdan. Excited din siguro sya kaya nagmamadali.

Sumunod ako sa kanya. Pumasok sa isang kwarto na hinuha ko na master's bedroom. Kumuha siya ng damit sa closet at walang babalang tinanggal ang pang-itaas.

Napatda at nagbaba ako ng tingin dahil nahihiya pa din ako kahit may nangyari na sa amin.

"Shower lang ako." paalam ko at agad nagtungo na sa banyo.

Nagtagal ako ng tatlumpong minuto sa panliligo. Kinuskos ko ang dapat kuskosin at sinugurado kong mabango akong lalabas ng pinto. Buti na lang may roba kasi nakalimutan ko magdala ng pamalitsa pagmamadali.

Dahan dahan akong lumabas at nakita ko syang nakaupo sa couch na walang pangitaas habang may hawak na kopita at umiinom ng alak. 

I can see his abs. Napalunok ako. He's just wearing a pyjama. I can see the tattoos on his arm and chest.

Nakikita ko din ang malaking bukol nya sa gitnang bahagi ng pyjama .Agad na nag-init ang mukha ko sa nakita.

Ang hot talaga ni baby ko!I can't help but to gulp.

But I can also feel his piercing stare at me. I can also see his jaw clenched while staring at me. Ang nararamdaman kong init ay nahaluan ng pagtataka. Taliwas ito sa inaasahan ko. Sabagay, ganito naman talaga to lagi makatingin. Parang may sapi ng dwendeng itim.

Pero kakaiba ang titig nito ngayon. Anong ginawa ko at ganyan siya makatingin?

Kumuha ako ng damit sa closet na pamalit ko. Papasok na ulit sana ako sa banyo nang magsalita siya.

"Are you happy? That you ruined my life?" he said.

Nahigit ko ang hininga sa narinig. Totoong nabigla ako. It feels like a sword just ripped my heart.

Ruined his life? Sa pagpapakasal sa'kin, nasira ang buhay n'ya? Did I hear it right?

Tiningnan ko siya ng masakit. Natatandaan ko pa ang nangyari ng gabing iyon.

Flashback

Fiftieth birthday party noon ni tita Zandria. Nalasing si Drake at nauna nang umakyat sa kwarto nya.

Inutusan ako ni tita na puntahan ito para dalhan ng kape. I saw him topless lying on his bed habang nakapikit. Medyo tipsy na din ako. At natukso akong lapitan siya.

Nakita ko bahagyang nakaawang mga labi niya at pantay na ang paghinga kaya alam kong nakatulog na siya. Ibinaba ko sa mesa ang tasang may mainit na kape at nilapitan ko sya habang tinitingnan ang kabuuan nya.

Ilang taon ko na syang mahal. Pero kabaligtaran ang nararamdaman niya sa akin. At tinatanggap ko na iyon. Ginawa ko ang makakaya ko pero wala talaga. Suko na ako. Suko na ako sa kadahilanang pag-aari na pala siya ng pinsan kong si Lorraine. Na nung nakaraan ko lamang nalaman na nobya na pala nito. Mapait akong napangiti.

Hinawi ko ang buhok na bahagyang nakatakip sa mata niya at mataman siyang tinitigan

"Bakit hindi ako? Anong kulang sa akin?" mahina kong bulong na may pagtangis. Subalit ganoon talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.

Nagawi ang paningin ko sa labi nitong bahagya nakaawang na tila ba tinutukso akong hagkan siya. Lasing na nga ako.

Isang halik lang. Bulong ng isip ko. Isang halik bago ko sya tuluyang pakawalan at limutin. Hindi naman niya malalaman.

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mata at inilapit ang aking mukha. Naaamoy ko na ang mabango nitong hininga na may halong amoy ng mamahaling alak.

Kasabay ng paglapat ng aming mga labi ay ang pag alpas ng luha sa mga mata ko.

Pero nagulat ako  at napamulat nang biglang may pumulupot na matigas na braso sa katawan ko. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa ilalim n'ya habang hinahalikan ako nang mariin at may gigil. Pilit ko siyang tinutulak sa dibdib niya pero lalo siya nagpupumilit. Tinagilid ko ang mukha ko para iwasan ang mainit nyang labi.
Alam kong hindi nito alam ang ginagawa nito. Kung lasing ako, mas lasing siya.

"Baby..." anas nito.

"Drake, ano ba! Hindi mo alam---umph!" agad niyang nahuling nuli ang mga labi ko at sa pagkakataong ito ay naipasok na niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ko at hinuli ang aking dila. Saglit akong natulala sa nangyayari. Subalit natagpuan ko na lamang ang sarili kong tinutugon ang mainit niyang halik.

First kiss, torrid kiss. Ghadd.

Ang mga halik niya ay gumapang sa aking leeg at ang kahuli hulihang hibla ng matino at moral kong pag iisp ay tila nilipad ng hangin. Wala na akong nagawa nang maalis niya ang kahuli hulihang saplot sa aking katawan.

"You're mine. Mine from the very start." bulong nito at binuka ang mga hita ko at pinayakap sa baywang niya bago siya pumasok sa akin. He took my virginity that night. At wala akong pinagsisihan dun.

Nagising na lang ako kinabukasan na nasa harap ko si mama na umiiyak at si tita Zandria na galit na galit kay Drake.

And the rest is history.

End of flashback

"Alam mong parehas natin na hindi sinasadya ang nangyari" madiin kong sabi. "Pede ka tumanggi magpakasal kung ayaw mo dahil hindi ko ipipilit ang sarili ko sa iyo." sabi ko pa kahit gustong kumontra ng puso ko. Nang araw na yun ay inaasahan kong tututol siya pero natuwa ang puso ko nang wala akong narinig na pagtutol.

Tumawa ito ng pagak.

"You know very well that my mom has a weak heart. I already lost dad and I won't risk her life. Not a chance."  nanlamig ako sa narinig. At the back of my mind, hindi na dapat ako magulat. Dahil alam ko. Alam kong wala lamang siyang magawa sa sitwasyon kaya hindi siya makatanggi. Pero bingi ako sa tawag ng konsensya at mas nangibabaw sa akin ang pagiging makasarili.

"Drake, kung iniisip mo na pinlano ko to, nagkamali--- " mahina kong usal. Na tila ba kahit sarili ko ay kinukumbinsi ko. Dahil di ko man pinlano, ginusto ko ang pangyayari.

Napaigtad ako at halos tumalon ang puso ko sa gulat nang ibinato nya sa pader ang hawak nyang kopita. Nagkapira piraso ang mga bubog nito.

"Bullshit! Stop lying you cunning b*tch!" nanlilisik ang mata netong sagot sa'kin. Nasisindak ako sa inaakto niya. Dahil ito ang unang beses na nakita ko sya na ganito. Na tila tigreng kaya akong lapain. Hindi ko inaasahan ang bahagi ng pagkatao niyang ito. Ito ba talaga ang lalaking minahal ko? Kilala ko ba talaga siya? O kasalanan ko kung bakit siya nagkaganito?

Bigla itong tumayo at naglakad palapit sa'kin. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko. Hindi ko sigurado ang bawat kilos. Napaatras ako at out of instict, tumalikod ako para magtungong banyo. But before I could make a move, he grasped my arm and pulled me.

"Hindi pinlano? Kaya pala nagawa mong patayin ang anak ko!" sigaw nya sa mukha ko habang hawak nang mahigpit ang braso ko. "I will make you fvcking pay for this." puno nang diin at bagsik niyang turan habang nakatungo sa akin at halos magdikit na ang aming mukha sa lapit. Kung sa ibang pagkakataon ay hinimatay na ako sa kilig. Subalit sa pagkakataong ito, papanawan ako ng ulirat dahil sa takot.

Nasasaktan ako pero hindi ako makapagsalita dahil mas nangibabaw ang takot at kalituhan ko.

"Anong i-big mong sabihin? A-anak? P-pinatay ko?? Anong sinasabi mo? Hindi ko maintindihan. " nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya.

Bigla nyang dinaklut ang panga ko. Squeezing it tightly. Lumaglag ang luha sa mga mata ko. Saglit na lumambot ang expresyon ng mukha nito pero sandali lang yun at bumalasik muli ang anyo nito.

"Nagpapanggap ka pa na hindi mo alam!"asik nito sa akin.

"D-drake, nasasaktan ako." nanginginig kong sabi habang hawak ang kamay nya na nakahawak sa panga ko.

"Sasaktan talaga kita! Alam mong buntis si Loraine! Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo sya! Pinatay mo ang anak ko!" galit na galit nyang sabi sa'kin.

Natigalgal ako sa narinig ko. Hindi ko alam! Hindi ko alam na buntis siya.

Matapos na mahuli kami nina mama sa kwarto ng araw na iyon, binalak ko sana kausapin ang pinsan ko para personal na humingi ng tawad.Nagkataong tinext ako ni Nadine at nabanggit na nakita nya ito sa bar na kinaroroonan niya.

Matagal na kaming hindi magkasundo. Simula pa nang mga bata kami. Lagi kami nagka-kompetensya sa lahat pero kaya talagang lumayo ang loob ko sa kanya at sa mommy nya ay dahil palihim nilang ibinabalita na malandi si mama at kabit lang kaya wala akong ama. Magkaganoon man, malaki pa rin ang kasalanan ko sa kanya dahil inahas ko si Drake sa kanya.

Pero nagulat ako nang nakita ko si Lorraine na may kahalikang lalaki pagdating ko sa bar. Sigurado akong hindi pa niya alam ang nangyari sa amin ni Drake dahil halos buong araw kami magkasama kaya di ko masasabing coping mechanism ang ginagawa niya.

"Nads, kanina pa ba ang pinsan ko dito?" tanong ko kay bakla habang hindi pa rin maalis paningin ko sa pinsan ko. Nakita ko pa kung paano naglandas ang kamay ng kahalikan nyang lalaki at pumisil dito.

"Lagi naman andito yang babaeng hitad na yan." anito na ikinalingon ko.

"Ano? Kailan pa?"

"Palagi. Duh. Di lang dito. Madalas ko ring makita ang babaeng yan sa ibang bar na pinupuntahan ko. Kung sinu- sino kasama kaya wala nang natitirang lalaki sa akin. Walang sinabi yang boobelya mo sa pinsan mo. Sumpa talaga kayong mag-pinsan sa buhay ko." maarte nitong sabi habang nagtitipa sa cellphone nito. "Asan na ba kasi yang si Samantha? Kung makaasta, kala mo pinagpala sa babaeng lahat!" gigil nitong sabi dahil kanina pa nito tinatawagan si Sam.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Bully lang si bakla pero hinding hindi sya sinungaling. Unti-unting umusbong ang galit sa aking puso. So matagal na nyang tinatarantado ang mahal ko?

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin na ganon na pala pinaggagagawa nya?" gigil ko nang turan kay Nads.

"Aba anong pake ko sa kanya at malay ko na pinsan mo yang hitad na iyan? Alam ko ba ang family tree nyo?" sabay irap nito sa akin.

Ramdam ko ang pagtaas ng dugo sa ulo ko. Yung lalaking mahal na mahal ko, ginagago lang nya! Tumayo ako at naglakad patungo sa kinaroroonan nya.

"Lorainne." matigas ang boses kong tawag sa kanya. Nilingon nya ako at nagulat ito pero saglit lang.

"Hi cous." bati nito na may langkap na sarkasmo at may ngisi sa mapupulang labi. Bakit wala akong makitang pagka-bahala sa kanya? Sumipol ang lalaking kasama nito at malisyoso akong tiningnan ang kabuuan ko na nagdala ng kilabot sa akin.

"Anong ginagawa mo? 'Di ba kayo ni Drake? Sino yan?"

"Lexus, gorgeous. " anito na naglahad pa ng kamay na hindi ko pinansin. Umirap ang pinsan ko.

"Makakarating ito kay Drake." banta ko sa kanya. Ano bang ginagawa ko. Bakit ko ba siya kinakausap? Kastigo ng isip ko. Pwede ko naman siyang kuhanan na lang ng picture bilang pruweba at ipakita kay Drake. Wala na ring magiging hadlang sa amin. Di na ako kakainin ng konsensya ko sa nagawa ko sa kanya.

Sa napagtanto ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Para akong nabunutan ng tinik. Parang umaayon ang pagkakataon sa akin.

"Who's she?" rinig kong tanong ng lalaki.

"Just nobody." narinig kong tugon ni Lorainne. "Just a bitch na takam na takam sa pag-aari ko. Kawawa naman. Habol nang habol na parang aso. " Anito na ikinakuyom ng kamao ko. Pero wala akong balak patulan siya. Ihahakbang ko na sanang muli ang paa ko nang magsalita ito.

"Oh well. Apple doesn't fall far from tree. May pinagmanahan naman. Her mother is a wh*re. " at sinundan pa nito ng nangungutyang pagtawa.

Doon na nagpanting ang tainga ko. Nagdilim ang paningin ko and the next thing I know, nakahiga na siya at pilit sinasalag ang kamay ko habang nasa ibabaw niya ako at sinasabunutan siya.

Pero hindi ko alam na buntis siya! Nadala ako ng sobrang galit ko. Kung alam kong buntis siya ay hinding hindi ko gagawin iyon. Hindi ko sinasadyang makunan siya!

Ganon na ba talaga ako ka selfish para gustohing mawala ang anak nila?Alam ko sa sarili kong hindi.

"I'm sorry! I'm sorry! Hindi ko alam!" umiiyak kong paliwanag sa kanya. "Kasi nakita ko siyang may kahalikan---- "

"Fvck off! Stop making up stories,  to justify your action, you b*tch!" at hinila niya ang buhok ko at itiningala ako. Ni sa hinagap ay di ko akalain na kaya niyang gawin sa akin ito.

Bakit ganto? Hindi ba ang first night dapat masaya ang mag-asawa?

"I will make sure that your life will be a living hell until you beg for your freedom!" sabi pa nito at marahas na hinatak ang roba ko  na naging dahilan para mahantad ang kahubdan ko at tinulak sa kama.

********************************

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 140K 50
This story was about a martyr wife, named Alexandra Reyes-Schleiden. Even if they had a son, her husband was always hurting her; not just mentally, b...
2M 67.8K 61
Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya an...
855K 22.6K 68
[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a princess but she's from the poorest of...
11.9K 396 5
WARNING: NOT EDITED. 3 years ago Sezina's husband died. She finally decided to move forward until she saw those familiar figures.