Royalties in Our Hearts

By Baepreshyy

3M 124K 71.2K

Klenth, Wayne, Marx, and Zae are literally Royalties of a prestigious school. A group of assets in the countr... More

Royalties In Our Hearts
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
EPILOGUE
Note

CHAPTER 1

71.5K 2.5K 1.1K
By Baepreshyy

•°•

Naeyumie's POV

--

Taas noo akong naglakad habang kaliwa't kanan ang mga guards na nagbabantay sa'kin. Kabababa ko lang ng sasakyan at eto kaagad ang bumungad sa'kin, just like what I expected. I'm wearing my aviator dahil nakakasilaw ang flash ng mga camera. I smiled when they shouted my name. Mas lalo silang nagtilian nang ginawa ko 'yon kaya kinawayan ko sila.

"Miss Naeyumie!"

"Why so gorgeous po, Miss Naeyumie!"

"Oh my gosh!"

"Miss Naeyumie! What can you say about--"

Tinabunan na ng mga guards 'yon. Nakapasok na rin ako sa malaking gusali kung saan gaganapin ang pagpipirma ko ng kontrata.

Marami kaagad ang mga matang dumapo sa'kin. Hanggang dito rin sa loob ang panggigiya ng mga guwardiya sa'kin kung saan ako dapat pumunta.

Sa tabi ko ay ang aking personal assistant, si Alyanna at ang manager kong si Mariz.

Ngayong araw ko makilala ang magiging kasama ko sa pagmomodelo. We're going to collab. I did not ask who is it because I will meet him anyway.

"Are you excited or nervous?" Tanong ni Manager.

"Hm. Not really." Sagot ko.

"May I know why? You didn't ask for his name. You don't even know him and...you are not nervous? Do you knew that man, Naeyumie?" Nakangiti niyang tanong.

"Well..." Tumawa ako. "Hindi ko siya kilala. I just don't feel nervousness. Medyo excited, oo, pero slight lang."

"Hmm.." Nanliit ang mga mata niya.

May sinabi pa siya sa personal assistant ko at sa mga guwardiya bago kami pumasok sa conference room. Bumungad kaagad sa'kin ang maliwanag at malamig na paligid. May mahabang mesa roon na may bilog sa gitna. May mga tao na ring naghihintay sa pagdating sa'min.

Tumayo ang iilan nang makita kaming pumasok. Kaonting kamustahan at batian lang ang naganap bago nagsimula ang pagpipirma ng kontrata.

Ningitian ko ang iilang bumabati sa'kin. Tahimik akong umupo nang hindi muna tinitingnan ang lalaking kaharap, ang lalaking magiging kapares ko sa proyektong gagawin.

"Napapansin kong panay ang tingin sa'yo ng magiging kapartner mo," bulong sa'kin ni Manager na nakaupo sa tabi ko.

"Hayaan mo na," bulong ko pabalik.

May sinasabi pa ang mga staff at producer sa harap. Hindi na rin nagtagal pa at inilahad na rin ang kontrata. Napalunok ako at kumuha ng ballpen. I sighed as my eyes drifted on the paper. There's a strong energy forcing me to look at the man in front of me pero hindi ko muna ginawa dahil abala ako sa pakikinig. Mamaya nalang siguro dahil hindi naman pwedeng matapos 'to nang hindi ko nahaharap ang magiging kasama.

Nang matapos na sa pagpipirma ay saka lang ako humarap sa kaharap. Hindi ko na pinansin yung mga photographer na abala sa pagkuha ng mga litrato namin. Gusto kong mapamura sa gulat at mahulog sa upuan. Tumayo kaming lahat, hudyat na nang pagtatapos ng ganap dito sa loob.

Oh. My. Gosh.

Kinabahan kaagad ako. Bakit ba kasi hindi ko siya tiningnan kanina!

Kahit kinakabahan, I maintained being professional. Ngumiti ako at nilahad ang kamay sa kanya.

"H-Hi! I hope we can do a good work together..."

Ngumiti rin siya at tinanggap ang kamay ko. Yung ngiti niya, parang may ibang pinapahiwatig. Nagtunugan naman ang mga camera sa paligid.

"Me too. Nice to meet you, again..."

Binitawan niya kaagad ang kamay ko nang may tumawag sa kanya. Matagal pa bago dumapo ang mga mata niya sa tumawag sa kanya. I can now feel my fast and loud heartbeat.

"Wayne, your mother is calling you," sabi ng kanyang assistant.

Tumango siya at tiningnan pa ako bago umalis. Natapos na ang pagpipirma. Papadalhan nalang kami ng email kung saan gaganapin ang mga proyekto.

Lutang ako pauwi ng bahay dito sa New York. Kailangan ko pa ng pahinga dahil katatapos ko lang ng photoshoot kanina bago pumunta sa contract signing.

Binabaha ng mga text ang cellphone ko galing sa mga kaibigan ko rito sa New York. They're inviting me to their house party. Ang iba naman ay sa club. Hindi ko na nireplyan lahat ng 'yon dahil punong puno ang isip ko sa mga nangyayari.

Wayne Ford Laurent is going to be my partner. Sa mga photoshoots lang. Matapos maligo ay binuksan ko ang mga Social Media accounts ko.

Marami akong nalaman sa pagbabababad sa facebook at instagram. Ni halos hindi na ako nakapagpahinga. Maya maya ay narinig ko ang katok sa pintuan ng aking kwarto.

"Yumie, may I come in?"

Si Mommy.

"Pasok lang po..."

Nang makapasok na siya ay nadatnan niya akong nakahilata sa higaan habang nagcecellphone. Napabuntong hininga siya at umupo sa kama. Umuga ang kama sa pag-upo niya kaya umupo na rin ako. Napansin ko kaagad ang hawak hawak niyang papel.

"I have something, Yumie..." Hindi ko alam kung masaya o malungkot ba ang boses ni Mommy.

"What is it?" Kinabahan kaagad ako.

Napatingin siya sa papel niyang hawak. Binigay niya sa'kin 'yon pero umiling ako.

"Ano 'yan? Ikaw nalang po ang magbasa. I want to hear it from you..."

"No. You read it."

"Mom, ikaw na po..." Ngumiti ako. She sighed.

"Nabasa ko na 'yan kanina pa."

"So? What is it?" Excited kong sabi.

"This is your enrollment form. Doon mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo sa Pilipinas--"

Sa sobrang gulat ko ay mabilis kong kinuha sa kamay niya ang papel at binuksan 'yon. Nanlaki ang mga mata ko.

"S-Sky Hexton? Bakit, Mom? Akala ko ba ayaw mo roon? At saka isa p-pa may project pa akong dapat tapusin kasama s-si Wayne--"

"That's why, Yumie. Nabasa ko kanina na sa Pilipinas gaganapin ang photoshoot niyo..."

I gasped. Oh my gosh!

"You can continue your study there. BS in accountancy, right?"

Napatango tango ako.

"That's it!" Napasnap si Mommy.

"P-Pero..." Hindi ko na nadugtungan ang sinasabi ko. Unti unting bumilis at lumakas ang tibok ng aking puso.

Uuwi na kami ng Pilipinas. At ngayon palang, parag pinagsisisihan ko nang iniwan siya ng walang paalam. Hindi ko siya tinawagan. Hindi ko na tinext o ipinaalam man lang sa kanya ang pag-alis namin sa gabing 'yon.

Huminga ako ng malalim. I shouldn't be nervous. May iba naman na siguro 'yon. Maybe...his love for me wasn't that deep. At taon na rin naman ang lumipas. Sigurado akong nakahanap na siya ng iba.

I've moved on. Sana siya rin.

Nakatulog ako pagkatapos ng mahabang pag-iisip. Pahirapan pa ang pagtulog dahil hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Mommy. Okay we're going home. Just like what I wanted years ago. Gustong gusto kong umuwi noon pero hindi papayag ang mga magulang ko. But now, we're really going home at parang umaatras pa ako.

Pero bigla na namang gusto kong umuwi. I suddenly remembered my friends! I missed them so much. Nawalan kami ng communication matapos ang gabing 'yon. At habang iniisip ang mga taon na lumipas ay naiiyak ako.

Nagising kaagad ako sa isang maingay na tunog galing sa cellphone ko. Minulat ko ang mga mata at mabilis na kinuha ang cellphone.

From: Unknown number

Hello. This is Wayne. Can we talk privately? I'll send you the address.

Kumalabog ang puso ko. Oh my gosh!

Ilang minuto pa akong hindi naniniwala na si Wayne nga 'to pero sa huli ay naniwala rin. Mabilis akong naligo at nagbihis. It's just a simple black fitted pants at white t-shirt. Sinuot ko rin ang itim na salamin ko.

Hindi ko kasama ang manager at assistant. My gosh. I have a career at palagi ko silang kasama kapag saan man ako magpunta pero not for this. This is private. Hindi ko nalang pinaalam sa kanila na makikipagkita ako kay Wayne.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magtatrabaho kami ng sabay. He's Klenth's one of the closest friend. At hindi ko maiwasan ang kabahan dahil doon.

Sa isang cafeteria kami nagkita. Naroroon na siya na kalmadong nakaupo habang may iniinom na kape.

Ang pagbabago niya ay hindi nakatakas sa'kin. Siya pa rin naman yung Wayne na kapag ngumingiti ay 'yong Wayne na nakilala ko noong highschool pero he got taller. Mas lalo ring naging makisig at gumwapo.

Medyo tago ang lugar na 'to. May mga tao pero mabuti naman dahil hindi kami nila napapansin. Hinubad ko ang suot na salamin nang makaupo na.

Tumikhim siya. Napalunok ako. Napatingin tingin ako sa paligid at huminga ng malalim. I can feel my heart against my chest. Paano kung may kasama siya? Paano kung nandito si Klenth? Paano kung kasama niya si... Klenth?

"Don't worry. He's not here. Nasa Pilipinas siya..."

Gusto kong mahiya sa sinabi niya. Iniisip niya bang hinahanap ko si Klenth? Tama siya kung ganon! Pero nakakahiya dahil nahalata niya! My gosh!

"Uh... A-Anong gusto mong pag-usapan?"

He shifted on his seat. Pinatong niya ang dalawa niyang kamay sa mesa at pinagsalikop ang mga daliri. I'm getting intimidated with his actions! Hindi ko inakala na maiintimidate ako ngayon sa kanya!

"I wanna ask you some questions and I want to tell you something..."

Napaawang ang bibig ko at dahan dahang tumango. Nagsimula ring mamawis ang kamay ko. Kinakabahan na talaga ako sa kanya. Anong mga tanong ba? Kay Zell? Anong sasabihin niya? Kung kanina sa contract signing ay hindi ako kinakabahan pero ngayong may sasabihin lang si Wayne ay grabe na ang kaba ko.

"Magkakilala naman tayo diba?" Sa wakas ay nagtagalog na siya.

"O-Oo naman hahaha," napalunok ako pagkatapos non. Ako mismo ang nahiya dahil sa pekeng tawa ha!

"Bakit hindi ka raw nagpaalam? My friend was devasted. Hindi mo alam ang dinulot mo sa kanya," seryoso niyang sabi na parang galit pa.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o malulungkot. I can feel my aching heart wanting to be cure. Yung dating sakit na naramdaman ko simula nang umalis ako ay bumalik.

"I-I'm sorry..." Mahina kong sabi.

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin sa kanya. Bakit ba namin pinag-uusapan 'to? FOR WHAT?

"No. You should say sorry to him, personally. Alam kong taon na rin ang lumipas pero hindi biro ang dinulot mo sa kanya."

Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko siya matingnan sa kahihiyan. Gusto kong sabihin na 'It's been years, Wayne! It's been years!' But would it be valid? Ang babaw pag ganon.

"I hope this won't affect our work together," he said seriously.

Bahagya akong nagulat doon. Of course! Napatingin ako sa kanya.

"Oo naman. This i-is personal... Uhm, hindi dapat naapektuhan ang trabaho..." Nahihiya kong sabi.

Tumango siya at ininom ang kape habang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa'kin. It's like he wants to know something inside my eyes.

Tumikhim ako.

"So... How's life? Naka move on ka na ba?" Sabi ko na agad kong pinagsisihan. Hindi ko alam kung bakit lumabas 'yon sa bibig ko!

I saw him swallowed hard at binaba ang mug. Ang tagal niyang sumagot kaya sobra ang pagsisisi ko.

"Uh, you don't have to answer it," Mabilis kong sabi.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Ang mga mata ay nasa mug lang ng kape.

"Sorry," dagdag ko pa.

"E, ikaw? Have you moved on?" Biglang tanong niya at nag-angat ng tingin sa'kin.

Hindi ko pinahalatang kinabahan ako roon. I chuckled, a fake one. May dumating na order sa table namin. Hindi ko alam kung para kanino 'yon pero nilahad ni Wayne ang kamay niya sa'kin kaya nilapag ng waiter ang isang cheesecake at pineapple juice sa harap ko.

Hindi ko na ginalaw ang pagkain sa harapan ko. I got stuck on his question. Pero sinabi ko sa aking sarili na matagal na nga ang panahong nakalipas. I should have moved on. Yes. I've moved on.

"Of course! Ako pa ba?" Tumawa ulit ako.

"Good for you then..."

Ngumiti ako at ininom ang pineapple juice.

"E, ikaw?" I said lightly. Medyo nawawala na rin ang kaba ko.

Medyo kumunot ang noo niya. His jaw clenched and took a sip in his coffee.

"We're on the same page..."

Tumango tango ako. Ilang taon na nga naman. Imposibleng hindi pa siya nakakamove on. Sometimes, holding on does more damage than letting go.

Marami pa kaming napag-usapan. Tungkol lahat sa aming mga career. Mula sa pagiging singer at dancer niya, isa rin siyang sikat na modelo. Iniiwasan kong mapunta ang topic namin noong high school at ramdam na ramdam ko rin na ganon din ang ginagawa niya.

"You've changed a lot," nakangiting sabi niya.

Nahihiya akong napangiwi at sumubo ng cheesecake.

"Ikaw din. Grabe. Sikat na sikat ka na, Wayne. Andaming baliw na baliw sa'yo..."

"Ikaw din naman ah?"

"Sus. Hindi naman," sabi ko. "Time really flies. Feelings really fade..." I smiled.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo. His jaw clenched while looking at me.

"Pero..." Nagsalita ulit siya habang seryoso akong tinitingnan.

"Bakit?"

"...yung taong 'yon, hindi pa rin nakaka move on sa'yo..."

Napatingin ako sa kanya habang unti unting nanlalaki ang mga mata. Kumunot ang noo ko. Alam na alam ko na ang ibig niyang sabihin at kung sino ang tinutukoy niya.

"Say sorry to him and explain your side." Hindi ko alam na bigla niya na naman 'tong sasabihin.

Gusto kong mapahawak sa puso dahil ramdam na ramdam ko iyon.

"Dahil alam kong hanggang ngayon, hinihintay ka niya. Hanggang ngayon, ikaw pa rin."

Continue Reading

You'll Also Like

28.2K 1.1K 101
I love writing poetries, that's why I made this section for my written works. Hope you enjoy reading! :)
25.2K 1.2K 9
"WOULD YOU RATHER DIE FOR ME, OR DIE ON ME? CHOOSE." Being a daughter of Viktor Volkov, a Russian Prime Minister, comes with a big responsibility. On...
52.8K 2.2K 58
"wounds they will soon heal," haruto simply said. -"but it will leave a scar that'll always remind me of you, Kyra." 「 #YGTB 2 : Haruto Watanabe Tagl...
83.9K 2.2K 25
Lilinlangin kayo gamit ang Diyos ninyo... Gagawin ang lahat mapalapit lang sa inyo... iisa-isahin namin kayo... wala na kayong pagtataguan... Lahat n...