Spirit Of The Glass 2

De jeric719

51.7K 1.3K 203

Mga magkakaklase na gumamit ng ouija board upang magspirit of the glass, at di nila alam na ito pala ang magi... Mais

Author's Note
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
15 Survivors Left
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
10 Survivors Left
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Author's Note
Game Of Life And Death

Part 56

432 5 0
De jeric719


Kenneth's POV

WALA NA BA TALAGANG IBANG PARAAN?!!!

KAILANGAN BA TALAGA NAMING GAWIN TO?!!

"Kailangan nating kuhain yung diary, nandun yung babasahin na latin words" sabi ni Charlene at napatakbo agad kami paakyat. Kahit na walang ilaw sa loob ng bahay eh may liwanag naman mula sa labas kaya medyo naaaninag namin yung dinadaanan namin.

Pero nung paakyat na kami sa attic ay kakapa kapa nalang kami sa dinadaanan namin dahil talagang sobrang dilim. Ang liwanag lang na meron ay yung malapit sa kama na bintana. Kaya yun nalang ang sinundan namin.

"Gwynel wag mo kong bibitawan" takot na takot na bulong ni May

"Hindi kita iiwan" narinig kong sagot ni Gwynel at panigurado ay magkahawak sila ng kamay

"Eto na" sigaw ni Charlene na naunang makapunta sa diary. Binuklat nya agad ito at pinunit yung papel na may nakasulat na latin words.

"So kailangan tong basahin ng tatlong beses ng taong magsasakripisyo" paliwanag ni Charlene

Pero nagkakatinginan lang kaming apat na parang di alam ang susunod na gagawin. Si May at Gwynel ay talagang nakadikit sa isa't isa at magkahawak ng kamay.

"Pero sino ba satin ang magsasacrifice??" Tanong ni Charlene na paniguradong walang aako.

At pagtingin ko kay May ay napayuko nalang sya at nakita kong lumuha na sya

"Guys sorry, hindi naman sa nagiging selfish ako, pero di ko talaga kayang gawin yan" paghingi ng tawad ni May

"Wala kang dapat ikahingi ng tawad" pagawat ni Gwynel at hinawakan ang magkabilang pisngi ni May

"Hindi ka dapat magsorry" sabi ni Gwynel at talagang nakatingin sila isa't isa

Kung ayaw ni May, panigurado eh hindi rin naman magsasacrifice si Gwynel kasi gusto nya pang makasama si May.

Apat nalang kaming natitira, kung hindi isa kaila May at Gwynel, ibig sabihin ay isa samin ni Charlene.

"Sino??" Tanong ko kay Charlene at napailing nalang sya dahil panigurado ay ayaw nya ring magpakamatay

So magiging ganto na ba talaga kami?? Wala na ba talaga kaming maiisip na ibang solusyon?? Kung ganun, wala na talaga kong ibang magagawa.

Ginawa ko lahat ng makakaya ko para samin. Para manatili kaming buhay hangga't maaari. Pero ngayon ay wala na kong ibang choice kundi ang magsacrifice para sa ikaliligtas nila at ikatatahimik naming lahat.

Gwynel's POV

Ayokong may mangyaring masama kay May! Hindi ako makakapayag! Pero kung ako yung magsasacrifice, hindi ko na sya makakasama.

"Sige! Ako na yung magsasakripisyo" nagulat ako nang biglang sabihin ito ng isa samin

At pagtingin ko ay si Kenneth ito.

"Ha??? Sigurado ka??" Pagtataka ni Charlene na nagulat rin sa narinig

"Kung eto nalang talaga ang paraan. Gagawin ko" sagot ni Kenneth kay Charlene.

Pero hindi tama to. Isa si Kenneth sa dahilan kung bakit kahit papano eh buhay pa kami. Ginagawa nya lahat para maligtas kami tapos ngayon magpapakamatay lang sya??

Hindi ko alam kung tama ba tong naiisip ko pero bahala na!

"Hindi.... ako nalang ang magsasacrifice" sabi ko at nagulat sila lalong lalo na si May

"Wag!! Hindi pwede!!" Pagpigil sakin ni May

Tapos ay hinawakan ko lang ulit sya sa magkabilang pisngi

"Mas ok na to May, mas mabuti kung ako yung magsasacrifice kesa si Kenneth" sagot ko sa kanya

Pero umiiling iling lang sya at talagang iyak na ng iyak

"Basta tatandaan mo na mahal na mahal kita" sabi ko sa kanya at bigla syang hinalikan sa labi.

At pagkahalik ko sa kanya ay naramdamam ko ang pagganti nya ng halik

"Mahal din kita" bigkas nya

"Wala si Jane sa labas" biglang sabi ni Charlene na nakatingin sa labas

"Tara na habang wala pa sya, kailangan nating hukayin muli yun" paliwanag ni Kenneth

Di na sya tumanggi pa sa sinabi ko. Alam kong ayaw naman din nyang magsacrifice, pero sya nalang ang umako nung wala samin ang sumasagot kung sino ba ang magsasacrifice.

Binigay sakin ni Charlene yung sulat at tumakbo na agad kami pababa. Pero bago lumabas ay kumuha muna ko ng kutsilyo na magagamit ko panglaslas sa sarili. At si May ay nakatingin lang sakin at walang tigil sa pagiyak

Pagkalabas ng bahay ay maghuhukay na dapat kami ni Kenneth pero isa lang yung shovel na nandun, kaya sya nalang magisa ang naghukay. Mas madali naman na ngayon dahil yung hinuhukay nya ay nahukay na namin kanina.

"Nasan kaya si Jane?" Tanong ni Charlene at lumilingon lingon

Nang nakakalahati na si Kenneth ay sinimulan ko nang basahin yung latin words sa papel na hawak ko.

PERO

Nagulat ako nang biglang may lumundag sa harap ko mula sa taas. SI JANE!! Nanggaling sya sa puno at hawak hawak nya yung isang shovel

"GWYNEL!!!" Narinig kong sigaw ni May at bigla nalang ay hinampas ni Jane yung shovel sa ulo ko

May's POV

"GWYNEL!!!" Isang malakas na sigaw ko, pero huli na ang lahat.

Bigla nalang syang hinampas ng malakas ni Jane sa ulo at nakita ko ang pagbagsak ni Gwynel

"YUNG PAPEL!!" Tarantang sigaw ni Charlene

At lalapit dapat ako para kuhain ito pero bigla na itong kinuha ni Kenneth

Sinundan sya ng tingin ni Jane at bigla nalang ay tumakbo si Kenneth papalayo.

Sa pagtakbo nyang yun ay bigla syang sinundan ni Jane at hinabol.

Agad naman akong lumapit kay Gwynel sa pagaalala, at nakita ko si Charlene na kinuha yung shovel at pinagpatuloy yung paghuhukay.

"Gwynel!!! Gwynel gumising ka!!" Pagaalalang sabi ko

Humihinga pa naman sya kaya medyo nakampante pa ako.

Maya maya pa ay nahukay na ni Charlene yun at nakikita na namin yung bangkay ni Maria. Tinulungan ko syang makaalis sa lupa na nahukay nya.

At ilang saglit lang ay bumalik na si Kenneth at okay pa naman sya

Pero nagulat ako nang bigla nyang kuhain yung kutsilyo kay Gwynel

"Anong gagawin mo?" Pagtataka ni Charlene

"Gagawin ko to para satin" nakangiting sabi ni Kenneth at nagulat ako nang bigla nyang basahin yung nakasulat sa papel.

"Ahhhhhhhhhhhh" isang malakas na sigaw na narinig namin na talagang nakakabingi

Pero sa pangalawang pagkakataon ay binasa ulit ni Kenneth yung nakasulat.

At maya maya pa ay nakita ko na muli si Jane at tumatakbo papalapit samin.

Pero bago pa sya makalapit ay nabasa na ni Kenneth sa pangatlong beses yung latin words.

At biglang bumaba si Kenneth sa hukay ni Maria.

Akala ko ay tatakbo papalapit sakin si Jane, pero hindi! Tumalon din sya sa hukay at sinusubukang pigilan si Kenneth

"AKO ANG PAPATAY SAYO!!!" Galit na galit na sigaw ni Jane

Pero bago pa man sya makalapit kay Kenneth at nagawa na ni Kenneth na malaslas ang pulso nya

"HINDIIIIII!!!!!!!!" Isang malakas na sigaw ni Jane at nagwawala sa may hukay

"Salamat... sa lahat guys....." utal na sabi ni Kenneth at maya maya pa ay bumagsak nalang sya bigla sa lupa

Pero lalo akong natakot nang biglang napatingala si Jane at galit na galit na nakatingin sa amin.

Aakyat na dapat sya pero nakita ko sya na bigla nalang nawalan ng malay at bumagsak rin sa lupa.

Habang wala syang malay ay pilit kong muli ginigising si Gwynel

Jane's POV

Pagdilat ko ay napabangon agad ako dahil di ko alam kung nasan ako. Sobrang sakit ng katawan ko

At napasigaw ako sa gulat dahil nakita ko si Kenneth na nakahiga malapit sakin at may dugo. At bukod sa kanya ay meron pang isang bangkay. Para akong nasa lupa na hinukay.

"Kenneth!! Kenneth!!" Pagaalalang sabi ko pero di ko na mahanap yung pulso nya, di na sya humihinga. May laslas sya sa pulso.

"Jane??" Narinig kong pagtawag sa pangalan ko at nakita ko si Charlene na nakatingin sakin

"Charlene? Si Kenneth!!" Sabi ko, tapos ay inabot nya yung kamay nya at tinulungan akong makaalis sa lupa.

"Jane bumalik ka na" sabi ni Charlene at niyakap ako ng mahigpit

"Ha? Anong bumalik?" Pagtataka ko

At nakita ko si Gwynel na biglang nagising at nasa tabi nya si May

"Anong nangyari??!" Pagtatakang tanong ni Gwynel at bumangon agad agad at napatingin sakin na parang takot na takot

"Wala na si Kenneth! Sinakripisyo nya sarili nya!" Mangiyak ngiyak na sabi ni May

"Sakripisyo?? Anong sakripisyo??!" Naguguluhang tanong ko

"Tsaka nasan sila Raven?? Nasan yung iba?" Tanong ko

"Wala na sila" sagot ni Charlene

"Sinaniban ka nung demonyo, at ang tanging paraan para matahimik sya ay kung may magsasakripisyo satin ng buhay. At si Kenneth ang gumawa nun" paliwanag ni Charlene

Gulat na gulat ako sa mga kinekwento nya at inexplain nya sakin lahat ng nangyari.

At napahawak ako sa mukha ko dahil medyo kumikirot

At pinaliwanag rin ni Charlene yung nangyari sakin

Pero sandale, ibig sabihin ba tapos na ang lahat ng to??

"Si Ate Allyssa?? Wala na rin ba sya?? Pinatay ko ba sya?!!!" Takot na tanong ko kay Charlene

"Hindi! Hindi mo sya pinatay! Nung dinala sya sa ospital nun ay di parin sya nagkakamalay" paliwanag ni Charlene

At nakahinga ko ng maluwag ng malaman na di ko sya pinatay, at sinabi ko sa kanilang puntahan agad namin si Ate Allyssa para malaman kung okay na ba sya

Charlene's POV

Di ako makapaniwalang wala na si Kenneth. Na magagawa nyang isacrifice yung sarili nya para samin. Pero sobra kong thankful, dahil kundi dahil sa kanya ay di parin to tapos.

Si Gwynel ay nakokonsensya sa nangyari habang binabalik yung lupa at sinisisi yung sarili. Pero patuloy naman naming sinasabi nila May na pasalamat nalang sya kay Kenneth at ginawa nya to para saming lahat. Na hindi nya dapat sisihin ang sarili nya.

Nang matabunan nya na ng lupa yung mga bangkay ay bumalik na kami sa ospital para tignan si Ate Allyssa

Pinaandar na ulit ni Gwynel yung sasakyan at umalis na kami.

"Sana ok na si Ate Allyssa" bulong ni Jane
Sobrang tahimik namin sa kotse at mga tulala lang.

At pagdating sa ospital ay sinabing nilipat na ng room si Ate Allyssa kaya pumunta na agad kami dito. Pumasok agad sila sa loob at nung ako na yung papasok ay biglang may tumawag sakin

"Uhm excuse po maam" sabi nung isang nurse

At pati si May ay napahinto

"Bisita po ba kayo ni Allyssa?" Tanong nung nurse

"Opo" sagot ko

"Uhm, sabi po kasi nung pasyente sa room 223, pabisitahin ko daw po sa kanya yung bibisita kay Allyssa" paliwanag nya

Tapos ay tinawag na yung nurse at umalis na, sinabi ko kay May na mauna na sya sa loob at pupunta muna ko ng room 223. Kampante naman na ko dahil alam kong tahimik na si Maria at yung demonyo.

At pagkapasok ko sa room 223 ay nagulat ako sa nakita ko at napahawak sa bibig ko sa gulat. Dahil hindi ko alam na buhay pa sya! Na buhay pa si John!!

John's POV

Nagulat ako dahil biglang may pumasok sa kwarto na kakilala ko. Si Charlene!!

"John!!!!" Sigaw ni Charlene at napatakbo agad palapit sakin

"Buti buhay ka pa" tuwang tuwang sabi nya

"Ano nang nangyari?? Nasan yung iba??" Tanong ko sa kanya

At mula sa pagkatuwa ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

At pinaliwanag nya sakin lahat ng nangyari.... pati narin yung nangyari kay Col.... naiiyak nalang ako sa nangyari dahil wala na kong ibang magagawa pa. Wala na kong magagawa para mabalik ang buhay nila... para mabalik ang buhay ni Col...

At sinabi ni Charlene na nasa baba sina Jane at nandun sa room ni Ate Allyssa.

Kaya sinubukan kong tumayo at umalis na kami ni Charlene. Wala naman ng nakaturok sakin na dextrose o kahit ano. Sinabihan lang nila ko na kailangan kong magpahinga. Naagapan naman na nila yung nangyari sakin nung tinusok sakin ni Jane yung injection nun.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa room ni Ate Allyssa ay nagulat sila ng makitang buhay pa ko, dahil ang akala nga nila ay patay na ko.

"John!!" Bigkas nila at napayakap agad sila sakin.

At pagkalingon ko kay Ate Allyssa ay natuwa ako nang makitang gising na sya.

Allyssa's POV

Pagpasok ni John ay nagulat sila Jane. Siguro ay di nila inakalang buhay pa si John.

At nang pagtingin nila sakin ay nagulat din sina John

"Ate Allyssa, okay ka na" tuwang sabi ni John

"Oo, tsaka pinaliwanag na sakin nila Jane lahat ng nangyari" sagot ko sa kanya

At pagtingin ko kay Jane ay talagang nagaalala ako sa kalagayan nya

"Jane ipacheckup mo yang nangyari sa mukha mo" utos ko kay Jane

"Mamaya na Ate Allyssa, masaya lang ako sa ngayon at okay ka na.... at okay na tayong lahat" sagot nya na nakangiti kahit na lumuluha

Si Gwynel at May ay nakayakap sa isa't isa

Si John at Charlene eh makikita mo ang lungkot sa mga mukha kahit na mga nakangiti.

Lahat sila ay may halong lungkot at tuwa sa mukha. Ito ay dahil sa nangyari. Lungkot dahil sa pagkamatay ng mga kaklase nila, at tuwa dahil sa wakas ay natapos na ang bangungot na pinagdaanan nila.

Nakikita ko sa mukha nila ang ekspresyon ko nung time na natapos namin ang spirit of the glass at napatahimik si Kylie.

Kung sa amin ay ako nalang ang natira, buti sa kanila ay kahit papano at lima pa silang buhay.

At panigurado ay matatrauma din sila sa lahat ng mga nangyari at sa lahat ng pinagdaanan nila nang dahil sa SPIRIT OF THE GLASS!!

-----------------------------------

SURVIVORS - 6

Jane, Gwynel, May, Charlene, John

Allyssa

Continue lendo

Você também vai gostar

954K 25.5K 111
(Book 3) of Campus Prince Meets Gangster Princess. This is the 3rd generation. 2017 by MsjovjovdPanda. Ezen Kang is a Grandson of Ozu Kang and Son of...
34.6K 920 17
On that fateful day, when the unfortunate and lonesome high-schooler Anise Mendiola became the heiress of Arcana's great powers, after breaching in a...
8.2K 744 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
12.7K 1.2K 45
Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (Part 3) - Soon Best in Horror - WritersPh...