Take Me To Your Heaven (PUBLI...

Miss_Sixteen

12.6M 104K 7.4K

(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong u... Еще

Take Me To Your Heaven
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Author's Note
NOT AN UPDATE
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Special - Take Me To Your Heaven
SOON ON POPFICTION

Chapter 41

159K 1.2K 81
Miss_Sixteen

Hindi ko maexplain ang aking nararamdaman ng malaman kong buhay pala ang aking anak. Sobrang saya ng aking puso. Tinanong ko kay Daddy kung paano niya nahanap ang doktora, pero ang sabi niya ay hindi niya ito hinanap. Nagulat na lang daw siya ng may bisitang naghihintay sakanya sa salas ng bahay.

Sobra sobra ang pasasalamat ko. This is my second chance to prove that I can be a mom, a great one.

 

“Dad, sabi ko naman sa inyo! Hindi ko na kelangan ng personal bodyguard. Ang laki laki ko na tapos may taga bantay pa ako.” Pagrereklamo ko kay Daddy. Paano ba naman kasi, pasasamahan na naman niya ako sa bodyguard niya. Para akong elementary na may bantay.

 

“Jessica, I’m doing this not just for you but for your baby! You have to understand me, baby. Sobra sobra akong nag aalala kapag parehas kayo ng ginagalawan ng Andrei na yun! Remember you almost lost your child, and I don’t want that to happen again!”

Wala akong nagawa. Pumasok ako sa University na may buntot na dalawang bodyguard. Nakita kong nag aantay sakin sa may hallway ang tatlo kong kaibigan. Kitang kita ko ang mga tawa nila. Alam kong pinagtatawanan nila ako dahil sa dala kong bodyguard. I just roll my eyes upward.

Bago pa ako makarating sa kanila ay nakarinig ako ng isang malakas na ingay. Tila isang kalabog ng isang bagay. Napalingon ako at nakita ko ang mga estudyanteng nakapaligid at tila nagkakagulo. Automatic na lumapit ako. Nasanay na rin akong lumkapit kapag may mga ganitong eksena lalo na noon at ako ay S.A President. I have to maintain peace and order. At kahit ngayong wala na ako sa posisyon, naging nature ko na ata ang lumapit at umawat sa mga ganitong gulo.

“Jess!” Rinig kong tawag sakin ni Ara. Alam kong pipigilan nila ako dahil hindi ko na ito tungkulin pero hindi ko maiwasan. I have to do something. Naramdaman ko ding hinabol ako ng dalawa kong bodyguard.

Nakiagsiksikan ako sa mga tao. Kahit na mainit at masikip at pinilit kong mapauna upang pigilan ang kaguluhang nagaganap. Alam kong delikado sakin ang mga ganitong sitwasyon lalo na’t may bata akong dinadala.

Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan. Sinubukan kong pigilan ang dalawang tao na nagsusuntukan ngunit agad na may humawak sa dalawa kong braso dahilan upang hindi ako makalapit sa kanila at mapigilan sila.

Kitang kita ko ang dugo sa mukha ni Andrei. Nasa ilalim siya ni Luke. Panay ang suntok ni Luke na tila naglalabas ng sobrang galit. Hindi magawang lumaban ni Andrei. Kitang kita ko ang panghihina niya. Agad na nangilid ang luha ko.

“Luke! Stop it! Stop!” Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sakin ng dalawa kong bodyguards pero masyado silang malakas at hindi ako makaalis sa pagkakahawak nila. Para namang bingi si Luke kahit na ang lakas na ng pagkakasigaw ko.

“Let me go! Luke! Andreiiiii! Stop it!” Bakit ba ayaw nila akong pakawalan? I have to do something to stop this war. Tumulo ang mga luhang kanina ko pang nararamdamang nangingilid sa aking mata. Nagtagpo ang mga mata namin ni Andrei, at ngumiti siya ng bahagya.

Lalo akong nagpumiglas. Gusto ko siyang lapitan! Gusto kong awatin si Luke at pigilan siya. Iyak na ako ng iyak kakapumiglas. Pero tila walang balak ang mga bodyguard ko na pakawalan ako. Sigaw ako ng sigaw!

“Luke! Tama na!” Humagulhol na ako sa iyak. Naramdaman kong unti unting lumuwag ang pagkakawak nila sa braso ko. Nang maramdaman kong nakawala na ako ay agad akong tumakbo papalapit kay Andrei. Tinulak ko si Luke upang tumigil na siya sa pagsuntok kay Andrei.

“Ano ba Luke! I said stop!”

Agad kong dinaluhan si Andrei at lumuhod sa kanya. Nakahiga siya at hinawakan ko ang duguan niyang mukha. Nakamulat ng bahagya ang mata niya at pasimpleng ngumiti. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. Iyak lang ako ng iyak sa harap niya. Tumahimik ang paligid.

“Sssshhh. S-stop crying, b-baby.” Pilit niya akong tinatahan ngunit hindi ko magawa. Naramdaman kong may humawak na naman sa braso ko, nilingon ko. “Ano ba!” Nakita kong si Luke ang humawak sakin.

“Jess! Stop acting like that. Parang hindi siya ang lalaking nakasakit sayo ah!” Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Luke. Hindi na ako umimik at ibinalik ko ang paningin ko kay Andrei. Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko.

“Luke, let her.” Sabi ni Jana.

“Damn! You’re bleeding.” Ngumiti lang sakin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at dinala ito sa labi niya. Marahan niya itong hinalikan. Shit! Yun lang ang ginawa niya pero tunaw na tunaw na ang galit sa puso ko.

 

“S-stop crying. I-I’m o-okay!”

 

“Bakit hindi ka lumaban?” Bulong ko sa kanya. Lalo akong naiyak nang makita ko ang luhang pumatak sa mata niya. “Bakit? Dapat lumaban ka!” I rested my head on his chest while crying so hard. Naramdaman kong isa isa ng nag alisan ang mga tao sa paligid. Parang wala akong pakielam kung saan nakahiga si Andrei.

 

“P-pagod na ako. Pagod na pagod na akong lu-lumaban.” Dirediretso lang ang tulo ng mga luha ko ganun din ang sa kanya. Alam ko, alam kong parehas kaming nasasaktan sa sitwasyon namin. Parehas kaming nasasaktan sa lahat ng mga nangyayari. Siguro tama lang na maghiwalay kami upang matigil na ang sakit na parehas naming nararamdaman.

May dumating na stretcher at isang nurse. May kasama siyang dalawang lalaki. Sila siguro ang bubuhat kay Andrei upang malipat ito sa stretcher na dala nila.

Agad na napalingon ako nang may humawak sa magkabila kong braso. Tiningnan ko sila ng masama!

 

“Let go!” Matigas kong pagkakasabi sa kanila ngunit hindi nila ako binitawan.

“Sorry Ma’am utos lang po ng Daddy niyo. Tara na po.” Dahan dahan nila akong tinatayo ngunit nagpumiglas ako. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Andrei sa kamay ko.

“Jess, you should obey your Dad.” Sabi ni Jen. Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang pag aalala niya sakin. Siguro ay nagtataka din silang tatlo kung bakit ganito ang inaakto ko kay Andrei. Alam kong sinaktan niya ako ngunit hindi ko maalis na mag alala sa kanya kaya ako naririto sa tabi niya.

“You don’t tell me what to do, Jen.” Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Ganun din ang naging reaksyon nila Ara at Jen. Alam kong iniisip nila na sinaktan na nga ako ni Andrei ngunit tila pinagtatanggol ko pa si Andrei at nasa panig niya ako.

Pero hindi ko lang talaga kayang makitang ganito ang kalagayan niya tapos iiwanan ko na lang siya. Afte this, I know I have to apologize to Jen. Ayaw kong magkagalit kami ng dahil lang sa sitwasyong ito

 

“Ano ba!” Hinawakan na naman ako ng mga bodyguard ko at pilit na itinatayo. Naramdaman kong pumulupot ang braso ni Andrei sa bewang ko. Kahit na hinang hina siya ang ginawa niya yun siguro upang walang makakuha sakin sa tabi niya.

Kinabig niya ako papalapit sa kanya dahilan upang mapasubsob ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

 

“Don’t. D-don’t take her, p-please.” Rinig na rinig ko sa tinig niya ang panghihina niya. 

Продолжить чтение

Вам также понравится

Chasing Heartaches charamel

Подростковая литература

244K 1.2K 7
How long will I chase and endure the heartaches he has given me? The rest of the story is on dreame! :)
We're Married (Published) A.

Художественная проза

19.7M 173K 60
WATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga kami pero hanggang papel lang. Hawak ko ng...
The Dancers Story [COMPLETED] Jessy Stories ❤️

Подростковая литература

58.5K 1.2K 54
Being A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect...
888K 23.8K 23
Si Pinkie Diwata dela Rosa ay naniniwalang size doesn't matter. Aba, hindi na niya kasalanan kung maraming pagkain ang ref nila, 'no. Masarap kaya an...