The Billionaire's Son

By hanmariam

6M 195K 25.7K

Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. Ho... More

The Billionaire's Son
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Part II
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Special Chapter

Chapter 20

85.5K 3K 526
By hanmariam

Chapter 20

"Sierra, matagal ka pa ba—" natigilan ako at nanigas sa kinatatayuan when I saw my friend being pinned to the wall of the ladies room by no other than Aaric. Labis akong pinamulahan nang makita kong halos punitin na ni Aaric ang suot niyang uniporme at ang mararahas nitong halik sa kaniyang leeg.

"Mallory!" nanlaki ang mga mata niya at kaagad na itinulak si Aaric. Kaagad akong tumalikod at ipinikit ang mga mata.

"P-Pasensiya na..." nauutal kong wika. "H-Hindi ko alam..." I trailed off.

Aaric chuckled behind me. "It's okay, it's just Mallory..." Sierra hissed at the background. Sumilip ulit ako sa kanila. Dali-dali na niyang ibinutones ang suot niyang uniporme at sinamaan ng tingin si Aaric saka itinulak ito palayo. Nilapitan niya ako at nahihiyang tiningnan.

                                                    "I'm sorry you have to see that..."

Nag-iwas ako ng tingin. The atmosphere between the three of us is so awkward. "Ayos lang." I whispered.

Humigit siya ng isang malalim na hininga at hinigit ang aking kamay palabas ng ladies room. I didn't know if Aaric followed dahil sa sobrang tulin niyang maglakad. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming classroom ay mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko at namumula ang kaniyang mga pisngi.

"I didn't know that you already know Aaric..." I mumbled when she finally let go of me.

Mas lalong pumula ang mukha ni Sierra sa aking sinabi. I seldom see my bestfriend at talagang nagulat ako sa nakita ko sa ladies room kanina.

"I met him a couple of months ago." Pag-amin niya.

I blinked. "So... you're dating him?"

Umiling siya. "No."

"But he's kissing you?" naguguluhan kong tanong. "People who are dating are..." I trailed off and heat crept up to my face again when I remembered the two of them earlier. "You're kissing each other."

Mahina siyang tumawa. "You are so naïve, Mallory. Not all people who kiss each other are dating." Tapos pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Christian Monterio have already kissed you, right?"

It was my turn to get embarrassed. Nahihiya akong tumango.

"See?" mas lalong lumakas ang kaniyang tawa.

"But he's already courting me," I blurted out.

Sierra shrugged. "Okay, fine. You just can refer my relationship with Aaric as... casual hookups."

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Anong hookups—"

"Oh, Leon!" nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumigaw at kinawayan ang kung sino man na nasa likod ko. I turned and saw Leon. Kasama niya si Isabella. Pinasadahan niya ako ng tingin at umigting ang kaniyang panga bago niya sinuklian ang ngiti ni Sierra sa kaniya. Hindi ako mapakali nang higitin siya ni Isabella papunta sa aming direksiyon kaya naman isiniksik ko ang sarili ko sa likuran ng aking kaibigan.

"Fancy seeing you here, Mallory..." Isabella said, her angelic face lighting up. I can't read her, so I didn't know if she was being real or not. Tipid ko na lamang siyang nginitian.

"There's a welcome party later on. Gusto mong sumama?" excited na tanong ni Sierra sa kaniya. Mukhang nakalimutan ng kaibigan ko na binusted ko si Leon at galit siya sa akin ngayon kaya hindi kami nag-uusap dalawa.

Leon glanced at me. His gaze lingered for a while before he gave a single nod to Sierra. "Yeah, sure." Tapos binalingan niya si Isabella. "You coming, Isa?"

She tapped her chin for a while before she nodded as well. "Why not? I kinda missed the beach already..."

"Great!" pumalakpak si Sierra sa tuwa at binalingan ulit ako. "Sama ka na, Mallory! Andami na namin oh..."

Leon shoved his hands on his pockets. "I heard Christian Monterio is already courting you..." I could hear the bitterness of his voice. "Akala ko ba ay gusto mo munang mag-focus sa pag-aaral? Eh bakit nagpapaligaw ka na sa kaniya?"

I lowered my gaze on the ground in shame. He's still mad at me, I see.

"Leon, that's not the proper way to talk to a lady." Saway ni Isabella sa kaniya. Nakita ko ang pag-hawak nito sa braso ni Leon at dahan-dahang paghigit nito palayo sa aming dalawa ni Sierra. "Ang mabuti pa umalis na tayo. Kanina pa tayo hinihintay ng barkada."

Leon glanced at me once again. I could see the anger and betrayal pooling in his face as he looked at me. I couldn't help feeling bad. Pero wala na siyang sinabi pa pagkatapos noon. Sumama na siya kay Isabella at naglakad silang palayo sa aming dalawa.

"Anong nangyari sa inyong dalawa ni Leon?" nagtatakang tanong ni Sierra.

I stomped one feet at her. "Sierra naman eh! Alam mo naman galit sa akin si Leon ngayon..."

Tumaas ang kaniyang kilay. "Really? I didn't know. Ang akala ko'y ayos lang sa kaniya ang nangyari."

Umiling-iling ako. "Can't you see the way he looks at me? He's mad!"

"Okay, okay. I'm sorry..." she held both hands in the air to surrender and shot me an apologetic look. "I'll not invite him if you're not comfortable with him anymore. So, sasama ka ba mamaya?"

Umiling ako. "Hindi puwede. May lakad ako..."

Kumunot ang kaniyang noo. "Saan ka naman pupunta?"

"S-Sage is coming home today." Nahihiya kong tugon.

Tumawa si Sierra. "Dalaga ka na talaga, Mallory. O, sige. But that doesn't mean that because you're not in good terms with Leon, I can't be friends with him as well, ha? He's a good companion. But I think he still needs some time."

Tumango ako. "Hindi naman kita pinagbabawalan, eh."

"O sige, alis na ako." Nagmamadali siyang umalis kaya napakunot ang noo ko. Nasagot lamang ang aking katanungan nang makita ko si Aaric na papalapit sa akin. He grinned widely at me as if I didn't saw him kissing my bestfriend torridly in the ladies room earlier.

"Hey, Mallory! Let's go?"

I awkwardly followed him out of the campus. Sage instructed Aaric to bring me to their mansion today. Mas naunang nakauwi si Aaric sa kaniya bago matapos ang bakasyon at si Sage ay nanatili sa Makati nang ilang araw dahil sa isang problema. Kung ano iyon ay hindi naman nila binanggit sa akin.

Buti nalang at madaldal si Aaric. He easily washed away the awkwardness between the two of us. Siguro ay sanay na siyang nakikita ng mga tao na may kahalikang babae? Hindi ako sigurado. Habang naglalakad kami ay ikinuwento sa akin ni Aaric ang nangyari sa kanila ni Sage nang bumalik sila sa Makati.

He told me that none of Sage's friends are willing to talk to him anymore after the trial. The Monterio's attempt to conceal the incident failed and the entire world knew about what he did. It was a draining trial for him, standing inside the courtroom and trying to defend himself that he only did it because the guy tried to attack his girlfriend. Nahirapan silang ipanalo ang kaso dahil walang ibang witness kung hindi si Jasmine. As it turns out, Jasmine refused to talk as well.

Gusto ko sanang tanungin kung ano ang nangyari noong binalikan ni Sage si Jasmine pero itinikom ko ang aking bibig. What happened to the two of them? Wala na ba talaga sila? Hindi na ba matanggap ni Jasmine si Sage dahil nakapatay siya ng tao? Wala na bang lugar si Sage sa puso niya? Nakalimutan na ba siyang tuluyan ni Sage?

Hindi tumitigil ang isipan ko hanggang sa makarating kami ng mansiyon. My mother is aware that I'm going to their mansion today. Her silent disapproval is heartbreaking, yes. But I couldn't blame her. Noon pa man ay hindi na talaga siya sang-ayon sa pakikipagkaibigan ko kay Sage, let alone court me. But she didn't stop him. Thankfully.

Habang binubuksan ni Aaric ang gate ng mansiyon ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak ni Zahra. Nagpapanic na ang kaniyang nanny at halos hindi alam kung ano ang gagawin. Tinatapon niya ang kaniyang mga laruan at pinagtatadyakan ang bakal na upuan kung saan siya nakaupo.

Hindi siya pinansin ni Aaric na para bang sanay na siya kay Zahra. He locked the gate once I'm inside at iminuwestra ang upuan.

"Teka lang, titingnan ko muna kung dumating na si Sage. He's supposed to arrive after lunch time." wika niya. Tumango ako at nilapitan si Zahra. Mas lalo pa yatang lumakas ang kaniyang iyak nang makita niya ako. I tried cooing her but she wouldn't listen. Iyak pa rin siya nang iyak.

"Baka nagugutom?" suhestiyon ko sa kaniyang nanny.

She shook her head sadly and showed me a full bottle of milk that she's holding. "Ayaw niyang uminom ng gatas."

I lifted my gaze when the oak doors opened and revealed a beautiful young woman. Kumikislap sa panghapong araw ang kaniyang morenang balat. Mahahaba ang kaniyang pilik mata, matangos ang ilong, at sobrang lambot tingnan ng kaniyang mga labi. She's wearing a pair of strap sandals and simple yellow sundress pero sobrang ganda na niya. Ang kaniyang buhok ay malinis na nakatali sa isang mataas ng ponytail at umaalon pa ang dulo nito.

Her gaze landed on Zahra. She gracefully stepped down the stairs and hoisted her up.

"Kanina pa ba siya umiiyak?" tanong niya sa nanny.

"Oo, Ma'am eh."

The girl nodded and started rocking Zahra back and forth. The little girl calmed down a little especially when she started humming a lullaby to her ears. She glanced at me but quickly lost interest and continued soothing Zahra until such time that the little girl finally stopped crying.

Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. Sobrang ganda niya talaga. Isa ba siyang Monterio? Zendejas? One of Sage's cousins? Ngayon ko lang siya nakita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Aaric o si Sage.

As if reading my thoughts, both boys emerged out of the mansion. Ang una kong napansin ay ang medyo mahabang buhok ni Sage sa ilang linggo naming hindi pagkikita. It made him look a little... mature and in charge. Nakasuot siya ng puting button-down shirt na tinupi niya hanggang sa kaniyang siko.

His intense gaze landed on me. Sumikdo na naman ang puso ko. Titig na titig siya sa akin habang naglalakad siya pababa. When he finally reached me, he pulled me into a hug. The young woman stared at us and blinked. Pagkatapos ay itinuon niya ulit ang atensiyon sa pagpapatuloy kay Zahra.

"I've missed you..." bulong ni Sage sa aking tainga na nagpakiliti sa buong katawan ko.

I fought off a huge grin. "Na-miss din kita, Sage..."

"I have something to give you later on..." ani Sage. "My parents want you to have dinner with us tonight. Gusto ka nilang makilala nang husto."

I nodded my head. I can still remember the first time I sup with the Monterio's. Sobrang kabado ako noon. Hindi ko alam kung anon a ang hitsura ni Don Monterio ngayon at ng kaniyang batang asawa dahil hindi ko naman sila madalas na nakikita. But I doubt their faces changed. Mayaman sila kaya naman kaya nilang i-maintain ang magandang kutis nila at wala naman yata silang ibang po-problemahin kung hindi kung saan nila gagastusin ang kanilang pera?

Napailing nalang ako sa mga pinag-iisip ko.

"Sage, won't you introduce me to your girl?" I was dragged to reality when the young woman spoke again. Even her voice is soft. Masarap pakinggan sa tainga.

Sage shifted his weight from one foot to another. Nagtataka ko siyang tiningnan. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at umigting ang kaniyang panga. Aaric is silently watching the three of us while munching on an apple.

"Right... Mallory. I think you knew her already..." humigit nang isang malalim na hininga si Sage at pagod na iminuwestra ang babaeng ngayon ay mataman nang nakatingin sa akin. "This is Jasmine..."

Continue Reading

You'll Also Like

128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
38.1K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
97K 5.4K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...
1M 37.3K 47
Life is not a fairytale. So don't expect rainbows and unicorns.