Author's Note: Guys, narealize ko na malapit na pala sa 100 chapters 'to pero pakiramdam ko nasa gitna palang tayo ng story. Haha. Baka abutin siya ng 125 chapters. Dapat talaga 50 chapters lang 'to pero dahil sa support niyo, mukhang lalampas ng 100 chapters. Saranghaeyo! Kamsahamnida. Happy 4k Reads! Oh sige. Tama nang daldal ko, basahin niyo na. Hahaha.
Dahyun's Pov:
Nang imulat ko ang mata ko, agad na akong napaiktad sa kama. Special ang araw na 'to kaya hindi dapat nagsasayang ng oras.
Nagmadali na kong naligo't nag-ayos ng sarili. Habang nagtu-toothbrush, hindi ko mapigilang mapangiti. Napahawak ako sa labi ko, naaalala ko pa yung moment namin ni Mina kahapon.
Bakit hinalikan ko siya, sa pangalawang pagkakataon? Hindi ko din alam. Basta pakiramdam ko, yun yung gusto kong gawin. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na pagmasdan ang magandang mukha niya. Gustong-gusto kong nakikitang nakangiti siya.
Masaya akong naayos na namin ang hindi pagkakaintindihan tungkol kay Tzuyu. Pero mas masaya akong pumayag si Mina na sumama sakin ngayong araw. Bakit niyaya ko siya? Totoo 'yung sinabi ko kahapon na gusto kong mas makilala namin ang isa't-isa.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang tumatakbo sa isip ko. Isa lang ang alam ko, gusto kong makasama si Mina. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Masaya akong nakikita rin siyang masaya.
"Hoy! Goodluck sa date mo." Sabi ni Jeongyeon.
"Makikipagdate din ako kay Nayeon!" Sabi naman ni Chaeyoung. Mukhang asar padin siya dahil sa pang-aasar namin kagabi. Hahaha.
"Ang tanong, ide-date ka ba ni Nayeon?" Nakapamewang na tanong ko sa kanya.
"Sana pumalpak ang date mo!" Pagganti niya sakin.
"Talaga? Eh, hindi naman date 'yun. Maggagala lang kami."
"Tungunung 'to talaga. Ganun na rin 'yun. Hanggang kailan mo ba ide-deny na may something special sa pagitan niyo ni Mina? Sasabihin mo parin bang friends lang kayo?" Dagdag ni Chaeyoung.
Ahm, hindi ko rin alam kung anong maitatawag ko sa relationship namin ni Mina ngayon eh. Basta alam ko, gusto kong mas makilala namin ang isa't-isa.
"Basta alam ko, masaya ako kapag kasama siya. Wala na kayong pakialam kung ano mang namamagitan saming dalawa. Balakayojan." Lalabas na sana ako ng bahay nang magsalita si Jeongyeon.
"Alam mo na naman siguro kung paano makipagdate since nagdate na rin naman kayo ni Sana noon, diba?" Sabi ni Jeongyeon kaya napahinto ako.
"What do you mean?"
"Ibig sabihin, gawin mo lang 'yung kung paano kayo magdate ni Sana noon." Dagdag ni Chaeyoung.
"Excuse me. Si Mina ang kasama ko ngayon, hindi si Sana." Sagot ko sa kanila sabay pamewang pa.
Hindi ko gagawin kung ano mang klaseng date ang meron kami ni Sana noon. Sa paggagala namin ni Mina ngayon, pipiliin kong gawin ang mga bagay na pareho naming magugustuhan ni Mina. I'll enjoy my day with Mina, not with Sana.
"Oh! In-love ka na nga ulit." Sabi ni Jeongyeon.
"Tama. Mukhang nawawala na sa puso't utak mo si Sana eh. Napapalitan na ni Mina. Ayieh!" Pang-asar na naman ni Chaeyoung.
"Tumigil nga kayo diyan. Mauna na ko. Bahala na kayong mag-isip kung ano bang meron samin ni Mina." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Iniisip naming date 'yun." Sabi nilang dalawa.
"Oh! Eh di date na kung date. First Date!" Sagot ko sa kanila.
"Sabi na nga ba, first date niyo 'to." Natigilan ako nang marinig si Momo.
"Dahyun, Ready na ko." Nakarinig ako ng magandang boses. Omg! Narinig kaya niya?
Lumingon ako't nakita ang pinakamagandang babae sa paningin ko.
"Oh. He--Hey Mina." Bati ko sa kanya.
"Are you ready?" Tanong niya sakin na tila ba nahihiya pa habang pinagmamasdan ko kung gaano siya kaganda.
Bagay sa kanya ang suot niyang puting bistida't sandals. Mas lalo pa siyang gumanda. Kahit simple 'yung suot niya, dalang-dala naman niya.
"For what?" Nawawala sa sariling tanong ko sa kanya.
"For our first date." Sagot niya kaya naman bigla akong naubo.
"Huh?"
"Sa--Sabi mo, it's our first date." Nahihiyang sabi niya.
Sino ba naman ako para makipagdate sa isang katulad niya? Teka, sinabj ko bang date? Nababaliw na ko.
Dahyun, kasasabi mo lang na hindi date 'to eh. Anong gagawin ko? Date na ba talaga 'to? Kinakabahan ako. Baka maboring siya sakin mamaya.
Para siyang dyosa. Deserve ko bang makasama siya para sa araw na 'to? Narealize kong ang swerte ko dahil pumayag siyang makasama ko ngayong araw.
"Aish. Kim Dahyun, Ang hina mo naman eh. Kung "di date ang lakad niyo ngayon, yayayain ko si Mina makipagdate. Sa ganda ba naman ng kasama mo ngayon." Extra ni Chaeyoung kaya napa-glare ako sa kanya.
Gagueng 'to! Aagawan pa ko. Kumunot-noo ako sa kanya kaya napa-peace sign siya.
"Jo--Joke lang. Hehehe." Natatawang sabi ni Chaeyoung sabay tikhom ng bibig niya.
"Susumbong kita kay Nayeon!" Sabi ni Momo kay Chaeyoung.
"Lagot ka naman sakin! Nageexplain lang ako eh." Sabi ni Chaeyoung kay Momo.
"Subukan mong awayin si Momo. Lagot ka sakin!" Extra naman ni Jeongyeon. Shet. Ang iingay nilang lahat.
Lumapit na ko kay Mina. Napatingin siya sakin nang ialok ko ang kamay ko sa kanya.
"Huh?"
"Pwede na ba tayong umalis?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Napangiti na lang rin siya't tumango sakin kaya naman hinawakan ko na siya sa kamay. Lumakad na kaming dalawa habang abala pa sila Chaeyoung sa pagaaway-away.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Mina sakin.
"Ikaw? Saan mo ba gustong pumunta?"
"Kahit saan." Sagot niya habang hawak ang kamay ko.
"Paano ba 'yan? Gusto ko kasing pumunta kung saan mo gustong pumunta." Sagot ko sa kanya kaso bigla siyang tumawa.
"Oh. Bakit tumatawa ka? Haha."
"Kasi gusto ko ring pumunta kung saan mo gustong pumunta. So saan tayo pupunta? Haha. Ang gulo diba."
"Haha. You're cute when you're laughing." Sabi ko kaya bigla siyang nahiya.
"Pa--Pasensya ka na. Baka maboring ka sakin." Dagdag niya.
"Ano ka ba? Ngayon pa nga lang na naglalakad palang tayo, nageenjoy na ko. Mamaya pa kaya?"
"First time ko kasi sa ganitong gala since hindi naman ako hinahayaan ni Dad na lumabas." Paliwanag niya.
"Alam ko na! Bakit 'di tayo pumunta sa mga lugar na gusto mong puntahan noon pero hindi mo magawa dahil pinagbabawalan ka?" Tanong ko sa kanya.
Naiintindihan ko naman kasi kung anong buhay 'yung pinagdaanan niya. Sigurado kong may mga lugar siyang gustong puntahan. Sigurado din akong may mga bagay siyang gustong gawin. Ngayon ang pagkakataon para magawa niya na ang mga 'yun. Sigurado kong magiging masaya siya. Magiging masaya rin ako kapag nakita kong nageenjoy siya.
"Sa bagay, tama ka. Noon, gusto kong magpunta sa Park kaso ayaw kong payagan ni Dad. Namimiss ko na kasi talaga yung mga panahong buhay pa si Mom. Yung mga panahong iginagala niya ko sa Park."
"Tara! Punta tayong Park ngayon."
"Ta--Talaga? Maggagala tayo sa Park?" Masayang tanong niya. Nakikita ko yung excitement na namumuo sa mata niya.
"Magdedate tayo sa Park." Linaw ko sa kanya kaya natigilan siya.
"Da--Date?"
"Yes. It's our first date." Masayang sagot ko sabay hawak na nang mahigpit sa kamay niya. Napangiti na lang siya sakin bago kami tuluyang sumakay sa taxi.
Sinabi na namin sa taxi driver kung saan ang punta namin. Bigla naman siyang ngumiti samin nang di namin alam ang dahilan.
"Adik yata 'tong driver." Bulong ko kay Mina.
"Huh? Anong gagawin natin?" Tanong ni Mina.
"Ako'ng bahala sayo. Poprotektahan kita." Bulong ko ulit sa kanya.
"Ahm. Excuse me po. Magdedate po ba kayo sa Park?" Tanong niya samin habang nagmamaneho.
"Yes. Bakit po?" Tanong ko sa driver.
"Irerecommend ko lang po na bumisita kayo sa tindahan ng nanay ko. Nagtitinda siya ng bracelets. Bumusita kayo sa tindahan niya kapag may extra time kayo. Magaling 'yun mag-advice tungkol sa Love." Sabi niya samin.
"Ah. Si--Sige po." Sabi naman ni Mina.
"Salamat. Sa totoo, huminto muna't nagbakasyon ang nanay namin sa pagtitinda. Sinabihan na naming magpahinga na pero walang makapigil sa kagustuhan niyang makatulong sa paga-advice sa mga taong may problema sa pag-ibig." Dagdag ng driver. Tungunu! Ang daldal naman ng driver na 'to. Adik yata talaga.
Nang marating namin ang Park, sobrang excitement ang naramdaman ni Mina. Nagtatakbo siya kung saan-saan niya maisipan. Makakita lang siya ng butterfly, kitang-kita mo nang nageenjoy talaga siya.
"Mukhang masaya ka talaga."
"Sobrang saya! Salamat, Dahyun." Ngumiti siya sakin at nagpatuloy sa paglilibot na parang isang bata. Ang cute niya.
Hahayaan ko na muna siyang ma-enjoy ang moment na 'to. Lumakad-lakad siya't may nakitang mga bata na naglalaro sa playground.
Pinanood niya lang ang mga batang masaya na naglalaro. Nang umalis na ang mga bata, lumapit ako sa kanya't hinawakan siya sa kamay.
"Let's play"
"Sigurado ka? Di na tayo bata eh."
"So what? Let's Go. Alam kong gusto mong maglaro. Haha." Natawa na lang din siya sakin.
Nagsimula na kaming maglaro sa playground na parang mga bata. Nagslide siya sa slide habang nakaabang naman ako sa unahan para saluhin siya. Nang marating niya ang dulo ng slide, napayakap siya sakin.
Ang moment na 'to, hindi ko inaasahan na sobrang saya ang mararamdaman ko. Para nang sasabog 'yung puso ko sa sobrang saya.
Sumunod naman kaming sumakay sa seesaw. Sa kanya lang ako nakafocus habang naglalaro kami. Yung ngiti niya, hindi kayang tumbasan ng kahit na ano. Nagduyan rin kaming dalawa. Kahit na ang bilis nang pag-sway ng duyan habang nakasakay siya, hindi parin nawawala sa paningin ko 'yung masayang expression niya sa mukha.
Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam ako ng pagkagutom. Nagpahinga na muna kami sa isang bench. Alam ko rin namang gutom na't pagod si Mina kaya naman kumilos na ko.
"Mina, Hahanap lang ako ng mabibili ah. Stay here."
"Sige. Salamat. Hintayin kita dito." Sagot niya kaya naman lumakad na ko.
Naglakad-lakad ako sa Park hanggang sa makakita ng tindahan ng cotton candy kaya naman nagmadali na kong bumili. Sana magustuhan 'to ni Mina.
Pabalik na sana ako nang maalala ko yung sinabi ng driver. Naglakad-lakad pa ko hanggang sa matunton ko ang hinahanap ko. May nakita akong Lola na nagtitinda ng mga bracelet.
"Hello po." Bati ko kay Lola.
"Bibili ka ng bracelet?" Tanong ni Lola sakin.
"O--Opo."
"Pumili ka na. Piliin mo 'yung talagang magugustuhan mo. Para kanino ba?"
"Pa--Para po sa ka-date ko." Nahihiya ko pang tanong.
"Ah. Ganun ba? Stay strong sa inyo."
"Wala pa pong kami."
"Stay strong. Advance ako mag-isip eh." Sagot ni Lola kaya natigilan ako. Wow!
"Sabi po nung driver ng taxi na nasakyan namin kanina ng ka-date ko, magaling daw po kayong mag-advice."
"Ah. Ang daldal talaga ng anak kong 'yun. Bakit? Ano bang maitutulong ko?"
"Ahm. Ano pong gagawin ko? Yung inituturing kong stranger noon, gustong-gusto ko nang makasama ngayon."
"Stranger?"
"Opo. Dumating sa point na inisip kong panggulo lang siya sa buhay ko. Inisip ko na ni hindi ko siya gustong maging kaibigan. Pero habang tumatagal, may nararamdaman akong kakaiba."
"Ang buhay nga naman. Minsan hindi mo namamalayan na yung bagay na inaakala mong makakasira sa buhay mo, unti-unti nang nagiging mundo mo." Sagot ni Lola sabay ngiti sakin.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Basta pakinggan mo lang kung anong sinasabi ng puso mo. Magpakatotoo ka lang sa taong 'yun, higit na sa sarili mo. Magtiwala ka lang sa puso mo." Dagdag ni Lola.
May punto si Lola. Dahil sa nangyari samin ni Sana, inisip ko na wala nang pag-asa para maging masaya ulit ako. Pero nang dumating si Mina; nang dumating ang taong inaakala kong walang epektong maibibigay sa buhay ko, nagbago ang lahat.
Alam ko sa sarili kong hindi lang kaibigan si Mina pero naghe-hesitate akong aminin 'yun sa kanila at sa sarili ko sa kadahilanang baka maulit na naman ang nangyari.
Iba si Sana kay Mina. Hindi ko sila dapat ipagcompare. Tama. Magpapakatotoo na ko sa nararamdaman ko. Magpapakatotoo na ko sa taong nagpapasaya sakin ngayon.
"Salamat po sa advice, Lola."
"Walang anuman. Goodluck. Sige na, mamili ka na ng bibilhin mo." Sabi ni Lola sakin.
Agad na kong namili. Nakuha ng atensyon ko ang isang magandang bracelet.
"Yung crescent moon bracelet po." Napangiti naman si Lola sa napili ko.
"Sigurado kong magugustuhan niya 'to." Sabi ni Lola sabay abot sakin ng bracelet.
"Sana nga po. Salamat po." Napangiti na lang ako kay Lola. Sana magustuhan ni Mina 'to.
Lumakad na ko't nakakita ng tindahan ng bulaklak. Nagmadali na ko para pumili ng bulaklak na ibibigay kay Mina. Bumili ako ng tulips para kay Mina.
💕To Be Continued💕
A/N: Kala niyo nilubayan na tayo ni Lolang tindera ng bracelet noh. Nagkakamali kayo. Hahaha. Palagi siyang eextra. Ang layo na ng narating ni Lola. Nanggaling pa siya sa "Who Owns Kim Dahyun's Heart?". Happy 61k Reads sa WOKDH.
Sorry kung bitin na naman kahit mahaba na 'yan. Hahaha. Medyo busy kasi ako. May inaasikaso pa kasi ako kaya isang beses kada isang araw na lang ako nakaka-ud. Kung minsan, di na ko nakaka-ud lol.
Don't forget to leave some comments. Let me know kung anong reactions niyo sa chapter na 'to. Fighting!