FIELD TRIP

Od cupcakegalaxyy

177K 3.7K 370

Field Trip ⓒ cupcakegalaxyy All Rights Reserved 2014 Více

Field Trip
Chapter 1 - The Beginning
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Note -
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
A/N
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Please read.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Field trip
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
ATTENTION!
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 - She
ATTENTION
Chapter 38 - Revelation

Chapter 21

3.3K 61 2
Od cupcakegalaxyy


Chapter 21

Daniel's POV

Alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkakaganon sila Gayle at Francis. Pakiramdam ko nagseselos si Francis ng dahil sa akin pero hindi ako sigurado. Kaibigan ko lang naman si Gayle. Wala ng hihigit pa doon. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nagseselos. Yun nga lang si Francis mahal siya ni Gayle. Eh ako? Hindi naman ako mahal ng mahal ko.

"Pre, anong problema? Tungkol na naman ba kay Princess?" tanong sa akin ni Jeric.

Naalala niyo ba nung nagselos ako? Nagkamali ako noon. Walang namamagitan sa kanila ni Jeric. Kinuwento na ni Jeric sa akin lahat noong binabantayan namin si Gayle.

-FLASHBACK-

Binabantayan namin si Gayle na ngayo'y mahimbing na natutulog. Kasama ko si Jeric dahil kakauwi lang ni Princess. Naiinis ako, alam niyo yung parang out of place ka? Yung parang naligaw ka lang? Mabuti nalang kausap ko si Gayle kanina. Nakakainis. Mahirap mang aminin pero ang sweet nila kanina.

"Haay" Malakas kong pagbuntong hininga.

Napatingin sa akin bigla si Jeric. Hindi ko man ginusto pero parang ang init ng ulo ko sa kanya. Matagal na kaming magkaibigan. Simula pa nung pre-school hanggang ngayon. Mali siguro pero ito nararamdaman ko.

"Pre? May problema ba?" tanong niya sa akin.

"Wala" Matipid kong sagot.

Tumabi siya sa akin at saka ipinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Haaay nako Daniel. Kabisado na kita. Alam kong meron eh" tapos tinapik-tapik niya yung balikat ko. Tinanggal ko 'yun.

"Wala nga." sabi ko at umalis ako sa kinauupuan ko.

"Oy ano bang problema mo ha?" Sabi nito na medyo seryoso na. Tapos hinawakan niya muli ang balikat ko pero agad ko itong itinabig.

"Bakit ka ba ganyan? Kinakausap kita ng maayos a? Ano bang problema mo ha?" Tumaas na ang boses niya na halatang naiirita na.

"Wala nga. Kainis"

"Bakit ka ba ganyan? May problema ka ba sa akin?"

"Oo meron! Ano okay na? !" Pasigaw kong sabi.

"Ano bang ginawa ko sayo ha?" Sigaw niya tapos kinuwelyuhan niya ko.

"Hoy ano ba?! Kung mag-aaway kayo dun sa labas! Panira kayo ng tulog e!" Nagulat kami bigla nung binato kami ni Gayle ng unan. Bigla ba namang sumigaw?

Binitawan na niya ang kwelyo ko at lumabas na lamang siya ng kwarto. Hindi ko alam pero bigla ko siyang sinundan.

"Jeric." tawag ko sa kanya.

Bigla siyang natigil sa paglalakad at humarap sa akin. Hindi siya nagsalita. para bang hinihintay niya kong magsalita muli.

"L-Layuan mo siya" Diretso kong sabi.

Lumapit siya sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

"N-Nagseselos a-ako sa t-tuwing k-kasama ka n-niya." Yung mukha niya parang nagulantang sa mga sinabi ko. B-bakit anong problema dun sa sinabi ko?

"Umamin ka nga sa akin pre" Na ano ? Mahal ko si Princess? Na may gusto ko sa kanya? OO meron.

"Ano?" Tanong ko.

"Bakla ka ba? May gusto ka ba sa akin?" Nagulat ako sa mga sinabi niya.

Binatukan ko siya ng malakas.

"Aray ko naman!" Pagrereklamo niya.

"G*go hindi ako baklaLoko talaga 'to.

"Eh ano yung sinasabi mong nagseselos ka pag kasama ko siya? Ibig sabihin nun 'di ba gusto mo ko? Sino ba pinagseselosan mo?" sabi niya sabay smirk.

"Ulol. Hindi ikaw! Si Princess! Nagseselos ako kapag magkasama kayo!. Mahal ko si Princess pero hindi ko matanggap na ang bestfriend ko pala yung gusto niya. Alam kong selfish 'tong pakinggan pero layuan mo na siya." Akala ko susuntukin niya rin ako gaya ng mga napapanuod ko sa mga pelikula. Pero wala akong naramdamang sakit sa panga o sikmura.Tahimik lang siya.

"Yan ang napapala ng hindi nagtatanong. " sabi nito. Huh?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Wala akong gusto kay Princess. Wala kang dapat pagselosan. Kaibigan ko lang siya."  Parang pinutol yung dila ko kasi hindi talaga ko makapagsalita.

"P-Pero b-bakit nakita ko k-kayo doon sa playground na m-magkayakap?" Bigla akong binatukan ni Jeric.

"Aray ko ha? Gumaganti ?" Sabi ko at napakamot naman ito ng ulo.

"May problema siya nun. Iniwan niya yung boyfriend niya kahit labag sa loob niya kasi ayaw niya 'tong mapahamak. Mahal na mahal niya daw kasi si Sam." Ibig s-sabihin

"Ibig sabihin , totoong naging sila ni Sam? Ang akala ko ba dati niyang ka-M.U yun?" Sabi ko. Yun kasi ang pagkakakwento niya sa amin. Sabi niya ayaw niya daw sagutin.

"Sinabi niya lang daw yun kasi tinatago nila yung relationship nila." Pero bakit?

"Ano raw yung dahilan?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, mali ang taong inaaway mo. Wala sa isip ko ang ganyang mga bagay. Kilala mo naman ako 'di ba?" sabi nito.

Gusto kong maluha sa mga sinabi ni Jeric pero hindi ko magawa.

"S-sorry J-Jeric" ang tangi ko nalang nasabi.

"Tara na balik na tayo sa kwarto ni Gayle. Ayos lang 'yan tol"

-END OF FLASHBACK-

Nakita ko kasi si Sam kanina. Palihim niyang pinagmamasdan si Princess. Kitang-kita mo sa mga mata niya na nasasaktan parin siya.

"Hindi" Sabi ko kay Jeric.

"Eh  bakit ka ganyan? " Naisip ko lang, kausapin ko na kaya si Francis?

"May naalala lang ako." sabi ko sa kanya.

*Vibrate * Vibrate.

Mukha atang may tumatawag sa akin.

Calling:  Angeli

Accept/Decline

Bakit kaya 'to tumatawag?  Sinagot ko ang kanyang tawag.

"Hello Angeli? Bakit ka napatawag?"

["Kuya, may training ka ba mamaya sa basketball?"] tanong niya sa akin.

Teka meron nga ba? Ay oo nga pala, wala muna kasi busy sa mga projects.

"Wala naman. Bakit?" tanong ko.

["Ah okay. Susunduin mo ba ko mamaya?"] Bakit ang daming tanong ng babaeng 'to?

"Hindi. May kakausapin kasi ako. Mauna ka na sa bahay. Tandaan mo, bawal magpagabi ha? Ayoko ng maulit yung dati" Matagal bago siya magsalita ulit.

["Opo kuya. Love you"] at binabaan ako ng telepono.

"Sino 'yun pre?" tanong ni Jeric.

"Ah si Angeli. " sabi ko at tinago ang phone ko sa bulsa.

Nakita kong 3:30 pm na pala.

"Sige una na ko, may gagawin pa ko e." sabi ko sa kanya.

Tumango nalang ito kaya naman kinuha ko ang bag ko at naglakad na paalis. Kakausapin ko na si Francis para wala ng gulo.

Angeli's POV.

"Opo kuya. Love you" sabi ko at ibinaba na ang telepono.

Itinago ko na ang phone ko sa bag at kinuha ang letter. Nagtataka siguro kayo kung bakit okay na ko. Sa totoo lang pilit ko nalang itinago ang mga nangyari. Hindi na ko nagsalita. Ang tanging alam lang ni kuya kung bakit niya ko nakitang walang malay sa daan noon ay kulang ako sa pahinga at sa pagkain. Ayoko ng alalahanin yung nangyari noon. Pero patuloy parin akong nagsasaliksik kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay.

Pero nandito ako ngayon. Pinaghahandaan ko ang gagawin ko. Matagal na kong may gusto kay Prince. Dahil sa sabay kaming magrereview para sa exam namin bukas. Kaya nandito ko sa library hinihintay ko siyang dumating.

Tinignan ko yung sulat na ibibigay ko sa kanya. Sana, ganoon rin yung tingin niya sa akin.

"Angeli, ano yan?" Nagulat naman ako kaya tinago ko agad yung sulat .

"A-Ah eh w-wala lang Prince" Sabi ko. Umupo ito sa harap ko at inilapag ang mga libro niyang dala-dala.

"Ano nga yan? Mukhang seryosong-seryoso ka ah?" Pagtatanong niya sa akin.

"Wala nga. Bakit ba ang tagal mo dumating?" Pag-iiba ko ng topic. Mahirap na baka umamin ako ng wala sa oras.

" Ah kasi napagalitan kami ng adviser namin. Yung kaklase ko kasi nambubully ng elementary. Eh nagsumbong kay ma'am ayun nagalit si ma'am." Ah kaya.

"O.A naman nun. Pati elementary student pinagtitripan?" Hay nako. Dyan pa naman ako nagagalit. Yung walang kinalaman na bata sinasaktan.

"Wala e. Tara na nga magreview na tayo. Saan ka ba nahihirapang subject?" Sabi niya sabay nagbuklat ng isang libro.

Sa totoo lang hindi naman ako masyadong nahihirapan sa mga subjects. Sa'yo lang talaga. Kaya minsan kapag naglelesson hindi ko maintindihan kasi walang tigil ang pasok mo sa isip ko kaya ayan wala tuloy akong naiintindihan minsan.

"S-Sa math" Sabi ko.

"Akin na nga yung notes mo" Binuklat niya yung notebook ko para tignan siguro yung pointers ko.

Habang binubuklat niya yung notebook ko, hindi ko maiwasan tignan yung maamo niyang mukha. Mala anghel at sobrang gwapo. Maputi pa. Pero kung umitim 'to panigurado gwapo parin.

"Ah madali lang 'to" Kumuha siya ng scratch paper "Ganito, Given na naman  'tong formula. Dapat kabisaduhin mo nalang. Tapos ganito, x is equal to -- " Nakapangalumbaba ko siyang tinitignan.

Paano kaya ako aamin nito sa kanya?

Prince, matagal na akong may gusto sa'yo. Tsk panget.

Hoy Prince, makinig ka matagal na kitang gusto. Ay ewan mas pangit.

Ano Prince may gusto sana kong aminin sayo. Na gusto kita. Leche walang dating!

"Hoy Angeli ! Nakikinig ka ba? Pano ka matututo kung nakitingin ka lang nyan sa akin?" Shet.

"P-pasensya na." Bigla ba naman nagsmirk.

"Gwapo ko no?" tanong nito.

-____-

"Ulol kumuha ka na nga lang ng libro ! Para maintindihan ko pa lalo." Tapos nagkibit balikat ito at tumayo na upang humanap pa ng libro.

Habang wala siya inilabas ko na ang letter ko at inipit sa libro niya.

Sana mabasa niya 'to mamaya.

----------------------

A/n:  Sorry for the long wait. Ngayon lang kami nagkaroon ng internet. Tsaka gawa ng typhoon Glenda. Hope you guys understand. Anyways, Four chapters to go :)

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

27.2K 2K 71
Ano ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at ma...
931K 45.4K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
12.8M 197K 48
The rumored curse of the 6th section is real, and the students of St. Venille High's current senior batch are paying for their ignorance with their l...