Chapter 13

4.2K 88 2
                                    

Chapter 13

Jeric's POV


Nandito parin kami ng barkada sa ospital. Nauna na umuwi sina Gayle at si Francis. Ang lamig dito pero sarado yung bintana . Tapos nataas yung mga balahibo ko. Di na nga bukas yung aircon dito eh.

"Guys uwi na tayo" Sabi sa amin ni Daniel. "Sige may gagawin pa ba kayo? " Tanong ni Nhice "Wala na. Pagabi na eh." Sagot ni Princess

"Tara" Sabi ko.

Nagdirediretsyo kami sa hallway papuntang elevator. Walang tao dito at buti nalang wala kami naramdamang kakaiba. Shete lang talaga, lagi nalang ako nakakaramdam ng kakaiba. Pati napapanaginipan ko yung batang babae. Ugh! It's giving me goose bumps.  Pwe! para kong bakla eh.

Nakababa narin kami dito sa elevator. "Let's walk "  Sabi sa amin ni Princess. Lahat kami na patingin sa kanya. "Why so serious? Magkakapit- bahay lang naman tayo eh at gusto kong makabonding naman kayo kahit papaano " Lahat naman kami pumayag.

Daniel's POV

Naglalakad na kami . Medyo malayo pa yung Village namin dito. Umuwi kasi kaagad si Francis at Gayle. Mas gusto kong sumabay sa kanila. Time Check : 6:26 pm. At padilim na. Walang katao tao. Ang tahimik.

*footsteps* Foot steps? Saan galing ? Tumigil ako. At lumingon sa likod. Walang tao. "Daniel? Something wrong? " Nagulat ako kasi bigla akong binulungan ni Princess. "Wala. Oo wala" Sabi ko. Awkward.

"Oh. Come nahuhuli na tayo." Hinawakan niya kamay ko. Tapos tumakbo kami. Bukas na ang street lights dahil madilim na malapit na kami sa bahay.

*footsteps* Ah-ah ayan nanaman

Tumalikod ulit ako pero wala talagang tao.Tapos humarap ako. At may nakita akong isang anino?

Sumusunod sa amin. Nakarating na kami sa bahay at sabay wave ng hands namin dahil magkakatapat lang naman bahay namin. Katabi kong bahay si Nhice then kaharap ng bahay ko yung bahay nila Jeric at kaharap ng kay nhice ay kila Princess na.

Napansin kong nawala yung shadow. Timecheck : 7: 24 pm pala ko nakauwi. kumain na kami ng kapatid kong si Angeli dahil nauna na daw kumain parents namin. Alam mo na? Masyadong busy sa works kaya ayun di ko na nakakasabay. Nagkwentuhan kami at di napansin na mga 8:58 na pala.

Naligo na ko. Lumabas ata ako sa banyo mga 9:16 pm na. Kaya ito, nagreview ako sa study table ko. Then narealize ko mga 11:11 pm na. Nag-unat ako at sumilip sa terrace. At,

May isang batang babae nakangiti. Nginitian ko rin siya.

*Blag ! Nagulat ako nahulog yung orasan ko. Basag ! Lumingon uli ako dun sa bata. Wala na siya. Pinulot ko yung orasan at ang oras na tumigil ay 11:11 pm . Tinawagan ko si Nhice. Sinabi ko ang nangyari. Sabi nya rin, ganun din ang nangyari, kaso lalake naman.

Nhice's POV

Nakauwi na ko dito sa house tapos kumain then nagreview ng lessons. Then nagfacebook ako, twitter, instagram at wattpad. After nun di ko namalayan ang oras. 11:11 pm na. Medyo kinilabutan ako. kasi di ba 11:11 namatay si Ma'am eh

*Tok * Tok May kumatok sa pinto namin. Lumabas ako sa terrace ko para tignan kung sino. Parang pamilyar siya sakin. S-Siya ba yung, oo s-siya nga. Ang batang lalaking nasa panaginip ko.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon