Chapter 21

3.3K 61 2
                                    


Chapter 21

Daniel's POV

Alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkakaganon sila Gayle at Francis. Pakiramdam ko nagseselos si Francis ng dahil sa akin pero hindi ako sigurado. Kaibigan ko lang naman si Gayle. Wala ng hihigit pa doon. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nagseselos. Yun nga lang si Francis mahal siya ni Gayle. Eh ako? Hindi naman ako mahal ng mahal ko.

"Pre, anong problema? Tungkol na naman ba kay Princess?" tanong sa akin ni Jeric.

Naalala niyo ba nung nagselos ako? Nagkamali ako noon. Walang namamagitan sa kanila ni Jeric. Kinuwento na ni Jeric sa akin lahat noong binabantayan namin si Gayle.

-FLASHBACK-

Binabantayan namin si Gayle na ngayo'y mahimbing na natutulog. Kasama ko si Jeric dahil kakauwi lang ni Princess. Naiinis ako, alam niyo yung parang out of place ka? Yung parang naligaw ka lang? Mabuti nalang kausap ko si Gayle kanina. Nakakainis. Mahirap mang aminin pero ang sweet nila kanina.

"Haay" Malakas kong pagbuntong hininga.

Napatingin sa akin bigla si Jeric. Hindi ko man ginusto pero parang ang init ng ulo ko sa kanya. Matagal na kaming magkaibigan. Simula pa nung pre-school hanggang ngayon. Mali siguro pero ito nararamdaman ko.

"Pre? May problema ba?" tanong niya sa akin.

"Wala" Matipid kong sagot.

Tumabi siya sa akin at saka ipinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Haaay nako Daniel. Kabisado na kita. Alam kong meron eh" tapos tinapik-tapik niya yung balikat ko. Tinanggal ko 'yun.

"Wala nga." sabi ko at umalis ako sa kinauupuan ko.

"Oy ano bang problema mo ha?" Sabi nito na medyo seryoso na. Tapos hinawakan niya muli ang balikat ko pero agad ko itong itinabig.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon