Chapter 36

1.6K 39 19
                                    


A/n: Sorry late update. Nagkasakit kasi ako. Short update lang po ito. Ngayon medyo maayos na pakiramdam ko kaya ako nakapagupdate. Enjoy!




----------




Chapter 36



Francis' POV



 Flashback



Kahit nanghihina ang aking katawan ay pinilit kong hanapin ang barkada. Hindi ko alam kung bakit ba ito nangyari sa amin. Nakikita ko na lang ang mga katawan ng mga kaklase at mga schoolmates ko na puro duguan. Ang iba nama'y wala ng buhay.




Hindi ko aakalain na mabubuhay rin ako. Sobrang taas ng pinaggalingan namin. Tinignan ko ang iba kung may buhay pa pero bigo ako. Pinunasan ko ang luha ko na dahan dahang tumutulo sa aking pisngi.




Nakita ko si Belle. Agad ko siyang pinuntahan. Tinignan ko ang kanyang pulso tumitibok pa ito. Nakita ko na unting-unti dumilat ang kanyang mga mata. "Belle" Tawag ko sa kanya.




 Tinulungan ko siyang makaupo. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. Mabuti na lamang at nandito siya.




"Mabuti at buhay ka." Sabi ko. Isinuklay niya ang kanang kamay sa kanyang buhok. "Anong nangyari?" Tanong niya. Hindi ako sumagot.




Iginala niya ang kanyang mata at nakita niya ang paligid. Nanlaki ang mga mata niya at napahawak siya sa kanyang bibig.




Tumayo ako at tinalikuran siya. Kailangan ko pa mahanap ang barkada.




"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. Lumingon ako sa kanya. "Hahanapin ko yung iba" sabi ko.



"Iba? Sino?" Tanong niya sa akin.




"Sina Gayle" Hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko. Parang nag-iba yung ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi na ito muli pang nagsalita kaya naman sinimulan ko na ang paghahanap sa barkada.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon