Chapter 24

2.4K 59 3
                                    

A/n:  Sorry for being inactive. Here's an update. 1 Chapter to goooooooo! -The moment of truth- hahaha. charot.

-------------------

"Ang tiwala ay maihahalintulad sa isang salamin. Sa oras na ito'y mabasag, mahirap na ulit ito buuin"

Chapter 24

Gayle's POV

Malapit na matapos ang klase namin ng biglang ipinatawag ang lahat ng teachers. Kaya naman busy ang lahat sa pagkopya ng notes habang si Nhice ang pinagsulat ni Ma'am sa blackboard.

Natigil si Nhice sa pagsulat sa pisara. "Nhice, tapos na?" Tanong nung isa kong classmate. "OoIpacheck na lang raw natin bukas sabi ni Ma'am" Kaya ang lahat kanya-kanya ng pagsauli ng notebook at ballpen sa bag. Yung iba nagpupulbo, nagsusuklay at nagpapabango na.

"Nhice o, kumopya ka na lang sa akin. Balik mo na lang bukas" Iniabot ko sa kanya yung notebook ko. "Asge salamat." Sabi niya. "Uh Gayle? Kamusta naman kayo ni Francis?" Natigil ako sa pagaayos ng bag. Ayoko nang marinig yung pangalan na 'yun.

"Hindi ko alam" Sabi ko na lang. "Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?" tanong niya. "Hindi pa at hindi na" Sabi ko. Kumunot naman ang noo nito.

"Anong ibig sabihin nun?" Hindi ko na lang sasagutin ang tanong niya. Ayoko ng maalala ang pangloloko na ginawa ng lalaking 'yun sa akin. "Uy" Pangungulit nito.

*Ringgggg

Mabuti na lang at nagbell na. Sinukbit ko na ang aking bag. Handa ng umalis ang mga kaklase ko ng pumasok si Ma'am Villianueva sa classroom.

"Class I have an important announcement" Sabi ni Ma'am. Umupo muna kaming lahat sa kanya-kanyang mga upuan at nakinig kay Ma'am. "Class, tuloy ang field trip niyo" Naghiyawan ang mga kaklase ko nang marininig ang announcement ni Ma'am.

"Next week siya gagawin kaya yung mga hindi pa nakapagbayad or yung sasama pa, magbayad kayo sa office. " Natuwa naman sila sa kanilang narinig. Pinasulat ni ma'am yung mga kailangang dalhin.

Ang sabi pa ni Ma'am,  malaki ang maidadagdag nito sa extra curricular activities ng mga students. Kailangan kong sumama para makabawi naman ako ng grades.

"Sasama ka Gayle?" Tanong sa akin ni Jeric.

"Oo" matipid kong sabi. Nagsiuwian na ang mga kaklase ko. Habang ako nandito pa rin sa classroom. Naalala kong cleaners nga pala ako. "Gayle, Una na kami ha?" Sabi nung kagrupo ko. "Sige ingat kayo" At umalis na sila.

Habang inaayos ko ang mga upuan, narindi ako bigla ng may parang kuko na kinikiskis sa pisara. Nagulat na lang ako ng may nakasulat doon na

'Huwag kang tutuloy'

Sa takot ko, kinuha ko agad ang bag ko at dali-daling umalis sa classroom. Wala ng tao sa hallway dahil uwian na nga. Kaya binilisan ko ang aking paglalakad.

'pssst'

'pssst'

May sumisitsit sa akin pero hindi ako lumilingon.

'Psssssst'

Lumakas bigla ang pagsitsit niya sa akin kaya napalingon ako sa likod pero wala namang tao. Pagkalingon ko bigla, nagulat ako nung may batang babae na duguan ang biglang bumulaga sa akin.

"Huwag kang tutuloy" Sabi nito.

Umalis ako doon at binilisan ang aking pagtakbo. "Ouch" Nagulat na lang ako nung may bigla akong nabangga. "Aray ko nama---- Gayle? Ayos ka lang?" Si Princess.

Niyakap ko siya agad. "Anong nangayari sa'yo?" Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "H-Halika na u-umuwi na tayo" Maluha-luha kong sabi at tumango na lang ito.

Ano bang nangyayari sa akin?

-----

A/n: Hi guys! :) Before ko ipost yung next chapter, gusto ko ulit iedit ng konti yung ibang chapters. Kaya wag po magtataka yung iba pag may nagiba ng konti haha. Ganun pa rin naman po ang plot. Feel free to comment your reactions. You can read my other story entitled 'Secrets of Last Summer' habang iniintay ang UD ko dito. :) That's all. God Bless!

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon