Chapter 1 - The Beginning

16.2K 283 21
                                    

Chapter 1



Gayle's POV




"Hoy Jeric akin na yung sapatos ko!"




"Ayoko nga hahaha habulin mo ko kung kaya mo Nhice"




"Ang gulo niyo ho!" sigaw ni Princess.




"Akin na Jeric pasa mo sa akin dali"




"Isa ka pa Daniel 'wag ka na maki gulo"




Nandito ako ngayon sa room namin. Recess na in five minutes. Ayun nagiingay sila Nhice, Daniel, Jeric at Princess. Napaka-gulo talaga ng apat na 'to. Buti nalang at wala kaming teacher ngayon.




Ako nga pala si Gayle, Gayle Smith. Simpleng dalaga at may simpleng buhay. Simpleng estudyante rin na may mataas na pangarap. Masaya ako kasama ng aking barkada, pamilya at isang napaka espesyal na tao sa akin.




"Yes! sa wakas na bawi ko rin." Sigaw ni Nhice nung mabawi niya ang sapatos niya. Natawa nalang kami.





*Riinggg * Ringgg  Tumunog na ang bell kaya naman kanya kanya na kaming ayos ng gamit namin upang magrecess na.





Ewan ko ba? Napakaweird ng feeling ko. Nilalamig ako na ewan. Pero tirik naman yung araw. Parang ewan e no? Pinagpapawisan ako ng malamig. Pilit kong inaalala kung may nakain ba akong kakaiba o hindi kaya'y ginawang nakakapagod. Pakiramdam ko kasi'y magkakasakit ako.





Pansamantala muna akong lumayo sa magugulong to. Pumunta agad akong school garden. Mag-isa lang akong umupo dun sa paburito kong tambayan sa ilalim nung puno ng narra. Kakaunti lang ang tao dito. Tahimik. Nung umihip bigla ang hangin, mas lalo akong nilamig.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon