Chapter 27

2.3K 46 3
                                    

Chapter 27






Francis' POV






Nandito kami sa isang stop over para kumain. Simple lang pero maganda yung lugar.






Bumaba kaming lahat para kumain. Medyo malayo pa raw kami sa pupuntahan namin.






"Wala na tayong mauupuan Francis. Tara na. " Sabi ni Isabel. Hinawakan nito yung kamay ko at hinila ako sa bakanteng table. Sakto namang nakita ni Gayle yung ginawa ni Isabel.






Nag-iwas na lang siya ng tingin. Putek lalo akong mahihirapan nito e. "Belle" Tawag ko sa kanya. "Bakit?" Nakangiti nitong tanong.






"Uhh." Nginuso ko yung kamay niyang nakahawak rin sa akin. "S-Sorry" Sabi niya sa akin.






Iginala ko ang mga mata ko para hanapin kung nasaan si Gayle. At nakita ko nga siyang kasama ang barkada. Gustong gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam kung ano yung pumipigil sa akin. Gusto kong ipaliwanag lahat sa kanya yung lahat ng nangyari pero siya na mismo ang lumalayo.





"Mukha kang ewan Francis. Nakasimangot ka na naman." Napalingon ako agad kay Isa.






"Ha? Hindi wala 'to. Kain na tayo." Tumango lang ito bilang pagsang-ayon. Inilabas ko yung packed lunch ko tapos nagsimula ng kumain. Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.





Halata sa kanya na mukha siyang stressed. Pero kahit ganun hindi pa rin siya nagbabago. Maganda pa rin talaga siya. Yung nagdaang araw na hindi ko siya nakikita, napakahirap. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero I must suffer the consequences. Ako rin naman yung pinagugatan ng lahat ng ito.

FIELD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon